FAQs

MEDICAL ADVISORY:

If you have one or any of the following symptoms:

    • Fever (above 37.8°C)
    • Difficulty Breathing
    • Cough
    • Sorethroat
    • Body Pain
    • Diarrhea

And/or if your answer is YES to any of the following:

    • Have you tested positive for Covid-19?
    • Have you had direct/close contact with anyone who is  positive COVID-19 case within the last 14 days?

We encourage you to proceed to the nearest hospital.  Let us all help in keeping our mothers and babies safe!


1. Bakit panatag ang loob ng mga mommies sa SafeBirth?

Ang SafeBirth Lying-in Clinic ay isang birthing facility na naglalayong mapabuti ang kalusugan at kaligtasan ng bawat ina at sanggol. Pinapanatili nitong malinis ang lugar at sanitized ang lahat ng kagamitan. May sapat na training ang mga midwife at doktor ayon sa patakaran ng ligtas na panganganak. Magalang at matulungin ang mga staff. Mayroon ding referral system upang madaling mailipat ang pasyente sa ospital kung kailangan. Higit sa lahat, abot-kaya ang serbisyo sa SafeBirth.


2. Ano ang mga serbisyo sa SafeBirth?

Ang SafeBirth ay hindi lamang paanakan, ito din ay isang clinic. Ang mga sumusunod ay ang iba pa naming serbisyo:

    • Maternal Care
      • Prenatal Consultation (Check-up ng buntis)
      • Normal Delivery (Panganganak)
      • Vitamin Supplementation
      • Tetanus Toxoid Vaccination
      • Postpartum Consultation
    • Newborn Care and Child Healthcare
      • Pediatric Consultation (Check-up ng baby at bata)
      • Newborn Screening
      • Newborn Hearing Test
      • Immunization
    • Primary Care and Women’s Health
      • Medical Consultation (Konsulta sa doktor)
      • Obstetrics and Gynecology (Ob-Gyne)
      • Pap smear
      • Vaginal repair (episioraphy, perinioraphy)
      • Immunization
    • Diagnostics
      • Ultrasound (available only in Tatalon branch)
      • Laboratory tests through partner institutions
      • Covid-19 screening

 


4. Magkano ang bayad sa konsultasyon at iba pang clinical procedures?

Abot-kaya ang konsultasyon sa SafeBirth. Ang regular price ng konsultasyon ay ang sumusunod:

    • Midwife – P 250
    • OBGyne – P 500
    • Pediatrician – P 500
    • Family Medicine – P 500
    • General Practitioner – P 400

Para sa nais gumamit ng Antenatal Care (check-up) benefit ng PhilHealth o iba pang katanungan, maaaring magtext o tumawag sa mga SafeBirth clinics (Click here for the contact number and sitemap.)

 


3. Magkano ang bayad sa panganganak sa SafeBirth?

De kalidad at abot kayang presyo ang handog ng SafeBirth. Kung kayo ay miyembro ng PhilHealth, maaari niyong gamitin ang inyong benepisyo sa panganganak. Para sa iba pang katanungan at detalye, maaring tumawag sa pinakamalapit na SafeBirth clinic (Click here for the contact number and sitemap).


5. Ano ang covered ng Phillhealth?

Kasama sa Maternity Care Package ng PhilHealth ang facility fees sa labor at recovery, 24 hours room and board accommodation, basic medicines sa Normal Spontaneous Delivery case, professional fee sa midwife o doctor, at mga medical supply at consumables.

Para naman kay baby, covered ng PhilHealth ang paunang gamot at bakuna (BCG, Vit K, Hepa, Erythromycin eye drops), at newborn screening.

Ang PhilHealth NSD package ay para lamang sa Normal Spontaneous Delivery (NSD). Hindi nito sinasagot ang mga kundisyon na kinakailangan ng Ob-Gyne emergency interventions, Pedia baby catch, mga intravenous na gamot na kailangan padaanin sa dextrose (kapag kinakailangan), at mga karagdagang supplies katulad ng maternity pads, antibiotics, dextrose, at iba pa.


5. Bukas ba kayo 24 oras? Paano kung manganak kami sa alanganing oras?

Dahil sa kayo ay alaga ng SafeBirth, bukas kami ano mang oras o araw para sa labor o delivery. Tawagan o i-text lang ang inyong medical provider o nurse para ipaalam ang inyong kalagayan.

Para sa iyong check-up, maaring magpaschedule sa alin man sa aming mga branches sa mga numerong ito:

Tatalon:                        (0917) 572 9998 / 7586 7704
Commonwealth Litex: (0917) 8964335 / 7968 9243
Congressional:            (0917) 5218594 / 7968 9243
Novaliches:                 (0917) 5677865 / 7623 0757
Maaari na ring magpa-schedule online:
Tatalon:                        https://tinyurl.com/SBTatalon
Commonwealth-Litex: https://tinyurl.com/SBLitex
Congressional:            https://tinyurl.com/SBCongre
Novaliches:                 https://tinyurl.com/SBNovaliches

6. Bakit pa kailangan na tingnan ng doktor kung regular naman kami na nagpapatingin sa midwife?

Mahuhusay ang mga midwives sa SafeBirth pero kasama sa patakaran ng SafeBirth na patingnan din ang pasyente sa isang OB Gynecologist bago siya manganak (OB clearance). Ito ay para makasigurado na maaring manganak ng normal ang pasyente. Dahil din dito matutukoy at matutugunan ang panganib ng pagbubuntis. Sa ganitong paraan, makatitiyak na magiging maayos at ligtas ang panganganak ng pasyente.


7. Sino ang maaring manganak sa SafeBirth?

Ang SafeBirth ay may kakayanan lamang tugunan ang normal uncomplicated deliveries. Ang sumusunod na mga kondisyon ay HINDI maaaring tanggapin sa SafeBirth, o kahit saan mang lying-in clinic, ayon sa PhilHealth:

    • pagbubuntis na may edad na bababa sa 19
    • unang pagbubuntis ng may edad na 35 at pataas
    • multiple pregnancy
    • ovarian abnormality (ovarian cyst)
    • uterine abnormality (myoma uteri)
    • placental abnormality (placenta previa)
    • abnormal fetal presentations (e.g. breech)
    • may history ng tatlo (3) o higit pang miscarriages/abortions
    • may history ng isang (1) stillbirth
    • may history ng major obstetric and/or gynecologic operation (e.g. caesarean section, uterine myomectomy)
    • may history ng medical conditions (e.g. hypertension, pre-eclampsia, eclampsia, heart disease, diabetes, thyroid disorder, morbid obesity, moderate to severe asthma, epilepsy, renal disease, bleeding disorders)
    • may iba pang risk factors na maaaring lumabas sa kasalukuyang pagbubuntis (e.g. premature contractions, vaginal bleeding) na kinakailangan ng na pangangalaga.

Bukod dito, kailangan ay may kumpletong prenatal visits at ObGyne clearance si Mommy. Ito ay para matiyak na normal ang kanyang pagbubuntis at maaring sa lying-in manganak.


8. Hanggang ilang oras pwede manatili sa SafeBirth kapag bagong panganak?

Ang nanay at ang kanyang sanggol ay dapat manatili sa clinic 24 oras pagkatapos manganak para sila ay maobserbahan. Ito ay bilang pagtitiyak na ligtas at maayos ang kalagayan ng mag-ina bago sila payagang umuwi sa bahay.


9. Paano kung magkaron ng kumplikasyon habang nagle-labor?

Para sa kaligtasan ng pasyente, kapag may nakitang kumplikasyon o problema sa panahon ng pagle-labor, agad itong ire-refer sa ospital.

Ilan sa referral hospital ng SafeBirth ay Quirino Memorial Medical Center, East Avenue Medical Center at iba pang pampubliko o pribadong ospital na gusto ng pasyente. Dala-dala ang referral form at kumpletong laboratory examinations, sasamahan ng medical provider ang pasyente sa kanyang napiling ospital hanggang siya ay ma-admit.


10. Paano ang proseso kung gusto ko maging miyembro ng PhilHealth?

Ang PhilHealth ay di lamang magagamit sa panganganak. Maaari niyo rin itong magamit kapag ang isang lehitimong miyembro ng inyong pamilya ay nagkasakit. Ang kabuuang hulog sa buong taon na kailangan bayaran ay P2,400.00. Maaari kayong tulungan ng SafeBirth para maging PhilHealth member. Tumawag sa pinakamalapit na SafeBirth clinic para malaman kung paano nila kayo matutulungan (Click here for the contact number and sitemap).


11. Paano kung wala akong kakayahan na hulugan ang PhilHealth?

Kung hindi kaya ng pasyete magbayad ng Membership Premium na nagkakahalagang 2,400, maaaring mag-apply bilang isang indigent member ng Philhealth. Kailangan lang ay sundin ang sumusunod na hakbang:

    • Punan ang PhilHealth Member’s Registration Form (PMRF) mula sa SafeBirth.
    • Humingi ng certificate of indigency sa inyong barangay at humingi ng medical certificate sa pinakamalapit na brgy health center.
    • Magpunta lamang po kayo sa Social Service Department (SSD) sa QC City Hall para makakuha ng PhilHealth endorsement.
    • Dalhin ang endorsement letter at ang nasagutan na PMRF sa PhilHelath office at antayin ang inyong Member’s Data Record (MDR) at PhilHealth ID.

12. Sino ang magpoproseso ng birth certificate ni baby?

SafeBirth ang nagpoproseso sa Civil Registry Office ng birth certificate ni baby kaya makatitiyak kayo na maayos ang pagrehistro ng pagkakakilanlan ng inyong anak. Kailangan lamang ay ipasa ninyo ang mga kailangang dokumento para maayos at mabilis itong maproseso. Para sa mga kasal, magdala lamang ng kopya ng marriage contract. Kung hindi naman, cedula ng tatay at nanay ni baby at bayad sa notaryo na P100 ang kinakailangan.