Pregnancy Stories

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: RIZZA LUMACAD EUGENIO


Rizza 11

Mother:  Rizza Lumacad Eugenio

Edad: 24 yo

Bilang ng Anak:  Isa

Baby:  Arya Chloe Eugenio

Birthday:  September 23, 2016 

 

Q: Bakit mahalaga sa’yo ang pagpapa-check up iyong sarili at ng iyong baby?

Rizza buntis
 

7 buwan buntis si Mommy Rizza kay Baby Arya

 

A:   Noong buntis pa lang ako, regular na akong magpa-check up sa OB ko sa SafeBirth.  Payo niya kasi kailangan lagi magpa-check para healthy ako at si baby.  Iniiwasan kong magkasakit talaga kasi mahal magkaaskit.  Normal naman ang naging panganganak ko at healthy kami pareho.

Pagkapanganak ko sa kaniya binigyan agad siya ng mga bakuna na BCG, Hepa B at Vitamin K.  Pati Newborn Screening ginawa agad sa kaniya, na kasama na sa mga serbisyo ng SafeBirth.

Q:  Matapos ang panganaganak at mga paunanang bakuna, sa paanong paraan mo pinanatiling malusog si baby?

A:  Halos kada buwan bumabalik ako sa SafeBirth para magpacheck-up sa Pediatrician.  Lahat ng bakuna na irekomenda niya tulad ng Rotavirus, DPT, Polio kinukuha ko para sa anak ko.  Nitong huli ay para sa Pneumonia, at sa sunod na buwan naka-schedule na siya para sa Measles (Tigdas).  Sinisigurado ko talagang kumpleto sa bakuna si Baby Arya dahil sabi nga nila mas mahina ang immune system ng sanggol, gusto kong maprotektahan ang kaniyang kalusugan.

Sa awa ng Diyos hindi pa naman siya nagkakasakit, kaunting sipon lang. Dahil na rin siguro sa pagbre-breastfeed ko.  Hinikayat ako ng OB and Pedia ng SafeBirth na mag-breastfeed.  Nasa Php 350 lang ang Pedia check-up at iba-iba ang presyo ng bakuna.  Kapag masyadong mahal ang presyo, nagbibigay ng discount ang doktor.  Mababait talaga ang doktor ko, at maasikaso pa.

Rizza 12
 

Pagbabakuna ng laban sa Pneumonia with Peditrician Dr. Jamie Lyn Burlat

 

Q:  Ano ang maipapayo mo sa ibang ina para manatiling malusog si mommy at baby?  

A:  Dapat kumain ng tama lalo na kapag nagbre-breastfeed.  Ngayon hindi pa ako bumabalik sa trabaho at tutok muna sa pag-aalaga kay baby.  Sinisugurado ko talaga ang pagpapa-check up ni baby sa Pedia at sinusunod lahat ng sinasabi niya.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.