#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Kristina Mara Lucero

Kris 2

 

 

Mother:  Kristina Mara Lucero

Age: 22 years old

Bilang ng Anak:  Isa (1)

Baby:  Kirxein Liarael Mari Sanchez

Birthday:  March 28, 2020

 

 

 

 

Q: Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBIrth at bakit mo napili dito manganak?

Kris 1May mga katrabaho akong nagsabi na subukan ko raw maghanap ng lying in dahil mas maaalagaan raw ako kumpara  sa ospital.  Kaya sinubukan kong maghanap ng lying in.  Nadadaanan ko ang SafeBirth papunta at pauwi sa trabaho, kaya sinubukan kong mag-walk in.  Nag-inquire ako at napaka accommodating ng staff!  Na-tour ako sa clinic, at napansin kong kahit hindi kalakihan ang facility ay malinis, maayos, at talagang well-prepared ang mga gamit.  Naisip ko okay dito, kaya nagsimula ako magpa check-up sa kanilang OBGyne.

Mula first hanggang second trimester ay sa OBGyne sa ospital ako nagpa-pacheck up.  Okay naman ang naging karanasan ko sa ospital, pero napansin ko na mas engaged at tutok talaga ang alaga ng midwives, OBGynes at nurses sa Safebirth.  Kung ikukumpara rin ang presyo, malaki ang matitipid.  Pagdating sa proximity, ay mas malapit siya sa tirahan ko.  Kaya talagang mas maraming pros o benepisyo kung sa SafeBirth ako manganganak.

 

Q: Paano nakatulong sa iyo ang Alagang SafeBirth sa iyong pagbubuntis?

A:  Nag-alala ako dahil mababa ang dugo ko ayon sa mga laboratory results.  Hindi rin nagkulang sa payo ang OBGyne ng SafeBirth at niresetahan niya ako ng mga makapagpapataas ng aking dugo.  Pero nagbigay na sila ng paalaala na kapag hindi naging okay ang dugo ko kapag manganganak na ako, ay kailangan akong dalhin sa ospital kasi mataas ang risk kung ipagpapatuloy sa lying in ang panganganak ko.  Talagang ginawa ko ang lahat ng payo, kasi gustong gusto ko sa SafeBirth manganak.

Kris 8

 

Q:  Sa gitna ng banta ng Covid-19, ano ang naramdaman mo at sumabay ito sa panahon ng iyong panganganak?

Kris 3A:  Lalo akong nag-alala dahil tumindi ang banta ng Covid-19.  Lalo kong ayaw manganak sa ospital. Bukod sa ang hirap maghanap ng masasakyan, baka sa ospital pa kami mahawa ni baby ng Covid-19.  Natatakot ako dahil alam kong sa ospital naka-admit ang mga PUI (Persons Under Investigation), hindi tulad sa Safebirth na limitado lang ang pumapasok.  Nakita ko ang kanilang pagresponde sa tumataas na banta ng Covid-19.  Tuwing may check-up ako maya’t maya ang pag-sanitize nila, at ang bisita ay limitado lang sa isa.  Nasaksihan ko ang kanilang mga protocol, kaya mas napanatag akong sa SafeBirth manganak.

Sa awa ng Diyos naging normal ang dugo ko noong kabuwanan ko.  Hindi ko pa inaasahan noong una na magle-labor na pala ako, pero buti na lang at ina-update ko sila kaya nagtulong-tulong ang staff para tumawag ng OBGyne na magpapaanak sa akin.  Sobrang galing nila at naging smooth ang delivery ko!  Wala akong kahit anong naramdaman pagkatapos.  May kasabayan akong nanganak pero nakita ko na kung ano ang alaga nila sa akin at kay baby, ay ganun rin ang alaga nila sa kasabayan kong nanganak.

Sobrang thankful ko sa SafeBirth at sa kabila ng hindi kasiguraduhan at banta ng Covid-19 ay safe kami ni baby!

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Joanne Calara

Mother:  Joanne S. Calara

Age: 29 years old

Bilang ng Anak:  Tatlo (3)

Baby:  Allanyze Acekiel Mirasol

Birthday:  November 12, 2019

Q: Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBirth at bakit mo dito napiling manganak?

A:  Nalaman ko ang tungkol sa SafeBirth dahil sa midwife kong si Jenny Earl.  Tinulungan ako ni Jenny Earl sa dalawang beses kong panganganak.  Sa una, siya ang nag-assist sa OB Gyne na nagpaanak sa akin.  Pagdating sa pangalawa, siya na mismo ang nagpaanak sa akin.  Kaya malaki talaga ang tiwala ko sa kaniya. Noong nabuntis ako sa pangatlong pagkakataon nalaman kong nasa SafeBirth na siya, kaya doon na rin ako nagpa-check up.  

Gusto ko talaga ang naging pag-aalaga niya sa akin.  Kahit na high blood ako noong pangalawa kong baby, na-manage niya at matiwasay akong nakapanganak ng normal delivery.

Q: Paano nakatulong sa iyo ang Alagang SafeBirth?

A:  Sobrang ganda ng alaga sa SafeBirth. Lahat ng nireseta ni Jenny Earl na prenatal vitamins ay talagang kalidad dahil galing sa Unilab, katulad ng Calciumade, Obimin at Hemarate FA.  Naramdaman kong nakatulong talaga ang vitamins sa pagbubuntis ko. 

Noong una gusto kong magtipid at hindi ko sana planong gumastos masyado para sa gamot. Pero dahil malaki ang tiwala ko kay Jenny Earl sinunod ko ang payo niya, at masaya ako na nagbunga naman. Palagay ko ito rin ang dahilan kung bakit lumabas ng malusog si baby.  Dahil inalagaan ko ang sarili ko sa vitamins, naging healthy rin si baby. Talagang ang taba ng pisngi niya paglabas!

Hindi rin nagkulang sa medical advice si Jenny Earl.  Kahit ang mga OB at Pedia ng SafeBirth ay nahingan ko rin ng payo.  Nakatulong silang lahat sa pag-manage ng high blood ko simula sa pagbubuntis hanggang sa breastfeeding.

Q: Mairerekomenda mo ba ang Alagang SafeBirth sa ibang mga buntis?

Nirerekomenda ko ang Safebirth sa ibang nanay dahil sobrang okay talaga ang naging experience ko.  Madaling magpa-schedule ng check-up sa SafeBirth.  Habang naghihintay sa clinic ay may mga libro ring makakatulong kay Mommy na maaaring basahin.

Mabait at talagang maasikaso ang mga nurse. Mula check-up hanggang sa panganganak ko ay hindi nila ako pinabayaan.  Sa delivery, sila ang nag-assist sa midwife at simula labor hanggang discharge ay tinutukan nila ako.

Malinis ang clinic at ang mga kuwarto. Sulit pa dahil nagamit ko ang PhilHealth maternity benefits ko bilang indigent, kaya maliit lang ang ibinayad ko para sa miscellaneous. Talagang naramdaman ko na sa Safebirth, alaga ka.

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Leslie G. Esteban

Leslie 1

Mother:  Leslie G. Esteban

Age: 21 years old

Bilang ng Anak:  Dalawa (2)

Baby:  Keslie Kyle Watanabe

Birthday:  June 3, 2019

Q:  Kamusta ang naging karanasan mo sa iyong pagbubuntis at bakit mo napili ang SafeBirth?

A:  Sa isang private lying-in sa Pampanga ako nanganak noong April 2015, pero sa barangay health center ako nagpapacheck-up noon.  Naging masipag ako sa prenatal check-up dahil natatakot ako magkaroon ng komplikasyon sa unang baby ko.  Buti naman at naging maayos ang lahat.  Ngayong 2019 nasa Quezon City na kami at tulad ng dati sa barangay health center ako nagsimulang magpacheck up. Takot talaga ako sa ospital at parang mas kampante ako sa lying-in. Pagdating ng 3rd trimester ko ay nagpunta na ako sa SafeBirth para magpacheck-up.  Sa una pa lang, panatag na ako sa SafeBirth dahil nirekomenda ito ng kaibigan ko, at maging ang isa kong kamag-anak na 5 years old na ang anak ngayon ay dito nanganak.  Sabi nila safe talaga, at talagang andiyan ang mga staff para gabayan ka.  Kaya sa simula pa lang may tiwala na ako sa SafeBirth.

Leslie collage

Q: Paano mo naramdaman ang Alagang SafeBirth?

A:  Napanatag agad ang loob ko kay Midwife Malou kasi talagang maasikaso siya.  Ginabayan niya ako sa pagkumpleto ng mga kulang ko pang laboratory para maging maayos ang panganganak ko.  Mabait rin ang SafeBirth staff at maasikaso.  Sa pagbisita ko hindi ako pumila ng matagal, maayos, malinis at may sistema ang clinic.  Higit sa lahat tinulungan nila ako sa PhilHealth ko.  Kaya ako sa center nagpapacheck up siyempre para kahit papaano ay makatipid.  Dahil sa PhilHealth, malaki ang namenos ko sa gastos.  Wala kasi akong PhilHealth dati kaya nasa Php 6,000 ang nagastos ko sa Pampanga.  Dahil sa tulong  ng SafeBirth sa pagkuha ng PhilHealth, nasa Php 1400 lang ang kabuuan kong gastos ngayon! Maganda talaga ang karanasan ko sa SafeBirth. Sana masubukan rin ng ibang ina.

REACH OUT AND READ (ROR)

Hi Mommies! Alam niyo ba na ang pagbabasa ng mga kuwento sa inyong sanggol ay makakabuti sa kaniya?  Tama ang inyong nabasa, kahit hindi pa nakakapagsalita ang inyong anak ay maaari niyo na siyang basahan ng libro.

Kaugnay ng adbokasiya ng SafeBirth sa First 1000 Days (Batang 1000 Program), ang lahat ng pangayari sa unang yugto ng buhay ng isang bata ay may malaking epekto sa pangkabuuang kalusugan niya habang buhay.  Narito ang mga benepisyo ng pagbabasa sa inyong sanggol:

  • Maganda ang epekto sa brain development, na crucial at irreversible sa unang yugto ng buhay. Ibig sabihin ay hindi na maibabalik ang pagkakataong ito kapag lumipas.
  • Napagbubuti ang bonding ni baby at mommy o daddy. Kahit maliliit na sanggol ay natutuwang marinig ang boses ng mga magulang.
  • Nakakatulong sa language development at early literacy skills. Kapag binasahan si baby mas mapapadali ang pagkatuto ng mga tunog at letra, ang pagkakaroon ng malawak na bokabularyo, at nahahasa ang pakikinig.
  • Napapainam ang kakayahang magbasa na mahalaga sa pagsisimula sa pre-school.

Simulang basahan si baby habang maaga! Para sa karagdagang impormasyon i-click ang link tungkol sa Reach Out and Read Philippines: https://papainc.org/programs.do?id=9950.

Source:  http://www.reachoutandread.org/our-story/importance-of-reading-aloud/

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Ronalyn Guyo

Ronalyn Collage 1

Mother:  Ronalyn Guyo

Age: 21 years old

Bilang ng Anak:  Isa (1)

Baby:  Zacheus Garbriel Arcenal

Birthday:  Feb 20, 2019

 

Q:  Ano ang ginawa mong paghahanda sa iyong panganganak at ano ang naging karanasan mo sa paghahanap ng paanakan?

A:  Six months ako nung nagsimula ako mag-ipon sa alkansiya para sa panganganak ko.  Pati ang partner ko may sariling pag-iipon na sinimulan para sa mga check up at para na rin sa panganganak ko.  Kahit ang gamit para sa panganganganak at sa baby, naka-prepare na sa tulong ng nanay ko.  Sinikap talaga naming maging ready… Ang kulang na lang ay paanakan na sakto sa pangangailangan ko.

Noong una paiba-iba ako ng clinic, tapos nag-ospital rin ako. Gusto ko sa OB dahil first baby ko.  Iyong isang ospital sa San Juan, check up lang ang meron walang paanakan.  Kaya yung OB ko doon ni-refer ako sa isa pang OB sa Banawe, Quezon City.  Kaso nasa Php 20,000, wala pang PhilHealth.  Nagdalawang isip ako kasi bukod sa malayo at taga Mandaluyong ako, mahal, at wala pa silang newborn screening.  Gusto ko sana magamit ang PhilHealth ko dahil employed naman ako.  Nakarating pa ako sa lying in sa Sta. Ana Manila pero nasa Php 16,000 at walang PhilHealth.

Ronalyn collage 2

Q: Bakit mo napiling manganak sa SafeBirth? 

A:  Sakto namang lumabas ang SafeBirth sa Facebook feed ko. Nag-message ako, nasagot naman ng maayos ang tanong ko, at agad ring tumawag ang SafeBirth Tatalon clinic.  Nakikinig ang nanay ko nung kausap ko ang nurse sa telepono.  Mukhang maganda raw, kaya nagpa-schedule na ako. Noong una ay nag-Grab pa ako mula Mandaluyong hanggang SafeBirth Tatalon.  Napakamasayahin ni Dr. Vannie Pasigon, at lahat ng advice niya para sa unang pagbubuntis sinunod ko at naging okay naman.  Sobrang maasikaso rin ang mga nurse at midwife.  Matanong kasi ako, pero lahat sinasagot nila.  Nakakampante ako dahil sa mga advice nila.

Q:  Kamusta ang naging panganganak mo at ano ang nagustuhan mo sa Alagang SafeBirth?

Ronalyn 1A:  Naging maayos naman ang pagle-labor ko.  Nakapag-commute pa nga ako mula Mandaluyong hanggang Tatalon para matagtag.  Lahat ng nurses at staff tinutulungan ako at nakaantabay habang hinhintay ang OB.  Naging matiwasay ang delivery, at doon ko pa nga binuksan ang alkansiya ko na nasa Php 13,000 ang naipon.  Dahil mas mababa ang bill at naghati kami ng partner ko sa gastos, marami pang natira para ipambili ng pagakain ko at mga gamit para sa baby.  Natuwa rin ako kasi kumpleto ang lying in at may Pedia pa pagkatapos.  Binigyan rin ako ng SafeBirth ng guide para sa breastfeeding.  Nahirapan ako nung unang araw, pero nagpayo sila kung ano ang dapat gawin.  Ngayon wala ako ng problema at tuloy tuloy ang breastfeeding.

Na-appreciate ko talaga ang SafeBirth.  Afford ang mga pangangailangan ko, sulit at kumpletong lying in.  Inirekomenda ko ang SafeBirth sa mga kaibigan at officemates ko na taga Quezon City o kahit taga Mandaluyong pa.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Sharmaine Garcia

Shar 1

Mother:  Sharmaine Garcia

Age: 25 years old

Bilang ng Anak:  Dalawa (2)

Baby:  Safirah Trixie Diño

Birthday:  Feb 20, 2019

 

Q:  Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBirth?

A:  Noong nalaman ko na buntis ako sa pangalawa kong baby naghanap na ako kung saan ako puweeng manganak.  Nirekomenda ang SafeBirth ng kumare ko, doon kasi siya nanganak.  Sabi niya maayos, maganda at mabait ang mga nurse.  Saktong malapit lang rin ang SafeBirth Novaliches sa amin dahil taga Doña Rosario lang naman kami.

Shar 3

 

Q: Kamusta ang unang pag-bisita mo sa SafeBirth? 

A:  Two months na ako noong unang check-up ko sa SafeBirth.  Inasikaso naman agad ako at ipinaliwanag lahat ng mga mababait na nurse.  Pinapili ako kung OB o midwife, at dahil second baby ko na naman nag-midwife ako.  Mabait naman si Midwife Elvie.  Noong una wala akong Philhealth.  Pinayuhan nila akong kumuha ng indigency para makapag-apply ako ng PhilHealth. Magagamit ko pala ito sa laboratories, check-up hanggang panganganak.  Malaking bagay ito sa akin, dahil makakatulong talaga kung makakamenos sa bill.

 

 

Q: Paano niyo naramdaman ang Alagang SafeBirth at dito mo napiling manganak?

Shar 2A:  Sobrang maayos talaga lahat sa SafeBirth, simula check-up hanggang panganganak.  Malinis rin talaga.  Sa unang baby ko kasi sa public hospital ako.  Iba-iba ang nagche-check up at talagang napakahaba ng pila.  Sa SafeBirth iisa lang ang nag-alaga sa akin simula check-up hanggang panganganak.  Kapag isa lang ang tumitingin, mas tiwala na ako dahil alam na niya ang kalagayan naming ni baby sa simula pa lang.

Pag dating naman sa presyo, napakasulit rin.  Medyo maging kumplikado kasi ang una kong panganganak dahil may UTI akoat nagong premature. Kahit public hospital umabot ng Php 8,000 ang bill naming. Sa SafeBirth masuwerteng normal ang delivery ko, dahil natutukan naman ako ng alaga. Nasa Php 2,500 lang kinailangan kong bayaran para sa gastos na hindi sakop ng PhilHealth.  Malaking diperensya kaysa sa una, at mas maganda pa ang serbisyo.

Para sa ibang buntis, irerekomenda kong sa SafeBirth na sila, kasi siguradong maayos silang maaasikaso.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Kristina Tatad-Gubantes

tina 6

Mother:  Kristina Tatad-Gubantes

Age: 32 years old

Bilang ng Anak:  Dalawa (2)

Baby:  Kalila Zerah Gubantes

Birthday:  June 26, 2018

 

Q:  Bakit mo napiling sa SafeBirth manganak para sa pangalawa mong baby?

A:  Malaking bagay na kakilala ko na ang mga doktor, midwives at nurses sa SafeBirth.  Alam ko na kung paano sila magtrabaho at mag-alaga.  Kay Dr. Genevieve Astrologio ako nagpaalaga.  Alam kong magaling talaga siya.  Kahit may problema ako sa hemoglobin nung umpisa, alam kong kayang kaya i-handle ng OB sa SafeBirth. Kayang i-monitor at i-assess ng doktor bago manganak kung puwede pa rin ako manganak ng normal sa lying-in, o kung dapat ba ay sa ospital kung magiging high risk o CS.

tina 5

Iba kasi talaga yung kakilala mo na.  Kabisado ko na kung ano ang kalidad ng serbisyo.  Alam ko rin na hindi sila madaling mataranta at mabilis kumilos.  Malaking bagay kasi sa nanay na nanganganak kapag makikita mong toxic o taranta rin ang mga magha-handle sa’yo.  Sa ospital, hindi ko kakilala ang mga nurse o staff na magha-handle.  Alam kong sanay ang SafeBirth staff. Hospital quality care pero at home ako sa mga kasama ko at sa clinic mismo.

Q:  Bukod sa staff, bakit naging panatag ka manganak SafeBirth?

tina 3A:  Sa SafeBirth kasi, mas maaliwalas talaga.  Hindi dagsa ang mga tao.  Dahil lying in, hindi ganun karami ang nanganganak ng sabay sabay.  Sa ospital kasi, lalo sa public, minsan may maabutan ka nang beds o stretcher sa hallway.  Minsan kahit mag-private room ka pa ay may ka-share ka pa rin sa room, at buo pa rin ang bayad mo.  Dahil hindi rin ganun karami, mas tutok at mas naaalagaan rin talaga ang mga mommies.  Kapag marami kasi sa ospital, hindi na naibibigay lahat ng request o kailangan ng pasyente dahil hati ang atensiyon.

Q:  Bilang nurse at ina, mairerekomenda mo ba ang Alagang SafeBirth sa iba?

A:  Bilang nurse, iba talaga ang kalidad ng SafeBirth kumpara sa ibang lying in.  Lalo na sa kalinisan, masinsin ang proseso.  Gumagamit ng autoclave tulad sa ospital.  May mga standards na sinusunod.  Bilang ina, makakampante ka sa Alagang SafeBirth.  Skilled at approachable ang staff.  Kahit kailan puwede mong tanungin kapag may kailangan , at hindi ka pababayaan.

tina collage

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Jaimee Danielle Delos Reyes

Jaimee 3Mother:  Jaimee Danielle Delos Reyes

Edad: 21 years old

Bilang ng Anak:  Dalawa (2)

Baby:  Zev Airi Delos Reyes

Birthday:  July 13, 2018

 

Q:  Ano ang naging karansan mo sa una mong panganganak sa ibang pasilidad?

A:  Sa una kong baby sa ibang lying in rin ako sa Quezon City nanganak.  Noong una akala ko parang okay naman ang naging alaga sa akin.  Minsanan lang talaga ang check-up at naging mabilis lang ang panganganak ko. Nasa mahigit Php 10,000 ang naging bayad ko for midwife delivery dahil hindi pala sila accredited ng PhilHealth.  Hindi ko sigurado kung na-monitor ba ako ng mabuti at kung iyon ba ang dahilan kung bakit naging pre-term ang baby ko.  Hindi siya masyado naging malusog at noong 5 months nagkaroon siya ng Pneumonia.  Sa kasamaang palad, ito ang ikinamatay niya.

 

Q:  Bakit mo napili ang SafeBirth para sa pangalawa mong panganganak?Jaimee 1

A:  Matagal ko nang nakikita ang SafeBirth.  Kaya para sa second baby ko, sinearch ko sa Facebook.  Nagmessage ako at nagbigay naman sila agad ng mga detalye.  Nakapagpa-check up ako sa SafeBirth Tatalon.  Doon ko nakita ang kaibahan.  Talagang tutok ang alaga at mino-monitor ang pagbubuntis ko.  Ilang beses rin sinigurado ang lab tests ko para updated ang resulta hanggang sa manganak ako.  Sa una kong baby, isang beses lang ako pina-lab.   Naging masinsin at mabusisi si Midwife Che sa pag-aalaga sa akin. Nung nagle-labor ako nahirapan sila sa akin.  Pero hindi sumuko si Midwife Che at Nurse Nette hanggang sa malibas ko si baby.

Pati sa facilities, malaki ang pagkakaiba.  May aircon, kumpleto ang gamit, pati ang mga gamot. Pakiramdam mo safe ka talaga.  Sumubok rin kasi ang magpa-check up sa dalawang ospital.  Hindi ako nakampante at medyo nakakatakot.  Naghintay pa ako ng 5 AM hanggang 2 PM doon sa isa!  Walang kain kain kahit buntis ako.  Iba sa SafeBirth. Sobrang alaga talaga ako at convenient pa dahil malapit lang sa amin. Naghanda ulit  ako ng Php 10,000, pero dahil nagamit ko ang PhilHealth less thang Php 2,000 lang ang binayaran ko!  Sobrang sulit talaga.

 

Jaimee 5Q:  Ano ang mga natutunan mo bilang isang ina sa naging karanasan mo?

A: Ngayon alam ko na kung paano pala dapat katutok ang alaga ng isang buntis para maging malusog siya at si baby.  Kailangan ang mga nanay maging mabusisi sa paghahanap ng lying in at midwife o doktor na mag-aalaga sa kanila.  Kailangan maging mapili at maingat.  Sa SafeBirth, very accommodating ang mga  staff at mapapanatag talaga ang loob ng mommies.  Safe at alaga talaga.  Sana ay dumami pa ang branches ng SafeBirth.
May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Elijah Francisco Florendo  

 

Elijah 1b

 

 

Mother:  Elijah Francisco Florendo

Edad: 28 years old

Bilang ng Anak:  Tatlo (3)

Baby:  Hezekiah Jaiezem Francisco Florendo

Birthday:  June 18, 2018

 

 

Q:  Bakit mo napili ang SafeBirth para sa iyong pangatlong panganganak?

A:  Sa pangalawa kong anak sa ospital ako.  Kahit ngayon sa pangatlo sa ospital pa rin ako nagpapa-check up sa OB. Advocate ako ng unmedicated, respected birth. Okay naman ang OB ko, kaso hindi ko talaga gusto ang ambiance ng ospital.  Iba-iba ang kausap mo at nag-aalaga sa’yo.  Sa pangalawa ko dati parang hindi rin nila masyado pinagtuunan ng pansin ang birth plan ko.  Naisip ko lying in ang perfect na ambiance.  Konti ang kausap, relaxed ka lang at parang hindi pasyente ang pakiramdam mo.

Sumubok ako ng ibang lying in sa Novaliches kaso hindi ko nagustuhan ang sanitation.  May ipis! At matapos gamitin ang gloves pagka-I.E. sa akin, ipinatong lang sa mesa at hindi idiniretso sa basurahan.

Elijah 7

 

At home si Mommy Elijah sa SafeBirth

 

Q:  Paano mo naramdaman ang Alagang SafeBirth?

A:  Nagtanong-tanong ako sa Facebook group na kinabibilangan ko, at may nagbanggit ng SafeBirth.  Hinanap ko sa Facebook at namessage ako agad.  On the same day tinawagan ako ng nurse at tinanggap naman nila ako kahit 37 weeks na.

Tatlo lang ang kausap ko sa SafeBirth, at lahat sila maalaga.  Tawa lang kami ng tawa, walang pressure, hindi ka matatakot manganak.  Madali rin silang kausap tungkol sa birth plan ko.  Nagawa ang skin to skin protocol o Unang Yakap.  Pumayag rin sila sa free movement, no IV, no epidural, all natural.  Since natural naman ang gusto ko, pinili kong manganak sa midwife.  Pakiramdam ko rin ay mas maalaga si Midwife Elvie.

 

Q:  Gaano mo nagustuhan ang serbisyo ng SafeBirth?

A: Para sa akin, hospital level care ang SafeBirth pero at home.  Pagpasok mo pa lang kita na ang permits, maayos ang set up ng gamot at equipment.  Para ring ospital pero at home ang feeling.  Parang private room na rin dahil suwerte at wala akong nakasabay.  Malinis, malamig ang aircon, hindi mo nararamdaman na tinitipid ka.  Pati ang nurse na nagbabantay alert rin during recovery kahit madaling araw.  Naging masaya talaga ang naging experience ko sa SafeBirth.

Elijah collage

 

Baby Hezekiah Jaiezem with Midwife Glo, Nurse Venus and Midwife Elvie

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Janine Carol Garcia

Janine Garcia Canva

 

Mother:  Janine Carol Garcia

Edad: 22 yo

Bilang ng Anak:  Isa (1)

Baby:  Jiellian Brittany  

Birthday:  May 20, 2018

 

 

 

Q:  Bakit may pag-aalinlangan ka bilang ina sa mga lying in clinic noong umpisa?

A:  Noong nalaman ng pamilya ko na buntis ako, gusto talaga nila na sa private hospital.  Wala talaga silang tiwala sa lying in clinic.  Para raw talagang alagang-alaga at maiwasan ang complications.  Ang naiisip nila walang doktor sa lying in, at mahirap na kung midwife lang ang nag-aasikaso.  Mas gusto talaga namin na sa ospital noong una kaya sa OB ako sa ospital nagpapacheck-up.

 

Janine Garcia collage

Mula pagkapanganak hanggang Pedia Check up, happy SafeBirth baby si Jiellian Brittany

 

Q:  Paano nabago ng Alagang SafeBirth ang pananaw mo at ng iyong pamilya tungkol sa mga lying in?

A:  Nagkataon na nasa ibang bansa ang aking OB noong malapit na ako manganak.  Naging mabilis ang mga pangyayari at nagkataon na ang SafeBirth ay naroon para mag-alaga sa akin sa oras ng aking pangangailangan.  Hindi ko inexpect na ganun sa SafeBirth, kumpleto sila at napaka-accommodating. Talagang malinis, hindi katulad sa ibang lying in clinic. Para sa panganganak ko si Midwife Bernadette ang nag-asikaso sa akin.  Pero naroon rin ang OB para tignan ang kalagayan ko.  Andun si Nurse Arlene para gawin ang mga Newborn Hearing Test at Newborn Screening kay baby.  Akala ko aabutin ng Php 16,000 ang bill ko, dahil may midwife at doktor, kasama na ang lahat procedure na ginawa sa akin.  Natuwa at nagulat ako na nasa Php 5,000 lang ang bill, dahil nagamit ang PhilHealth!  Kasama pa ang paunang vaccines at birth certificate processing.

Janine Garcia 3

Panatag sa Alagang SafeBirth buong pamilya ni Mommy Janine

 

Q:  Gaano mo nagustuhan ang serbisyo ng SafeBirth?

A:  Dahil sa tuwa ko bumili ako ng Alagang SafeBirth card para magkaroon ng discount sa iba pang vaccines at Pedia check-up ni baby.  Hanggang ngayon patuloy ang pagpunta namin ni baby sa SafeBirth para maalagaan siya.  Kung ikukumpara, ito na siguro ang lying in na pinaka malapit sa hospital experience.  Mas masinsin pa nga ang check-up dito, at hindi nagmamadali tulad sa ospital.

SafeBirth changed my family’s mindset.  Bakit nga ba hindi — malinis, maayos, modern at kumpleto sa gamit. Very friendly at accommodating ang staff na kaiba sa tipikal na lying in. Mataas ang standards ng pamilya ko at sa ospital lang sila nagtitiwala dati. Ngayon sila na mismo ang nagsasabi na irekomenda ko ang SafeBirth sa ibang buntis.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Janine Joy Batajoy  

Janine Joy 6

 

Mother:  Janine Joy C. Batajoy

Age: 25 years old

Bilang ng Anak:  Isa (1)

Baby:  Kawhi Genine B. Gonzales

Birthday:  September 28, 2017

 

 

 

Q:  Ano ang naging karanasan mo sa ibang pasilidad?

A:  Noong first seven months ng pagbubuntis ko sa health center sa amin ako nagpa-check up.  Okay naman pero sabi ng mother-in-law ko kailangan ko na magkaroon ng record sa ospital kung saan ako manganganak.  Pumunta ako sa isang pampublikong ospital na sikat sa pagpapaanak.  Pero hindi ko inasahan na ganun pala doon.

Nagulat ako na mismong ang doktor na ang nagsabi na kung hindi naman kumplikado ang panganganak ko, ay maghanap at lumipat na lang ako sa ibang ospital o lying in.  Hindi na raw kasi talaga kaya ng ospital ang dami ng nanganganak sa kanila.  Ang mga first-time mommies raw na katulad ko, madalas nagpapa-transfer dahil sobrang crowded at nagtatabi-tabi sa kama.  Nakatanggap na raw kasi ng maraming concerns mula sa pasyente ang ospital kaya iniiwasan na nila ang mga reklamo.

Bukod doon, sa mismong check-up pa lang ay sobrang haba rin ng pila.  Dumating ako ng 5 am at nakauwi ng tanghali na.  Yung iba nga raw hapon na nakakauwi.  Kaya naisip kong hindi malayong mangyari ang nasabi ng doktor. Kung sa check-up pa lang ay ganun na, paano pa kaya kapag manganak na ako? Bilang first time mommy, nag-alala talaga ako.

PhilHealth Janine

August 2017 noong nag-message si Mommy Janine sa Safebirth Facebook page

 

Q: Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBirth at bakit mo napiling dito manganak? 

A:  Dahil normal naman ang resulta ng lahat ng laboratory tests ko, naisip kong maghanap ng lying in kung saan ako magiging kumportable.  Nakausap ko ang kapitbahay ko na nanganak sa SafeBirth.  Nirekomenda nila ito dahil okay raw ang serbisyo at isang sakay lang mula sa amin.  Hinanap ko ito sa Facebook.  Magaganda ang reviews at mga kuwento ng mga nanay tungkol sa experience nila.  Isa pa, nag-a-update sila ng page, kaya parang dun pa lang naramdaman ko na okay itong SafeBirth. Nag-message ako sa page at mabilis naman ang response.  Nakipag-coordinate rin ang nurse ng SafeBirth Congressional at agad akong na-schedule.

Janine Joy 2

Midwife Myrna and Baby Kawhi Genine

 

 

Q:  Paano niyo naramdaman ang Alagang SafeBirth?

A:  Simula sa pakikipag-usap ko sa SafeBirth sa Facebook, kinausap ako ni Nurse Jen, at hanggang sa ibinigay niya ako kay Midwife Myrna – napanatag ako sa lahat ng nakasalamuha ko.  Si Nurse Jen binigay agad sa akin lahat ng impormasyon at detalye na kailangan ko lalo na tungkol sa PhilHealth, indigency at proseso ng check-up.  Nang ibinigay niya ako kay Midwife Myrna, agad rin akong naging kumportable kasi parang nanay o lola ko ang kausap ko.  Hindi intimidating ang staff, hindi masungit, at friendly. Sa ospital kasi ramdam mo ang pagod at stress ng mga staff at doktor, kahit sa pagbungad pa lang nila sa akin noon.

Na-amaze rin talaga ako noong nagpunta ako kasi hindi hassle.  May schedule ako at pagdating ko ay walang pila at hindi crowded.  Naramdaman ko talaga ang tutok na alaga sa akin ni Midwife Myrna.  Hindi katulad sa ospital na ang dami-dami  niyo talaga.  Iba kasi ang pakiramdam na may naka-assign talaga sa’yo na alam ang kondisyon mo. Kahit hindi si Midwife Myrna ang nag-alaga sa akin sa first 7 months, feeling ko matagal ko na siyang kakilala.  Lahat sila sa SafeBirth pakiramdam ko parang tropa kumbaga.  Dahil hindi naman kumplikado ang pregnancy ko, naging maayos at matiwasay rin ang panganganak ko.

Dahil maganda ang naging karanasan ko, hanggang ngayon patuloy pa rin kami nagpapa-check up sa SafeBirth for Pedia ni baby.

Janine Joy 4

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.