Pregnancy Stories, Uncategorized

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Mazel Veloria Ong

IMG_3139 

 

Mother:  Mazel Veloria Ong

Edad: 32 yo

Bilang ng Anak:  Dalawa (2)

Baby:  Kreed Veloria Ong

Birthday:  March 22, 2018

 

 

 

 

Q:  Ano ang naging karanasan mo sa una mong panganganak sa pribadong ospital?

A:  Sa isang private hospital sa Novaliches ako nanganak sa panganay ko.  Nagustuhan ko talaga ang serbisyo sa private kaso inabot kami ng P26,000 noon. Gusto ko sana ulit doon manganak nitong huli kaso nagkataong nagda-dialysis ang tatay ng asawa ko.  Kaya medyo kapos kami sa budget.  Kailangan na rin maging praktikal dahil nag-aaral na rin ang panganay namin.

Mazel 1
 

Baby Kreedo, Mommy Mazel and Ate Sydney

 

Q:  Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBirth at bakit mo napiling dito manganak? 

A:  Nakita ng asawa ko sa Facebook ang SafeBirth, kaya sumunod na araw nag-walk in agad kami.  Sa awa ng Diyos kahit 9 months na ako tinanggap pa rin nila ako for check-up.  Ayaw kasi akong tanggapin sa ibang private lying in.  Sinigurado naman ng OB at ibang medical staff na ligtas akong manganak ng normal sa lying in.

Wala talaga kaming anumang experience sa lying in clinic.  Pagpasok namin sa SafeBirth sabi namin aba parang okay dito. Okay ang facility, malinis, may choice kung doktor o midwife, approachable ang nurses, lahat mababait.  Natuwa kami, pati ‘yung mga buntis na patients na nadatnan namin parang kalmado at panatag.

 

 

Mazel 5
 

SafeBirth Baby Kreed Veloria Ong

 

 

Q: Paano mo naramdaman ang Alagang SafeBirth?

A:  Malaki talaga ang naging tipid namin.  Malaking kabawasan talaga! Kasi kung manganganak ako doon sa unang private hospital ko, nasa P27,000 hanggang P30,000 na.  Hindi ako nag-painless at alam kong nahirapan ang OB at nurse sa akin.  Pero talagang kalmado lang sila at talagang alam nila ang kanilang ginagawa.  Sobrang bait at tiyaga nila.  Relaxed lang sila kahit nahihirapan sila sa pag-iyak ko.  Nung nagre-recover ako maya’t maya nagche-check ang nurse, sobrang maalaga talaga.  Kasama na ang unang dose ng vaccine kay baby, Newborn Hearing test at Newborn Screening test sa maternity package, kaya sulit na sulit talaga!

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

Pregnancy Stories, Uncategorized

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Aiza Verde

Aiza 4

 

Mother:  Aiza Verde

Edad: 28 yo

Bilang ng Anak:  Isa (1)

Baby:  Terrence John Alegado

Birthday:  January 9, 2018

 

 

 

 

Q:  Bakit mo napiling sa SafeBirth manganak? 

A:  Noong first hanggang mga seventh to eight month ko, sa ibang clinics ako nagpapacheck.  Tapos nitong huli sa iba pang lying in na malapit sa SafeBirth Novaliches.  Ang problema, hindi sila PhilHealth accredited kaya naghahanap pa rin ako ng ibang clinic.  Buti na lang lumabas ang SafeBirth sa Facebook feed ko.  Nung binasa ko ang comments at mga reviews sa Facebook, naenganyo ako at mukhang okay.  Nagmessage ako agad sa Facebook at pinadalhan ako agad through text ng schedule.

Pero bago pa ako magkapagpa-check up, humilab ang tiyan ko isang gabi.  Akala ko manganganak na ako kaya pumunta pa rin ako sa clinic na una kong pinagpapa-check upan.  Madaling araw na halos noon.  Pagdating ko sarado sila at walang katao-tao!  Buti na lang katabi lang halos ang SafeBirth Novaliches at bukas ito 24 hours!  Tinulungan ako ni Nurse Venus at doon ko nalaman na false alarm lang pala.  Kinabukasan bumalik na ako for check up sa kanilang OB Gyne.

 

Aiza 7
Mommy Aiza, Baby Terrence and Nurse Jet

Q: Ano ang naging karanasan mo SafeBirth

 

A:  Ibang iba ang naging karanasan ko sa SafeBirth.  Mabilis ang kanilang response kapag may tinatanong ako kahit sa text lang.  Sobrang okay at mababait ang mga nurse.  Kapag magpapa-check up ako sa iba kailangan ko pa tumawag muna at minsan hindi sinasagot.  Kapag pumunta pa ako sa ibang clinic dati, ang daming tanong at may kasungitan ang mga sekretarya o staff.  Sa SafeBirth, sa Facebook o text lang nakapagpa-schedule na ako.

Sobrang mahusay at mabait rin ang naging OB ko.  Sabi niya mag-antabay dahil within 1 week baka manganak na ako.  Matapos nga aang ilang araw nag-labor ako.  Naging maasikaso sila, maya’t may mino-monitor ako.  Si Nurse Jet naman panay ang asikaso sa akin nung nanganak ako.  Hinikayat rin ako sa exclusive breastfeeding at hanggang ngayon tuloy ang Pedia check up ang anak ko.

Aiza 1
Safe delivery for Baby Terrence

 

Q:  Mairerekomenda mo ba ang SafeBirth sa ibang ina?

A:  Ikinukuwento ko nga sa iba kong kakilala ang SafeBirth.  Lying in lang ito at hindi kasinglaki ng ospital pero maganda ang facility at mababait ang staff.  Philhealth accredited na, kumpleto at wala nang kailangang asikasuhin pa!

 

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

Pregnancy Stories

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Kristchelle Cabrera

K8Mother:  Kristchelle Cabrera

Edad: 28 yo

Bilang ng Anak:  Tatlo (3)

Baby:  Mira Ashiya Cielo San Jose Cabrera

Birthday:  December 30, 2017

 

 

 

 

Q:  Bakit mo napiling sa private lying in clinic manganak? 

A:  Sa isang public hospital sa Manila ako unang nanganak.  Medyo mahirap, tapos kahit papaano gagastos ka pa rin para sa pamasahe.  Sa pangalawang anak ko sumubok ako sa lying in.  Nakita ko na mas alaga, at mas convenient sa oras. Kung gagastos ka rin naman sa public, e ‘di sa private lying in na kung halos once a month lang ang check-up. Nakunan ako sa dapat ay pangatlong baby ko kaya ayoko sana muna mag-baby ulit.  Pero iba ang plano ni Lord at nabuntis ulit ako noong nakalipat na kami sa Novaliches.  Nag check-up ako sa mas malapit na lying in kaso mukhang haunted house, hindi ko nagustuhan.  Nagpunta ang asawa ko sa SafeBirth para mag-inquire kung magkano.  Sa unang punta pa lang mukhang malinis, sterile at maaliwalas.  Kaya nagdesisyon kami na sa SafeBirth na magpunta.

Q: Ano ang naging karanasan mo sa Safebirth sa iyong pagbubuntis?

K2

Mommy Kristchelle with Midwife Elvie and Nurse Venus

 

A:  Ang mga tao sa SafeBirth parang nagiging pamilya mo na rin.  Mag-text ka lang kahit anong oras magrereply agad sila.  Sa iba kasi pupunta ka pa sa clinic para malaman ang schedule nila, sa SafeBirth magte-text ka lang.  Tapos hindi maraming tao ang kailangan kausapin, tutok sila sa’yo. Napaka-approachable nila, at home ako.  Noong nag-3 cm ako, maya’t maya ang kamusta nila sa akin, talagang feeling ko special ako.  Bawas stress, hindi katulad sa public parang pupunta ka lang para umire.

Q: Bakit itinuturing niyong miracle baby itong si Baby Ashiya?

A:  Noong nanganak ako ako nagkaroon ng cord coil kung saan nakapulupot ang umbilical cord sa leeg ni baby paglabas.  Mabilis at attentive agad ang midwife at nurse, pinutol agad ang pusod at hindi nila iniwan ang bata. Noong una kalma pa ako at kinakausap si baby, pero noong nangingitim na siya nag-flashback sa akin noong nakunan ako.  Kakulay na niya yung baby ko noon. Itim na siya, kaya naiiyak na ako.  Sabi ko sa sarili ko mauulit ba talaga na mawalan ako ng baby. Patuloy lang ang staff sa pagtutok kay baby. Gumamit ng suction, ambubag, oxygen.  2:17 PM siya lumabas, at finally 2:20 ay umiyak na.  Tuwang tuwa ako! Buti na lang hindi nataranta ang staff.  Buti rin at may Pedia agad. Nacheck-up si Baby Ashiya at malusog naman raw siya.  Ang saya ko, parang nagtulong-tulong talaga lahat para mabuhay siya.  Kaya Mira Ashiya ang pangalan niya kasi miracle.

Kristechelle collage

Happy family sa pagdating ni Baby Ashiya bago mag-bagong taon

 

Q:  Mairerekomenda mo ba ang SafeBirth sa ibang ina?

A:  Sobra talaga ang pasasalamat ko na sa SafeBirth ako nanganak.  Talagang tutok ang alaga, at pakiramdam mo special ka.  Napakasuwerte naming na sa SafeBirth ‘yon nangyari, kasi kung sa ibang clinic o facility siguro kami nadatnan ng ganun hindi ko lang alam kung nasaan kami ni baby ngayon.

Kristchelle collage 2

Baby Ashiya: SafeBirth Miracle Baby

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

BATANG 1000 (First 1000 Days)

Gestational Diabetes:  Impormasyon para sa Buntis

Gestational Diabetes 1

Hello, Buntis!  Alam mo ba kung ikaw ay may gestational diabetes?

Ang kondisyon na ito ay nangyayari sa mga buntis kung saan tumataas ang blood sugar level.   Dahil sa mga pagbabago sa katawan, partikular na sa hormones ng isang buntis, hindi gumagana nang maayos ang hormone na insulin kung kaya tumataas ang glucose o asukal sa dugo.

 

Sino ang mga maaaring magkaroon nito?

Lahat ng buntis ay maaaring magkaroon ng Gestational Diabetes pero mas malaki ang tsansa ng mga sumusunod na babae:

  • Higit 25 ang edad sa pagbubuntis
  • May diabetes sa pamilya
  • Labis ang timbang (overweight) o obese sa pagbubuntis
  • Nakunan (miscarriage)
  • Malaki o mabigat ang timbang ng mga naunang pinanganak na sanggol
  • May high blood pressure o pagkakaroon ng sobrang daming amniotic fluid

 

Ano ang mga sintomas nito?

 Maaaring mild o hindi mapansin ng isang buntis kung mayroon siyang diabetes.  Pero maging alerto kung nakakaranas ng mga sumusunod:

  • Pagkapagod o pagkahapo (fatigue)
  • Pagkauhaw
  • Madalas na pag-ihi
  • Pagbabawas ng timbang
  • Madalas na pagkagutom
  • Pagsusuka
  • Yeast infection
  • Paglabo ng paningin

Gesttational Diabetes 4

Ano ang mga kumplikasyon o epekto nito?

Hindi ito dapat isawalang-bahala dahil sa mga posibleng epekto sa kalusugan ni mommy at baby:

  • High blood pressure sa ina
  • Pagtaas ng tsansa para sa Caesarean Section Delivery (CS)
  • Maagang panganganak o Premature birth
  • Type 2 Diabetes kung hindi nawala ang diabetes pagkatapos manganak
  • Mataas na timbang ng sanggol
  • Hypogycemia o low blood sugar para sa sanggol

 

Ano ang dapat gawin?

Hindi kailangang agad agad na uminom ng gamot para sa Gestational Diabetes, sundin lang ang mga tips na ito:

pregnancy-diet

  • Komunsulta sa OB o midwife para sa iyong regular na Prenatal Check-up. Sila ang makakapagsabi kung ano ang mga tests na kailangan gawin sa iyong kondisyon.  Sa kanila rin malalaman kung kailangan ng gamutan o ng insulin.
  • Kumain ng masustansiya at sapat na pagkain.
  • Mag-ehersisyo o magkaroon ng sapat na pisikal na aktibidad, ayon sa payo ng iyong doktor.
  • Regular na subaybayan o i-monitor ang iyong blood sugar level.

 

Hindi mahirap tugunan ang kondisyon na ito kung maaagapan.  Huwag hintaying maranasan ang mga kumplikasyon at panganib sa kalusugan para kay mommy at baby.  Maaaring komunsulta sa mga midwife o doktor, at sumangguni tungkol sa mga tests tulad ng CBG (Capillary Blood Glucose) , FBS (Fasting Blood Sugar) , OGTT (Oral Glucose Tolerance Test) at OGCT (Oral Glucose Challenge Test) sa SafeBirth .

 

Sources:

https://www.babymed.com/diabetes/gestational-diabetes

https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-epekto-ng-gestational-diabetes-at-mga-tips-para-dito

BATANG 1000 (First 1000 Days)

SAFE MOTHERHOOD:  Ano ang ligtas na gamot para sa buntis?

wombstorydotcom
 

Image Source:  wombstory.com

 

Buntis ka ba at may iniindang karamdaman?  Alamin kung anong gamot ang ligtas para sa iyo at para kay baby. Siguraduhing walang negatibong epekto ang anumang iinumin, lalo na sa pagbubuo ng sanggol sa iyong sinapupunan.

Ilang mahahalagang paalala muna para sa mga buntis:

  1. Walang gamot ang 100% na ligtas. Ang gamot na ligtas para sa iba, ay maaaring hindi ligtas para sa iyo.  Kaya komunsulta muna sa iyong OB Gyne bago uminom ng kahit anong gamot kahit pa ito ay OTC o over-the-counter.
  2. Huwag sosobra sa rekomendadong dose o dami ng gamot.
  3. Hangga’t sa maaari ay huwag uminom ng kahit ano sa iyong FIRST TRIMESTER, dahil ito ay kritikal na panahon ng development ng sanggol sa sinapupunan. Ang pag-inom ng anumang gamot ay maaaring magkaroon ng epekto sa iyong sanggol.  Kung kinakailangan talaga, konsultahin at magpareseta sa iyong OB Gyne.
  4. Kung may prescription medicines na iniinom bago mabuntis, tanging ang iyong OB Gyne ang makapagsasabi kung ligtas ang patuloy na pag-inom nito habang ikaw ay buntis.

Para sa mga karaniwang karamdaman, narito ang mga generic na gamot na maaari para sa buntis:

Karamdaman Gamot
Allergy Antihistamines tulad ng mga sumusunod:  Chlorpheniramine (maaaring maging sanhi ng pagkaantok), Diphenhydramine (maaaring maging sanhi ng pagkaantok), Loratadine
Ubo at Trangkaso Guaifenesin (expectorant), Dextromethorphan (suppressant), Guaifenesin plus dextromethorphan, Cough drops, Vicks VapoRub

Warm salt/water gargle

Hindi ligtas ang mga sumusunod:

Mga gamot na may alcohol

Mga gamot na may decongestant na pseudoephedrine and phenylephrine, na maaaring makaapekto ng daloy ng dugo sa placenta.

Huwag rin uminom ng “SA” (sustained action) forms o “Multi-Symptom” forms ng mga gamot na ito.

Constipation Psyllium , Polycarbophil, Methylcellulose

Mga laxatives at pampalambot ng dumi (milk of magnesia)

Diarrhea Sa loob ng 24 oras, pagkatapos lang ng ika-12 na linggo ng pagbubuntis:
Loperamide, antidiarrheal medication
First Aid Oint­ment Bacitracin, Neosporin
Headache Acetaminophen / Paracetamol
Heartburn Antacids para sa heartburn

Simethicone para sa gas pains

Rashes Diphenhydramine

Hydrocortisone cream or ointment

Oatmeal bath

Yeast Infection at  Fungal Infection Clotrimazole, Miconazole, Terbinafine, Tioconazole, Butoconazole, Butenafine, Tolnaftate

TANDAAN:  Komunsulta muna sa iyong doktor o OB Gyne bago uminom ng anumang gamot.  Maging ang mga natural na gamot o supplements ay may mga nilalaman na maaaring makaapekto sa iyong baby, lalo na kapag sobra ang dami.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring magtanong sa mga doktor ng SafeBirth.

 

SOURCES:

http://www.webmd.com/women/pregnancy-medicine#1

https://www.babycenter.com/0_safe-medications-during-pregnancy_1486462.bc

Breastfeeding Stories

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Jerica Diaz-Velarde

Jec 7

 

Mother:  Jerica Rose Diaz-Velarde

Edad: 29 yo

Bilang ng Anak:  Isa

Baby:  Ma. Ysabelle Genica Velarde

Birthday:  September 8, 2016

 

 

Q:  Paano mo ginawa ang exclusive breastfeeding sa 6 na buwan sa kabila ng pagiging OFW? 

A:  Noong unang dalawang linggo  naging mahirap ang pagpapadede ko kay Ysabelle dahil sabay kong iniinda ang sugat ng CS operation ko. Sa unang tatlong buwan baliktad ang araw at gabi dahil gising at active si Ysabelle sa gabi hanggang sa nasanay nar ako at sinasabayan ko nalang ang oras ng tulog niya. Every 2 hours ang latching sa akin ng baby ko at successful naman.

Noong ika-3rd month ni Ysabelle kailangan ko nang bumalik sa trabaho. Isa akong OFW sa Singapore at napagdesisyunan naming mag-asawa na isama si Ysabelle sa Singapore kasama ang aking mother-in-law para ma-continue ang breastfeeding journey namin mag-ina.

Jec 1
Suportado ng mga katrabaho sa Singapore ni Mommy Jec ang kaniyang breastfeeding

Q:  Paano mo napagpatuloy ang breastfeeding noong nasa ibang bansa na kayo? 

Blessed ako sa trabaho at sa mga ka-trabaho ko dahil suportado nila ang breastfeeding journey ko. 9.5hours ang kelangan ko gugulin sa isang araw sa trabaho. Imagine, kailangan ko mag excuse sa work place ko 4 times para mag pump every 2 hours at makaipon ako ng gatas para mauwi kay Ysabelle. At kapag off day ko naman sa work ay kailangan ko pa rin mag-pump para mas makaipon ako ng gatas pang-uwi sa Pinas. Literal na milk machine ako no’n!  Pero sa lahat ng pagod at puyat ko walang kasing sarap pagmasdan na malusog at malayo sa sakit ang anak ko.

Q: Ano ang nangyari noong naghiwalay kayong mag-ina?

A:  March 2017, kinailangan na namin ihatid sila Ysabelle pabalik ng Manila dahil tapos na ang tourist stay nila sa Singapore. Gustuhin ko man na makasama ang anak ko, hindi na puwede.  Malungkot at masakit para sa aming mag-asawa ang malayo kay Ysabelle pero kelangan namin tiisin dahil para sa kanya din naman itong sacrifices namin. Kailangan namin yakapin ang bawat hirap para sa kinabukasan ng pinakamamahal naming anak. May ginawang video ang aking asawa na si Gene at nagawa nyang ma-document ung araw ng pagalis namin pa-Singapore. Here is the link. 🙂  https://youtu.be/SuxI_nZGzxM

Jec milk
Nag-ipon ng gatas si Mommy Jec para sa panahong magkakahiwalay na sila ni Baby Ysabelle

I was able to keep a few stashes of my milk that lasted for another 3weeks. So ibig sabihin, EBF siya for 6 months and 3 weeks. I made sure na mauubos nya yung milk ni Mommy hanggang sa huling patak at ‘yon naman ang laking pasalamat ko sa mother-in-law ko dahil nagawa naman ‘yon.

Q:  Ano ang maipapayo mo sa working moms o sa mga OFWs na gustong mag-breastfeed?

A:  Tip number 1 para sa mga Mommy na babalik na sa opisina after maternal leave at maiiwan ang baby, maging buo ang loob mo lalo na kung gusto mo ipagpatuloy ang pag-breastfeed. ‘Di biro ang halong pagod at stress ng trabaho then mag-pupump ka pa sa workplace mo. Set your mind na kaya mo. Syempre top priority si baby kaya lahat ng bagay kakayanin alang-alang sa anak

Jec collage
Video call ni Mommy Jec at Baby Ysabelle

Tip number 2, ibigay ang buong tiwala sa taong magaalaga sa baby mo the moment na lumabas ka ng bahay. Siyempre kakamustahin mo sila sa free time mo pero don’t allow na ma-occupy ang isip mo dahil nagaaalala ka or namimiss mo si baby. Di sya makakatulong lalong lalo na sa sarili mo habang nasa workplace ka dahil di ka magfa-function 100% as an employee. Magkakaroon din ng kumpyansya sa sarili ang taong nagaalaga sa baby mo.

Tip number 3, ayusin lahat ng gamit for breastfeeding sa gabi para ‘di na magaayos sa umaga. Hugasan ng maigi at i-sterilize ang dalawang bote na gagamitin (para sa pumping). Make sure na may enough breastmilk bags at pentel pen sa bag para magamit sa pagsusulat ng date, oras at kung ilan ounces ang nakuha sa pagpump. Siguraduhin den na merong ice pack sa bag. Ilagay agad sa freezer ang ice pack pagdating palang sa opisina para matigas na ito after few hours.

Jec 2
Together again na sina Mommy Jec, Daddy Gene at Baby Ysabelle

Puso ang susi sa matagumpay na breastfeeding. Palaging isipin na si baby ang magbe-benefit nito kaya sulit lahat ng pagod.  Sa mga OFW, hindi biro ang lungkot sa ibang bansa kaya panalangin kong magkaroon pa kayo ng walang hanggang lakas ng loob at lakas ng katawan para mapagtagumpayan ang pagiging OFW.  God bless us all!

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

Breastfeeding Stories

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: JANAINE TIFFANY VERGARA  

Janaine 3

 

Mother:  Janaine Tiffany Vergara

Edad: 25 years old

Bilang ng Anak:  Isa

Baby:  Stephany Zhaiyen Vergara Quiambao

 

 

 

 

Q: Paano kayo nakumbinsing mag-exclusively breastfeeding at bakit niyo pinili ito?

A:  Bago ako manganak marami akong nakasalamuhang ibang nanay na nagbreastfeed at hindi.  Kasama na rito ang best friend ko.  Sa unang anak niya hindi siya nagbreastfeed.  Mababa ang timbang at payat ang kaniyang first baby.  Sakitin rin at kahit anong formula milk ang ipainom hindi talaga tumataba.  Sipunin, at madalas magkalagnat at ubo kahit anong ingat o alaga ang gawin niya.  Ngayon mahigit 2 years old na pero payat pa rin at mahina kumain.

Janaine Collage 1
 

Nakasalamuha ni Mommy Janaine ang ibang nanay na nakapagbreastfeed

 

Samantalang sa kaniyang pangalawang baby masuwerte siya at nagkagatas na siya.  Ilang months pa lang ang baby pero ang healthy healthy, siksik at hindi sakitin.  Dahil sa nakita kong epekto nito, naisip talaga naming mag-asawa na pagsikapang mag-exclusively breastfeed sa una naming anak.

Q:  May mga pagsubok ba kayong napagdaanan sa breastfeeding?  Paano mo ito pinaghandaan?

Janaine asawa
 

Suportado si Janaine ng kaniyang asawa sa mga breastfeeding seminar

 

A:  Mula na rin sa mga kuwento ng ibang nanay, mahirap raw mag-breastfeed. Marami sa kanila hindi talaga nagkakagatas agad. Kaya kasabay ng regular na prenatal check up ko sa SafeBirth ay naghanap pa ako ng mga seminar na makakatulong sa akin.  Tatlong seminar pa ang pinuntahan ko para matutunan kung paano magiging matagumpay ang pagpapasuso.  Ang suwerte ko dahil full support ang asawa ko.  Kapag alam mo kasi na makakabuti ang epekto nito sa baby mo, tiyatiyagain mo talaga e.

Nung nanganak na ako doon ko nalaman na tama ang sabi nila na hindi ito madali.  Masakit at mahina ang paglabas ng gatas.  Pero dahil natutunan ko na lalakas ito basta ituloy-tuloy lang, nagpursige ako. Pagkatapos ng ilang araw, naging malakas na ang gatas ko pati na ang pagdede ni baby. Ngayon hindi na mapigilan ang gatas ko!  Kahit masakit ang dibdib ko, masaya ako dahil ang dahilan nito ay puno na ng gatas ang dibdib ko.

Janaine baby
 

Healthy si baby Stephany dahil sa gatas ng ina

 

Q:  Ano ang tips mo sa ibang nanay?

A:  Habang nasa sinapupunan pa si baby mag-aral na para maghanda sa breastfeeding.  Makakatulong talaga ito kung gusto niyong healthy si baby.  Kailangan lang tiyagain, huwag mag-give up agad.  Yung iba kasi akala wala silang gatas, susuko agad.  Tulad nang natutunan ko, alamin ang tamang lactation massage at puwede ring maging involved si mister para mas magaan.

 

 

 

 

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

 

Breastfeeding Stories

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Floriza Nolasco Gonzales

Iza 2Mother:  Floriza Nolasco Gonzales

Edad: 34 years old

Bilang ng Anak:  Isa (halos 4 years old)

Anak: Althea Berniz Nolasco Gonzales

 

Q: Paano kayo nakumbinsing mag-exclusively breastfeeding at bakit niyo pinili ito?

A:  Maraming naka-impluwensiya sa akin. Unang una ang kapatid kong si Midwife Bernadette na taga SafeBirth ay binigyan ako ng mga lectures tungkol sa pagpapasuso, pagbubuntis at sa pag-aalaga ng bata.  Hinikayat rin ako ng mga kaibigan ko na nagpapasuso ng mga anak nila. Sabi ng maraming ina, mabait at matalino raw ang mga batang laki sa gatas ng ina.

Sobrang tipid ng breastfeeding.  Ang formula milk gagastos ng Php 2000 per month.  Sa breastfeeding, libre!

Convenient rin ang breastfeeding.  Halimbawa sa gabi antok na antok ka at umiiyak ang baby.  Hindi na namin kinailangan tumayo, maglakad, at magtimpla ng gatas.  Kapag umaalis sa simbahan o sa mall, hindi na kailangan magdala ng malalaking bag para sa mga bote, kasi nasa akin na mismo ang gatas. Nabasa ko rin na mas malusog ang bata at mas matibay ang bonding sa nanay kapag nag-breastfeed.

Iza collage
 

Mula pagkapanganak hanggang lagpas 3 taon, sinikap ng gurong si Mommy Iza na painumin ng breastmilk si Baby Althea

 

Q:  May mga pagsubok ba kayong napagdaanan sa breastfeeding?  Paano niyo ito nalagpasan?

A:  Kinailangan ko kasing bumalik sa trabaho, sa pagtuturo.  Marami akong narinig na imposible nang mag-breastfeed kapag back-to-work na kaya nagalala ako na maipagpatuloy ang breastfeeding at maimbak ang gatas ko.  Pero tinuruan ako ng kapatid kong si Midwife Bernadette kung paano ko maiimbak ang gatas ko na hindi napapanis.  Nakapagkolekta ako ng gatas ko school kung saan ako nagtuturo.  Ginawa ko ito sa break time. Kapag umuuwi, breastfeeding na ulit.

Sinigurado ko rin na masustansiya ang kinakain ko.  Puro gulay, NO softdrinks, coffee, chocolates at junk foods.  Malaking bagay rin ang positive attitude!

 Q:  Ano ang naging epekto nito sa’yo at sa iyong anak na halos 4 years old na ngayon?

A:  Exclusively breastfeeding ako nang 2 years.  Then nag-mixed na kami ng breastmilk at formula hanggang 3 years and 6 months siya old siya.  Nitong May lang talaga siya tumigil mag-breastfeed.  Iba ang closeness naming mag-ina.  Kahit nagtratrabaho ako at naiiwan siya sa asawa ko o sa kasama naming sa bahay, ako pa rin ang favorite niya sa lahat.  Basta nakita na niya ako, sa akin lang siya sasama, at hirap akong umalis ng bahay, kasi sobrang humahabol siya. Nakakalaki ng puso kasi sobrang clingy niya sa akin.

Iza 4
 

Suporta ang SafeBirth staff sa breastfeeding ni Iza, lalo na ang kapatid na si midwife Bernadette

 

Sa unang taon niya, nagpa-Pedia lang kami para magpatimbang, kasi hindi siya nagkakasakit.  Unang sipon niya ay 9 months siya pero hindi malubha at bilang na bilang ang pagkakaroon niya ng lagnat.

Napansin ko na parang stronger and healthier ako since ngananak ako.  Hindi ako masyado nagkakasakit.
May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

BATANG 1000 (First 1000 Days)

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: KRISTINE MORAN

3

 

 

Mother:  Kristine Joy Moran

Edad: 36 years old

Bilang ng Anak:  2

Baby:  Markie Althea Fadrilan (7 months)

 

 

 

 

Q: Bakit ka sumali ng Batang 1000 Program at ano ang natutunan mo dito?

A:   Noong una naisip ko sasali na lang ako para may mapaglibangan.  Pero isa ako sa mga unang nanganak, at nahirapan na akong mag-attend ng mga Nutrition Class, dahil nag-aalaga ng baby at may trabaho ang asawa ko.  Pero pinilit at kinumbinsi talaga ako ng Batang 1000 coordinator na si Leah na mag-attend.

Nang lumipas ang ilang linggo na-realize ko parang ang saya-saya na ng sessions.  Natututo ako ng tamang nutrisyon sa mga lectures, pero natututo rin kami ng mga nanay sa experience ng isa’t isa.  Nadadala rin namin ang mga baby namin sa mga klase.  Sobrang pursigido ko mag-attend, tatlong beses pa akong naging perfect attendance!

Batang 1000 food
 

MURA, MASARAP AT MASUSTANSYA ANG PUTAHE SA BATANG 1000 NANAY CLUB

 

Q:  Sa paanong paraan nakatulong ang programa sa’yo at paano ito nakatulong sa breastfeeding mo?

A:  Bago pa man ako nabuntis, cook na ako dati sa isang restaurant.  Pero dito natuto ako magluto ng walang preservatives, MSG o kahit anong pampalasa na artificial. Puro gulay at masusustansiyang pagkain kami.  Talagang palaging ubos!

Kaso lang noong una, nahirapan talaga ako magpasuso.  Walang lumalabas sa akin na gatas mahina talaga. Hindi rin maka-hakab ang baby ko.  Pero dahil sa pag-attend ko ng Nutrition class, at bawal ang bote sa health center napilitan talaga akong padedehen siya. Kung hindi ko ito gawin, ay iiyak lang siya sa gutom. Panay rin ang udyok at suporta ni Leah para magpa-breastfeed ako.  Kalaunan, kakasubok at practice ay lumabas na ang gatas ko.  Ngayon, exclusively breastfeeding na ako!

Kristine collage
DAHIL SA SUPORTA NG BATANG 1000, SUCCESS NA ANG BREASTFEEDING NI MOMMY KRISTINE

 

Q:  Sa kabila ng paglipat mo ng tirahan, bakit patuloy pa rin ang iyong pagdalo sa Batang 1000?

A:  Ngayon patuloy pa rin akong nagsisikap na dumalo sa mga Batang 1000 Nutrition class.  Lumipat na kami ng tirahan sa Philcoa pero dinadayo ko pa rin ang health center sa Old Balara.  Kahit na mas maraming sakay at mas mahal ang pamasahe, isinasama ko pa rin ang baby ko at doon sinusuportahan naming mga nanay ang isa’t isa para mag-breastfeed.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan