#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: DIANNE QUINTOS COYOCA

Dianne 1

Mother:  Dianne Quintos Coyoca

Age: 26 years old

Bilang ng Anak:  Dalawa (2)

Baby:  Zoe Isabelle Coyoca

Birthday:  November 21, 2019


 

Q: Bakit mo napiling sa SafeBirth ulit manganak sa iyong pangalawang baby, kahit na lumipat ka na ng tirahan?

Kumportable na rin ako sa SafeBirth kasi alam ko na ang lugar, malinis ang facilities, mababait ang staff at kabisado ko na ang alaga nila.  Alam ko na rin na wala akong aalalahanin dahil kumpleto na sila sa gamit at hanggang sa pagproseso ng birth certificate, Newborn Hearing, Newborn Screening ay meron sila kaya sulit.

Kahit na taga Montalban na ako at mayroong mas malapit na lying in sa tinitirhan ko ay dinadayo ko pa rin ang SafeBirth.  Mas malayo na ang byahe lalo sa traffic ngayon. Pero nag-a-adjust si Ma’am Bern sa schedule ng check-up ko after office.  Madali siyang maka-text at flexible kung magpapalipat ako ng schedule, kaya walang naging problema kahit malayo na ako nakatira.

Dianne 3

Q: Paano nakatulong sa iyo ang Alagang SafeBirth?

Dianne 8A:  Nagbibigay sila ng praktikal na payo tungkol sa pagbubuntis at pag-aalaga ng baby.  Hindi pala dapat maniwala sa mga pamahiin o nakagawian tulad ng bigkis o paglalagay ng acete de manzanilla.  Ang mga payo nila ay mula sa experience at pag-aaral kaya panatag talaga ako. 

Malaking tulong rin na nakasama ako sa Batang 1000 Program para sa una kong baby.  Marami akong natutunan na do’s and don’ts pagdating sa nutrisyon, paano ang proper na pagpapaligo kay baby at talagang naenganyo kaming mag-breastfeed dahil sa mga benepisyo nito.  Dahil sa gatas ko lumaking malusog ang first baby ko na si Ken Caleb lalo na at may kasamang vitamins after 6 months.  Ngayon sa second baby ko na si Zoe Isabelle inuulit ko lang ang mga natutunan ko. Kahit hindi masyado naging successful sa latching kay Ken Caleb, ay na-a-apply ko pa rin ito sa ngayon at nakahakab naman si Zoe Isabelle. Sa katunayan ay nagdo-donate ako ng extra breastmilk ko.

Dianne 9

Q: Mairerekomenda mo ba ang Alagang SafeBirth sa ibang mga buntis?

Talagang proven at tested ko na ang SafeBirth.  Sulit ang bayad.  Malinis ang facility at panatag na manganganak ka ng maayos.  Maayos ang kanilang processing, at PhilHealth accredited kaya Malaki ang bawas sa gastos.

Dainne 4

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Joanne Calara

Mother:  Joanne S. Calara

Age: 29 years old

Bilang ng Anak:  Tatlo (3)

Baby:  Allanyze Acekiel Mirasol

Birthday:  November 12, 2019

Q: Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBirth at bakit mo dito napiling manganak?

A:  Nalaman ko ang tungkol sa SafeBirth dahil sa midwife kong si Jenny Earl.  Tinulungan ako ni Jenny Earl sa dalawang beses kong panganganak.  Sa una, siya ang nag-assist sa OB Gyne na nagpaanak sa akin.  Pagdating sa pangalawa, siya na mismo ang nagpaanak sa akin.  Kaya malaki talaga ang tiwala ko sa kaniya. Noong nabuntis ako sa pangatlong pagkakataon nalaman kong nasa SafeBirth na siya, kaya doon na rin ako nagpa-check up.  

Gusto ko talaga ang naging pag-aalaga niya sa akin.  Kahit na high blood ako noong pangalawa kong baby, na-manage niya at matiwasay akong nakapanganak ng normal delivery.

Q: Paano nakatulong sa iyo ang Alagang SafeBirth?

A:  Sobrang ganda ng alaga sa SafeBirth. Lahat ng nireseta ni Jenny Earl na prenatal vitamins ay talagang kalidad dahil galing sa Unilab, katulad ng Calciumade, Obimin at Hemarate FA.  Naramdaman kong nakatulong talaga ang vitamins sa pagbubuntis ko. 

Noong una gusto kong magtipid at hindi ko sana planong gumastos masyado para sa gamot. Pero dahil malaki ang tiwala ko kay Jenny Earl sinunod ko ang payo niya, at masaya ako na nagbunga naman. Palagay ko ito rin ang dahilan kung bakit lumabas ng malusog si baby.  Dahil inalagaan ko ang sarili ko sa vitamins, naging healthy rin si baby. Talagang ang taba ng pisngi niya paglabas!

Hindi rin nagkulang sa medical advice si Jenny Earl.  Kahit ang mga OB at Pedia ng SafeBirth ay nahingan ko rin ng payo.  Nakatulong silang lahat sa pag-manage ng high blood ko simula sa pagbubuntis hanggang sa breastfeeding.

Q: Mairerekomenda mo ba ang Alagang SafeBirth sa ibang mga buntis?

Nirerekomenda ko ang Safebirth sa ibang nanay dahil sobrang okay talaga ang naging experience ko.  Madaling magpa-schedule ng check-up sa SafeBirth.  Habang naghihintay sa clinic ay may mga libro ring makakatulong kay Mommy na maaaring basahin.

Mabait at talagang maasikaso ang mga nurse. Mula check-up hanggang sa panganganak ko ay hindi nila ako pinabayaan.  Sa delivery, sila ang nag-assist sa midwife at simula labor hanggang discharge ay tinutukan nila ako.

Malinis ang clinic at ang mga kuwarto. Sulit pa dahil nagamit ko ang PhilHealth maternity benefits ko bilang indigent, kaya maliit lang ang ibinayad ko para sa miscellaneous. Talagang naramdaman ko na sa Safebirth, alaga ka.

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Lormie Agamata-Campos

 

Mother:  Lormie Agamata-Campos

Age: 27 years old

Bilang ng Anak:  Dalawa (2)

Baby:  Daenerys Faustin Malorie Campos

Birthday:  July 18, 2019

Q:  Kamusta ang naging karanasan mo sa breastfeeding sa iyong unang anak?

A:  Na-CS (caesarean section) ako sa una kong anak na si Djoko. Unfortunately, hindi siya nakapag-latch o dumedede ng direkta sa akin.  Two and a half years ago nung pinanganak ko siya, hindi rooming in ang CS cases sa ospital na pinag-anakan ko.  Pagkatapos ng trial labor, at napagpasiyahan na hindi kaya ng normal delivery, medyo maraming epidural anesthesia ang ibinigay sa akin.  Kaya talagang groggy at tulog ako pagkatapos.  Sa loob ng 12 na oras nasa NICU si Djoko at nakahiwalay sa akin. Pinainom siya ng breastmilk pero gamit ang syringe at cup.  Nung nagising ako hindi nagla-latch si Djoko sa akin. Hanggang sa paglabas namin sa ospital at kahit sumangguni ako sa lactation consultant, ayaw pa rin ni Djoko mag-latch. 

Pero kahit ganun, nagpursige pa rin ako na breastmilk ang ipainom sa kaniya.  Buti na lang at may nagpahiram sa akin ng breast pump.  Alam ko kasi na importante ang breastmilk bilang immunization ni baby, at cost effective ito dahil mahal ang gatas. Dahil sa 12 hours na wala kaming skin-to-skin contact parang hindi nasanay si Djoko sa natural na amoy ko, na nakaapekto sa breastfeeding ko sa kaniya.        

Q:  Ano ang naging pagbabago sa iyong breastfeeding journey sa pangalawang anak mo na si Daenerys Faustin?

A:  Dahil sigurado na akong CS ulit para sa pangalawa kong anak, nagkaroon ako ng fear na mauulit ang nangyari noon. Naisip ko during recovery ay hindi ulit rooming in ang mangyayari sa amin ng anak ako. Nagulat ako na habang tinatahi ako, ay ipinatong agad sa akin ang anak ko para magkaroon ng skin-to-skin contact.  Parang nagkaroon na rin ng pagbabago sa protocol ng ospital para sa CS cases. Dahil rin siguro mas konti na ang epidural anethesia na inilagay sa akin at gising ako, hinayaan nilang nakapatong sa dibdib ko si baby habang tinatahi ako.  Hindi nila tinanggal hanggang naging successful ang latching niya sa akin.  Inalalayan pa siya ng Pedia sa pag-latch kaya naman naging madali ito sa kaniya.  Pagka-latch niya saka lang siya tinanggal para isagawa ang newborn care. 

Q:  Ano ang mahalagang mga aral na natutunan mo sa iyong breastfeeding journey?

A:  Sobrang natuwa ako kasi pagkatapos noon, ay hindi na ako nagkaroon ng kahit anong problema sa pagpapasuso kay Baby Faustin.  Sobrang eager niyang dumede sa akin at walang problema sa pag-hakab.  Siyempre dahil first time ko magpadede at makapagpa-latch ay masakit nung unang linggo. Pero tiniis ko at nakatulong ang pagpahid ng vigin coconut oil (VCO).  Talagang unlimited latch ako sa kaniya para tuloy tuloy ang production ko ng gatas.  Doon ko nakita ang pagkakaiba ng direct breastfeeding.  Talagang mas may bonding kami ni baby.  Parang in sync kahit mga katawan namin, kasi parang alam ng katawan ko kung gutom na ang baby ko.

Ganun pala talaga kaimportante ang EINC (Essential Intrapartum and Newborn Care) at magkaroon agad ng skin-to-skin contact si baby at mommy within the first few hours.  Kapag naipa-latch siya agad, yun na ang magiging natural sa kaniya at makakasanayan niya kaya mas magiging successful ang breastfeeding.

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

PAGBABASA NG LIBRO KAY BABY, MAGANDA ANG EPEKTO HANGGANG PAGLAKI

Hi Mommies! Alam niyo ba na ang pagbabasa ng mga kuwento sa inyong mga sanggol ay makakabuti sa kaniya?  Tama ang inyong nabasa, kahit hindi pa nakakapagsalita ang inyong anak ay maaari niyo na silang basahan ng libro. 

Kaugnay ng adbokasiya ng SafeBirth sa First 1000 Days (Batang 1000 Program), ang lahat ng pangayari sa unang yugto ng buhay ng isang bata ay may malaking epekto sa kalusugan niya hanggang pagtanda.   Ibig sabihin habang buhay ang magandang epekto nito.  Ayon sa mga pag-aaral narito ang mga benepisyo ng pagbabasa sa inyong sanggol:

ANG PAGBABASA KAY BABY AY MAGANDANG PARAAN NG BONDING

  • Ang bonding ni baby sa kaniyang magulang sa mga unang taon ay may magandang ang epekto sa brain development, na crucial at irreversible sa unang yugto ng buhay.  Ibig sabihin ay hindi na maibabalik ang pagkakataong ito kapag lumipas.
  • Ang pagbabasa ng libro ay isa sa mga aktibidad na maaaring gawing magkasama ng mga magulang at anak. Bukod sa pisikal na bonding, kapag kalong o buhat ang sanggol, natutuwa rin silang marinig ang boses ng mga magulang.

ANG PAGBABASA KAY BABY AY NAKAKATULONG SA LANGUAGE DEVELOPMENT AT EARLY LITERACY SKILLS

  • Kapag binasahan si baby mas mapapadali ang pagkatuto ang mga tunog at letra.
  • Nakakatulong sa pagkakaroon ng malawak na bokabularyo.
  • Nahahasa ang pakikinig.
  • Maging ang paghahawak ng libro, paglilipat ng mga pahina, at pagkatuto ng pangalan ng libro ay may magandang epekto.
  • Pagsimulang pag-intindi kung paaanong dumadaloy ang mga kuwento.

ANG PAGBABASA KAY BABY AY NAGHAHASA NG MGA KAKAYAHANG MAHALAGA SA PAGSISIMULA NG PORMAL NA PAG-AARAL

  • Napapainam ang kakayahang magbasa na mahalaga sa pagsisimula sa pre-school.
  • Nagpapa-angat ng motivation, curiosity at memory.
  • Nakakatulong sa stress at anxiety.
  • Nagpapalawak ng perspektibo dahil napapakilala ang mga bagay, lugar, atbp. na hindi pamilyar sa kanila.
  • Nagkakaroon ng positibong ugnayan sa mga libro at pagbabasa.

Simulang basahan si baby habang maaga! Para sa karagdagang impormasyon i-click ang link tungkol sa Reach Out and Read Philippines: https://papainc.org/programs.do?id=9950.

Para sa mga libro para kay baby, bumisita sa iba’t ibang bookstore o silipin ang link na ito: https://adarna.com.ph/collections/0-3-years-old

Source:  http://www.reachoutandread.org/our-story/importance-of-reading-aloud/

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Maria Cassandra Valdevieso

Cassandra 1

Mother:  Maria Cassandra Valdevieso

Age: 26 years old

Bilang ng Anak:  Isa (1)

Baby:  Kyra Zhane Valdevieso

Birthday:  Feb 20, 2019

 

Q:  Kamusta ang naging karanasan mo sa iyong unang pagbubuntis?

A:  Sa isang public hospital ako unang nagpa-check up.  Kinailangan ko mag-absent at talagang mahaba ang pila.  Nagkataong may bagong panganak na nakausap ko at nagulat ako na pinayuhan niya ako.  Ang sabi niya maghanap na lang ako ng ibang paanakan o lying in.  Sobrang dami raw ng pasyente sa ospital at halos hindi na sila maasikaso. Pagkatapos noon, sumubok ako magpa-check up sa ibang lying in.  Kaso hindi ako nakuntento sa kanilang check up. Parang kinuha lang nila ang BP ko, sinukat ang tiyan, tapos pababalikin lang ako sa sunod na schedule.  Walang detalye kung kamusta ang pagbubuntis ko, kamusta ang baby ko, may heartbeat ba siya o kung ano pa mang payo.  Nakukulangan ako.  Kaya sinubukan ko pa ring maghanap ng iba.

Cassandra collage

Q: Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBirth at bakit mo dito napiling manganak?

A:  Nag-search ako sa internet ng lying na malapit sa Commonwealth. Nakita ko ang SafeBirth Lying In sa Google tapos nagpunta na ako sa Facebook page nila.  Nagbasa ako ng reviews at parang okay naman kaya sinubukan ko magpa-prenatal check up noong January. Malinis at maayos ang clinic. Nagustuhan ko ang check up kasi masinsin.  Nagbigay ang OB ng detalye kung kamusta na ang lagay ni baby.  Approachable rin ang midwife at lahat ng staff.  Nagbibigay sila ng advice kung ano ba dapat ang gawin ng buntis.

Para sa akin na first time mommy importante ‘yung binibigyan ka ng guidance.  Kasi sabi nga nila sa panganganak ay inilalagay mo na ang isang paa mo sa hukay, kumbaga parang 50-50.  Isa ito sa mga delikadong stage ng buhay ng babae, at gusto mong maging sigurado na inaalagan ka at ang baby mo ng mabuti.

Cassandra collage 2

Q: Paano nakatulong sa iyo ang Alagang SafeBirth?

A:  Nag-decide ako na ituloy-tuloy na sa SafeBirth ang check up, hanggang sa nanganak ako kay Midwife Bernadette. Bilang working mom naging convenient sa akin ang schedule kasi nagtetext lang ako para magpa-appointment.  Hindi ko kailangan mag-absent sa trabaho dahil puwede kong isakto sa off ko ang check-up.  Bukod sa walang absent sa trabaho, nagamit ko pa ang Philhealth ko.  Nakakatuwa ang laki ng natipid ko.

Ngayon nagtatanong ang mga ka-opisina ko kung saan ako nanganak kasi ang mura raw at maayos.  Inirerekomenda ko ang SafeBirth sa kanila.  Kahit na lying in clinic ‘lang’ ito at hindi kasing laki ng ospital, kumpleto sila sa gamit, may midwife, may OB.  Panatag ka at walang kailangan ikatakot.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Ronalyn Guyo

Ronalyn Collage 1

Mother:  Ronalyn Guyo

Age: 21 years old

Bilang ng Anak:  Isa (1)

Baby:  Zacheus Garbriel Arcenal

Birthday:  Feb 20, 2019

 

Q:  Ano ang ginawa mong paghahanda sa iyong panganganak at ano ang naging karanasan mo sa paghahanap ng paanakan?

A:  Six months ako nung nagsimula ako mag-ipon sa alkansiya para sa panganganak ko.  Pati ang partner ko may sariling pag-iipon na sinimulan para sa mga check up at para na rin sa panganganak ko.  Kahit ang gamit para sa panganganganak at sa baby, naka-prepare na sa tulong ng nanay ko.  Sinikap talaga naming maging ready… Ang kulang na lang ay paanakan na sakto sa pangangailangan ko.

Noong una paiba-iba ako ng clinic, tapos nag-ospital rin ako. Gusto ko sa OB dahil first baby ko.  Iyong isang ospital sa San Juan, check up lang ang meron walang paanakan.  Kaya yung OB ko doon ni-refer ako sa isa pang OB sa Banawe, Quezon City.  Kaso nasa Php 20,000, wala pang PhilHealth.  Nagdalawang isip ako kasi bukod sa malayo at taga Mandaluyong ako, mahal, at wala pa silang newborn screening.  Gusto ko sana magamit ang PhilHealth ko dahil employed naman ako.  Nakarating pa ako sa lying in sa Sta. Ana Manila pero nasa Php 16,000 at walang PhilHealth.

Ronalyn collage 2

Q: Bakit mo napiling manganak sa SafeBirth? 

A:  Sakto namang lumabas ang SafeBirth sa Facebook feed ko. Nag-message ako, nasagot naman ng maayos ang tanong ko, at agad ring tumawag ang SafeBirth Tatalon clinic.  Nakikinig ang nanay ko nung kausap ko ang nurse sa telepono.  Mukhang maganda raw, kaya nagpa-schedule na ako. Noong una ay nag-Grab pa ako mula Mandaluyong hanggang SafeBirth Tatalon.  Napakamasayahin ni Dr. Vannie Pasigon, at lahat ng advice niya para sa unang pagbubuntis sinunod ko at naging okay naman.  Sobrang maasikaso rin ang mga nurse at midwife.  Matanong kasi ako, pero lahat sinasagot nila.  Nakakampante ako dahil sa mga advice nila.

Q:  Kamusta ang naging panganganak mo at ano ang nagustuhan mo sa Alagang SafeBirth?

Ronalyn 1A:  Naging maayos naman ang pagle-labor ko.  Nakapag-commute pa nga ako mula Mandaluyong hanggang Tatalon para matagtag.  Lahat ng nurses at staff tinutulungan ako at nakaantabay habang hinhintay ang OB.  Naging matiwasay ang delivery, at doon ko pa nga binuksan ang alkansiya ko na nasa Php 13,000 ang naipon.  Dahil mas mababa ang bill at naghati kami ng partner ko sa gastos, marami pang natira para ipambili ng pagakain ko at mga gamit para sa baby.  Natuwa rin ako kasi kumpleto ang lying in at may Pedia pa pagkatapos.  Binigyan rin ako ng SafeBirth ng guide para sa breastfeeding.  Nahirapan ako nung unang araw, pero nagpayo sila kung ano ang dapat gawin.  Ngayon wala ako ng problema at tuloy tuloy ang breastfeeding.

Na-appreciate ko talaga ang SafeBirth.  Afford ang mga pangangailangan ko, sulit at kumpletong lying in.  Inirekomenda ko ang SafeBirth sa mga kaibigan at officemates ko na taga Quezon City o kahit taga Mandaluyong pa.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Kristina Tatad-Gubantes

tina 6

Mother:  Kristina Tatad-Gubantes

Age: 32 years old

Bilang ng Anak:  Dalawa (2)

Baby:  Kalila Zerah Gubantes

Birthday:  June 26, 2018

 

Q:  Bakit mo napiling sa SafeBirth manganak para sa pangalawa mong baby?

A:  Malaking bagay na kakilala ko na ang mga doktor, midwives at nurses sa SafeBirth.  Alam ko na kung paano sila magtrabaho at mag-alaga.  Kay Dr. Genevieve Astrologio ako nagpaalaga.  Alam kong magaling talaga siya.  Kahit may problema ako sa hemoglobin nung umpisa, alam kong kayang kaya i-handle ng OB sa SafeBirth. Kayang i-monitor at i-assess ng doktor bago manganak kung puwede pa rin ako manganak ng normal sa lying-in, o kung dapat ba ay sa ospital kung magiging high risk o CS.

tina 5

Iba kasi talaga yung kakilala mo na.  Kabisado ko na kung ano ang kalidad ng serbisyo.  Alam ko rin na hindi sila madaling mataranta at mabilis kumilos.  Malaking bagay kasi sa nanay na nanganganak kapag makikita mong toxic o taranta rin ang mga magha-handle sa’yo.  Sa ospital, hindi ko kakilala ang mga nurse o staff na magha-handle.  Alam kong sanay ang SafeBirth staff. Hospital quality care pero at home ako sa mga kasama ko at sa clinic mismo.

Q:  Bukod sa staff, bakit naging panatag ka manganak SafeBirth?

tina 3A:  Sa SafeBirth kasi, mas maaliwalas talaga.  Hindi dagsa ang mga tao.  Dahil lying in, hindi ganun karami ang nanganganak ng sabay sabay.  Sa ospital kasi, lalo sa public, minsan may maabutan ka nang beds o stretcher sa hallway.  Minsan kahit mag-private room ka pa ay may ka-share ka pa rin sa room, at buo pa rin ang bayad mo.  Dahil hindi rin ganun karami, mas tutok at mas naaalagaan rin talaga ang mga mommies.  Kapag marami kasi sa ospital, hindi na naibibigay lahat ng request o kailangan ng pasyente dahil hati ang atensiyon.

Q:  Bilang nurse at ina, mairerekomenda mo ba ang Alagang SafeBirth sa iba?

A:  Bilang nurse, iba talaga ang kalidad ng SafeBirth kumpara sa ibang lying in.  Lalo na sa kalinisan, masinsin ang proseso.  Gumagamit ng autoclave tulad sa ospital.  May mga standards na sinusunod.  Bilang ina, makakampante ka sa Alagang SafeBirth.  Skilled at approachable ang staff.  Kahit kailan puwede mong tanungin kapag may kailangan , at hindi ka pababayaan.

tina collage

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Aiza Verde

Aiza 4

 

Mother:  Aiza Verde

Edad: 28 yo

Bilang ng Anak:  Isa (1)

Baby:  Terrence John Alegado

Birthday:  January 9, 2018

 

 

 

 

Q:  Bakit mo napiling sa SafeBirth manganak? 

A:  Noong first hanggang mga seventh to eight month ko, sa ibang clinics ako nagpapacheck.  Tapos nitong huli sa iba pang lying in na malapit sa SafeBirth Novaliches.  Ang problema, hindi sila PhilHealth accredited kaya naghahanap pa rin ako ng ibang clinic.  Buti na lang lumabas ang SafeBirth sa Facebook feed ko.  Nung binasa ko ang comments at mga reviews sa Facebook, naenganyo ako at mukhang okay.  Nagmessage ako agad sa Facebook at pinadalhan ako agad through text ng schedule.

Pero bago pa ako magkapagpa-check up, humilab ang tiyan ko isang gabi.  Akala ko manganganak na ako kaya pumunta pa rin ako sa clinic na una kong pinagpapa-check upan.  Madaling araw na halos noon.  Pagdating ko sarado sila at walang katao-tao!  Buti na lang katabi lang halos ang SafeBirth Novaliches at bukas ito 24 hours!  Tinulungan ako ni Nurse Venus at doon ko nalaman na false alarm lang pala.  Kinabukasan bumalik na ako for check up sa kanilang OB Gyne.

 

Aiza 7

Mommy Aiza, Baby Terrence and Nurse Jet

Q: Ano ang naging karanasan mo SafeBirth

 

A:  Ibang iba ang naging karanasan ko sa SafeBirth.  Mabilis ang kanilang response kapag may tinatanong ako kahit sa text lang.  Sobrang okay at mababait ang mga nurse.  Kapag magpapa-check up ako sa iba kailangan ko pa tumawag muna at minsan hindi sinasagot.  Kapag pumunta pa ako sa ibang clinic dati, ang daming tanong at may kasungitan ang mga sekretarya o staff.  Sa SafeBirth, sa Facebook o text lang nakapagpa-schedule na ako.

Sobrang mahusay at mabait rin ang naging OB ko.  Sabi niya mag-antabay dahil within 1 week baka manganak na ako.  Matapos nga aang ilang araw nag-labor ako.  Naging maasikaso sila, maya’t may mino-monitor ako.  Si Nurse Jet naman panay ang asikaso sa akin nung nanganak ako.  Hinikayat rin ako sa exclusive breastfeeding at hanggang ngayon tuloy ang Pedia check up ang anak ko.

Aiza 1

Safe delivery for Baby Terrence

 

Q:  Mairerekomenda mo ba ang SafeBirth sa ibang ina?

A:  Ikinukuwento ko nga sa iba kong kakilala ang SafeBirth.  Lying in lang ito at hindi kasinglaki ng ospital pero maganda ang facility at mababait ang staff.  Philhealth accredited na, kumpleto at wala nang kailangang asikasuhin pa!

 

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Kristchelle Cabrera

K8Mother:  Kristchelle Cabrera

Edad: 28 yo

Bilang ng Anak:  Tatlo (3)

Baby:  Mira Ashiya Cielo San Jose Cabrera

Birthday:  December 30, 2017

 

 

 

 

Q:  Bakit mo napiling sa private lying in clinic manganak? 

A:  Sa isang public hospital sa Manila ako unang nanganak.  Medyo mahirap, tapos kahit papaano gagastos ka pa rin para sa pamasahe.  Sa pangalawang anak ko sumubok ako sa lying in.  Nakita ko na mas alaga, at mas convenient sa oras. Kung gagastos ka rin naman sa public, e ‘di sa private lying in na kung halos once a month lang ang check-up. Nakunan ako sa dapat ay pangatlong baby ko kaya ayoko sana muna mag-baby ulit.  Pero iba ang plano ni Lord at nabuntis ulit ako noong nakalipat na kami sa Novaliches.  Nag check-up ako sa mas malapit na lying in kaso mukhang haunted house, hindi ko nagustuhan.  Nagpunta ang asawa ko sa SafeBirth para mag-inquire kung magkano.  Sa unang punta pa lang mukhang malinis, sterile at maaliwalas.  Kaya nagdesisyon kami na sa SafeBirth na magpunta.

Q: Ano ang naging karanasan mo sa Safebirth sa iyong pagbubuntis?

K2

Mommy Kristchelle with Midwife Elvie and Nurse Venus

 

A:  Ang mga tao sa SafeBirth parang nagiging pamilya mo na rin.  Mag-text ka lang kahit anong oras magrereply agad sila.  Sa iba kasi pupunta ka pa sa clinic para malaman ang schedule nila, sa SafeBirth magte-text ka lang.  Tapos hindi maraming tao ang kailangan kausapin, tutok sila sa’yo. Napaka-approachable nila, at home ako.  Noong nag-3 cm ako, maya’t maya ang kamusta nila sa akin, talagang feeling ko special ako.  Bawas stress, hindi katulad sa public parang pupunta ka lang para umire.

Q: Bakit itinuturing niyong miracle baby itong si Baby Ashiya?

A:  Noong nanganak ako ako nagkaroon ng cord coil kung saan nakapulupot ang umbilical cord sa leeg ni baby paglabas.  Mabilis at attentive agad ang midwife at nurse, pinutol agad ang pusod at hindi nila iniwan ang bata. Noong una kalma pa ako at kinakausap si baby, pero noong nangingitim na siya nag-flashback sa akin noong nakunan ako.  Kakulay na niya yung baby ko noon. Itim na siya, kaya naiiyak na ako.  Sabi ko sa sarili ko mauulit ba talaga na mawalan ako ng baby. Patuloy lang ang staff sa pagtutok kay baby. Gumamit ng suction, ambubag, oxygen.  2:17 PM siya lumabas, at finally 2:20 ay umiyak na.  Tuwang tuwa ako! Buti na lang hindi nataranta ang staff.  Buti rin at may Pedia agad. Nacheck-up si Baby Ashiya at malusog naman raw siya.  Ang saya ko, parang nagtulong-tulong talaga lahat para mabuhay siya.  Kaya Mira Ashiya ang pangalan niya kasi miracle.

Kristechelle collage

Happy family sa pagdating ni Baby Ashiya bago mag-bagong taon

 

Q:  Mairerekomenda mo ba ang SafeBirth sa ibang ina?

A:  Sobra talaga ang pasasalamat ko na sa SafeBirth ako nanganak.  Talagang tutok ang alaga, at pakiramdam mo special ka.  Napakasuwerte naming na sa SafeBirth ‘yon nangyari, kasi kung sa ibang clinic o facility siguro kami nadatnan ng ganun hindi ko lang alam kung nasaan kami ni baby ngayon.

Kristchelle collage 2

Baby Ashiya: SafeBirth Miracle Baby

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.