Tag: Pediatrician
BAKIT MAHALAGA ANG BAKUNA PARA KAY BABY?
Maraming sanggol at bata ang namamatay dahil sa mga sakit na maaari namang maiwasan kung magpapabakuna. Ika nga prevention is better than cure. Ang bakuna o baksinasyon ay nakapagpapalakas ng immune system ng tao. Kapag mas malakas ang immune system ng sanggol o ng bata, mas bumababa ang tyansa na magkaroon ng impeksiyon. Nagkakaroon ng antibodies ang katawan na lumalaban sa virus at bacteria na nakapagdudulot ng sakit.
Ang pagbabakuna ang isa sa mga pinakamahalagang aksyon para mapanatiling malusog si baby at protektahan siya sa mga nakamamatay na sakit.
Mga Dapat Tandaan
- Alamin ang takdang araw ng pagbabakuna sa pinakamalapit na Health Center o komunsulta at magpa-schedule sa inyong Paediatrician ng pagpapabakuna ni baby.
- Kumpletuhin ang mga pangunahing bakuna ni baby bago sumapit ang unang kaarawan.
- Kung hindi naumpisahan ang mga bakuna, o kung nahuli sa takdang panahon maaaring mag-iba ang schedule; ikonsulta sa Paediatrician kung anong mga pagbabago ang mangyayari. Ang nasa ibaba ay regular schedule ng pagbabakuna para sa sanggol.
Schedule ng Bakuna para sa sanggol
Dapat mabakunahan si baby ng BCG at Hepa B pagkapanganak.
Mahalagang lisensyado ang inyong doktor, at maging ang inyong ospital o lying in para mabigyan kayo ng tamang impormasyon tungkol sa proseso na ito. Huwag magatubiling magtanong sa pinakamalapit na SafeBirth branch sa inyo https://safebirthclinic.com/contact/
Sources:
http://kalusugan.ph/mga-mahalagang-bakuna-para-sa-mga-bata/
First 1000 Days: Ano nga ba ang epekto ng STUNTING sa iyong anak?

Photo Credit: http://www.sightandlife.org
‘Bansot’ o ‘pandak’ ilan lamang ito sa mga tuksong natatanggap ng mga bata kapag sila ay mas maliit kaysa sa kanilang mga kalaro o kaibigan. Pero alam niyo bang maaari itong senyales na ang anak niyo ay ay may malnutrition, particular na ang STUNTING? Ano nga ba ang stunting at bakit importanteng hindi maging stunted ang iyong anak sa kaniyang First 1000 Days?
-
Photo Credit: http://www.savethechildren.org.ph/about-us/media-and-publications/press-releases/media-release-archive/years/2017/stolen-childhoods-press-release-and-report
Sa Pilipinas nasa 3.78 million na batang mas mababa sa 5 na taon ang edad ang stunted (FNRI-DOST, 2015). Ayon sa World Health Organization (WHO), ang stunting ay kapag mababa ang height ng bata para sa kaniyang edad (low height-for-age). Dahil ito sa pagkain ng kulang sa sustansya sa loob ng mahabang panahon, o/at umuulit na impeksiyon o sakit ng bata.
Ayon kay Dr. Marie Christine Joy B. Tanteo, Program Manager ng Batang 1000 Program ng Quezon City Health Department, kapag malnutrition ng bata ang pinag-uusapan, stunting ang pinakamahalagang tinitignan. Para malaman kung ang isang bata ay lumalaki na angkop sa kanyang edad, gumagamit ng isang graphical tool mula sa WHO kung saan malalaman kung ano ang tamang average height ng bata sa kaniyang edad. Dagdag pa niya, ”Nagiging stunted o wasted lamang ang bata kung siya ay may malubhang sakit na nakaaapekto sa kanyang paglaki tulad ng sakit sa puso o kung may genetic siyang disease o malformation. Ngunit sa isang batang walang sakit, isa itong indicator na ang bata ay hindi nakakakuha ng wastong nutrition. Itong ‘di wastong paglaki ng bata na ito ay isang pisikal na manifestation ng development ng kanyang importanteng organs sa katawan, tulad na ng kanyang brain. Kung di sya lumalaki ng wasto para sa kanyang edad, masasabi natin na hindi rin lumalaki or nade-develop ng wasto ang kanyang brain. Irreversible ito dahil sa unang 2 taon ng bata, nahuhubog ang mga importanteng parte brain na makatutulong sa kanyang pag-iisip. Kapag nalagpasan na itong 2 taon na ito, mahirap na itong balikan o habulin.”

Dr. Joy Tanteo, Prgram Manager ng Batang 1000 Program (2nd to right), kasama ang mga nanay na kabahagi ng programa
Ang epekto ng stunting ay irreversible. Ibig sabihin hindi ito maitatama at maaaring panghabambuhay. Kabilang dito ang mga sumusunod:
- Mabagal na brain development
- Mababang IQ
- Mahinang immune system
- Mas malaking posibilidad ng malubhang sakit katulad ng diabetes at cancer
Iwasan ang ang stunting sa inyong anak at komunsulta sa maaasahang OB at Pediatrician. Maaaring tumawag sa SafeBirth para sa karagdagang impormasyon.