BATANG 1000 (First 1000 Days)

PRENATAL VITAMINS: Anu-ano at para saan nga ba ito?

Batang 1000 -prenatal vitaminsAng pagkain ng tama at sapat ay mainam para sa mga nagbubuntis. Ngunit ang nutrisyon na dapat matanggap ay maaaring kulang kahit marami ang kinakain. Ang pag-inom ng prenatal vitamins ay makakadagdag ng nutrients na kinakailangan ng ating katawan lalo na sa panahon ng pagbubuntis.

Anu-ano nga ba ang mga prenatal vitamins na dapat inumin ng mga buntis?

Folic acid. Sa panahon ng pagbubuntis, importanteng may sapat na folic acid na matanggap ang isang babae. Ang folic acid ay nakatutulong para maka-iwas sa mga depekto sa utak at spinal cord ni baby. Kinakailangan din ito ng katawan upang gumawa ng red blood cells upang maiwasan ang isang klase ng anemia. Bukod pa rito, ito rin ay importante sa mabilis na paglago at produksyon ng mga cells para sa inyong placenta (inunan) at sa pagbuo kay baby.

Calcium. Ang calcium ay mahalaga din sa inyong pagbubuntis upang maging matibay ang buto ng nanay at ng sanggol. Kung kaya’y hinihikayat ang bawat buntis na uminom ng calcium upang patibayin ang mga buto.

Iron.   Ang iron ay ginagamit ng ating katawan para matustusan ang lumalaking sanggol at inunan, at para may karagdagang dugo si mommy at baby. Ito rin ay tumutulong sa pagpapalakas ng immune system ng mga mommy. Ang iron deficiency ay karaniwan rin sa mga nagbubuntis. Kung ang isang nagbubuntis ay may iron deficiency, maaaring maging sanhi ito ng preterm delivery (panganganak ng maaga) o low birth weight (mababang timbang sa paglabas ng sanggol).

Multivitamins.  Ang multivitamins ay nakatutulong sa pagpapalakas ng resistensya ng buntis para makaiwas sa sakit ang ina at sanggol.

Vitamin D. Ito ay tumutulong upang mapanatili ang tamang antas ng calcium at phosphorus na kinakailangan sa pagbuo ng buto at ngipin ng iyong sanggol. Ayon sa mga pag-aaral, ang vitamin D ay maaaring makatulong na makaiwas sa gestational diabetes, preterm delivery at mga impeksyon.

Ilan lamang ito sa mga dapat inumin ng mga buntis. Upang malaman pa ang mga supplements na makatutulong sa inyong pagbubuntis, komunsulta sa inyong medical providers (midwife o doktor).

 

Source:

http://www.webmd.com/vitamins-supplements/ingredientmono-1017-folic%20acid.aspx?activeingredientid=1017&

https://www.babycenter.com/0_folic-acid-why-you-need-it-before-and-during-pregnancy_476.bc

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK235217/

http://www.webmd.com/baby/are-you-getting-enough-iron

http://www.webmd.com/baby/news/20100504/high-doses-of-vitamin-d-may-cut-pregnancy-risk#1

http://americanpregnancy.org/pregnancy-health/vitamin-d-and-pregnancy/

https://www.babycenter.com/0_vitamin-d-in-your-pregnancy-diet_661.bc

BATANG 1000 (First 1000 Days)

Ang Dapat sa Bata: Supplements Para sa Ating Supling (0-12 months)  

 

Batang 1000 - baby vitamins

Ang gatas ng ina ay ang pinakamagandang pagkunan ng nutrients na maaaring matanggap ng isang bata (0-6 na buwan). Ngunit pagdating ng ika-6 na buwan, kailangan na rin mabigyan ng dagdag bitamina ang ating mga supling. Sa pagpili ng tamang vitamins, maaaring hanapin ang mga sumusunod:

Iron. Dahil ang iron sa dugo ni mommy ay nababawasan habang nagpapasuso kay baby, ang dagdag na iron ay kinakailangan upang magkaroon ng sapat na dugo at maiwasan ng ating supling ang iron-deficiency.

Vitamin A. Ang bitaminang ito ay importante sa pagpapaganda ng paningin at pagpapalakas ng buto ni baby. Bukod pa rito, ang bitaminang ito ay proteksyon laban sa mga impeksyon.

Zinc.  Ang zinc ay responsable sa pagbuo ng protina sa katawan ni baby na tumutulong sa mabilisang paggaling ng sugat, pagdevelop ng dugo, at pagpapalakas ng immune system.

Vitamin C. Ito ang bitaminang tumutulong sa pagpapaganda ng pag-absorb ng iron, paglaban sa mga impeksyon, paggawa ng protina na nakatutulong sa istraktura sa buto, muscle, dugo, at sa pagpapanatili na maging matibay ang ngipin at buto.

Vitamin B12. Ang vitamin B12 ay importante lalo na sa pananatiling malusog ang blood cells at sa nervous system ni baby.

Ilan lamang ito sa dapat nating hanapin sa mga vitamins ng ating supling. Tandaan, ang ating paediatrician ang eksperto pagdating sa kalusugan ng ating mga anak mula sanggol hanggang edad 18. Para sa mas kumpletong kaalaman ukol sa development at mga dapat ibigay kay baby, regular bumisita sa inyong paediatrician.

 

Photo source: http://www.freepik.com/free-vector/medicine-bottles_776528.htm

http://www.freepik.com/free-vector/infographic-template-design_1062202.htm

 

Source:

https://www.babycenter.com/0_vitamin-a-in-your-childs-diet_10324693.bc

http://www.who.int/elena/titles/vitamina_children/en/

https://wicworks.fns.usda.gov/wicworks/Topics/FG/Chapter1_NutritionalNeeds.pdf