BATANG 1000 (First 1000 Days)

BAKIT MAHALAGA ANG NEWBORN SCREENING?

newborn-screening

Walang hihigit pa sa saya at sabik ng isang magulang lalo na sa unang pagkakataong makapiling at mahagkan ang kaniyang anak.   Pero hindi ba nakakapanlumo kung matuklasan ng isang magulang na may matinding karamdaman ang anak na maaari palang maagapan kung nalaman lang ng mas maaga?

nbs-poster
 

Poster mula sa DOH at UP National Institutes of Health bilang paalala sa kahalagahan maisagawa ang NBS ng maaga

 

Ang mga sanggol na may congenital metabolic disorder ay mukhang normal pagkapanganak.  Ang congenital metabolic disorder ay maaaring mauwi sa mental retardation o maagang pagkamatay.  Hindi agad lumalabas ang mga sintomas nito, kung kaya hindi nalalaman ang kondisyon ng sanggol.  Hindi naaagapan ang mga sakit na maaari sanang bigyang lunas kung nalaman at naipasuri sa tamang panahon.

Ang newborn screening (NBS) ang sagot dito.  Sa pamamagitan ng NBS, ang mga kondisyong ito ay maaaring malaman bago pa lumabas ang mga sintomas. Mabibigyan kaagad ng karampatang lunas upang maiwasan ang mental retardation o maagang pagkamatay. Kung maisasagawa ang Newborn Screening sa lahat ng bangong panganak, 33,000 na sanggol kada taon, o 87 na sanggol araw-araw, o 4 na sanggol sa bawat oras ang maisasalba sa mental retardation o maagang pagkamatay.

Naisabatas na ang paggawa nito sa pamamagitan ng Newborn Screening Act of 2004 (RA 9288).  Anim na kondisyon ang kasalukuyang sinusuri, at narito ang epekto sa sanggol kung maisasagawa ang NBS pagkapanganak:

 

doh-newborn-screening
 

Source:  Department of Health, Philippines

 

Tandaan, Mommies!  Una, ang mga sakit na ito ay laganap sa mga sanggol sa ating bansa. Pangalawa, ang ng mga epekto ng mga kondisyon na ito (tulad ng mental retardation, anemia, stunted growth, cataracts, atbp.) ay maaring agapan kung malalaman ng maaaga. At pangatlo, ang lunas (treatment) sa mga kondisyon na ito ay makukuha sa ating bansa.

Narito ang ilan pang paalaala tungkol sa Newborn Screening:

  1. Ang NBS ay bahagi ng Philhealth Newborn Care Package
  1. Ang NBS ay nararapat na isagawa makalipas ang 24 hanggang 72 oras pagkapanganak.
  1. Ang NBS ay maaaring gawin ng mga sumusunod: doktor, nars, medical technologist o nasanay na midwife.
  1. Maaaring magpa-newborn screening sa mga ospital, lying-in o paanakan, health centers, at pribadong klinik.
  1. Siguraduhing tama ang address at contact number na iiwan sa ospital o health facility. Kapag positibo ang resulta, ipa-konsulta kaagad sa pinakamalapit na ospital o espesyalista ang sanggol.

Mahalagang lisensyado ang inyong midwife, doktor, at maging ang inyong ospital o lying in para mabigyan kayo ng tamang impormasyon tungkol sa proseso na ito.  Huwag magatubiling magtanong sa pinakamalapit na SafeBirth branch sa inyo: https://safebirthclinic.com/contact/.

 

Sources:

http://www.newbornscreening.ph

http://www.savebabies.org

http://www.clanchildhealth.org

 

 

 

Pregnancy Stories

Panganib ng Zika Virus sa mga Buntis

Noong September 5, isang 45 taong gulang na ginang mula sa Iloilo ay naging positibo sa Zika virus. Ito ay tinatayang pang-anim na naiulat na insidente dito sa Pilipinas, at dahil dito binabantayan ng DOH ang mga kaso ng Zika virus sa ating bansa.

Ang Zika virus disease ay nagmula sa isang mikrobyo na maaring kumalat sa pamamagitan ng isang kagat ng lamok na tinatawag na Aedes mosquitoes.  Ang lamok na ito ay kadalasang nangangagat tuwing umaga at hapon. Ito din ang parehong lamok na nagdadala ng dengue, chikungunya at yellow fever. Ang Zika virus ay sinasabing maari ding makuha sa pamamagitan ng sexual transmission.

mosquito

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang Zika virus ay maaaring maipasa ng nagbubuntis sa kanyang anak habang nasa sinapupunan. Ito ay maaring magdulot ng birth defects tulad ng microcephaly kung saan ang ulo ng isang sanggol ay mas maliit sa normal na maaaring magdulot ng malaking pinsala sa utak (brain damage) at maaring ikamatay ng sanggol sa sinapupunan. Sa mga hindi buntis, maari din itong magdulot ng Guillain-Barre Syndrome, isang hindi pangkaraniwang sakit sa nervous system kung saan ang immune system ng isang tao ang mismong pumipinsala sa mga nerve cells nito na nagiging sanhi ng panghihina ng mga kalamnan o minsan pagkalumpo.

zika-micro
 

Photo Source: http://www.nbcnews.com

 

Ang taong may Zika Vurs ay maaring magkaroon ng mga sumusunod na sintomas na tumatagal ng 2 hanggang 7 araw:

  • Mahinang klaseng lagnat (mild fever)
  • Pagkakaroon ng pantal sa balat (skin rash)
  • Pamumula ng mga mata (conjunctivitis)
  • Pananakit ng kalamnan at kasukasuan (muscle and joint pain)
  • Pagkapagod (fatigue)
  • Pananakit ng ulo (headache)

Para maiwasan ang Zika virus, pinapayuhan ng Department of Health na sundin ang mga sumusunod:

  • Paggamit ng insect repellants
  • Maayos na paggamit ng window and door screens
  • Pananatiling malinis at walang stagnant water sa paligid
  • Pagsasailalim sa diagnostic test kung may sintomas ng Zika virus

Ang Zika virus disease ay walang particular na gamot na maaring ilapat sa taong naapektuhan nito. Ang taong may Zika virus ay pinapayuhan na magpahinga, uminom ng madaming tubig, at uminom ng mga gamot para bumaba ang lagnat. Kung ang sintomas ay magpatuloy, magpunta sa pinakamalpit na health center sa inyong barangay upang mabigyan ng payo o attensyong medikal sa pagsugpo ng Zika virus.

Sources:
http://www.doh.gov.ph/node/5628
http://www.who.int/mediacentre/factsheets/zika/en/
http://www.webmd.com/a-to-z-guides/zika-virus-symptoms-prevention?page=1
http://www.reuters.com/article/us-health-zika-philippines-idUSKCN11B1D9