Mother: Mazel Veloria Ong
Edad: 32 yo
Bilang ng Anak: Dalawa (2)
Baby: Kreed Veloria Ong
Birthday: March 22, 2018
Q: Ano ang naging karanasan mo sa una mong panganganak sa pribadong ospital?
A: Sa isang private hospital sa Novaliches ako nanganak sa panganay ko. Nagustuhan ko talaga ang serbisyo sa private kaso inabot kami ng P26,000 noon. Gusto ko sana ulit doon manganak nitong huli kaso nagkataong nagda-dialysis ang tatay ng asawa ko. Kaya medyo kapos kami sa budget. Kailangan na rin maging praktikal dahil nag-aaral na rin ang panganay namin.

Baby Kreedo, Mommy Mazel and Ate Sydney
Q: Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBirth at bakit mo napiling dito manganak?
A: Nakita ng asawa ko sa Facebook ang SafeBirth, kaya sumunod na araw nag-walk in agad kami. Sa awa ng Diyos kahit 9 months na ako tinanggap pa rin nila ako for check-up. Ayaw kasi akong tanggapin sa ibang private lying in. Sinigurado naman ng OB at ibang medical staff na ligtas akong manganak ng normal sa lying in.
Wala talaga kaming anumang experience sa lying in clinic. Pagpasok namin sa SafeBirth sabi namin aba parang okay dito. Okay ang facility, malinis, may choice kung doktor o midwife, approachable ang nurses, lahat mababait. Natuwa kami, pati ‘yung mga buntis na patients na nadatnan namin parang kalmado at panatag.

SafeBirth Baby Kreed Veloria Ong
Q: Paano mo naramdaman ang Alagang SafeBirth?
A: Malaki talaga ang naging tipid namin. Malaking kabawasan talaga! Kasi kung manganganak ako doon sa unang private hospital ko, nasa P27,000 hanggang P30,000 na. Hindi ako nag-painless at alam kong nahirapan ang OB at nurse sa akin. Pero talagang kalmado lang sila at talagang alam nila ang kanilang ginagawa. Sobrang bait at tiyaga nila. Relaxed lang sila kahit nahihirapan sila sa pag-iyak ko. Nung nagre-recover ako maya’t maya nagche-check ang nurse, sobrang maalaga talaga. Kasama na ang unang dose ng vaccine kay baby, Newborn Hearing test at Newborn Screening test sa maternity package, kaya sulit na sulit talaga!
May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?
Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.