Pregnancy Stories

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Lorriane Tabon

 

Mother:  Lorriane Tabon

Age: 23 years old

Bilang ng Anak:  Isa (1)

Baby:  Lam LJ De Jesus

Birthday:  December 20, 2020

 

 

Q: Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBirth at bakit mo napili dito manganak?

Three months na noong nalaman kong buntis ako.  Naisip ko talaga sa simula pa lang gusto kong umiwas sa ospital, kasi ‘pag punta doon marami kang makakasalamuha. Nakakatakot na mahawa, hindi mo alam kung sino ang may sakit sa panahon ng pandemya. Dapat safe kaming dalawa ni baby.

Nirekomenda ang SafeBirth ng kapitbahay ko dahil doon rin siya nanganak dati.  Pumunta ako sa Facebook page nila, at mukhang malinis at maayos sa pictures, kaya tinext ko sila  at nag-set ako agad ng appointment.  Sa unang punta ko pa lang ay nakagaanan ko na agad sila ng loob, super bait at maayos ang pakikitungo.  Dahil first baby ko ay OBGyne ang tumingin sa akin, si Dr. Genevieve Gualberto, at binigyan niya ako ng advice sa pangangalaga at pag-iingat na kailangan gawin ng isang first time mom na tulad ko.  Niresetahan niya ako ng vitamins at gatas para healthy kami ni baby.

Q: Sa gitna ng banta ng Covid-19, paano nakatulong ang Alagang SafeBirth sa iyong pagbubuntis?

A: Naging panatag talaga ako sa SafeBirth dahil sa safety protocols. May social distancing, ite-text ka pa nila para sa reminder ng appointment dahil talagang limitado ang tao sa loob, may temperature check, sanitizing maya’t maya, naka-PPE silang lahat, priority ang safety ng lahat.  Every 2 weeks ang naging check-up ko at naramdaman ko talaga na safe ako every visit. Mino-monitor akong mabuti, pati ang pagkain ko at vitamins, lalo na dahil medyo bumaba ang dugo ko.  Talagang hinanda nila ako hanggang sa dumating ang kabuwanan ko.  Noong nagle-labor ako napaka supportive ng midwife na si Ms. Bernadette, dahil sobrang sakit talaga.  Tinuturuan niya ako kung paano huminga at kailan puwede tumayo-tayo para maibsan ang sakit.  Naisip ko kung sa ospital kaya matututukan ako ng tulad sa SafeBirth, sa dami ng pasyente at may sakit? Maayos kong nairaos ang una kong panganganak.

Q:  Mairerekomeda mo ba ang SafeBirth sa ibang buntis?

A:  Para sa mga first time mom na katulad ko, maganda talaga sa SafeBirth.  Hindi ko pa alam noon kung ano ang dapat gawin, lagi akong humihing ng advice sa kanila at ginagabayan nila ako kung ano ang gagawin, kakainin, at iba pa. Isang buwan bago ako manganak isang malaking pagsubok ang dinaanan ko at para ba akong na-depress.  Pero naroon sila para suportahan ako, at ramdam ko talaga ang kanilang pag-alalay para hanggang sa huli healthy ako at mapanganak ko si baby ng maayos.  Nagpapasalamat talaga ako sa kanila.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

Pregnancy Stories, Uncategorized

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Jemarian Vergara Tagavilla

 

 

Mother:  Jemarian Vergara Tagavilla

Age: 35 years old

Bilang ng Anak:  Tatlo (3)

Baby:  Vianney Jesse Tagavilla

Birthday:  December 3, 2020

 

 

 

 

Q: Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBirth at bakit mo napili dito manganak?

Nirekomenda ng brother-in-law ko na isang nurse ang SafeBirth.  Para sa first two babies ko sa ospital ako nanganak.  Dahil sa Covid, natigil ang consultations sa ospital ng OB ko, at pinapalipat niya ako sa isa niya pang ospital na malayo sa akin for check-up. From Valenzuela to Cubao ay hassle at inconvenient for a pregnant mommy like me.  Natatakot rin ako sa Covid exposure sa big hospitals. Parehong nurses ang sister ko at asawa niya, at sabi nila dahil third baby ko na ay puwede ko nang subukan sa lying in.  Kasama ng brother-in-law ko sa ospital si Dr. Gualberto, kaya pinuntahan ko siya sa SafeBirth.

Dito ko napiling manganak dahil una, safe at less exposure sa Covid.  Pangalawa, proximity at convenience, mas malapit talaga sa amin.  Pangatlo, cost-efficient, lalo na compared to private hospitals.

 

Q: Sa gitna ng banta ng Covid-19, paano nakatulong ang Alagang SafeBirth sa iyong pagbubuntis?

A: Mga 24 weeks ako noon at sa simula pa lang ng check-up ko sa SafeBirth magaan na ang loob ko.  Sa pagpasok pa lang smiling at accommodating na ang staff.  Tama ang mga nabasa kong comments sa Facebook na malinis ang facility at mababait sila.  Panatag rin ako sa aking OB na maasikaso at hands on, at sa simula pa lang ay nilalatag na at na-clarify sa akin ang options ko kung saan ko gusto manganak.

Kahit may Covid, safe ang pakiramdam ko.  Maingat sila at sinusunod ang standards na na-set ng health department.  Simula sa footwear, limited na tao sa loob ng clinic, napra-practice talaga nila at nagre-remind sila sa paraang hindi offensive.  Sabi nga ng husband ko, okay lang sa kaniyang hindi pumasok, kasi nakikita niya ang pag-iingat ng SafeBirth.

 

Q:  Mairerekomeda mo ba ang SafeBirth sa ibang buntis?

A:  Bilib ako sa SafeBirth lalo na sa kanilang response sa nangyari sa akin. Maayos kong napanganak si baby, but unfortunately after delivery, nagkaroon ako ng kumplikasyon kaya kinailangan nila akong i-transfer sa ospital.  Pero naging malinaw ang explanation nila sa akin kung bakit kailangan itong gawin para sa case ko.  Meron silang partner hospitals, at talagang makikita mo ang pag-aasikaso at malasakit sa buong proseso hanggang sa bago ako ilipat. Sinamahan pa ako ni Dr. Gualberto hanggang sa ospital.  Hindi nila ako pinabayaan. Na-touch at natuwa rin ako kasi kimamusta nila ako even after my operation. Malaki ang tiwala ko sa kanila, at pagkatapos ay bumalik pa rin ako sa SafeBirth para sa postnatal check-up ko.

Safe, convenient, cost-efficient, at maasikaso at maalaga ang staff, midwives and OBGynes. Talagang mare-recommend ko ang SafeBirth.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

Pregnancy Stories, Uncategorized

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Gretchen Serrano

 

 

Mother: Gretchen Serrano

Age: 28 years old

Bilang ng Anak: Isa (1)

Baby: Aliah Gabriela S. David

Birthday: October 30, 2020

 

 

 

Q: Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBIrth at bakit mo napili dito manganak?

Nalaman ko ang tungkol sa SafeBirth dahil sa mga kamag-anak ko.  Ang Ate Kim ko na pinsan ko, ay manganganak rin dapat sa SafeBirth nitong lockdown kaso lang ay na-stuck siya sa Valenzuela.  Naghahanap talaga ko ng lying in kasi less toxic kaysa sa ospital, at less rin ang exposure hindi lang sa Covid-19, kung hindi pati na rin sa ibang diseases.  Kahit bago pa nangyari ang pandemic, bilang nurse alam ko rin ang posibilidad ng exposure sa ospital, kaya gusto ko rin talaga umiwas sa hospital delivery.

Gusto ko talaga sa SafeBirth kasi mas specialized ang care, kumbaga expert talaga sila sa pagpapa-anak.  Alam kong sumusunod sila sa DOH at sa protocols tulad ng Unang Yakap o skin-to-skin.  Mahalaga sa akin ito dahil first baby ko.

 

Q: Paano nakatulong  ang Alagang SafeBirth sa iyong pagbubuntis ngayong pandemya?

A:  Sa simula pa lang ng pagbubuntis ko sa SafeBirth na ako nagpa-check up noong February pa.  Na-tyambahan pa na may medical mission noong unang check up ko, kaya libre ang mga laboratories katulad ng CBC at Urinalysis. Tuwang tuwa ako kasi ngayon lang ako nakakita ng lying in na may free laboratories. Kahit nung huling check-ups ko noong October, meron ding freebies from Smart Steps kaya natuwa talaga ako.

Walang halong biro mababait at approachable ang nurses, midwives at doctors.  Kahit limited ang space, napakalinis at equipped, parang mini-hospital.  May protocols silang sinusunod para maiwasan ang pagkalat ng disease:  strict sila sa visitors, temperature check, may masks at alcohol dapat, at pinagscri-screening test rin for Covid ang manganganak.  Bilang nurse at nanay, mapapanatag ka talaga kapag makita mo na may mga ganitong pag-iingat ang lying in. Ang galing kasi gumagamit sila ng Sanosil panglinis, akala ko sa ospital lang ‘yon!

 

Q:  Mairerekomenda mo ba ang SafeBirth sa ibang mommies, sa kabila ng banta ng Covid-19?

A:  Kahit mga ka-work ko sa ospital, nagulat rin na sa lying in ako manganganak. Nagre-recommend sila ng ibang facilities.  Pero sinasabi ko talaga na mas preferred ko ang SafeBirth dahil mas tutok ang alaga at specialized for maternity and newborn care.  Nire-recommend ko ang SafeBirth as a nurse and a mother.  Bilang isang buntis hahanapin mo talaga ang isang facility na may standards and protocols lalo na sa panahon ng Covid. Kumpleto ang SafeBirth sa safety protocols, at hindi sila basta-basta, makikita mong nag-iinvest talaga sila para sa safety ng mommies and babies.

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.