BATANG 1000 (First 1000 Days), Breastfeeding Stories

4 na Pagkain Para sa Breastfeeding

breastfeeding food

Kailangan ng dedikasyon sa breastfeeding, lalo na sa First 1000 Days ni baby kung saan tanging ang gatas ng ina ang pinakamasustansiya at angkop na pagkain niya.  Malaking bagay sa tagumpay ng breastfeeding ang malusog na pangangatawan ng ina.

Narito ang apat sa mga simple at madaling makuhang pagkain na makakatulong sa pagpapasuso:

  1. Malunggay

Ito na marahil ang pinakasikat at epektibong pagkain para sa nagpapasuso.  Meron itong capsule form pero mas mairerekomenda na isahog ang gulay sa araw-araw na pagkain.  Bukod sa pagpaparami ng gatas, napakarami rin nitong benepisyo para sa bagong panganak:  1. Para sa pagpapatibay ng immune system, 2. Nakakatulong sa pamamaga ng joints para sa nakaranas ng arthritis sa pagbubuntis, 3. Nakakababa ng sugar levels para sa nagkaroon ng gestational diabetes, 4.  Sa pagre-regulate ng blood pressure para sa nagkaroon ng pregnancy-induced hypertension, 5.  Pagpapagaling ng hika, ulcer, migraine na maaaring nararanasan ng mga bagong panganak, atbp.

  1. Green Papaya

Hindi lang dami kung hindi pati ang kalidad ng breastmilk ay napapabuti ng green papaya.  Ito ay natural na sedative, na nakakatulong na makakalma at relax habang nagpapasuso.  Ang hormone na oxytocin ay nakakatulong sa breastmilk production.  Ang pagkain ng green papaya ay nakakapagparami ng oxytocin sa katawan, na nagreresulta sa mas magandang daloy ng gatas ng ina.

  1. Luya

Ang luya ngayon ay kasama na sa mga tinatawag na lactogenic na pagkain – mga pagkain na sinasabing nakakatulong sa pagpaparami ng breast milk.  Sinasabing may therapeutic effects ang luya at nakakatulong ito sa immunity, paglaban sa mga tumor, pagbabawas ng inflammation o pamamaga, pagbaba ng blood sugar, atbp.  Sa pangkalahatan ay ligtas ito, pero kailangan pa ring konsultahin ang iyong OB o medical provider para sigurado.  Ang mga babaeng nawalan ng maraming dugo sa panganganak ay sinasabing hindi dapat kumain ng luya agad agad.

  1. Tubig

Bagamat hindi ito pagkain, ang pag-inom ng tubig ang isa sa mga pinakaimportante para masigurado na sapat ang supply ng breastmilk.  Nababawasan ang tubig sa katawan kapag nagpapasuso, kaya malaking bagay ang tubig para manatiling hydrated at magkaroon ng breastmilk.  Madalas ay nakakaranas rin ng pagkauhaw ang ina habang nagpapasuso kaya magandang may baso ng tubig habang ginagawa ito.

Hindi kailangan maging mahirap at mahal ang breastfeeding. May mga simple at murang pagkain na makakatulong sa mga ina.  Iwasan rin ang asukal, kape, tsokolate, alcohol at mga processed food.  Tandaan na kung mas madalas ang pagpapasuso, mas dadami ang gatas ng ina.

Happy breastfeeding, Mommies!

 

Sources:

http://www.momjunction.com/articles/best-foods-to-increse-breast-milk_0076100/#gref

http://www.justmommies.com/babies/top-ten-lactogenic-foods-foods-that-improve-your-milk-supply#water

http://www.mom365.com/baby/breastfeeding/10-foods-to-increase-lactation/

http://www.livestrong.com/article/265204-fresh-ginger-breast-feeding/

http://www.momjunction.com/articles/papaya-while-breastfeeding_00367111/#gref

https://ph.theasianparent.com/malunggay-really-improve-breastmilk-supply/

 

 

 

 

BATANG 1000 (First 1000 Days)

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: KRISTINE MORAN

3

 

 

Mother:  Kristine Joy Moran

Edad: 36 years old

Bilang ng Anak:  2

Baby:  Markie Althea Fadrilan (7 months)

 

 

 

 

Q: Bakit ka sumali ng Batang 1000 Program at ano ang natutunan mo dito?

A:   Noong una naisip ko sasali na lang ako para may mapaglibangan.  Pero isa ako sa mga unang nanganak, at nahirapan na akong mag-attend ng mga Nutrition Class, dahil nag-aalaga ng baby at may trabaho ang asawa ko.  Pero pinilit at kinumbinsi talaga ako ng Batang 1000 coordinator na si Leah na mag-attend.

Nang lumipas ang ilang linggo na-realize ko parang ang saya-saya na ng sessions.  Natututo ako ng tamang nutrisyon sa mga lectures, pero natututo rin kami ng mga nanay sa experience ng isa’t isa.  Nadadala rin namin ang mga baby namin sa mga klase.  Sobrang pursigido ko mag-attend, tatlong beses pa akong naging perfect attendance!

Batang 1000 food
 

MURA, MASARAP AT MASUSTANSYA ANG PUTAHE SA BATANG 1000 NANAY CLUB

 

Q:  Sa paanong paraan nakatulong ang programa sa’yo at paano ito nakatulong sa breastfeeding mo?

A:  Bago pa man ako nabuntis, cook na ako dati sa isang restaurant.  Pero dito natuto ako magluto ng walang preservatives, MSG o kahit anong pampalasa na artificial. Puro gulay at masusustansiyang pagkain kami.  Talagang palaging ubos!

Kaso lang noong una, nahirapan talaga ako magpasuso.  Walang lumalabas sa akin na gatas mahina talaga. Hindi rin maka-hakab ang baby ko.  Pero dahil sa pag-attend ko ng Nutrition class, at bawal ang bote sa health center napilitan talaga akong padedehen siya. Kung hindi ko ito gawin, ay iiyak lang siya sa gutom. Panay rin ang udyok at suporta ni Leah para magpa-breastfeed ako.  Kalaunan, kakasubok at practice ay lumabas na ang gatas ko.  Ngayon, exclusively breastfeeding na ako!

Kristine collage
DAHIL SA SUPORTA NG BATANG 1000, SUCCESS NA ANG BREASTFEEDING NI MOMMY KRISTINE

 

Q:  Sa kabila ng paglipat mo ng tirahan, bakit patuloy pa rin ang iyong pagdalo sa Batang 1000?

A:  Ngayon patuloy pa rin akong nagsisikap na dumalo sa mga Batang 1000 Nutrition class.  Lumipat na kami ng tirahan sa Philcoa pero dinadayo ko pa rin ang health center sa Old Balara.  Kahit na mas maraming sakay at mas mahal ang pamasahe, isinasama ko pa rin ang baby ko at doon sinusuportahan naming mga nanay ang isa’t isa para mag-breastfeed.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan

 

BATANG 1000 (First 1000 Days)

First 1000 Days: Ano nga ba ang epekto ng STUNTING sa iyong anak?

stunting1
 

Photo Credit:  http://www.sightandlife.org

 

‘Bansot’ o ‘pandak’ ilan lamang ito sa mga tuksong natatanggap ng mga bata kapag sila ay mas maliit kaysa sa kanilang mga kalaro o kaibigan.  Pero alam niyo bang maaari itong senyales na ang anak niyo ay ay may malnutrition, particular na ang STUNTING? Ano nga ba ang stunting at bakit importanteng hindi maging stunted ang iyong anak sa kaniyang First 1000 Days?

Stunting_Stolen-Childhood-PR
Photo Credit:  http://www.savethechildren.org.ph/about-us/media-and-publications/press-releases/media-release-archive/years/2017/stolen-childhoods-press-release-and-report

Sa Pilipinas nasa 3.78 million na batang mas mababa sa 5 na taon ang edad ang stunted (FNRI-DOST, 2015).  Ayon sa World Health Organization (WHO), ang stunting ay kapag mababa ang height ng bata para sa kaniyang edad (low height-for-age).  Dahil ito sa pagkain ng kulang sa sustansya sa loob ng mahabang panahon, o/at umuulit na impeksiyon o sakit ng bata.

Ayon kay Dr. Marie Christine Joy B. Tanteo, Program Manager ng Batang 1000 Program ng Quezon City Health Department, kapag malnutrition ng bata ang pinag-uusapan, stunting ang pinakamahalagang tinitignan. Para malaman kung ang isang bata ay lumalaki na angkop sa kanyang edad, gumagamit ng isang graphical tool mula sa WHO kung saan malalaman kung ano ang tamang average height ng bata sa kaniyang edad.  Dagdag pa niya, ”Nagiging stunted o wasted lamang ang bata kung siya ay may malubhang sakit na nakaaapekto sa kanyang paglaki tulad ng sakit sa puso o kung may genetic siyang disease o malformation. Ngunit sa isang batang walang sakit, isa itong indicator na ang bata ay hindi nakakakuha ng wastong nutrition. Itong ‘di wastong paglaki ng bata na ito ay isang pisikal na manifestation ng development ng kanyang importanteng organs sa katawan, tulad na ng kanyang brain. Kung di sya lumalaki ng wasto para sa kanyang edad, masasabi natin na hindi rin lumalaki or nade-develop ng wasto ang kanyang brain. Irreversible ito dahil sa unang 2 taon ng bata, nahuhubog ang mga importanteng parte brain na makatutulong sa kanyang pag-iisip. Kapag nalagpasan na itong 2 taon na ito, mahirap na itong balikan o habulin.”

Dr. Joy Batang 1000
 

Dr. Joy Tanteo, Prgram Manager ng Batang 1000 Program (2nd to right), kasama ang mga nanay na kabahagi ng programa

 

Ang epekto ng stunting ay irreversible.  Ibig sabihin hindi ito maitatama at maaaring panghabambuhay.  Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Mabagal na brain development
  • Mababang IQ
  • Mahinang immune system
  • Mas malaking posibilidad ng malubhang sakit katulad ng diabetes at cancer

Iwasan ang ang stunting sa inyong anak at komunsulta sa maaasahang OB at Pediatrician.  Maaaring tumawag sa SafeBirth para sa karagdagang impormasyon.

Sources:  https://thousanddays.org/the-issue/stunting/