Pregnancy Stories, Uncategorized

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Pamela Tongol

 

Mother:  Pamela Tongol

Age: 21 years old

Bilang ng Anak: Isa (1)

Baby:  Elizabeth Ivan T. Sambahon

Birthday:  June 23, 2022

 

Q: Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBirth at bakit dito mo napiling manganak?

A:  Nag-consider ako tumingin sa mga private at public hospitals. Nag-inquire kami sa mga ospital kaso strict pala sila pagdating sa bantay.  Importante kasi sa amin ng partner ko na maging shared ang experience sa panganganak. Nakasubok rin akong magpa-check up sa tatlong iba-ibang lying in clinic. Na-search ko sa Facebook ang SafeBirth at sakto mayroon silang Free Check-up Promo.  Sa unang check-up ko pa lang nagkaroon ako agad ang peace of mind. Ramdam ko ang sincerity at malasakit ni Midwife Jenny Earl. Nagbigay siya ng advice at halata ang kaniyang experience, at talagang alam niya ang ginagawa niya.

Q: Bakit ka napanatag sa Alagang SafeBirth sa kabila ng banta ng Covid-19?

A:  Mula pa lang sa booking experience, alam mong exclusive siya to patients only kasi may schedule.  Dahil dito less interaction, less exposure rin. Yung clinic mismo well-sanitized.  Iniiwan ang slippers sa labas, may personnel na maya’t maya naglilinis kahit walang paanak, at lahat ng staff na nag-attend sa akin ay naka-PPE.  Okay ang procedures, kasi pina-swab kami.  Okay lang na ma-prolong ng konti yung process, basta nakikita mong well-prepared.  Lalo na para sa proteksyon ng isang newborn baby na baka mahina pa ang depensa pagkapanganak.

Q:  Mairerekomeda mo ba ang SafeBirth sa ibang buntis?

A:  Reliable ang brand na SafeBirth. Transparent sila sa transactions. Lahat ng kailangan kahit ng isang first-time mom nasa Facebook page nila. Kung may iba pang concerns ay nasasagot ng kanilang staff, midwife o OB.  Pati appointment system efficient. Ang midwife maalaga. Pati mga papeles na kailangan, hanggang sa post-partum care kumpleto sila.

Feeling ko nakatipid ako. Considering yung budget na nahanda namin, nakuha ko yung peace of mind, yung serbisyo at level of care na makukumpara ko sa ospital.  In fact, na-exceed pa ang aking expectations.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

Pregnancy Stories, Uncategorized

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: DIANNE QUINTOS COYOCA

Dianne 1

Mother:  Dianne Quintos Coyoca

Age: 26 years old

Bilang ng Anak:  Dalawa (2)

Baby:  Zoe Isabelle Coyoca

Birthday:  November 21, 2019


 

Q: Bakit mo napiling sa SafeBirth ulit manganak sa iyong pangalawang baby, kahit na lumipat ka na ng tirahan?

Kumportable na rin ako sa SafeBirth kasi alam ko na ang lugar, malinis ang facilities, mababait ang staff at kabisado ko na ang alaga nila.  Alam ko na rin na wala akong aalalahanin dahil kumpleto na sila sa gamit at hanggang sa pagproseso ng birth certificate, Newborn Hearing, Newborn Screening ay meron sila kaya sulit.

Kahit na taga Montalban na ako at mayroong mas malapit na lying in sa tinitirhan ko ay dinadayo ko pa rin ang SafeBirth.  Mas malayo na ang byahe lalo sa traffic ngayon. Pero nag-a-adjust si Ma’am Bern sa schedule ng check-up ko after office.  Madali siyang maka-text at flexible kung magpapalipat ako ng schedule, kaya walang naging problema kahit malayo na ako nakatira.

Dianne 3

Q: Paano nakatulong sa iyo ang Alagang SafeBirth?

Dianne 8A:  Nagbibigay sila ng praktikal na payo tungkol sa pagbubuntis at pag-aalaga ng baby.  Hindi pala dapat maniwala sa mga pamahiin o nakagawian tulad ng bigkis o paglalagay ng acete de manzanilla.  Ang mga payo nila ay mula sa experience at pag-aaral kaya panatag talaga ako. 

Malaking tulong rin na nakasama ako sa Batang 1000 Program para sa una kong baby.  Marami akong natutunan na do’s and don’ts pagdating sa nutrisyon, paano ang proper na pagpapaligo kay baby at talagang naenganyo kaming mag-breastfeed dahil sa mga benepisyo nito.  Dahil sa gatas ko lumaking malusog ang first baby ko na si Ken Caleb lalo na at may kasamang vitamins after 6 months.  Ngayon sa second baby ko na si Zoe Isabelle inuulit ko lang ang mga natutunan ko. Kahit hindi masyado naging successful sa latching kay Ken Caleb, ay na-a-apply ko pa rin ito sa ngayon at nakahakab naman si Zoe Isabelle. Sa katunayan ay nagdo-donate ako ng extra breastmilk ko.

Dianne 9

Q: Mairerekomenda mo ba ang Alagang SafeBirth sa ibang mga buntis?

Talagang proven at tested ko na ang SafeBirth.  Sulit ang bayad.  Malinis ang facility at panatag na manganganak ka ng maayos.  Maayos ang kanilang processing, at PhilHealth accredited kaya Malaki ang bawas sa gastos.

Dainne 4

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

BATANG 1000 (First 1000 Days), Breastfeeding Stories

4 na Pagkain Para sa Breastfeeding

breastfeeding food

Kailangan ng dedikasyon sa breastfeeding, lalo na sa First 1000 Days ni baby kung saan tanging ang gatas ng ina ang pinakamasustansiya at angkop na pagkain niya.  Malaking bagay sa tagumpay ng breastfeeding ang malusog na pangangatawan ng ina.

Narito ang apat sa mga simple at madaling makuhang pagkain na makakatulong sa pagpapasuso:

  1. Malunggay

Ito na marahil ang pinakasikat at epektibong pagkain para sa nagpapasuso.  Meron itong capsule form pero mas mairerekomenda na isahog ang gulay sa araw-araw na pagkain.  Bukod sa pagpaparami ng gatas, napakarami rin nitong benepisyo para sa bagong panganak:  1. Para sa pagpapatibay ng immune system, 2. Nakakatulong sa pamamaga ng joints para sa nakaranas ng arthritis sa pagbubuntis, 3. Nakakababa ng sugar levels para sa nagkaroon ng gestational diabetes, 4.  Sa pagre-regulate ng blood pressure para sa nagkaroon ng pregnancy-induced hypertension, 5.  Pagpapagaling ng hika, ulcer, migraine na maaaring nararanasan ng mga bagong panganak, atbp.

  1. Green Papaya

Hindi lang dami kung hindi pati ang kalidad ng breastmilk ay napapabuti ng green papaya.  Ito ay natural na sedative, na nakakatulong na makakalma at relax habang nagpapasuso.  Ang hormone na oxytocin ay nakakatulong sa breastmilk production.  Ang pagkain ng green papaya ay nakakapagparami ng oxytocin sa katawan, na nagreresulta sa mas magandang daloy ng gatas ng ina.

  1. Luya

Ang luya ngayon ay kasama na sa mga tinatawag na lactogenic na pagkain – mga pagkain na sinasabing nakakatulong sa pagpaparami ng breast milk.  Sinasabing may therapeutic effects ang luya at nakakatulong ito sa immunity, paglaban sa mga tumor, pagbabawas ng inflammation o pamamaga, pagbaba ng blood sugar, atbp.  Sa pangkalahatan ay ligtas ito, pero kailangan pa ring konsultahin ang iyong OB o medical provider para sigurado.  Ang mga babaeng nawalan ng maraming dugo sa panganganak ay sinasabing hindi dapat kumain ng luya agad agad.

  1. Tubig

Bagamat hindi ito pagkain, ang pag-inom ng tubig ang isa sa mga pinakaimportante para masigurado na sapat ang supply ng breastmilk.  Nababawasan ang tubig sa katawan kapag nagpapasuso, kaya malaking bagay ang tubig para manatiling hydrated at magkaroon ng breastmilk.  Madalas ay nakakaranas rin ng pagkauhaw ang ina habang nagpapasuso kaya magandang may baso ng tubig habang ginagawa ito.

Hindi kailangan maging mahirap at mahal ang breastfeeding. May mga simple at murang pagkain na makakatulong sa mga ina.  Iwasan rin ang asukal, kape, tsokolate, alcohol at mga processed food.  Tandaan na kung mas madalas ang pagpapasuso, mas dadami ang gatas ng ina.

Happy breastfeeding, Mommies!

 

Sources:

http://www.momjunction.com/articles/best-foods-to-increse-breast-milk_0076100/#gref

http://www.justmommies.com/babies/top-ten-lactogenic-foods-foods-that-improve-your-milk-supply#water

http://www.mom365.com/baby/breastfeeding/10-foods-to-increase-lactation/

http://www.livestrong.com/article/265204-fresh-ginger-breast-feeding/

http://www.momjunction.com/articles/papaya-while-breastfeeding_00367111/#gref

https://ph.theasianparent.com/malunggay-really-improve-breastmilk-supply/

 

 

 

 

BATANG 1000 (First 1000 Days)

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: KRISTINE MORAN

3

 

 

Mother:  Kristine Joy Moran

Edad: 36 years old

Bilang ng Anak:  2

Baby:  Markie Althea Fadrilan (7 months)

 

 

 

 

Q: Bakit ka sumali ng Batang 1000 Program at ano ang natutunan mo dito?

A:   Noong una naisip ko sasali na lang ako para may mapaglibangan.  Pero isa ako sa mga unang nanganak, at nahirapan na akong mag-attend ng mga Nutrition Class, dahil nag-aalaga ng baby at may trabaho ang asawa ko.  Pero pinilit at kinumbinsi talaga ako ng Batang 1000 coordinator na si Leah na mag-attend.

Nang lumipas ang ilang linggo na-realize ko parang ang saya-saya na ng sessions.  Natututo ako ng tamang nutrisyon sa mga lectures, pero natututo rin kami ng mga nanay sa experience ng isa’t isa.  Nadadala rin namin ang mga baby namin sa mga klase.  Sobrang pursigido ko mag-attend, tatlong beses pa akong naging perfect attendance!

Batang 1000 food
 

MURA, MASARAP AT MASUSTANSYA ANG PUTAHE SA BATANG 1000 NANAY CLUB

 

Q:  Sa paanong paraan nakatulong ang programa sa’yo at paano ito nakatulong sa breastfeeding mo?

A:  Bago pa man ako nabuntis, cook na ako dati sa isang restaurant.  Pero dito natuto ako magluto ng walang preservatives, MSG o kahit anong pampalasa na artificial. Puro gulay at masusustansiyang pagkain kami.  Talagang palaging ubos!

Kaso lang noong una, nahirapan talaga ako magpasuso.  Walang lumalabas sa akin na gatas mahina talaga. Hindi rin maka-hakab ang baby ko.  Pero dahil sa pag-attend ko ng Nutrition class, at bawal ang bote sa health center napilitan talaga akong padedehen siya. Kung hindi ko ito gawin, ay iiyak lang siya sa gutom. Panay rin ang udyok at suporta ni Leah para magpa-breastfeed ako.  Kalaunan, kakasubok at practice ay lumabas na ang gatas ko.  Ngayon, exclusively breastfeeding na ako!

Kristine collage
DAHIL SA SUPORTA NG BATANG 1000, SUCCESS NA ANG BREASTFEEDING NI MOMMY KRISTINE

 

Q:  Sa kabila ng paglipat mo ng tirahan, bakit patuloy pa rin ang iyong pagdalo sa Batang 1000?

A:  Ngayon patuloy pa rin akong nagsisikap na dumalo sa mga Batang 1000 Nutrition class.  Lumipat na kami ng tirahan sa Philcoa pero dinadayo ko pa rin ang health center sa Old Balara.  Kahit na mas maraming sakay at mas mahal ang pamasahe, isinasama ko pa rin ang baby ko at doon sinusuportahan naming mga nanay ang isa’t isa para mag-breastfeed.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan

 

BATANG 1000 (First 1000 Days)

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: JUDY LANE PENILLA

IMG_1163

 

Mother:  Judy Lane Penilla

Edad: 27 years old

Bilang ng Anak:  Isa, 5 months old

Anak:  Rouie Lein Penilla

Birthday:  February 13, 2017

 

 

 

 

Q: Bakit ka sumali ng Batang 1000 Program at ano ang naging karanasan mo dito?

A:   Natutuwa talaga ako sa mga Nutrition Class namin.  Kasi ang mga first time nanay na katulad ko, natututong magluto.  Hindi lang basta-basta, dapat masustansya.  Bawal sa amin yung mga pampalasa na maraming preservatives.  Kasi hindi lang para sa amin iyon, para rin sa baby sa loob ng sinapupunan namin.

Bukod doon ang dami naming benefits, may libreng Obimin, may freebies pa minsan na magagamit namin – tulad ng gamit ng baby, higaan, bag.  Menos gastos na rin.  Masaya rin kasi nakakasalamuha kami ng ibang nanay.

Judy Lane 1

Si Mommy Judy Lane tuloy ang pagluluto sa Nutrition Class kasama si Baby Rouie

 

Q:  Ano ang naging epekto o resulta sa iyo ng pagsali sa programa?

A:  Para sa akin nakatulong talaga.  Hindi naman talaga ako pihikan sa pagkain pero palagay ko dahil masustansya ang mga niluluto namin, wala naman akong naramdamang mga sakit-sakit.  Paglabas rin ng baby ko, healthy siya.

Sa biyenan ko unang nalaman ang tungkol sa Exclusive Breastfeeding pero nung sinabi sa Batang 1000 ang mga benepisyo talagang nakumbinsi na akong gawin ito.  Ngayon ang tawag nila sa anak ko ay ‘Bochog’ tapos tinatanong nila kung ano ang gatas niya kasi ang lusog lusog talaga.  Sabi ko gatas ko lang talaga.  Kung ikukumpara rin siya sa ibang bata, hindi siya sakitin o sipunin.  Hindi rin ako nahihirapang alagaan siya.

 

Judy Lane collage

Ang Batang 1000 Nanay Club sama-samang nagluluto, kumakain at natututo ng tamang nutrisyon para kay baby

 

Q: Paano kayo nagtutulungan ng Batang 1000 Nanay Club?

A:  Isang beses kasi may isang bata na iyak ng iyak.  Inverted kasi ang utong ng nanay niya kaya nagpa-pump lang siya o bottle feeding.  E kaso bawal ang bote sa Health Center.  So nagkatanungan na kung sino ang puwede magbigay ng gatas.  Simula noon nagbabahagi ng kami ng gatas sa ibang nanay sa grupo, lalo na yung mga nahihirapang magkagatas.  Minsan busy yung ibang nanay, nagluluto, kaya yung anak nila papadedehin muna sa ibang nanay.  Talagang kumportable na kami sa isa’t isa at talagang  may tulungan.  Kapag may breastmilk donation sa Health Center kaming mga Batang 1000 Nanay Club ang tinatawag nila.  Sabi nga nila panalo ang gatas namin, kasi ang dami-dami naming naido-donate.  Flattered kami at natutuwa na nakakatulong kami sa ibang nanay lalo na ‘yung walang gatas, kasi mas healthy talaga para sa bata ang breastmilk

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

BATANG 1000 (First 1000 Days)

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Ruby Ann Panlilio

Ruby Ann 3

 Mother:  Ruby Ann Panlilio

Edad: 30 years old

Bilang ng Anak:  8 na buwang buntis

 

Q: Bakit ka sumali ng Batang 1000 Program at ano ang natututunan mo rito?

A:   Noong Pebrero 2017 sumali ako sa Batang 1000 Program ng SafeBirth.  Doon ko nalaman na kami ay gagabayan sa kung ano ang tamang nutrition ng ina at baby mula sa sinapupunan hanggang siya ay mag-2 years old.  Bilang first time mommy natutuwa ako sa mga natututunan ko dahil nalaman ko na kailangan pala pati si mommy binabantayan ang nutrisyon dahil nakukuha rin ni baby ang nutrients na kinakain ko.

IMG_1123
Pagluluto ng masustansiyang putahe sa Batang 1000 Nanay Club

Doon ko nalaman na kapag hindi natutukan puwede palang epekto nito ang hindi tamang height at timbang ng bata at pagkakaroon ng mga sakit.  At kapag lumagpas ng 2 years old, mas mahihirapan nang ibalik ang nutrisyon na nawala para maging malusog ang anak mo.

Minsan kasi akala ng mga nanay kailangan lang bantayan ang kinakain kapag nakalabas na si baby.  At least natututo ako, at hindi lang ako buntis na naghihintay manganak sa bahay.

Q:  Sa paanong paraan nakatulong ang programa sa’yo?

A:  Masaya kasi nagkaroon na kami ng grupo ng mga nanay at may suporta sa isa’t isa.  May group chat na rin kami na kahit kailan puwede mag-message.  Malaking tulong kasi kapag may nararamdaman nakakahingi kami ng tips, lalo na sa mga nanganak na dati.

Ruby food
Prutas, Gulay, Isda: Ilan sa mga hinahanda sa Nutrition Class

Siyempre nakabantay rin sa nutrisyon naming mga ina. May mga libreng prenatal vitamins katulad ng Obimin kaya nakakatipid rin kami.  May Nutrition Class rin kung saan meron kaming iba-ibang menu for the day.  Lahat ng niluluo namin masustansya —  madalas isda o manok na may gulay, tapos may dessert kami na prutas.  Minsan ang ibang buntis naglilihi o naglalaway para sa ibang pagkain, pero dito nagkakaroon ng control at disiplina sa pagkain.  Iwas kami sa mga pampalasa na hindi maganda sa katawan at natutunan ko ang tungkol sa Sigla Pack na punong puno ng sustansya pero nagpapalasa rin sa pagkain.

Q:  Paano mo isinasabuhay ang mga natututunan mo?

A:  Inuulit ko sa bahay ang mga putahe.  Matagal na akong nagluluto pero nagkaroon ako ng mas maraming idea kung paano lulutuin ang pagkain kaya sa sunod ng araw pagkatapos ng klase, excited ako laging subukan!  Minsan dinadagdagan ko pa ng ibang gulay tulad ng amplaya, munggo, kalabasa, pechay.  Ngayon wala akong problema sa pagbubuntis, normal lahat kahit laki ng tiyan ko at development ni baby sa loob.  Kahit pamamanas, wala. Epekto siguro ito ng masustansyang pagkain dahil may posibilidad na may ibang maramdaman kung hindi tutok sa nutrisyon.

Natutuwa rin ako na nababahagi ko sa ibang nanay, lalo ‘yung mga first time, ang kaalaman ko.  Marami kasing nagugulat na ganun pala kahalaga na matutukan ang First 1000 Days.  Madalas ay hindi nila alam na mula sa sinapupunan hanggang paglabas ay importante ang kinakain ng ina at ng baby.

Ruby Ann group
Ruby Ann kasama ang ibang nanay sa Batang 1000 Novaliches

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

BATANG 1000 (First 1000 Days)

First 1000 Days: Ano nga ba ang epekto ng STUNTING sa iyong anak?

stunting1
 

Photo Credit:  http://www.sightandlife.org

 

‘Bansot’ o ‘pandak’ ilan lamang ito sa mga tuksong natatanggap ng mga bata kapag sila ay mas maliit kaysa sa kanilang mga kalaro o kaibigan.  Pero alam niyo bang maaari itong senyales na ang anak niyo ay ay may malnutrition, particular na ang STUNTING? Ano nga ba ang stunting at bakit importanteng hindi maging stunted ang iyong anak sa kaniyang First 1000 Days?

Stunting_Stolen-Childhood-PR
Photo Credit:  http://www.savethechildren.org.ph/about-us/media-and-publications/press-releases/media-release-archive/years/2017/stolen-childhoods-press-release-and-report

Sa Pilipinas nasa 3.78 million na batang mas mababa sa 5 na taon ang edad ang stunted (FNRI-DOST, 2015).  Ayon sa World Health Organization (WHO), ang stunting ay kapag mababa ang height ng bata para sa kaniyang edad (low height-for-age).  Dahil ito sa pagkain ng kulang sa sustansya sa loob ng mahabang panahon, o/at umuulit na impeksiyon o sakit ng bata.

Ayon kay Dr. Marie Christine Joy B. Tanteo, Program Manager ng Batang 1000 Program ng Quezon City Health Department, kapag malnutrition ng bata ang pinag-uusapan, stunting ang pinakamahalagang tinitignan. Para malaman kung ang isang bata ay lumalaki na angkop sa kanyang edad, gumagamit ng isang graphical tool mula sa WHO kung saan malalaman kung ano ang tamang average height ng bata sa kaniyang edad.  Dagdag pa niya, ”Nagiging stunted o wasted lamang ang bata kung siya ay may malubhang sakit na nakaaapekto sa kanyang paglaki tulad ng sakit sa puso o kung may genetic siyang disease o malformation. Ngunit sa isang batang walang sakit, isa itong indicator na ang bata ay hindi nakakakuha ng wastong nutrition. Itong ‘di wastong paglaki ng bata na ito ay isang pisikal na manifestation ng development ng kanyang importanteng organs sa katawan, tulad na ng kanyang brain. Kung di sya lumalaki ng wasto para sa kanyang edad, masasabi natin na hindi rin lumalaki or nade-develop ng wasto ang kanyang brain. Irreversible ito dahil sa unang 2 taon ng bata, nahuhubog ang mga importanteng parte brain na makatutulong sa kanyang pag-iisip. Kapag nalagpasan na itong 2 taon na ito, mahirap na itong balikan o habulin.”

Dr. Joy Batang 1000
 

Dr. Joy Tanteo, Prgram Manager ng Batang 1000 Program (2nd to right), kasama ang mga nanay na kabahagi ng programa

 

Ang epekto ng stunting ay irreversible.  Ibig sabihin hindi ito maitatama at maaaring panghabambuhay.  Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Mabagal na brain development
  • Mababang IQ
  • Mahinang immune system
  • Mas malaking posibilidad ng malubhang sakit katulad ng diabetes at cancer

Iwasan ang ang stunting sa inyong anak at komunsulta sa maaasahang OB at Pediatrician.  Maaaring tumawag sa SafeBirth para sa karagdagang impormasyon.

Sources:  https://thousanddays.org/the-issue/stunting/

BATANG 1000 (First 1000 Days)

PRENATAL VITAMINS: Anu-ano at para saan nga ba ito?

Batang 1000 -prenatal vitaminsAng pagkain ng tama at sapat ay mainam para sa mga nagbubuntis. Ngunit ang nutrisyon na dapat matanggap ay maaaring kulang kahit marami ang kinakain. Ang pag-inom ng prenatal vitamins ay makakadagdag ng nutrients na kinakailangan ng ating katawan lalo na sa panahon ng pagbubuntis.

Anu-ano nga ba ang mga prenatal vitamins na dapat inumin ng mga buntis?

Folic acid. Sa panahon ng pagbubuntis, importanteng may sapat na folic acid na matanggap ang isang babae. Ang folic acid ay nakatutulong para maka-iwas sa mga depekto sa utak at spinal cord ni baby. Kinakailangan din ito ng katawan upang gumawa ng red blood cells upang maiwasan ang isang klase ng anemia. Bukod pa rito, ito rin ay importante sa mabilis na paglago at produksyon ng mga cells para sa inyong placenta (inunan) at sa pagbuo kay baby.

Calcium. Ang calcium ay mahalaga din sa inyong pagbubuntis upang maging matibay ang buto ng nanay at ng sanggol. Kung kaya’y hinihikayat ang bawat buntis na uminom ng calcium upang patibayin ang mga buto.

Iron.   Ang iron ay ginagamit ng ating katawan para matustusan ang lumalaking sanggol at inunan, at para may karagdagang dugo si mommy at baby. Ito rin ay tumutulong sa pagpapalakas ng immune system ng mga mommy. Ang iron deficiency ay karaniwan rin sa mga nagbubuntis. Kung ang isang nagbubuntis ay may iron deficiency, maaaring maging sanhi ito ng preterm delivery (panganganak ng maaga) o low birth weight (mababang timbang sa paglabas ng sanggol).

Multivitamins.  Ang multivitamins ay nakatutulong sa pagpapalakas ng resistensya ng buntis para makaiwas sa sakit ang ina at sanggol.

Vitamin D. Ito ay tumutulong upang mapanatili ang tamang antas ng calcium at phosphorus na kinakailangan sa pagbuo ng buto at ngipin ng iyong sanggol. Ayon sa mga pag-aaral, ang vitamin D ay maaaring makatulong na makaiwas sa gestational diabetes, preterm delivery at mga impeksyon.

Ilan lamang ito sa mga dapat inumin ng mga buntis. Upang malaman pa ang mga supplements na makatutulong sa inyong pagbubuntis, komunsulta sa inyong medical providers (midwife o doktor).

 

Source:

http://www.webmd.com/vitamins-supplements/ingredientmono-1017-folic%20acid.aspx?activeingredientid=1017&

https://www.babycenter.com/0_folic-acid-why-you-need-it-before-and-during-pregnancy_476.bc

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK235217/

http://www.webmd.com/baby/are-you-getting-enough-iron

http://www.webmd.com/baby/news/20100504/high-doses-of-vitamin-d-may-cut-pregnancy-risk#1

http://americanpregnancy.org/pregnancy-health/vitamin-d-and-pregnancy/

https://www.babycenter.com/0_vitamin-d-in-your-pregnancy-diet_661.bc

BATANG 1000 (First 1000 Days)

Ang Dapat sa Bata: Supplements Para sa Ating Supling (0-12 months)  

 

Batang 1000 - baby vitamins

Ang gatas ng ina ay ang pinakamagandang pagkunan ng nutrients na maaaring matanggap ng isang bata (0-6 na buwan). Ngunit pagdating ng ika-6 na buwan, kailangan na rin mabigyan ng dagdag bitamina ang ating mga supling. Sa pagpili ng tamang vitamins, maaaring hanapin ang mga sumusunod:

Iron. Dahil ang iron sa dugo ni mommy ay nababawasan habang nagpapasuso kay baby, ang dagdag na iron ay kinakailangan upang magkaroon ng sapat na dugo at maiwasan ng ating supling ang iron-deficiency.

Vitamin A. Ang bitaminang ito ay importante sa pagpapaganda ng paningin at pagpapalakas ng buto ni baby. Bukod pa rito, ang bitaminang ito ay proteksyon laban sa mga impeksyon.

Zinc.  Ang zinc ay responsable sa pagbuo ng protina sa katawan ni baby na tumutulong sa mabilisang paggaling ng sugat, pagdevelop ng dugo, at pagpapalakas ng immune system.

Vitamin C. Ito ang bitaminang tumutulong sa pagpapaganda ng pag-absorb ng iron, paglaban sa mga impeksyon, paggawa ng protina na nakatutulong sa istraktura sa buto, muscle, dugo, at sa pagpapanatili na maging matibay ang ngipin at buto.

Vitamin B12. Ang vitamin B12 ay importante lalo na sa pananatiling malusog ang blood cells at sa nervous system ni baby.

Ilan lamang ito sa dapat nating hanapin sa mga vitamins ng ating supling. Tandaan, ang ating paediatrician ang eksperto pagdating sa kalusugan ng ating mga anak mula sanggol hanggang edad 18. Para sa mas kumpletong kaalaman ukol sa development at mga dapat ibigay kay baby, regular bumisita sa inyong paediatrician.

 

Photo source: http://www.freepik.com/free-vector/medicine-bottles_776528.htm

http://www.freepik.com/free-vector/infographic-template-design_1062202.htm

 

Source:

https://www.babycenter.com/0_vitamin-a-in-your-childs-diet_10324693.bc

http://www.who.int/elena/titles/vitamina_children/en/

https://wicworks.fns.usda.gov/wicworks/Topics/FG/Chapter1_NutritionalNeeds.pdf