#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Nathalie De Ocampo

Nathalie

 

Mother:  Nathalie De Ocampo

Age: 22 years old

Bilang ng Anak:  Isa (1)

Baby:  Emirah Ysabel

Birthday:  May 8, 2018

 

 

 

Q:  Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBirth?

A:  Noong first hanggang seventh month ko, sa OB sa private hospital ako nagpapacheck-up.  Pero habang nagfe-Facebook ako, parang alam ng Facebook na buntis ako at biglang lumitaw sa feed ko itong SafeBirth page. Tinignan ko ang likes, followers, comments at feedback at maganda naman lahat.  Wala talaga akong alam sa lying in clinics, kaya nagtanong tanong rin ako sa mga kaibigan ko na sa lying in nanganak.  Mas mura raw talaga kumpara sa ospital.  Ang estimate kasi sa amin sa ospital ay nasa Php 40,000- 45,000 ang magagastos, bukod pa dun ang bayad sa room kada araw!

Humingi ako ng sign.  Nag-message ako sa SafeBirth page at baka puwede kong subukan.  Inisip ko na kapag nagreply baka puwede silang makatulong na maka-menos sa gastos.

 

IMG_4215

 

WITH SAFEBIRTH TATALON MIDWIFE CHE

 

Q: Bakit mo napiling sa SafeBirth manganak? 

A:  Nagreply naman ang SafeBirth page admin, kinuha ang contact number ko at agad naman akong na-schedule ng appointment kahit 8 months na ako.  Binigyan nila ako ng choice kung gusto ko sa OB pa rin o midwife.  Sinubukan kong mag unang check-up sa midwife.  Natuwa naman ako at nakampante kay Midwife Che.  Nagkaproblema kasi ako noon sa pagtaas ng timbang.  Huling trimester ko na kaya hirap na akong magbawas.  Nagbigay siya ng advice at talagang napaka-alaga at credible niya dahil siya mismo ay ina rin.  Naisip kong hindi naman pala kailangan mangamba kahit sa midwife ako magpapaalaga at sa SafeBirth ako manganganak.

 

Q: Paano niyo naramdaman ang Alagang SafeBirth?

A:  Noong nanganak ako, tatlo ang nagtutulong tulong kaya talagang kampante ako.  May nurse, midwife at OB na nag-assist.  Kahit hirap akong umire dahil first baby ko nga, panatag pa rin ako dahil alam na alam nila ang ginagawa nila.  Buti talaga at magagaling sila at kinaya ang normal delivery.  Bukod doon ang laki ng menos ko sa gastos!  Malaking bagay na nagamit ko ang PhilHealth benefits.

IMG_4184

 

BABY EMIRAH YSABEL IS SAFEBIRTH’S 2000TH BABY! MOMMY NATHALIE AND DADDY TONEE WITH MIDWIFE CHE AND NURSE NETTE

 

Mairerekomenda ko talaga ang SafeBirth sa iba dahil makakamura at accredited ng PhilHealth.  Okay ang assistance ng staff, magagaling ang doktor at midwife.  Pati ang ambiance maganda at malinis ang facility.  Tutok pa ang alaga, kasi sa ospital parang hindi ikaw ang focus.  Para sa klase ng serbisyo na makukuha mo kung ikukumpara sa ospital, mas worth it at sulit talaga sa SafeBirth!

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Kim Lucas

Kim 1

 

 

Mother:  Maria Arianne Clariss Salcedo, 23 years old

Father: Kim Lucas, 23 years old

Bilang ng Anak:  Isa (1)

Baby:  Cryf Sydan Lucas

Birthday:  April 11, 2018

 

 

 

Q:  Kamusta ang naging karanasan niyo sa ibang pasilidad para sa prenatal check-up ni misis?

A:  Noong mga 4 to 8 months pa lang si misis, sa kalapit na lying in clinic lang kami sa Novaliches nagpapa check-up.  Hindi masyadong maganda ang pakikitungo nila sa pasyente.  Hindi sila approachable, laging nakasimangot.  Hindi tuloy namin sila matanong ng maayos.  Kahit mismong OB nila ganun din, kaya hindi rin namin matanong tungkol sa mga detalye na gusto sana namin malaman.

Hindi rin nila pinaalam sa amin ang tungkol sa PhilHealth benefits, at puwede pala itong gamitin para makatipid kami.  Ayun pala hindi sila PhilHealth accredited. Hindi rin pala sila bukas 24 oras, kaya nag-alala ako kung paano na lang kung gabi o madaling araw kami abutan.

Kim collage

Panatag si Daddy Kim sa Alagang SafeBirth para kay Mommy Arianne at Baby Cryf Sydan

 

Q:  Paano niyo nalaman ang tungkol sa SafeBirth at bakit niyo napiling dito manganak si misis? 

A:  8 months na si misis nang ma-search niya sa internet ang SafeBirth.  Nakita niya ang reviews, magaganda naman. Walang bad comments.  Halos katabi lang pala siya ng dati naming lying in clinic.

Pagpunta namin natuwa kami kasi masayahin lahat ng staff.  Madaldal sila sa tamang paraan kasi tinatanong nila ang mga dapat na lumalabas sa check-up.  Masinsin.  Hindi naming ito nakita sa iba. Lagi nilang sinasamahan si misis at kahit sa recovery maya’t maya ang pag-monitor.  Kitang kita talaga namin ang pagkakaiba.

 

Q: Paano niyo naramdaman ang Alagang SafeBirth?

A:  Bilang tatay at asawa, mas napanatag talaga ako na makita na ganun ang pag-aalaga.  Iba talaga kasi nakita ko ang pagkakaiba dahil sumasama ako sa lahat ng check-up.  Lahat sa SafeBirth ay may knowledge at puwedeng tanungin, mula sa nurse hanggang sa doktor.  Hindi ka nila ipapasa na itanong na lang sa OB katulad sa iba. Kahit ang mga nurse alam ang ginagawa nila.  Bukod doon nakatipid pa kami dahil nagamit namin ang PhilHealth, kumpleto ang package sa panganganak, at 24 hours ang SafeBirth Novaliches.

Kim 3

Safe Delivery. Happy Family

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Mazel Veloria Ong

IMG_3139 

 

Mother:  Mazel Veloria Ong

Edad: 32 yo

Bilang ng Anak:  Dalawa (2)

Baby:  Kreed Veloria Ong

Birthday:  March 22, 2018

 

 

 

 

Q:  Ano ang naging karanasan mo sa una mong panganganak sa pribadong ospital?

A:  Sa isang private hospital sa Novaliches ako nanganak sa panganay ko.  Nagustuhan ko talaga ang serbisyo sa private kaso inabot kami ng P26,000 noon. Gusto ko sana ulit doon manganak nitong huli kaso nagkataong nagda-dialysis ang tatay ng asawa ko.  Kaya medyo kapos kami sa budget.  Kailangan na rin maging praktikal dahil nag-aaral na rin ang panganay namin.

Mazel 1

 

Baby Kreedo, Mommy Mazel and Ate Sydney

 

Q:  Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBirth at bakit mo napiling dito manganak? 

A:  Nakita ng asawa ko sa Facebook ang SafeBirth, kaya sumunod na araw nag-walk in agad kami.  Sa awa ng Diyos kahit 9 months na ako tinanggap pa rin nila ako for check-up.  Ayaw kasi akong tanggapin sa ibang private lying in.  Sinigurado naman ng OB at ibang medical staff na ligtas akong manganak ng normal sa lying in.

Wala talaga kaming anumang experience sa lying in clinic.  Pagpasok namin sa SafeBirth sabi namin aba parang okay dito. Okay ang facility, malinis, may choice kung doktor o midwife, approachable ang nurses, lahat mababait.  Natuwa kami, pati ‘yung mga buntis na patients na nadatnan namin parang kalmado at panatag.

 

 

Mazel 5

 

SafeBirth Baby Kreed Veloria Ong

 

 

Q: Paano mo naramdaman ang Alagang SafeBirth?

A:  Malaki talaga ang naging tipid namin.  Malaking kabawasan talaga! Kasi kung manganganak ako doon sa unang private hospital ko, nasa P27,000 hanggang P30,000 na.  Hindi ako nag-painless at alam kong nahirapan ang OB at nurse sa akin.  Pero talagang kalmado lang sila at talagang alam nila ang kanilang ginagawa.  Sobrang bait at tiyaga nila.  Relaxed lang sila kahit nahihirapan sila sa pag-iyak ko.  Nung nagre-recover ako maya’t maya nagche-check ang nurse, sobrang maalaga talaga.  Kasama na ang unang dose ng vaccine kay baby, Newborn Hearing test at Newborn Screening test sa maternity package, kaya sulit na sulit talaga!

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Jinky Jhane Dizon

Jinky 6

 

Mother:  Jinky Jhane Dizon

Edad: 24 years old

Bilang ng Anak:  Dalawa (2)

Baby:  Jacob Aeden Dizon

Birthday:  February 26, 2018

 

 

 

Q:  Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBirth at bakit mo napiling dito manganak? 

A:  5 months na ako noon at naghahanap ako ng private lying in clinic para sa pangalawang panganganak ko.  Lumabas ang SafeBirth sa Facebook feed ko kaya nagtanong ako online kung puwede ako tanggapin for check-up.  Sinagot naman ako agad at binigay sa akin ang rates.  Namurahan ako at binasa ko ang mga reviews sa Facebook.  Puro magaganda naman, maalaga raw ang mga OB at midwives.  Tinawagan ko agad ang SafeBirth Tatalon at sinabi sa akin ang PhilHealth requirements.  Kumpleto naman po ako sa requirements dahil working po ako.  Na-schedule agad sa sunod na araw ang check-up.  Pagpunta ko sa SafeBirth maganda at malnis ang lying-in, hindi tulad ng iba.  Malapit rin sa amin kaya sabi ko dito ko gustong manganak.

 

Jinky FB1

Ang pakikipag-usap ni Mommy Jinky sa admin ng SafeBirth noong October 2017

 

 

Q: Ano ang naging karanasan mo sa SafeBirth at paano ito naiba sa una mong pagbubuntis?

A:  Sa unang baby ko ay sa semi-private hospital ako nanganak.  Mura rin naman ang check-up doon, nasa Php 95 ang outpatient.  Pero sa SafeBirth dahil sa PhilHealth nasa Php 50 lang ang apat na check-up ko sa OB.

Jinky collage 2

Full support ang “Supar Dad” na si Daddy Romar mula check-up hanggang panganganak 🙂

Sa ospital madalas wala rin ang OB.  May mga pagkakataon na dalawang magkasunod na araw ako mag-a-absent sa trabaho kasi wala palang OB.  Kung meron man ang tagal rin ng hintayan, mga 9 am to 11 am.  Naging magastos dahil sa pamasahe, at pag-absent sa trabaho.

 

Sa SafeBIrth, tinatanong ako ng OB ko kung anong araw ako puwede.  Sigurado kung anong oras o araw ang schedule kaya nakakapag-leave ako.  Kung ipapa-move man madali silang ma-contact sa cellphone o nag-a-advise sila in case may pagbabago.  Pati ang asawa ko nakakapag-leave ng maayos dahil sigurado ang schedule.  Gusto niya kasi malaman kung ano ang kondisyon ni baby. At dahil madaling magpa-schedule, lagi ko siyang nakakasama sa check-up!  Napaka-supportive niya at tinawag na nga siyang Super Dad ng SafeBirth staff.

 

 

Q:  Mairerekomenda mo ba ang SafeBirth sa ibang ina?

A:  Sinasabi ko nga sa mga kaibigan namin ng asawa ko na okay sa SafeBirth. Lalo na kapag working mom ka.  Mas madali talagang magpa-schedule ng appointment, hindi nasasayang ang oras mo at mas nakakatipid pa.

Jinky collage

Baby Jacob Aeden

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Aiza Verde

Aiza 4

 

Mother:  Aiza Verde

Edad: 28 yo

Bilang ng Anak:  Isa (1)

Baby:  Terrence John Alegado

Birthday:  January 9, 2018

 

 

 

 

Q:  Bakit mo napiling sa SafeBirth manganak? 

A:  Noong first hanggang mga seventh to eight month ko, sa ibang clinics ako nagpapacheck.  Tapos nitong huli sa iba pang lying in na malapit sa SafeBirth Novaliches.  Ang problema, hindi sila PhilHealth accredited kaya naghahanap pa rin ako ng ibang clinic.  Buti na lang lumabas ang SafeBirth sa Facebook feed ko.  Nung binasa ko ang comments at mga reviews sa Facebook, naenganyo ako at mukhang okay.  Nagmessage ako agad sa Facebook at pinadalhan ako agad through text ng schedule.

Pero bago pa ako magkapagpa-check up, humilab ang tiyan ko isang gabi.  Akala ko manganganak na ako kaya pumunta pa rin ako sa clinic na una kong pinagpapa-check upan.  Madaling araw na halos noon.  Pagdating ko sarado sila at walang katao-tao!  Buti na lang katabi lang halos ang SafeBirth Novaliches at bukas ito 24 hours!  Tinulungan ako ni Nurse Venus at doon ko nalaman na false alarm lang pala.  Kinabukasan bumalik na ako for check up sa kanilang OB Gyne.

 

Aiza 7

Mommy Aiza, Baby Terrence and Nurse Jet

Q: Ano ang naging karanasan mo SafeBirth

 

A:  Ibang iba ang naging karanasan ko sa SafeBirth.  Mabilis ang kanilang response kapag may tinatanong ako kahit sa text lang.  Sobrang okay at mababait ang mga nurse.  Kapag magpapa-check up ako sa iba kailangan ko pa tumawag muna at minsan hindi sinasagot.  Kapag pumunta pa ako sa ibang clinic dati, ang daming tanong at may kasungitan ang mga sekretarya o staff.  Sa SafeBirth, sa Facebook o text lang nakapagpa-schedule na ako.

Sobrang mahusay at mabait rin ang naging OB ko.  Sabi niya mag-antabay dahil within 1 week baka manganak na ako.  Matapos nga aang ilang araw nag-labor ako.  Naging maasikaso sila, maya’t may mino-monitor ako.  Si Nurse Jet naman panay ang asikaso sa akin nung nanganak ako.  Hinikayat rin ako sa exclusive breastfeeding at hanggang ngayon tuloy ang Pedia check up ang anak ko.

Aiza 1

Safe delivery for Baby Terrence

 

Q:  Mairerekomenda mo ba ang SafeBirth sa ibang ina?

A:  Ikinukuwento ko nga sa iba kong kakilala ang SafeBirth.  Lying in lang ito at hindi kasinglaki ng ospital pero maganda ang facility at mababait ang staff.  Philhealth accredited na, kumpleto at wala nang kailangang asikasuhin pa!

 

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.