First 1000 Days: Ano nga ba ang epekto ng STUNTING sa iyong anak?

stunting1

 

Photo Credit:  http://www.sightandlife.org

 

‘Bansot’ o ‘pandak’ ilan lamang ito sa mga tuksong natatanggap ng mga bata kapag sila ay mas maliit kaysa sa kanilang mga kalaro o kaibigan.  Pero alam niyo bang maaari itong senyales na ang anak niyo ay ay may malnutrition, particular na ang STUNTING? Ano nga ba ang stunting at bakit importanteng hindi maging stunted ang iyong anak sa kaniyang First 1000 Days?

Stunting_Stolen-Childhood-PR
Photo Credit:  http://www.savethechildren.org.ph/about-us/media-and-publications/press-releases/media-release-archive/years/2017/stolen-childhoods-press-release-and-report

Sa Pilipinas nasa 3.78 million na batang mas mababa sa 5 na taon ang edad ang stunted (FNRI-DOST, 2015).  Ayon sa World Health Organization (WHO), ang stunting ay kapag mababa ang height ng bata para sa kaniyang edad (low height-for-age).  Dahil ito sa pagkain ng kulang sa sustansya sa loob ng mahabang panahon, o/at umuulit na impeksiyon o sakit ng bata.

Ayon kay Dr. Marie Christine Joy B. Tanteo, Program Manager ng Batang 1000 Program ng Quezon City Health Department, kapag malnutrition ng bata ang pinag-uusapan, stunting ang pinakamahalagang tinitignan. Para malaman kung ang isang bata ay lumalaki na angkop sa kanyang edad, gumagamit ng isang graphical tool mula sa WHO kung saan malalaman kung ano ang tamang average height ng bata sa kaniyang edad.  Dagdag pa niya, ”Nagiging stunted o wasted lamang ang bata kung siya ay may malubhang sakit na nakaaapekto sa kanyang paglaki tulad ng sakit sa puso o kung may genetic siyang disease o malformation. Ngunit sa isang batang walang sakit, isa itong indicator na ang bata ay hindi nakakakuha ng wastong nutrition. Itong ‘di wastong paglaki ng bata na ito ay isang pisikal na manifestation ng development ng kanyang importanteng organs sa katawan, tulad na ng kanyang brain. Kung di sya lumalaki ng wasto para sa kanyang edad, masasabi natin na hindi rin lumalaki or nade-develop ng wasto ang kanyang brain. Irreversible ito dahil sa unang 2 taon ng bata, nahuhubog ang mga importanteng parte brain na makatutulong sa kanyang pag-iisip. Kapag nalagpasan na itong 2 taon na ito, mahirap na itong balikan o habulin.”

Dr. Joy Batang 1000

 

Dr. Joy Tanteo, Prgram Manager ng Batang 1000 Program (2nd to right), kasama ang mga nanay na kabahagi ng programa

 

Ang epekto ng stunting ay irreversible.  Ibig sabihin hindi ito maitatama at maaaring panghabambuhay.  Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Mabagal na brain development
  • Mababang IQ
  • Mahinang immune system
  • Mas malaking posibilidad ng malubhang sakit katulad ng diabetes at cancer

Iwasan ang ang stunting sa inyong anak at komunsulta sa maaasahang OB at Pediatrician.  Maaaring tumawag sa SafeBirth para sa karagdagang impormasyon.

Sources:  https://thousanddays.org/the-issue/stunting/

PAP SMEAR: MGA DAPAT TANDAAN

pap smear 2

Ang Pap smear test o Papanicolaou test ay ginagawa para malaman ang posibilidad na magka-cancer  ang cervix (o puwerta ng matris) ng isang babae.  Kung ang kondisyon ng cervix ay makikita ng maaga, ito ay maaring maagapan o magamot bago pa man lumubha.  Tandaan na walang sintomas ang cervical cancer sa umpisa.

cervical cancer

Mga Babaeng dapat magpa-Pap Smear:

girl pap

  1. Lahat ng babae na nag-umpisang makipagtalik ay dapat na regular na nagpapa-Pap Smear taon-taon.
  1. Rekomendado para sa lahat ng kababaihan edad 21 pataas.
  1. Maging ang mga babaeng nag-menopuase na o nagkaroon ng hysterectomy ay hinihikayat pa ring magpa-Pap Smear

 

Mahalagang Mga Paalaala Bago Isagawa ang Pap Smear:

  1. Dapat ay walang regla o menstrual period kapag pinagawa ito.  Pinaka mainam na isagawa ito 10-20 na araw bago at pagkatapos ng regla.
  1. Huwag makipagtalik 48 na oras bago isagawa ang Pap Smear.
  1. Dapat ay hindi maglagay ng kahit ano sa puwerta, gaya ng tampon, spermicides, vaginal foam, jellies, cream, wash, gamot, o kahit anong kemikal.

Ang lahat ng ito ay maaaring maka-apekto sa resulta ng Pap Smear

 

Mga Resulta:

Heart Pap

  1. Maaaring maging “normal” or “abnormal” ang resulta ng Pap Smear.
  1. Ang pagkakaroon ng abnormal na resulta ay hindi agad nangangahulugan na may cervical cancer ang isang babae.
  1. Para sa abnormal na resulta, dapat ay sumangguni sa espesyalista at magkaroon ng follow-up check-up at mga diagnostic tests ang babae para makumpirma ang estado ng cervix.

 

Tulad ng ibang cancer, ang cervical cancer ay maaaring maagapan kung makikita ito ng maaga.  Maging sigurista at magpa-check –up na!

 

SOURCES:

https://www.philcare.com.ph/5-things-to-know-before-taking-pap-smear/

https://www.verywell.com/your-first-pap-smear-what-to-expect-582026

http://www.akoaypilipino.eu/gabay/gabay/gabay/mga-dapat-malaman-tungkol-sa-pap-smear-o-papanicolaou-test.html

Kailan nagsisimula ang First 1000 Days ni Baby?

Ang pundasyon ng maganda at malusog na kinabukasan ng isang bata ay nagsisimula sa isang simpleng hakbang – ang pag-aalaga ng isang babae sa kanyang sarili bago at habang nagbubuntis.

F1KD website photo 2

Ang pangangalaga sa sarili bago magbuntis ay mahalaga upang masiguro ang malusog na pangangatawan. Maaaring makamit ito sa pamamagitan ng sumusunod:

  • Pag-iwas sa paninigarilyo, pag-inom ng alcohol at paggamit ng droga
  • Pag-inom araw-araw ng folic acid
  • Pagkontrol ng mga medical conditions (e.g. diabetes, hypertension)
  • Pagkakaroon ng tamang timbang sa pamamagitan ng pagkain ng tama at masustansya; at regular na pag-eehersisyo

Sa unang tanda ng pagbubuntis, dapat simulan ng isang babae ang pag-aalaga sa sarili sa pamamagitan ng pagpapa check-up sa mga midwife, doktor o nurse. Ang kalusugan ng nanay at baby ang binabantayan tuwing prenatal check-up.

Mahalaga ang prenatal check-up dahil ito ay makatutulong na matukoy ang problema sa pagbubuntis kung meron, at maagang malapatan ng lunas habang nagbubuntis. Nakatutulong din ito na maiwasan ang panganib o komplikasyon ng pagbubuntis tulad ng anemia, preeclampsia, diabetes, atbp. Ito din ang pagkakataon na tinuturuan ang mga nanay sa tamang pag-aalaga sa sarili tulad ng mga tamang ehersiyo, mga bitamina na dapat inumin, mga pagkain na dapat kainin (e.g. gulay, prutas, isda, etc.) at ang mga pagkain at gawaing dapat iwasan.

buntis

Sa prenatal-check-up, ang mga sumusunod ay maaring pagusapan o ipagawa ng mga medical providers:

  • Medical history
  • Due date
  • Laboratory examinations at ultrasound
  • Tetanus toxoid shots
  • Physical examination

Ayon sa pag-aaral, ang mga nanay na hindi nagpapatingin sa panahon ng pagbubuntis ay mas mataas ang tyansa na ang sanggol ay may mababang timbang pagkapanganak (low birth weight) at may mataas ding tyansa na mamatay ang sanggol nito kaysa sa mga nanay na nagpapatingin sa panahon ng pagbubuntis. Ang mga sanggol na may low birth weight ay mataas din ang panganib ng komplikasyon dahil sa mahinang pangangatawan upang labanan ang impeksyon.

Sa magandang kinabukasan ni baby, regular na bumista at magpatingin sa mga midwife, doktor, at nurse.

Source:
http://www.womenshealth.gov/publications/our-publications/fact-sheet/prenatal-care.html
http://www.mchb.hrsa.gov/programs/womeninfants/prenatal.html
http://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=very-low-birthweight-90-P02424

Bakit Mahalaga Ang First 1000 Days Ni Baby?

Nakasalalay sa uri ng pagalaga ng ina sa kaniyang sarili at kanyang anak sa loob ng First 1000 days ang kinabukasan ng isang bata na maging matalino, maliksi, matagumpay at kapakipakinabang sa pamilya at lipunan.

Sa First 1000 days nahuhubog ang mental at pisikal na pangangatawan ni baby. Nagsisimula ito sa pagbubuntis hanggang sa ika-2 taon ni baby. Batay sa mga pag-aaral, ang kakulangan sa nutrisyon sa panahong ito ay makaaapekto kay baby ng habambuhay at hindi na ito maaaring mabawi ang marapat na ambag sa kanyang pisikal at mental development. Hindi makakabuo ng sapat na resistensya ang bata na makaaapekto sa kanyang paglaki, pag-aaral at pagtatrabaho sa hinaharap.

Maaaring maiwasan ito kung pahahalagahan ng bawat ina ang kanilang nutrisyon sa First 1000 days nila ni baby. Mahalagang gawin ang sumusunod sa First 1000 days:

Para kay mommy:
Mommy Book-02

  • Regular na pagpapatingin sa mga health medical providers tulad ng midwife, doktor o nars sa unang tanda ng pagbubuntis
  • Uminom ng multivitamins na may folic acid at ferrous sulfate para sa mental and pisikal na development ni baby
  • Pagpapabakuna ng tetanus toxoid para maiwasan ang neonatal tetanus
  • Pagkain ng mga masusustansiyang pagkain (Go, Grow, and Glow)
  • Manganak lamang sa malinis at ligtas na paanakan katukad ng ospital o lying-in upang masigurado ang kaligtasan ni mommy at baby

Para kay baby: Mommy Book-13

  • Tanging gatas ng ina lamang ang ipainom sa unang anim (6) na buwan.
  • Magpa Newborn Screening upang matiyak na walang metabolic disorder
  • Regular na pagpunta sa health center o clinic para sa schedule ng check-up o bakuna
  • Pagpapakain ng mga masusustansyiang pagkain (Go, Grow and Glow) simula sa ika-anim na buwan ng sanggol

Ilan pa lamang ito sa mga maaaring gawin upang itaguyod ang mabuting pundasyon sa magandang kinabukasan ni baby.

Ang malnutrisyon ay isa sa nakababahalang suliranin sa Pilipinas. Tinatayang 3.4M na bansot na bata at may mahigit 300,000 na batang may edad 5 taong gulang ang kulang sa timbang. Maaaring matugunan ito sa Unang Isang Libong Araw (First 1000 Days).

Ngayong taon, ang National Nutrition Council (NNC) at Department of Health (DOH) ay nangangampanya sa kahalagahan ng First 1000 days ni baby na pinamagatang, “First 1000 Days ni baby pahalagahan para sa malusog na kinabukasan”. Hinihikayat din nila ang iba’t ibang samahan na makilahok upang higit na maraming nanay at baby ang maging malusog sa kanilang First 1000 days.

100days

Nakikiisa ang SafeBirth sa kampanya ng ating gobyerno sa pamamagitan ng Batang 1000 program.  Layunin ng programang ito na tiyaking malusog ang bawat nanay at sanggol sa pamamagitan ng ibat-ibang mga gawain sa komunidad na lalahukan ng mga ina.

Panoorin ang video para sa karagdagang impormasyon, i-click ang link na ito: BATANG 1000 PROGRAM.