Ang pangangalaga sa sarili habang nagbubuntis ay hindi natatapos sa pagpapatingin lamang sa mga medical providers (midwife o OBGyne). Kasama rin dito ang kumain ng tamang pagkain na may sapat na nutrisyon. Ito ay parte ng pangangalaga sa sarili at kay baby sa First 1000 days ninyo.
Importanteng kumain ng sapat at masustansyang pagkain dahil:
- Sanhi ito ng nutrisyon para sa mental at pisikal na development ni baby
- Maiiwasan ang sobrang timbang habang nagbubuntis
- Maiiwasan ang gestational diabetes
- Nagpupuno ito ng mga nawawalang sustansyang kinukuha ni baby
Ang Pinggang Pinoy ay ginawa ng Food and Nutrition Research Inc. (FNRI), isang gabay para sa mga buntis upang sila ay maturuan kung ano ang mga dapat kainin na may sapat na nutrisyon habang sila ay nagbubuntis.

Para magabayan tayo mga mommy, maaring gamitin ang Pinggang Pinoy chart para masigurong tama at sapat ang ating kinakain. Makikita sa Pinggang Pinoy ang pagkakahati nito sa GO, GROW and GLOW foods.
Ayon sa FNRI, ang bawat nanay ay dapat kumakain ng GO, GROW and GLOW food upang maging malusog at maging matibay kayo ni baby.
Anu-ano nga ba ang GO, GROW and GLOW foods?
GO foods: Ang Go Foods ay mga pagkaing pampalakas at pampasigla. Ang mga pagkaing ito may carbohydrates na may mataas na fiber, bitamina at minerals na nagbibigya ng enerhiya.
Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng Go Foods:
- Kanin
- Tinapay
- Kamote
- Mais
GROW foods: Ang Grow Foods ay ang mga pagkaing mayaman sa protina na tumutulong sa pampatangkad, pampabuo ng katawan, pampalakas ng mga buto ni mommy at sa growth development ni baby.
Ang mga sumusunod naman ay ang mga halimbawa ng Grow Foods:
- Itlog
- Gatas
- Lamang-dagat katulad ng isda at hipon
- Keso
- Meat katulad ng chicken, baka, baboy
- Beans katulad ng garbanzos, mongo, taosi, atbp
GLOW foods: Ang Glow Foods ay mga pagkaing siksik sa nutrisyon at bitamina na panlaban sa sakit katulad ng mga gulay at prutas. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa nito:
- Pechay
- Malunggay
- Okra
- Sitaw
- Manga
- Pinya
- Kamatis
Simulan ang pagbuo ng magandang kinabukasan ni baby sa pagkain ng sapat at masusustansyang pagkain sa First 1000 days ninyo.

Abangan ang iba pang First 1000 articles para sa maging malusog at matibay kayo ni baby.
Source:
http://www.fnri.dost.gov.ph/images/sources/PinggangPinoy-Pregnant-and-Lactating-Women.pdf
http://www.fnri.dost.gov.ph/index.php/tools-and-standard/nutritional-guide-pyramid#pregnant
http://www.medlineplus.gov/ency/patientsinstructions/000584.htm
https://www.reference.com/food/examples-grow-glow-foods-9fcf9bafd4151a15#