Pregnancy Stories, Uncategorized

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: DIANNE QUINTOS COYOCA

Dianne 1

Mother:  Dianne Quintos Coyoca

Age: 26 years old

Bilang ng Anak:  Dalawa (2)

Baby:  Zoe Isabelle Coyoca

Birthday:  November 21, 2019


 

Q: Bakit mo napiling sa SafeBirth ulit manganak sa iyong pangalawang baby, kahit na lumipat ka na ng tirahan?

Kumportable na rin ako sa SafeBirth kasi alam ko na ang lugar, malinis ang facilities, mababait ang staff at kabisado ko na ang alaga nila.  Alam ko na rin na wala akong aalalahanin dahil kumpleto na sila sa gamit at hanggang sa pagproseso ng birth certificate, Newborn Hearing, Newborn Screening ay meron sila kaya sulit.

Kahit na taga Montalban na ako at mayroong mas malapit na lying in sa tinitirhan ko ay dinadayo ko pa rin ang SafeBirth.  Mas malayo na ang byahe lalo sa traffic ngayon. Pero nag-a-adjust si Ma’am Bern sa schedule ng check-up ko after office.  Madali siyang maka-text at flexible kung magpapalipat ako ng schedule, kaya walang naging problema kahit malayo na ako nakatira.

Dianne 3

Q: Paano nakatulong sa iyo ang Alagang SafeBirth?

Dianne 8A:  Nagbibigay sila ng praktikal na payo tungkol sa pagbubuntis at pag-aalaga ng baby.  Hindi pala dapat maniwala sa mga pamahiin o nakagawian tulad ng bigkis o paglalagay ng acete de manzanilla.  Ang mga payo nila ay mula sa experience at pag-aaral kaya panatag talaga ako. 

Malaking tulong rin na nakasama ako sa Batang 1000 Program para sa una kong baby.  Marami akong natutunan na do’s and don’ts pagdating sa nutrisyon, paano ang proper na pagpapaligo kay baby at talagang naenganyo kaming mag-breastfeed dahil sa mga benepisyo nito.  Dahil sa gatas ko lumaking malusog ang first baby ko na si Ken Caleb lalo na at may kasamang vitamins after 6 months.  Ngayon sa second baby ko na si Zoe Isabelle inuulit ko lang ang mga natutunan ko. Kahit hindi masyado naging successful sa latching kay Ken Caleb, ay na-a-apply ko pa rin ito sa ngayon at nakahakab naman si Zoe Isabelle. Sa katunayan ay nagdo-donate ako ng extra breastmilk ko.

Dianne 9

Q: Mairerekomenda mo ba ang Alagang SafeBirth sa ibang mga buntis?

Talagang proven at tested ko na ang SafeBirth.  Sulit ang bayad.  Malinis ang facility at panatag na manganganak ka ng maayos.  Maayos ang kanilang processing, at PhilHealth accredited kaya Malaki ang bawas sa gastos.

Dainne 4

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

Breastfeeding Stories, Uncategorized

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Lormie Agamata-Campos

 

Mother:  Lormie Agamata-Campos

Age: 27 years old

Bilang ng Anak:  Dalawa (2)

Baby:  Daenerys Faustin Malorie Campos

Birthday:  July 18, 2019

Q:  Kamusta ang naging karanasan mo sa breastfeeding sa iyong unang anak?

A:  Na-CS (caesarean section) ako sa una kong anak na si Djoko. Unfortunately, hindi siya nakapag-latch o dumedede ng direkta sa akin.  Two and a half years ago nung pinanganak ko siya, hindi rooming in ang CS cases sa ospital na pinag-anakan ko.  Pagkatapos ng trial labor, at napagpasiyahan na hindi kaya ng normal delivery, medyo maraming epidural anesthesia ang ibinigay sa akin.  Kaya talagang groggy at tulog ako pagkatapos.  Sa loob ng 12 na oras nasa NICU si Djoko at nakahiwalay sa akin. Pinainom siya ng breastmilk pero gamit ang syringe at cup.  Nung nagising ako hindi nagla-latch si Djoko sa akin. Hanggang sa paglabas namin sa ospital at kahit sumangguni ako sa lactation consultant, ayaw pa rin ni Djoko mag-latch. 

Pero kahit ganun, nagpursige pa rin ako na breastmilk ang ipainom sa kaniya.  Buti na lang at may nagpahiram sa akin ng breast pump.  Alam ko kasi na importante ang breastmilk bilang immunization ni baby, at cost effective ito dahil mahal ang gatas. Dahil sa 12 hours na wala kaming skin-to-skin contact parang hindi nasanay si Djoko sa natural na amoy ko, na nakaapekto sa breastfeeding ko sa kaniya.        

Q:  Ano ang naging pagbabago sa iyong breastfeeding journey sa pangalawang anak mo na si Daenerys Faustin?

A:  Dahil sigurado na akong CS ulit para sa pangalawa kong anak, nagkaroon ako ng fear na mauulit ang nangyari noon. Naisip ko during recovery ay hindi ulit rooming in ang mangyayari sa amin ng anak ako. Nagulat ako na habang tinatahi ako, ay ipinatong agad sa akin ang anak ko para magkaroon ng skin-to-skin contact.  Parang nagkaroon na rin ng pagbabago sa protocol ng ospital para sa CS cases. Dahil rin siguro mas konti na ang epidural anethesia na inilagay sa akin at gising ako, hinayaan nilang nakapatong sa dibdib ko si baby habang tinatahi ako.  Hindi nila tinanggal hanggang naging successful ang latching niya sa akin.  Inalalayan pa siya ng Pedia sa pag-latch kaya naman naging madali ito sa kaniya.  Pagka-latch niya saka lang siya tinanggal para isagawa ang newborn care. 

Q:  Ano ang mahalagang mga aral na natutunan mo sa iyong breastfeeding journey?

A:  Sobrang natuwa ako kasi pagkatapos noon, ay hindi na ako nagkaroon ng kahit anong problema sa pagpapasuso kay Baby Faustin.  Sobrang eager niyang dumede sa akin at walang problema sa pag-hakab.  Siyempre dahil first time ko magpadede at makapagpa-latch ay masakit nung unang linggo. Pero tiniis ko at nakatulong ang pagpahid ng vigin coconut oil (VCO).  Talagang unlimited latch ako sa kaniya para tuloy tuloy ang production ko ng gatas.  Doon ko nakita ang pagkakaiba ng direct breastfeeding.  Talagang mas may bonding kami ni baby.  Parang in sync kahit mga katawan namin, kasi parang alam ng katawan ko kung gutom na ang baby ko.

Ganun pala talaga kaimportante ang EINC (Essential Intrapartum and Newborn Care) at magkaroon agad ng skin-to-skin contact si baby at mommy within the first few hours.  Kapag naipa-latch siya agad, yun na ang magiging natural sa kaniya at makakasanayan niya kaya mas magiging successful ang breastfeeding.

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

Breastfeeding Stories, Uncategorized

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Regina Pasion

Reg 6

Mother:  Regina Grace P. Pasion 

Edad: 27 years old

Bilang ng Anak:  Isa (1)

Baby:  Christopher Miguel Ang (Komiks)

Birthday:  January 9, 2017

 

Reg 7
 

Sinikap ni Mommy Regina mag-Exclusive Breastfeeding ng 6 na buwan.

 

Q:  Bilang first time mommy, bakit naging mahalaga sa’yo ang exclusive breastfeeding?

A: Dahil first time mommy ako, gusto ko talaga prepared ako sa delivery ng first baby ko so sumali ako sa isang childbirthing class. Naging isang malaking bahagi nito ang importance ng breastfeeding. Narinig ko na rin dati ang mga benefits ng breastfeeding pero mas naging desidido ako mag-breastfeed nung nalaman ko na 1.) It is tailor-made food for the baby; 2.) It’s the first vaccination the baby can get kasi naipapasa mo ‘yung antibodies mo sa baby mo; 3) Gusto ko rin kasi ma-feel ‘yung full experience ng motherhood, so kung kaya kong ibigay ang breastmilk sa anak ko, ibibigay ko para ‘yun din ang bonding namin.

 

Q:  Ano ang mga naging pagsubok sa iyong pagpapasuso ?

A:  Marami! Nung nasa hospital ako nawalan ako ng gatas noong third day kasi hindi ako kumakain dahil sa mga gamot dahil na-CS ako. Dun ko na-realize na kailangan ko alagaan ang sarili ko para magkaron ako ng gatas.

Lagi din ako may sugat sa nipples noon at sobrang sakit magpadede pero hindi ako tumigil — sumubok ako ng natural remedies kagaya ng olive oil sa nipples para hindi mag dry at magsugat. Naging effective naman.

Reg collage 2
 

“Mahirap maging working, breastfeeding mom pero kung kaya naman, puwede.”

 

Nung bumalik ako sa work, naging problema rin ang pumping at milk supply — siyempre dahil sa pumping, humina ang milk ko. So nag-po-powerpump ako madalas at nagkaroon talaga ako ng schedule para magpump. Buti na lang mababait ang mga naging katrabaho ako nagpupump ako kahit meeting, kahit may field work, at kahit may workshop. Nakatulong yun kasi hindi ko kailangan mag-explain sa ibang tao at nag-stabilize ang milk supply ko.  Mahirap maging working, breastfeeding mom pero kung kaya naman, puwede.

Q:  Ano ang naging epekto nito sa iyong anak?

Reg Collage
 

Nakatulong ang breastfeeding sa bonding ni Mommy Regina at Komiks.

 

A:  Feeling ko sobrang bonded namin mag-ina. Napapansin ko rin na dahil sobrang bonded namin, hindi siya clingy sa akin at para siyang may tiwala na andyan lang ako para sa kanya habang nag-e-explore siya. Naniniwala ako na malaking factor yun kaya “easy baby” ang anak ko ngayon dahil sa bonding namin habang nag-be-breastfeed.

Sa akin, maganda rin ang effect. Madali akong nakarecover lalo CS ako. Madali rin akong nakapagbawas ng timbang at feeling ko mas naging mabilis yung pag stabilize ng mood at hormones ko after delivery.

 

 

Q:  Ano ang maipapayo mo sa ibang first time mommy na nahihirapang mag-breastfeed? 

Reg 5
 

Happy at healthy si Komiks pagsapit ng 1 taon.

 

A:  I really encourage moms na kung kaya mag-breastfeed, mag-breastfeed. Iba kasi talaga ang magiging bonding niyo ni baby. Kung hindi naman talaga kaya mag-breastfeed, okay lang.  I don’t think it makes you less of a mommy. In fact, nag-wean off na si baby sakin 10 months pa lang because I had to focus on other things at mahirap na talaga for me na i-manage. He’s growing up to be happy and healthy kahit formula na ang gamit ko ngayon. What matters is your baby is happy and growing. Nararamdaman din kasi ni baby kung stressed si mommy so whatever works for your feeding relationship, dun tayo. Sobrang swerte lang ako na may steady milk supply ako. Basta nakakakain ng sapat si baby at healthy siya ayon sa Pediatrician, wala namang problema dun.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

 

 

Breastfeeding Stories

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Jobelle Santos  

Jobelle complete 1

 

 

Mother:  Jobelle Santos

Edad: 21 years old

Bilang ng Anak:  Tatlo (3)

Baby:  Alyssa Alba

Birthday:  August 2, 2018

 

 

 

Q:  Bakit mo napiling mag exclusive breastfeeding sa mga anak mo at ano ang naging mga pagsubok sa umpisa?

A:  Sa unang baby ko, sa health center ako nagpapacheck-up.  Doon pa lang ay hinihikayat na nila kaming magpasuso.  Sabi nila sa loob ng unang 6 months, magandang mag breastfeed na walang halong kahit ano, kahit tubig.  Nag-research rin ako sa internet tungkol sa benepisyo nito, at siyempre bilang isang magulang ayokong maging sakitin ang anak ko.

Noong una sobrang sakit talaga.  Masuwerte naman ako kasi may gatas na dumadaloy pero sa unang linggo sobrang sakit talaga at nagsusugat ang nipples ko.  Pero tiniis ko lang hanggang sa nasanay at nawala rin ang sakit.  Ganun ulit para sa sa pangalawa kong anak pero dahil nakita ko na ang epekto at napagdaanan ko na ang sakit, naging mas madali na.

Jobelle collage 1a
 

Si Mommy Jobelle at panganay na si Ayesha

 

 

Q:  Ano ang nakita mong epekto nito sa una at pangalawa mong anak?

A:  Para sa first baby ko na si Ayesha Jhoy, six months kong nagawa ang exclusive breastfeeding.  Magfo-four years old na siya sa January at talaga namang hindi siya sakitin, masigla, malusog ang pangangatawan. Madaldal rin siya at talagang kapag kinausap mo parang alam niya na lahat. Mabilis matuto.  Noong 6 months pa lang nakaka-upo at gapang na.  Noong 1 year old pa lang nakakapagsabi na ng ‘mama’ at ‘papa’.  Hindi nahuhuli ang development niya.  Ang panahon lang na nagkasakit siya ay yung lagnat noong nagngingipin siya, bukod doon halos wala na.

Ang pangalawang baby ko naman na si Athina, 1 year and 8 months kong pinasuso!  Kahit nagbubuntis ako sa pangatlo pinapasuso ko pa rin siya.  Ngayon sobrang taba niya.  Pero ibang klaseng taba, yung siksik at malusog.  Yung matabang baby kasi na galing sa formula milk, kapag binuhat magaan.

Jobelle collage 2a
 

Si Mommy Jobelle at Baby Athina

 

 

Q:  Kamusta ang iyong breastfeeding sa pangatlo mong anak at ano ang maipapayo mo sa ibang ina?

A: Sa pangatlong baby ko na si Alyssa, 3 days pa lang ay hindi na masakit ang pagpapasuso.  Masuwerte rin ako kasi sobrang lakas ng gatas ko.  Yung iba kasi talagang nahihiirapan sa daloy at konti ng gatas nila.  Pero ang masasabi ko lang ay tiisin nila dahil sulit ang lahat ng pagod at sakit kapag nagpasuso.  Dapat talaga itong gawin dahil napakasustansiya ng gatas ng ina at lalaking malusog at hindi sakitin ang baby nila.  Isa pa, malaki rin ang menos sa gastos!  Hangga’t sa kaya ng ibang nanay, gawin nila ang pagpapasuso kahit mahirap sa umpisa.

Jobelle collage 3a
 

Tuloy ang Exclusive Breastfeeding para kay Baby Alyssa

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

Breastfeeding Stories

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Jerica Diaz-Velarde

Jec 7

 

Mother:  Jerica Rose Diaz-Velarde

Edad: 29 yo

Bilang ng Anak:  Isa

Baby:  Ma. Ysabelle Genica Velarde

Birthday:  September 8, 2016

 

 

Q:  Paano mo ginawa ang exclusive breastfeeding sa 6 na buwan sa kabila ng pagiging OFW? 

A:  Noong unang dalawang linggo  naging mahirap ang pagpapadede ko kay Ysabelle dahil sabay kong iniinda ang sugat ng CS operation ko. Sa unang tatlong buwan baliktad ang araw at gabi dahil gising at active si Ysabelle sa gabi hanggang sa nasanay nar ako at sinasabayan ko nalang ang oras ng tulog niya. Every 2 hours ang latching sa akin ng baby ko at successful naman.

Noong ika-3rd month ni Ysabelle kailangan ko nang bumalik sa trabaho. Isa akong OFW sa Singapore at napagdesisyunan naming mag-asawa na isama si Ysabelle sa Singapore kasama ang aking mother-in-law para ma-continue ang breastfeeding journey namin mag-ina.

Jec 1
Suportado ng mga katrabaho sa Singapore ni Mommy Jec ang kaniyang breastfeeding

Q:  Paano mo napagpatuloy ang breastfeeding noong nasa ibang bansa na kayo? 

Blessed ako sa trabaho at sa mga ka-trabaho ko dahil suportado nila ang breastfeeding journey ko. 9.5hours ang kelangan ko gugulin sa isang araw sa trabaho. Imagine, kailangan ko mag excuse sa work place ko 4 times para mag pump every 2 hours at makaipon ako ng gatas para mauwi kay Ysabelle. At kapag off day ko naman sa work ay kailangan ko pa rin mag-pump para mas makaipon ako ng gatas pang-uwi sa Pinas. Literal na milk machine ako no’n!  Pero sa lahat ng pagod at puyat ko walang kasing sarap pagmasdan na malusog at malayo sa sakit ang anak ko.

Q: Ano ang nangyari noong naghiwalay kayong mag-ina?

A:  March 2017, kinailangan na namin ihatid sila Ysabelle pabalik ng Manila dahil tapos na ang tourist stay nila sa Singapore. Gustuhin ko man na makasama ang anak ko, hindi na puwede.  Malungkot at masakit para sa aming mag-asawa ang malayo kay Ysabelle pero kelangan namin tiisin dahil para sa kanya din naman itong sacrifices namin. Kailangan namin yakapin ang bawat hirap para sa kinabukasan ng pinakamamahal naming anak. May ginawang video ang aking asawa na si Gene at nagawa nyang ma-document ung araw ng pagalis namin pa-Singapore. Here is the link. 🙂  https://youtu.be/SuxI_nZGzxM

Jec milk
Nag-ipon ng gatas si Mommy Jec para sa panahong magkakahiwalay na sila ni Baby Ysabelle

I was able to keep a few stashes of my milk that lasted for another 3weeks. So ibig sabihin, EBF siya for 6 months and 3 weeks. I made sure na mauubos nya yung milk ni Mommy hanggang sa huling patak at ‘yon naman ang laking pasalamat ko sa mother-in-law ko dahil nagawa naman ‘yon.

Q:  Ano ang maipapayo mo sa working moms o sa mga OFWs na gustong mag-breastfeed?

A:  Tip number 1 para sa mga Mommy na babalik na sa opisina after maternal leave at maiiwan ang baby, maging buo ang loob mo lalo na kung gusto mo ipagpatuloy ang pag-breastfeed. ‘Di biro ang halong pagod at stress ng trabaho then mag-pupump ka pa sa workplace mo. Set your mind na kaya mo. Syempre top priority si baby kaya lahat ng bagay kakayanin alang-alang sa anak

Jec collage
Video call ni Mommy Jec at Baby Ysabelle

Tip number 2, ibigay ang buong tiwala sa taong magaalaga sa baby mo the moment na lumabas ka ng bahay. Siyempre kakamustahin mo sila sa free time mo pero don’t allow na ma-occupy ang isip mo dahil nagaaalala ka or namimiss mo si baby. Di sya makakatulong lalong lalo na sa sarili mo habang nasa workplace ka dahil di ka magfa-function 100% as an employee. Magkakaroon din ng kumpyansya sa sarili ang taong nagaalaga sa baby mo.

Tip number 3, ayusin lahat ng gamit for breastfeeding sa gabi para ‘di na magaayos sa umaga. Hugasan ng maigi at i-sterilize ang dalawang bote na gagamitin (para sa pumping). Make sure na may enough breastmilk bags at pentel pen sa bag para magamit sa pagsusulat ng date, oras at kung ilan ounces ang nakuha sa pagpump. Siguraduhin den na merong ice pack sa bag. Ilagay agad sa freezer ang ice pack pagdating palang sa opisina para matigas na ito after few hours.

Jec 2
Together again na sina Mommy Jec, Daddy Gene at Baby Ysabelle

Puso ang susi sa matagumpay na breastfeeding. Palaging isipin na si baby ang magbe-benefit nito kaya sulit lahat ng pagod.  Sa mga OFW, hindi biro ang lungkot sa ibang bansa kaya panalangin kong magkaroon pa kayo ng walang hanggang lakas ng loob at lakas ng katawan para mapagtagumpayan ang pagiging OFW.  God bless us all!

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

Breastfeeding Stories

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: JANAINE TIFFANY VERGARA  

Janaine 3

 

Mother:  Janaine Tiffany Vergara

Edad: 25 years old

Bilang ng Anak:  Isa

Baby:  Stephany Zhaiyen Vergara Quiambao

 

 

 

 

Q: Paano kayo nakumbinsing mag-exclusively breastfeeding at bakit niyo pinili ito?

A:  Bago ako manganak marami akong nakasalamuhang ibang nanay na nagbreastfeed at hindi.  Kasama na rito ang best friend ko.  Sa unang anak niya hindi siya nagbreastfeed.  Mababa ang timbang at payat ang kaniyang first baby.  Sakitin rin at kahit anong formula milk ang ipainom hindi talaga tumataba.  Sipunin, at madalas magkalagnat at ubo kahit anong ingat o alaga ang gawin niya.  Ngayon mahigit 2 years old na pero payat pa rin at mahina kumain.

Janaine Collage 1
 

Nakasalamuha ni Mommy Janaine ang ibang nanay na nakapagbreastfeed

 

Samantalang sa kaniyang pangalawang baby masuwerte siya at nagkagatas na siya.  Ilang months pa lang ang baby pero ang healthy healthy, siksik at hindi sakitin.  Dahil sa nakita kong epekto nito, naisip talaga naming mag-asawa na pagsikapang mag-exclusively breastfeed sa una naming anak.

Q:  May mga pagsubok ba kayong napagdaanan sa breastfeeding?  Paano mo ito pinaghandaan?

Janaine asawa
 

Suportado si Janaine ng kaniyang asawa sa mga breastfeeding seminar

 

A:  Mula na rin sa mga kuwento ng ibang nanay, mahirap raw mag-breastfeed. Marami sa kanila hindi talaga nagkakagatas agad. Kaya kasabay ng regular na prenatal check up ko sa SafeBirth ay naghanap pa ako ng mga seminar na makakatulong sa akin.  Tatlong seminar pa ang pinuntahan ko para matutunan kung paano magiging matagumpay ang pagpapasuso.  Ang suwerte ko dahil full support ang asawa ko.  Kapag alam mo kasi na makakabuti ang epekto nito sa baby mo, tiyatiyagain mo talaga e.

Nung nanganak na ako doon ko nalaman na tama ang sabi nila na hindi ito madali.  Masakit at mahina ang paglabas ng gatas.  Pero dahil natutunan ko na lalakas ito basta ituloy-tuloy lang, nagpursige ako. Pagkatapos ng ilang araw, naging malakas na ang gatas ko pati na ang pagdede ni baby. Ngayon hindi na mapigilan ang gatas ko!  Kahit masakit ang dibdib ko, masaya ako dahil ang dahilan nito ay puno na ng gatas ang dibdib ko.

Janaine baby
 

Healthy si baby Stephany dahil sa gatas ng ina

 

Q:  Ano ang tips mo sa ibang nanay?

A:  Habang nasa sinapupunan pa si baby mag-aral na para maghanda sa breastfeeding.  Makakatulong talaga ito kung gusto niyong healthy si baby.  Kailangan lang tiyagain, huwag mag-give up agad.  Yung iba kasi akala wala silang gatas, susuko agad.  Tulad nang natutunan ko, alamin ang tamang lactation massage at puwede ring maging involved si mister para mas magaan.

 

 

 

 

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

 

BATANG 1000 (First 1000 Days), Breastfeeding Stories

4 na Pagkain Para sa Breastfeeding

breastfeeding food

Kailangan ng dedikasyon sa breastfeeding, lalo na sa First 1000 Days ni baby kung saan tanging ang gatas ng ina ang pinakamasustansiya at angkop na pagkain niya.  Malaking bagay sa tagumpay ng breastfeeding ang malusog na pangangatawan ng ina.

Narito ang apat sa mga simple at madaling makuhang pagkain na makakatulong sa pagpapasuso:

  1. Malunggay

Ito na marahil ang pinakasikat at epektibong pagkain para sa nagpapasuso.  Meron itong capsule form pero mas mairerekomenda na isahog ang gulay sa araw-araw na pagkain.  Bukod sa pagpaparami ng gatas, napakarami rin nitong benepisyo para sa bagong panganak:  1. Para sa pagpapatibay ng immune system, 2. Nakakatulong sa pamamaga ng joints para sa nakaranas ng arthritis sa pagbubuntis, 3. Nakakababa ng sugar levels para sa nagkaroon ng gestational diabetes, 4.  Sa pagre-regulate ng blood pressure para sa nagkaroon ng pregnancy-induced hypertension, 5.  Pagpapagaling ng hika, ulcer, migraine na maaaring nararanasan ng mga bagong panganak, atbp.

  1. Green Papaya

Hindi lang dami kung hindi pati ang kalidad ng breastmilk ay napapabuti ng green papaya.  Ito ay natural na sedative, na nakakatulong na makakalma at relax habang nagpapasuso.  Ang hormone na oxytocin ay nakakatulong sa breastmilk production.  Ang pagkain ng green papaya ay nakakapagparami ng oxytocin sa katawan, na nagreresulta sa mas magandang daloy ng gatas ng ina.

  1. Luya

Ang luya ngayon ay kasama na sa mga tinatawag na lactogenic na pagkain – mga pagkain na sinasabing nakakatulong sa pagpaparami ng breast milk.  Sinasabing may therapeutic effects ang luya at nakakatulong ito sa immunity, paglaban sa mga tumor, pagbabawas ng inflammation o pamamaga, pagbaba ng blood sugar, atbp.  Sa pangkalahatan ay ligtas ito, pero kailangan pa ring konsultahin ang iyong OB o medical provider para sigurado.  Ang mga babaeng nawalan ng maraming dugo sa panganganak ay sinasabing hindi dapat kumain ng luya agad agad.

  1. Tubig

Bagamat hindi ito pagkain, ang pag-inom ng tubig ang isa sa mga pinakaimportante para masigurado na sapat ang supply ng breastmilk.  Nababawasan ang tubig sa katawan kapag nagpapasuso, kaya malaking bagay ang tubig para manatiling hydrated at magkaroon ng breastmilk.  Madalas ay nakakaranas rin ng pagkauhaw ang ina habang nagpapasuso kaya magandang may baso ng tubig habang ginagawa ito.

Hindi kailangan maging mahirap at mahal ang breastfeeding. May mga simple at murang pagkain na makakatulong sa mga ina.  Iwasan rin ang asukal, kape, tsokolate, alcohol at mga processed food.  Tandaan na kung mas madalas ang pagpapasuso, mas dadami ang gatas ng ina.

Happy breastfeeding, Mommies!

 

Sources:

http://www.momjunction.com/articles/best-foods-to-increse-breast-milk_0076100/#gref

http://www.justmommies.com/babies/top-ten-lactogenic-foods-foods-that-improve-your-milk-supply#water

http://www.mom365.com/baby/breastfeeding/10-foods-to-increase-lactation/

http://www.livestrong.com/article/265204-fresh-ginger-breast-feeding/

http://www.momjunction.com/articles/papaya-while-breastfeeding_00367111/#gref

https://ph.theasianparent.com/malunggay-really-improve-breastmilk-supply/

 

 

 

 

Breastfeeding Stories

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Floriza Nolasco Gonzales

Iza 2Mother:  Floriza Nolasco Gonzales

Edad: 34 years old

Bilang ng Anak:  Isa (halos 4 years old)

Anak: Althea Berniz Nolasco Gonzales

 

Q: Paano kayo nakumbinsing mag-exclusively breastfeeding at bakit niyo pinili ito?

A:  Maraming naka-impluwensiya sa akin. Unang una ang kapatid kong si Midwife Bernadette na taga SafeBirth ay binigyan ako ng mga lectures tungkol sa pagpapasuso, pagbubuntis at sa pag-aalaga ng bata.  Hinikayat rin ako ng mga kaibigan ko na nagpapasuso ng mga anak nila. Sabi ng maraming ina, mabait at matalino raw ang mga batang laki sa gatas ng ina.

Sobrang tipid ng breastfeeding.  Ang formula milk gagastos ng Php 2000 per month.  Sa breastfeeding, libre!

Convenient rin ang breastfeeding.  Halimbawa sa gabi antok na antok ka at umiiyak ang baby.  Hindi na namin kinailangan tumayo, maglakad, at magtimpla ng gatas.  Kapag umaalis sa simbahan o sa mall, hindi na kailangan magdala ng malalaking bag para sa mga bote, kasi nasa akin na mismo ang gatas. Nabasa ko rin na mas malusog ang bata at mas matibay ang bonding sa nanay kapag nag-breastfeed.

Iza collage
 

Mula pagkapanganak hanggang lagpas 3 taon, sinikap ng gurong si Mommy Iza na painumin ng breastmilk si Baby Althea

 

Q:  May mga pagsubok ba kayong napagdaanan sa breastfeeding?  Paano niyo ito nalagpasan?

A:  Kinailangan ko kasing bumalik sa trabaho, sa pagtuturo.  Marami akong narinig na imposible nang mag-breastfeed kapag back-to-work na kaya nagalala ako na maipagpatuloy ang breastfeeding at maimbak ang gatas ko.  Pero tinuruan ako ng kapatid kong si Midwife Bernadette kung paano ko maiimbak ang gatas ko na hindi napapanis.  Nakapagkolekta ako ng gatas ko school kung saan ako nagtuturo.  Ginawa ko ito sa break time. Kapag umuuwi, breastfeeding na ulit.

Sinigurado ko rin na masustansiya ang kinakain ko.  Puro gulay, NO softdrinks, coffee, chocolates at junk foods.  Malaking bagay rin ang positive attitude!

 Q:  Ano ang naging epekto nito sa’yo at sa iyong anak na halos 4 years old na ngayon?

A:  Exclusively breastfeeding ako nang 2 years.  Then nag-mixed na kami ng breastmilk at formula hanggang 3 years and 6 months siya old siya.  Nitong May lang talaga siya tumigil mag-breastfeed.  Iba ang closeness naming mag-ina.  Kahit nagtratrabaho ako at naiiwan siya sa asawa ko o sa kasama naming sa bahay, ako pa rin ang favorite niya sa lahat.  Basta nakita na niya ako, sa akin lang siya sasama, at hirap akong umalis ng bahay, kasi sobrang humahabol siya. Nakakalaki ng puso kasi sobrang clingy niya sa akin.

Iza 4
 

Suporta ang SafeBirth staff sa breastfeeding ni Iza, lalo na ang kapatid na si midwife Bernadette

 

Sa unang taon niya, nagpa-Pedia lang kami para magpatimbang, kasi hindi siya nagkakasakit.  Unang sipon niya ay 9 months siya pero hindi malubha at bilang na bilang ang pagkakaroon niya ng lagnat.

Napansin ko na parang stronger and healthier ako since ngananak ako.  Hindi ako masyado nagkakasakit.
May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

BATANG 1000 (First 1000 Days)

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: KRISTINE MORAN

3

 

 

Mother:  Kristine Joy Moran

Edad: 36 years old

Bilang ng Anak:  2

Baby:  Markie Althea Fadrilan (7 months)

 

 

 

 

Q: Bakit ka sumali ng Batang 1000 Program at ano ang natutunan mo dito?

A:   Noong una naisip ko sasali na lang ako para may mapaglibangan.  Pero isa ako sa mga unang nanganak, at nahirapan na akong mag-attend ng mga Nutrition Class, dahil nag-aalaga ng baby at may trabaho ang asawa ko.  Pero pinilit at kinumbinsi talaga ako ng Batang 1000 coordinator na si Leah na mag-attend.

Nang lumipas ang ilang linggo na-realize ko parang ang saya-saya na ng sessions.  Natututo ako ng tamang nutrisyon sa mga lectures, pero natututo rin kami ng mga nanay sa experience ng isa’t isa.  Nadadala rin namin ang mga baby namin sa mga klase.  Sobrang pursigido ko mag-attend, tatlong beses pa akong naging perfect attendance!

Batang 1000 food
 

MURA, MASARAP AT MASUSTANSYA ANG PUTAHE SA BATANG 1000 NANAY CLUB

 

Q:  Sa paanong paraan nakatulong ang programa sa’yo at paano ito nakatulong sa breastfeeding mo?

A:  Bago pa man ako nabuntis, cook na ako dati sa isang restaurant.  Pero dito natuto ako magluto ng walang preservatives, MSG o kahit anong pampalasa na artificial. Puro gulay at masusustansiyang pagkain kami.  Talagang palaging ubos!

Kaso lang noong una, nahirapan talaga ako magpasuso.  Walang lumalabas sa akin na gatas mahina talaga. Hindi rin maka-hakab ang baby ko.  Pero dahil sa pag-attend ko ng Nutrition class, at bawal ang bote sa health center napilitan talaga akong padedehen siya. Kung hindi ko ito gawin, ay iiyak lang siya sa gutom. Panay rin ang udyok at suporta ni Leah para magpa-breastfeed ako.  Kalaunan, kakasubok at practice ay lumabas na ang gatas ko.  Ngayon, exclusively breastfeeding na ako!

Kristine collage
DAHIL SA SUPORTA NG BATANG 1000, SUCCESS NA ANG BREASTFEEDING NI MOMMY KRISTINE

 

Q:  Sa kabila ng paglipat mo ng tirahan, bakit patuloy pa rin ang iyong pagdalo sa Batang 1000?

A:  Ngayon patuloy pa rin akong nagsisikap na dumalo sa mga Batang 1000 Nutrition class.  Lumipat na kami ng tirahan sa Philcoa pero dinadayo ko pa rin ang health center sa Old Balara.  Kahit na mas maraming sakay at mas mahal ang pamasahe, isinasama ko pa rin ang baby ko at doon sinusuportahan naming mga nanay ang isa’t isa para mag-breastfeed.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan