Ang gatas ng ina ay ang pinakamagandang pagkunan ng nutrients na maaaring matanggap ng isang bata (0-6 na buwan). Ngunit pagdating ng ika-6 na buwan, kailangan na rin mabigyan ng dagdag bitamina ang ating mga supling. Sa pagpili ng tamang vitamins, maaaring hanapin ang mga sumusunod:
Iron. Dahil ang iron sa dugo ni mommy ay nababawasan habang nagpapasuso kay baby, ang dagdag na iron ay kinakailangan upang magkaroon ng sapat na dugo at maiwasan ng ating supling ang iron-deficiency.
Vitamin A. Ang bitaminang ito ay importante sa pagpapaganda ng paningin at pagpapalakas ng buto ni baby. Bukod pa rito, ang bitaminang ito ay proteksyon laban sa mga impeksyon.
Zinc. Ang zinc ay responsable sa pagbuo ng protina sa katawan ni baby na tumutulong sa mabilisang paggaling ng sugat, pagdevelop ng dugo, at pagpapalakas ng immune system.
Vitamin C. Ito ang bitaminang tumutulong sa pagpapaganda ng pag-absorb ng iron, paglaban sa mga impeksyon, paggawa ng protina na nakatutulong sa istraktura sa buto, muscle, dugo, at sa pagpapanatili na maging matibay ang ngipin at buto.
Vitamin B12. Ang vitamin B12 ay importante lalo na sa pananatiling malusog ang blood cells at sa nervous system ni baby.
Ilan lamang ito sa dapat nating hanapin sa mga vitamins ng ating supling. Tandaan, ang ating paediatrician ang eksperto pagdating sa kalusugan ng ating mga anak mula sanggol hanggang edad 18. Para sa mas kumpletong kaalaman ukol sa development at mga dapat ibigay kay baby, regular bumisita sa inyong paediatrician.
Photo source: http://www.freepik.com/free-vector/medicine-bottles_776528.htm
http://www.freepik.com/free-vector/infographic-template-design_1062202.htm
Source:
https://www.babycenter.com/0_vitamin-a-in-your-childs-diet_10324693.bc
http://www.who.int/elena/titles/vitamina_children/en/
https://wicworks.fns.usda.gov/wicworks/Topics/FG/Chapter1_NutritionalNeeds.pdf