
Image Source: wombstory.com
Buntis ka ba at may iniindang karamdaman? Alamin kung anong gamot ang ligtas para sa iyo at para kay baby. Siguraduhing walang negatibong epekto ang anumang iinumin, lalo na sa pagbubuo ng sanggol sa iyong sinapupunan.
Ilang mahahalagang paalala muna para sa mga buntis:
- Walang gamot ang 100% na ligtas. Ang gamot na ligtas para sa iba, ay maaaring hindi ligtas para sa iyo. Kaya komunsulta muna sa iyong OB Gyne bago uminom ng kahit anong gamot kahit pa ito ay OTC o over-the-counter.
- Huwag sosobra sa rekomendadong dose o dami ng gamot.
- Hangga’t sa maaari ay huwag uminom ng kahit ano sa iyong FIRST TRIMESTER, dahil ito ay kritikal na panahon ng development ng sanggol sa sinapupunan. Ang pag-inom ng anumang gamot ay maaaring magkaroon ng epekto sa iyong sanggol. Kung kinakailangan talaga, konsultahin at magpareseta sa iyong OB Gyne.
- Kung may prescription medicines na iniinom bago mabuntis, tanging ang iyong OB Gyne ang makapagsasabi kung ligtas ang patuloy na pag-inom nito habang ikaw ay buntis.
Para sa mga karaniwang karamdaman, narito ang mga generic na gamot na maaari para sa buntis:
Karamdaman | Gamot |
Allergy | Antihistamines tulad ng mga sumusunod: Chlorpheniramine (maaaring maging sanhi ng pagkaantok), Diphenhydramine (maaaring maging sanhi ng pagkaantok), Loratadine |
Ubo at Trangkaso | Guaifenesin (expectorant), Dextromethorphan (suppressant), Guaifenesin plus dextromethorphan, Cough drops, Vicks VapoRub
Warm salt/water gargle Hindi ligtas ang mga sumusunod: Mga gamot na may alcohol Mga gamot na may decongestant na pseudoephedrine and phenylephrine, na maaaring makaapekto ng daloy ng dugo sa placenta. Huwag rin uminom ng “SA” (sustained action) forms o “Multi-Symptom” forms ng mga gamot na ito. |
Constipation | Psyllium , Polycarbophil, Methylcellulose
Mga laxatives at pampalambot ng dumi (milk of magnesia) |
Diarrhea | Sa loob ng 24 oras, pagkatapos lang ng ika-12 na linggo ng pagbubuntis: Loperamide, antidiarrheal medication |
First Aid Ointment | Bacitracin, Neosporin |
Headache | Acetaminophen / Paracetamol |
Heartburn | Antacids para sa heartburn
Simethicone para sa gas pains |
Rashes | Diphenhydramine
Hydrocortisone cream or ointment Oatmeal bath |
Yeast Infection at Fungal Infection | Clotrimazole, Miconazole, Terbinafine, Tioconazole, Butoconazole, Butenafine, Tolnaftate |
TANDAAN: Komunsulta muna sa iyong doktor o OB Gyne bago uminom ng anumang gamot. Maging ang mga natural na gamot o supplements ay may mga nilalaman na maaaring makaapekto sa iyong baby, lalo na kapag sobra ang dami.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring magtanong sa mga doktor ng SafeBirth.
SOURCES:
http://www.webmd.com/women/pregnancy-medicine#1
https://www.babycenter.com/0_safe-medications-during-pregnancy_1486462.bc