Pregnancy Stories, Uncategorized

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Kristina Tatad-Gubantes

tina 6

Mother:  Kristina Tatad-Gubantes

Age: 32 years old

Bilang ng Anak:  Dalawa (2)

Baby:  Kalila Zerah Gubantes

Birthday:  June 26, 2018

 

Q:  Bakit mo napiling sa SafeBirth manganak para sa pangalawa mong baby?

A:  Malaking bagay na kakilala ko na ang mga doktor, midwives at nurses sa SafeBirth.  Alam ko na kung paano sila magtrabaho at mag-alaga.  Kay Dr. Genevieve Astrologio ako nagpaalaga.  Alam kong magaling talaga siya.  Kahit may problema ako sa hemoglobin nung umpisa, alam kong kayang kaya i-handle ng OB sa SafeBirth. Kayang i-monitor at i-assess ng doktor bago manganak kung puwede pa rin ako manganak ng normal sa lying-in, o kung dapat ba ay sa ospital kung magiging high risk o CS.

tina 5

Iba kasi talaga yung kakilala mo na.  Kabisado ko na kung ano ang kalidad ng serbisyo.  Alam ko rin na hindi sila madaling mataranta at mabilis kumilos.  Malaking bagay kasi sa nanay na nanganganak kapag makikita mong toxic o taranta rin ang mga magha-handle sa’yo.  Sa ospital, hindi ko kakilala ang mga nurse o staff na magha-handle.  Alam kong sanay ang SafeBirth staff. Hospital quality care pero at home ako sa mga kasama ko at sa clinic mismo.

Q:  Bukod sa staff, bakit naging panatag ka manganak SafeBirth?

tina 3A:  Sa SafeBirth kasi, mas maaliwalas talaga.  Hindi dagsa ang mga tao.  Dahil lying in, hindi ganun karami ang nanganganak ng sabay sabay.  Sa ospital kasi, lalo sa public, minsan may maabutan ka nang beds o stretcher sa hallway.  Minsan kahit mag-private room ka pa ay may ka-share ka pa rin sa room, at buo pa rin ang bayad mo.  Dahil hindi rin ganun karami, mas tutok at mas naaalagaan rin talaga ang mga mommies.  Kapag marami kasi sa ospital, hindi na naibibigay lahat ng request o kailangan ng pasyente dahil hati ang atensiyon.

Q:  Bilang nurse at ina, mairerekomenda mo ba ang Alagang SafeBirth sa iba?

A:  Bilang nurse, iba talaga ang kalidad ng SafeBirth kumpara sa ibang lying in.  Lalo na sa kalinisan, masinsin ang proseso.  Gumagamit ng autoclave tulad sa ospital.  May mga standards na sinusunod.  Bilang ina, makakampante ka sa Alagang SafeBirth.  Skilled at approachable ang staff.  Kahit kailan puwede mong tanungin kapag may kailangan , at hindi ka pababayaan.

tina collage

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

Pregnancy Stories

Panganib ng Zika Virus sa mga Buntis

Noong September 5, isang 45 taong gulang na ginang mula sa Iloilo ay naging positibo sa Zika virus. Ito ay tinatayang pang-anim na naiulat na insidente dito sa Pilipinas, at dahil dito binabantayan ng DOH ang mga kaso ng Zika virus sa ating bansa.

Ang Zika virus disease ay nagmula sa isang mikrobyo na maaring kumalat sa pamamagitan ng isang kagat ng lamok na tinatawag na Aedes mosquitoes.  Ang lamok na ito ay kadalasang nangangagat tuwing umaga at hapon. Ito din ang parehong lamok na nagdadala ng dengue, chikungunya at yellow fever. Ang Zika virus ay sinasabing maari ding makuha sa pamamagitan ng sexual transmission.

mosquito

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang Zika virus ay maaaring maipasa ng nagbubuntis sa kanyang anak habang nasa sinapupunan. Ito ay maaring magdulot ng birth defects tulad ng microcephaly kung saan ang ulo ng isang sanggol ay mas maliit sa normal na maaaring magdulot ng malaking pinsala sa utak (brain damage) at maaring ikamatay ng sanggol sa sinapupunan. Sa mga hindi buntis, maari din itong magdulot ng Guillain-Barre Syndrome, isang hindi pangkaraniwang sakit sa nervous system kung saan ang immune system ng isang tao ang mismong pumipinsala sa mga nerve cells nito na nagiging sanhi ng panghihina ng mga kalamnan o minsan pagkalumpo.

zika-micro
 

Photo Source: http://www.nbcnews.com

 

Ang taong may Zika Vurs ay maaring magkaroon ng mga sumusunod na sintomas na tumatagal ng 2 hanggang 7 araw:

  • Mahinang klaseng lagnat (mild fever)
  • Pagkakaroon ng pantal sa balat (skin rash)
  • Pamumula ng mga mata (conjunctivitis)
  • Pananakit ng kalamnan at kasukasuan (muscle and joint pain)
  • Pagkapagod (fatigue)
  • Pananakit ng ulo (headache)

Para maiwasan ang Zika virus, pinapayuhan ng Department of Health na sundin ang mga sumusunod:

  • Paggamit ng insect repellants
  • Maayos na paggamit ng window and door screens
  • Pananatiling malinis at walang stagnant water sa paligid
  • Pagsasailalim sa diagnostic test kung may sintomas ng Zika virus

Ang Zika virus disease ay walang particular na gamot na maaring ilapat sa taong naapektuhan nito. Ang taong may Zika virus ay pinapayuhan na magpahinga, uminom ng madaming tubig, at uminom ng mga gamot para bumaba ang lagnat. Kung ang sintomas ay magpatuloy, magpunta sa pinakamalpit na health center sa inyong barangay upang mabigyan ng payo o attensyong medikal sa pagsugpo ng Zika virus.

Sources:
http://www.doh.gov.ph/node/5628
http://www.who.int/mediacentre/factsheets/zika/en/
http://www.webmd.com/a-to-z-guides/zika-virus-symptoms-prevention?page=1
http://www.reuters.com/article/us-health-zika-philippines-idUSKCN11B1D9