#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Jerica Diaz-Velarde

jec-saab

 

Mother:  Jerica Rose Diaz-Velarde (Jec)

Edad: 29 years old

Bilang ng Anak:  Isa

Baby:  Ma. Ysabelle Genica Velarde (Saab)

Birthday:  September 8, 2016


 

 

Q:  Bilang first time mommy, bakit naging mahalaga sa’yo ang exclusive breastfeeding? 

A:  Humingi ako ng advice galing sa pamilya at mga kaibigan ko, lalo ‘yung mga nagpasuso.  Nakita ko rin ang kaibahan ng mga babies na exclusively breastfed at ‘yung mga mixed feeding.  Kahit noong 4 weeks old pa lang siya, hindi nagkakasakit ang anak ko kahit minsan ay nakakasama ang mga pinsan niyang may ubo at sipon. Mabilis ang weight gain niya mula 3.3 kg (newborn) up to 6.3 kg (10 weeks).

Q: Nahirapan ka bang mag-breastfeed?

A:  Puyat at pagod ang una sa listahan.  Bilang isang cesarean mommy nagpadagdag ang sakit ng operasyon sa unang dalawang linggo.  Pagkalabas ni baby sa operating room 24/7 ko na siyang kasama, at sinigurado ng ospital na every 2 hours ang pagpapasuso.  Tig-15 minutes latching sa left breast, tapos ay sa right breast, kahit hindi namin alam kung may gatas na lumalabas sa akin.  Hanggang sa nagsusugat ang nipples ko at nagdurugo.  Napapakagat-labi na lang ako sa sakit, pero para kay baby lahat titiisin. Sobrang sakit noong unang linggo.  Unang tatlong araw ay black ang dumi niya, hanggang sa naging greenish at hanggang sa naging yellow,  na ibig sabihin ay may nadedede na siyang gatas.

fb-pump

 

Q:  Paano mo hinarap ang mga pagsubok na ito? 

A:  Sa kabila ng hirap sa breastfeeding, blessed ako na magkaroon ng asawa at pamilya na todo suporta sa akin.  Hindi naging madali after birth pero sa tulong nila ay napagaan ang pagpapagaling ko, kaya natutukan ko ang breastfeeding.  Ngayon, worth it ang nakikita kong epekto.  Mabilis ang eye development niya.  Nagko-communicate siya through coos and giggles.

 

jec-saab-gene

 

Pagsuporta ni Daddy Gene sa breastfeeding ni Mommy Jec

 

Q:  Ano ang maipapayo mo sa first time mommies na katulad mo?

A:  Sipag at tiyaga ang katuwang ko sa breastfeeding journey ko.  Puso ang labanan dito.  Kapag nanghihina ang loob mo, titignan mo na lang ang anak mo at isiping siya ang may benepisyo sa lahat ng pagod mo.  Bilang isang ina wala tayong gusto ibigay sa anak kung hindi ang best, ‘di ba?  Humingi ng tulong sa asawa o kamag-anak kung sa tingin mo ay napapagod ka na.  Panigurado ay may taong handang tumulong the best way possible.

Breastfeeding is best for babies.  Totoo ito, walang halong biro. Kumain ng masusustansiyang pagkain at huwag hayaang magkasakit ang sarili.  Kung kaya ko, kaya niyo rin!

Cheers to all breastfeeding moms!  🙂

jec-saab-3

 

Baby Saab:  Ngiting tagumpay

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

#ItoAngSafeMotherhoodStoryKo: Marivel Casañas

_ens0275

 

Mother:  Marivel Casañas

Edad: 33 yo

Bilang ng Anak:  Tatlo

Baby:  Rhazela Mhara Casañas

Birthday:  September 24, 2016

 

 

 

 

Q:  Sino ang nagimpluwensiya sa’yo para mag-breastfeed?

A:  Pinalaki kaming walong magkakapatid sa Butuan, Mindanao.  Lahat kaming magkakapatid pinasuso ng nanay ko, dahil sa probinsya noon walang nagfo-formula at kung mayroon man ay hindi namin afford.  Sa aming walo walang naging sakitin at lahat kami ay lumaking maayos at malusog.

Sa pagtanda ko natutunan ko mula sa iba na talagang mas mabuti mag-breastfeed.  Sabi nila puno ito ng bitamina at gamot ito sa sakit ng bata.  Sabi rin nila na kapag pinainom mo ng formula ang anak mo ay parang pinainom mo siya ng gatas ng hayop.  Wala naman akong problema sa pagpapasuso, kaya mas mabuti nang gatas ng ina ang ipakain sa mga anak ko kaysa iba pa.

img_5510

 

Si Marivel kasama ang ibang SafeBirth Mommies na nagpapasuso

 

Q:  Ano ang naging epekto ng breastfeeding sa tatlo mong anak?

A:  Walang sakitin sa tatlo kong anak.  Malulusog sila at kung magkaroon man ng ubo o sinat mabilis silang gumaling.  Nadadaan sa pahinga at maraming tubig kapag tinatamaan sila ng sakit.  Sa paaralan wala silang problema at palaging nasa top!  Mabilis nilang naiintindihan ang mga tinuturo. Nakakatuwa kasi talagang napakaganda ng pagpapasuso.  Wala ka pang gastos.

 

Q:  Paano nakatulong ang iyong paanakan sa iyong pagpapasuso?

2-breastfeeding
Safebirth poster

A:  First time ko sa private at natuwa ako na bukod sa malinis at maayos, ay nagamit ko ang PhilHealth sa SafeBIrth.  Welcome na welcome ang pakiramdam ko sa mga nurse at midwife.

Tinuro nila na ang unang lumalabas na gatas na naninilaw (colostrum) ay napakasustansiya.  Maganda ito para kay baby para hindi maging sakitin.  May mga poster rin tungkol sa breastfeeding na nakapaskil sa clinic.  Laging nagpapaalala ang OB na magpacheck-up para walang problema. Maging ang ibang nanay, hinihikayat rin nilang mag-breastfeed.

Nagpayo sila na para dumami ang gatas kumain ng isda, tahong at malunggay.  Maganda ang naging epekto sa akin ng malunggay at lahat ng ulam ko lalo na ‘yung may sabaw ay sinasahugan ko nito.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

Gatas ng Ina Bida sa Panahon ng Sakuna: Mga Tunay na Kwento

Ang Barangay Tatalon sa Quezon City, kung saan tabi-tabi ang kabahayan ay hindi ligtas sa nakakapaminsalang pagbaha tuwing malakas ang ulan. Apektado ang maraming pamilya sa lugar pero hindi ito naging sagabal sa ekslusibong pagpapasuso ng ilang mga ina sa lugar.  Gatas ng ina ang naging sandata nila laban sa pagkagutom at pagkakasakit ng kanilang mga sanggol sa panahon ng sakuna.

qc-flood-drill2-73114

IMAGE SOURCE: www.rappler.com

First time mommy si Baby Jane Santos at dalawang buwan pa lamang ang kaniyang sanggol na si MJ nitong Agosto 2016.  Dahil sa walang humpay na pag-ulan na dulot ng habagat, naging lagpas-tao ang baha sa lugar nila.  Dala lamang ang damit na suot, kinailangan nilang mag-evacuate sa mas ligtas na lugar. Ang covered court ang nagsilbing tahanan nila sa loob ng mahigit dalawang araw. Tatlo pang ibang pamilya ang naging kahati ng pamilya ni Baby Jane sa kanilang espasyo sa basketball court. Simula pagkapanganak kay MJ ay ekslusibo niya itong pinasuso.

img_5071

Mommy Baby Jane and Baby MJ

“Sabi nila mas mabuti magpadede dahil hindi nagiging sakitin ang bata at mabilis lumaki.  Sa dalawang buwan, mabilis ang lumaki si MJ, naging mabigat at mataba,” ayon kay Baby Jane.

Sa kabila ng kanilang sitwasyon sa evacuation center hindi siya nahirapang pakainin ang anak.  Habang sila ay umaasa sa limitadong relief goods, mabuti na lang at tuloy-tuloy ang kaniyang supply ng gatas.  Dagdag pa ni Baby Jane, “Nakakatipid din po kami dahil hindi na kailangan bumili ng gatas.  Diaper na lang ang kailangan pagkagastusan noong panahon na ‘yon.”  Matapos ang malakas na ulan, sa kabila ng paglaganap ng sakit tulad ng ubo, sipon at diarrhea na karaniwang nangyayari sa panahon ng sakuna, nanatiling malusog ang sanggol na si MJ.

Maging ang tatlong anak ni Rosalie Romano na mula rin sa Barangay Tatalon ay hindi kailanman pinainom ng formula milk. Hindi naging hadlang ang ulan at bahang dulot ng habagat noong taong 2012 sa kaniyang pagpapasuso sa bunsong anak na si Eloisa Mae na ngayon ay apat na taong gulang na.  “Sa kahirapan ng buhay ngayon, mas tipid ang pagpapasuso.  Mas madali rin dahil hindi na kailangan magtimpla ng gatas at hindi pagising-gising sa gabi,” kuwento ni Rosalie.

img_5183

Mommy Rosalie and Eloisa Mae

Mahalaga ang nutrisyong nakukuha ng inang nagpapasuso.  Ayon sa kaniya, “Kapag hindi maayos ang pagkain, kakaunti ang gatas.  Maganda kung masustansya  tulad ng isda, at gulay tulad ng malunggay at kalabasa.”   Dahil limitado ang kanilang pagkain at lahat ng tindahan ay sarado, malaking tulong ang suporta ng kaniyang pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na pagkain para patuloy na magkapagpasuso noong panahon ng kalamidad.

“Lahat ng anak ko malakas, at hindi pasaway.  Hindi sila gaanong nagkakasakit at kung magkaroon man ay lagnat-lagnat lang,” pagmamalaki ni Rosalie. “Aanhin mo ang ibang gatas, kung mayroon ka naman.  Mabuti na sa kalusugan, hindi pa nauubusan.”

 

Gatas ng Ina: Sagip-Buhay para sa mga Sanggol sa Panahon ng Kalamidad 

Ang Pilipinas ay hindi ligtas sa mga panganib na dulot ng bagyo, baha, lindol at tsunami.  Ayon sa 2015 World Risk Index report ang Pilipinas ay pangatlo sa mga bansang pinaka malapit sa kalamidad sa buong mundo.  Sa pagtataya ng PAGASA, ang nararanasan nating mga pag-ulan ay maaaring umabot hanggang Disyembre lalo na sa pagpasok ng naka-ambang La Niña.

IMG_0232

Sa panahon ng sakuna, pinakamataas ang pagkakasakit at pagkamatay sa mga bata at sanggol.  Mas bata ang edad, mas mataas ang panganib.  Kung kaya ang mga sanggol na may edad anim na buwan pababa ang dapat bigyan ng pangangalaga.  Kapag nakainom ang mga sanggol ng gatas na may kontaminadong tubig, o nakalagay sa maruming bote, maaari silang magkasakit ng diarrhea at mamatay sa loob lamang nang ilang oras.

Dito maaasahan ang kagalingan ng breast milk. Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit pinakamainam ang gatas ng ina sa panahon ng kalamidad:

IMG_3789

Breast is best.

Ang gatas ng ina ang nagbibigay ng pinakamataas na proteksyon sa sanggol laban sa mga sakit, tulad ng respiratory diseases, pagtatae at malnutrisyon na maaring ikamatay ng sanggol. Pinalalakas ng gatas ng ina ang resistenya ng mga bagong panganak na sanggol upang mapanatili silang malusog.

Tandaan na sapat at angkop ang sustansya ng gatas ng ina para sa sanggol. Hindi matutumbasan ng formula milk ang sustansya at benepisyo nito.

Posible ang pagpapasuso sa kahit anong panahon.

Ito ay nananatiling ligtas ano man ang klima, tag-araw man o tag-ulan. Makakaiwas ang sanggol mula sa panganib ng pag-inom ng kontaminadong tubig na maaring idulot ng formula feeding.  Hindi na nangangailangan ng ano pa mang kagamitan tulad ng bote at tsupon na maaaring magkaroon ng mikrobyo.

Ang pagpapasuso ay nabibigay-ginhawa sa ina at sanggol.

Dahil sa oxytocin o mas kilala sa tawag na happy hormone na aktibo sa katawan ng ina sa panahon ng pagpapasuso ay nagiging kalmado ang pakiramdaman ng nanay. Naibibigay din ito ng pisyologikal at emosyonal na pangangailangan ng sanggol. Nararamdaman niya na patuloy siyang inaaruga at minamahal ng mga tao sa kaniyang paligid.  Nababawasan ang tensyon at stress na nararamdaman ng mag-ina sa kapag nakakaranas ng sakuna.

Ito ay hindi nakapipinsala sa ating kapaligiran.

Dahil hindi kailangan ng gamit tulad ng bote at tsupon, nakakaiwas tayo sa lalong pagpapalala ng kalagayan ng ating kapaligiran na nagdudulot ng climate change hazards.  Wala itong iniaambag sa pagkasira ng ating kalikasan na dulot ng mga basura tulad ng plastik, bote, karton at foil. Hindi rin ito lumilikha ng polusyon na karaniwang nililikha ng paggawa ng formula milk.

Ang pagpapasuso ay LIBRE, ANGKOP, SAPAT at LIGTAS.  Sa katunayan, hindi lang ito pagkain bagkus ay nagsisilbing gamot at proteksyon para sa mga sanggol. ‘Di matatawaran ang benepisyo nito hindi lang para sa ina at sanggol, kung hindi para sa buong komunidad.

Sa panahon ng disaster kung saan libo-libong biktima ang nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno o ibang institusyon para tugunan ang pangangailangan sa pagkain at gamot, siguradong maasahan ang natural na biyaya ng gatas ng ina. ###

Sources:

http://www.nnc.gov.ph/39-featured-articles/1636-action-against-hunger-urges-pres-duterte-to-drive-change-on-development-issues-in-the-philippines

http://www.gmanetwork.com/news/story/323652/lifestyle/healthandwellness/unicef-mothers-should-continue-to-breastfeed-in-disasters-emergencies

http://www.who.int/mediacentre/news/releases/2013/philippines-breastfeeding-20131128/en/

 

An Experiment Baby

“Jamir is an experiment baby”, this is how our neighbors tag my 10-month old son. They were amazed by how we raise our little child and constantly tell us that what we do to our child is one of a kind.

The Preparation

jamir and mommyThe experience began when our baby Jamir was born. In spite of our goal to have a normal delivery, my wife Nean underwent CS operation but that did not hinder us. We requested the attending physicians, the OB and the pedia, to let Jamir experience Unang Yakap—an important step where the child lies on his/her mother’s chest to have skin-to-skin contact, and be breastfed for the first time.

Remarkably up until we went home, Jamir continues to breastfeed to his mother as often as necessary. As weeks passed by, we were gradually overcoming the difficulties of our experiment.

Exclusive breastfeeding

Jamir is exclusively breastfed in the first six months of his life. No water. No vitamins. No solid foods. Studies show that breastmilk is 88% water. In fact, giving excess water to babies below six months is fatal and may cause water intoxication. Vitamin supplements were not permitted since the nutritional value of the breastmilk is enough for his needs. He’s also used to not taking medicine for common illnesses such as colds and cough.

It was actually amazing that Jamir needed nothing but breastmilk to survive for the first six months.

Complementary feeding

We started to introduce solid food to Jamir when he officially turned ‘6 months’. The first food we gave to him is avocado with breastmilk. We only provide natural food to Jamir and refrain from adding sugar, salt, junk food, especially water to his diet. And at the same time, we continue breastfeeding him. Gratefully, Jamir has a good appetite. In the first 2 months of introducing solid food, Jamir had already eaten almost everything from the Bahay Kubo—okra, patola, upo, kalabasa, sibuyas, luya, talong, petsay and many more.

jamir photo

This August, Jamir turns 1. Jamir is healthy and at the same time we are able to save money for more important things we need rather than buying expensive formula milk, distilled drinking water, baby’s processed food and the like.

Our Realization

There is no powdered milk that can equate the nutrition that natural food has. Feed your child right! Vitamins supplement is unnecessary if you feed your child right and processed food is not healthy and would never be.

The world is perfectly created; that life is best on its natural course. A woman lactates because it is what her child needs. All mothers lactate and it is a rare condition that a woman does not have the capacity of producing milk to breastfeed her child. Explore the wonders of nature and you’d be surprised how it could be life-saving.

Jamir is not an experiment baby. He is breastfed and continues to eat fruits and vegetables until now. He is active and healthy. He is undoubtedly a baby nurtured naturally.

Moreover, this is our way to express how we love him. Someday he will definitely thank us for not giving him those unnatural and unhealthy stuff that most babies eat and that we spared him from junks during his first year of life.

Jamir is not being experimented. He is being guided, nurtured and loved. ###

akosiliet green-bnok (4)

 

Jaime de Guzman is a 25-year-old father. He is a member of the following support groups: Breastfeeding Pinays, Babywearing Philippines, Modern Cloth and Nappying Philippines, and Gentle Birth Philippines.