BATANG 1000 (First 1000 Days)

‘PAG BITIN SA CALCIUM SI MOMMY, BAKA MABITIN DIN ANG KALUSUGAN NI BABY.

Wala nang mas hihigit pa sa pagmamahal at pag-aaaruga ng isang mommy para sa kanyang baby. Walang ‘di gagawin para sa ikabubuti ng kanyang anak. Pati sariling kalusugan, handang i-sakripisyo maligtas lang si baby sa kapahamakan.

Pero ang ‘di alam ng ilan sa ating mga mommies ay kaagaw natin si baby sa sustansya habang siya’y nasa sinapupunan. Ayon sa mga doktor, natural ang pangyayaring ito. Halimbawa, kapag kulang si baby sa Calcium, aagawin niya ito mula sa katawan natin. At dahil diyan, may totoong panganib sa kalusugan ni mommy at ni baby.

BAKIT MAHALAGA ANG CALCIUM SA PAGBUBUNTIS?

  • ‘Pag kulang ng Calcium, maaaring maging sanhi ito ng osteoporosis sa isang nagbubuntis na Mommy kung saan nagiging marupok ang buto niya.
  • Mahalaga ang Calcium sa pag-develop ng buto ni baby
  • Tumutulong ang Calcium sa wastong kalusugan ng dugo, masel, puso at nervous system ni mommy at ni baby
  • Mula 50mg ng Calcium (20 weeks ng pagbubuntis) hanggang sa halos 330mg ng Calcium (35 weeks ng pagbubuntis) ang nalilipat kay baby mula kay mommy sa araw-araw.

ANU-ANONG PAGKAIN ANG SAGANA SA CALCIUM PARA SA NAGBUBUNTIS?

  • Ayon sa mga eksperto, kinakailangan natin ng 1,000mg ng Calcium araw-araw para sapat ang sustansyang nakukuha natin sa ating pagbubuntis.
  • Gatas ang pinaka-karaniwang source ng calcium sa buong mundo. Ugaliin nating uminom ng isang 8-ounce na baso ng gatas araw-araw. Mas mainam kung calcium-fortified ang gatas na iinumin.
  • Sagana rin sa Calcium ang keso. Maswerte tayo’t maraming mapagpipiliang keso sa supermarket. Pwede nating ipalaman ito sa pandesal bilang cheese sandwich o ihalo sa mga lutuin tulad ng spaghetti, macaroni at kaldereta.
  • Maganda ring source of Calcium ang yogurt.
  • Marami pang ibang sagana sa Calcium tulad ng orange juice, sardinas, tokwa, salmon, hipon, oatmeals at cereals.

KAILANGAN BA NATIN NG CALCIUM SUPPLEMENTS?

Siguro ‘di natin kaya o afford maghanda ng Calcium-rich na pagkain araw-araw. O siguro lactose-intolerant tayo’t hindi makainom ng gatas o makakain ng keso. Baka kailangan nating uminom ng Calcium supplement tulad ng Calcium Lactate (United Home CALACTATE).

Ang United Home CALACTATE ay tumutulong sa pagpapatibay ng buto at ngipin nating mga mommies at ng ating dinadalang babies (with proper diet and exercise). Kapag araw-araw ang pag-inom natin nito, mas makakampante tayo sa Calcium na matatanggap ni baby habang nabubuo ang kaniyang katawan sa ating sinapupunan. At nakatutuwang malaman na available ang United Home CALACTATE na gawa ng Unilab sa mga kilalalang tindahan at mga drugstores nationwide. Ang UNILAB ay isa sa ilang mga manufacturer na kilalang pinagkakatiwalaan sa paggawa ng mga gamot at bitamina sa buong Pilipinas.

Kaya Mommies, iwasan natin ang Calcium deficiency at ang mga dala nitong panganib sa kalusugan natin at ng ating babies. Kumonsulta na sa doktor tungkol sa United Home CALACTATE.

Ang United Home CALACTATE ay P1.60/tablet SRP. Available ito sa SafeBirth clinics o bili na sa mga drugstores nationwide o online sa Shopee at Lazada

 

BATANG 1000 (First 1000 Days)

SAPAT BA ANG FOLIC ACID MO, MOMMY? KUNG HINDI, BAKA MAGKA-DIPRENSYA SI BABY.

“MOMMY, PARANG MAY DIPRENSYA PO ANG BABY N’YO.” Kinakatakutang matanggap ng bagong panganak na mommy ang balitang ‘yan. Pero ang katotohanan ay may mga sanggol sa Pilipinas ang pinapanganak na may diprensya. At may kinalaman dito ang kakulangan ng Folic Acid sa katawan nila at ng kanilang mommies.

ANO ANG FOLIC ACID?

Ang Folic Acid ay isang essential nutrient na tumutulong sa paglikha ng bagong cells sa katawan. Ang katawan ng tao ay binubuo ng halos 30 trillion cells. At araw-araw may bagong cells na nalilikha. Buhok, balat – iba’t ibang bahagi ng katawan – may kinalaman ang Folic Acid diyan.

BAKIT MAHALAGA ANG FOLIC ACID?

Isa sa pinaka-kritikal na papel ng Folic Acid ay ang pag-develop ng neural tube ni baby. Ang neural tube ay ang bahagi ng katawan na magiging utak at gulugod (spinal cord) niya. Nabubuo ang neural tube sa gitna ng ika-apat hanggang ika-anim na linggo ni baby sa sinapupunan ng isang ina. Kaya sa mga sumusubok o nagpaplano pa lamang mabuntis, siguraduhing sapat na ang Folic Acid natin.

ANO ANG PWEDENG MANGYARI ‘PAG KULANG ANG FOLIC ACID?

Kapag kulang sa Folic Acid si baby, maaaring maging sanhi ito ng problema sa utak katulad ng Anencephaly o ‘di kaya’y magkaroon ng Spina Bifida, isang kondisyong nakakaapekto sa gulugod.

Ang Anencephaly ay ang ‘di tamang pagbuo ng utak at bungo. Kapag nangyari ito, maaapektuhan ang pag-develop ng cerebrum na siyang nagkokontrol ng pagkilos ni baby tulad ng paggapang at paglakad.

Ang Spina Bifida naman ay ang ‘di tamang pagbuo at pagsara ng gulugod. Sa mga karaniwang kaso ng spina bifida, malubha ang pagkasira ng nerves na nagreresulta sa kapansanan sa pag-ihi o pagdumi, at pamamanhid ng kamay at paa.

PAANO MASISIGURONG SAPAT ANG FOLIC ACID?

Recommended ng doktor na uminom tayo ng 400mcg (0.4mg) ng Folic Acid araw-araw as early as isang buwan bago magbuntis. Dahil hindi nakakalikha ng Folic Acid ang ating katawan, kinakailangan nating umasa sa pagkaing meron nito tulad ng berdeng gulay (spinach, broccoli) at prutas (papaya, banana}.

Pero para makasigurado uminom tayo ng supplements tulad ng Iron + Folic Acid (United Home FERSULFATE PLUS+) at Folic Acid (United Home NATAFOL).

Ang United Home FERSULFATE PLUS+ ay may 60mg ng Iron na tumutulong para iwas-anemia tayong mga mommies at 250mcg (0.25mg) Folic Acid na tumutulong naman para sa iwas-diprensya ang ating mga babies. Maaring uminom ng isang tableta kada araw ayon sa reseta o payo ng inyong doktor.

Ang United Home NATAFOL naman ay may 5mg ng Folic Acid. Mainam ito para matulungan ang wastong pagbuo ng neural tube ni baby. Maaaring uminom ng isang tableta araw-araw hanggang sa unang trimester ng inyong pagbubuntis ayon sa magiging payo ng inyong doktor.

Kaya Mommies, sagana dapat tayo sa Folic Acid para ligtas at wasto ang pagbuo ni baby sa ating sinapupunan.

Ang United Home FERSULFATE PLUS+ ay P3.50/tablet SRP at ang United Home NATAFOL naman ay P4.75/tablet SRP. Available ang mga ito sa SafeBirth clinics at mabibili rin sa leading drugstores nationwide tulad ng Mercury Drug, South Star Drug, Watsons, at online sa Shopee at Lazada.

BATANG 1000 (First 1000 Days)

PAGBABASA NG LIBRO KAY BABY, MAGANDA ANG EPEKTO HANGGANG PAGLAKI

Hi Mommies! Alam niyo ba na ang pagbabasa ng mga kuwento sa inyong mga sanggol ay makakabuti sa kaniya?  Tama ang inyong nabasa, kahit hindi pa nakakapagsalita ang inyong anak ay maaari niyo na silang basahan ng libro. 

Kaugnay ng adbokasiya ng SafeBirth sa First 1000 Days (Batang 1000 Program), ang lahat ng pangayari sa unang yugto ng buhay ng isang bata ay may malaking epekto sa kalusugan niya hanggang pagtanda.   Ibig sabihin habang buhay ang magandang epekto nito.  Ayon sa mga pag-aaral narito ang mga benepisyo ng pagbabasa sa inyong sanggol:

ANG PAGBABASA KAY BABY AY MAGANDANG PARAAN NG BONDING

  • Ang bonding ni baby sa kaniyang magulang sa mga unang taon ay may magandang ang epekto sa brain development, na crucial at irreversible sa unang yugto ng buhay.  Ibig sabihin ay hindi na maibabalik ang pagkakataong ito kapag lumipas.
  • Ang pagbabasa ng libro ay isa sa mga aktibidad na maaaring gawing magkasama ng mga magulang at anak. Bukod sa pisikal na bonding, kapag kalong o buhat ang sanggol, natutuwa rin silang marinig ang boses ng mga magulang.

ANG PAGBABASA KAY BABY AY NAKAKATULONG SA LANGUAGE DEVELOPMENT AT EARLY LITERACY SKILLS

  • Kapag binasahan si baby mas mapapadali ang pagkatuto ang mga tunog at letra.
  • Nakakatulong sa pagkakaroon ng malawak na bokabularyo.
  • Nahahasa ang pakikinig.
  • Maging ang paghahawak ng libro, paglilipat ng mga pahina, at pagkatuto ng pangalan ng libro ay may magandang epekto.
  • Pagsimulang pag-intindi kung paaanong dumadaloy ang mga kuwento.

ANG PAGBABASA KAY BABY AY NAGHAHASA NG MGA KAKAYAHANG MAHALAGA SA PAGSISIMULA NG PORMAL NA PAG-AARAL

  • Napapainam ang kakayahang magbasa na mahalaga sa pagsisimula sa pre-school.
  • Nagpapa-angat ng motivation, curiosity at memory.
  • Nakakatulong sa stress at anxiety.
  • Nagpapalawak ng perspektibo dahil napapakilala ang mga bagay, lugar, atbp. na hindi pamilyar sa kanila.
  • Nagkakaroon ng positibong ugnayan sa mga libro at pagbabasa.

Simulang basahan si baby habang maaga! Para sa karagdagang impormasyon i-click ang link tungkol sa Reach Out and Read Philippines: https://papainc.org/programs.do?id=9950.

Para sa mga libro para kay baby, bumisita sa iba’t ibang bookstore o silipin ang link na ito: https://adarna.com.ph/collections/0-3-years-old

Source:  http://www.reachoutandread.org/our-story/importance-of-reading-aloud/

BATANG 1000 (First 1000 Days)

Gestational Diabetes:  Impormasyon para sa Buntis

Gestational Diabetes 1

Hello, Buntis!  Alam mo ba kung ikaw ay may gestational diabetes?

Ang kondisyon na ito ay nangyayari sa mga buntis kung saan tumataas ang blood sugar level.   Dahil sa mga pagbabago sa katawan, partikular na sa hormones ng isang buntis, hindi gumagana nang maayos ang hormone na insulin kung kaya tumataas ang glucose o asukal sa dugo.

 

Sino ang mga maaaring magkaroon nito?

Lahat ng buntis ay maaaring magkaroon ng Gestational Diabetes pero mas malaki ang tsansa ng mga sumusunod na babae:

  • Higit 25 ang edad sa pagbubuntis
  • May diabetes sa pamilya
  • Labis ang timbang (overweight) o obese sa pagbubuntis
  • Nakunan (miscarriage)
  • Malaki o mabigat ang timbang ng mga naunang pinanganak na sanggol
  • May high blood pressure o pagkakaroon ng sobrang daming amniotic fluid

 

Ano ang mga sintomas nito?

 Maaaring mild o hindi mapansin ng isang buntis kung mayroon siyang diabetes.  Pero maging alerto kung nakakaranas ng mga sumusunod:

  • Pagkapagod o pagkahapo (fatigue)
  • Pagkauhaw
  • Madalas na pag-ihi
  • Pagbabawas ng timbang
  • Madalas na pagkagutom
  • Pagsusuka
  • Yeast infection
  • Paglabo ng paningin

Gesttational Diabetes 4

Ano ang mga kumplikasyon o epekto nito?

Hindi ito dapat isawalang-bahala dahil sa mga posibleng epekto sa kalusugan ni mommy at baby:

  • High blood pressure sa ina
  • Pagtaas ng tsansa para sa Caesarean Section Delivery (CS)
  • Maagang panganganak o Premature birth
  • Type 2 Diabetes kung hindi nawala ang diabetes pagkatapos manganak
  • Mataas na timbang ng sanggol
  • Hypogycemia o low blood sugar para sa sanggol

 

Ano ang dapat gawin?

Hindi kailangang agad agad na uminom ng gamot para sa Gestational Diabetes, sundin lang ang mga tips na ito:

pregnancy-diet

  • Komunsulta sa OB o midwife para sa iyong regular na Prenatal Check-up. Sila ang makakapagsabi kung ano ang mga tests na kailangan gawin sa iyong kondisyon.  Sa kanila rin malalaman kung kailangan ng gamutan o ng insulin.
  • Kumain ng masustansiya at sapat na pagkain.
  • Mag-ehersisyo o magkaroon ng sapat na pisikal na aktibidad, ayon sa payo ng iyong doktor.
  • Regular na subaybayan o i-monitor ang iyong blood sugar level.

 

Hindi mahirap tugunan ang kondisyon na ito kung maaagapan.  Huwag hintaying maranasan ang mga kumplikasyon at panganib sa kalusugan para kay mommy at baby.  Maaaring komunsulta sa mga midwife o doktor, at sumangguni tungkol sa mga tests tulad ng CBG (Capillary Blood Glucose) , FBS (Fasting Blood Sugar) , OGTT (Oral Glucose Tolerance Test) at OGCT (Oral Glucose Challenge Test) sa SafeBirth .

 

Sources:

https://www.babymed.com/diabetes/gestational-diabetes

https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-epekto-ng-gestational-diabetes-at-mga-tips-para-dito

BATANG 1000 (First 1000 Days)

BAKIT MAHALAGA ANG BAKUNA PARA KAY BABY?

bakuna

 

Maraming sanggol at bata ang namamatay dahil sa mga sakit na maaari namang maiwasan kung magpapabakuna.  Ika nga prevention is better than cure.  Ang bakuna o baksinasyon ay nakapagpapalakas ng immune system ng tao.  Kapag mas malakas ang immune system ng sanggol o ng bata, mas bumababa ang tyansa na magkaroon ng impeksiyon.   Nagkakaroon ng antibodies ang katawan na lumalaban sa virus at bacteria na nakapagdudulot ng sakit.

Ang pagbabakuna ang isa sa mga pinakamahalagang aksyon para mapanatiling malusog si baby at protektahan siya sa mga nakamamatay na sakit.

Mga Dapat Tandaan

  1. Alamin ang takdang araw ng pagbabakuna sa pinakamalapit na Health Center o komunsulta at magpa-schedule sa inyong Paediatrician ng pagpapabakuna ni baby.

 

  1. Kumpletuhin ang mga pangunahing bakuna ni baby bago sumapit ang unang kaarawan.

 

  1. Kung hindi naumpisahan ang mga bakuna, o kung nahuli sa takdang panahon maaaring mag-iba ang schedule; ikonsulta sa Paediatrician kung anong mga pagbabago ang mangyayari. Ang nasa ibaba ay regular schedule ng pagbabakuna para sa sanggol. 

 

Schedule ng Bakuna para sa sanggol         

Dapat mabakunahan si baby ng BCG at Hepa B pagkapanganak.

Bakuna FB 2

 Mahalagang lisensyado ang inyong doktor, at maging ang inyong ospital o lying in para mabigyan kayo ng tamang impormasyon tungkol sa proseso na ito.  Huwag magatubiling magtanong sa pinakamalapit na SafeBirth branch sa inyo https://safebirthclinic.com/contact/

 

Sources:

http://kalusugan.ph/mga-mahalagang-bakuna-para-sa-mga-bata/

http://www.doh.gov.ph/sites/default/files/health_promotion/Garantisadong%20Pambata%20Bulilitin%20%28updated%203%29.pdf

 

 

 

 

 

 

BATANG 1000 (First 1000 Days)

SAFE MOTHERHOOD:  Ano ang ligtas na gamot para sa buntis?

wombstorydotcom
 

Image Source:  wombstory.com

 

Buntis ka ba at may iniindang karamdaman?  Alamin kung anong gamot ang ligtas para sa iyo at para kay baby. Siguraduhing walang negatibong epekto ang anumang iinumin, lalo na sa pagbubuo ng sanggol sa iyong sinapupunan.

Ilang mahahalagang paalala muna para sa mga buntis:

  1. Walang gamot ang 100% na ligtas. Ang gamot na ligtas para sa iba, ay maaaring hindi ligtas para sa iyo.  Kaya komunsulta muna sa iyong OB Gyne bago uminom ng kahit anong gamot kahit pa ito ay OTC o over-the-counter.
  2. Huwag sosobra sa rekomendadong dose o dami ng gamot.
  3. Hangga’t sa maaari ay huwag uminom ng kahit ano sa iyong FIRST TRIMESTER, dahil ito ay kritikal na panahon ng development ng sanggol sa sinapupunan. Ang pag-inom ng anumang gamot ay maaaring magkaroon ng epekto sa iyong sanggol.  Kung kinakailangan talaga, konsultahin at magpareseta sa iyong OB Gyne.
  4. Kung may prescription medicines na iniinom bago mabuntis, tanging ang iyong OB Gyne ang makapagsasabi kung ligtas ang patuloy na pag-inom nito habang ikaw ay buntis.

Para sa mga karaniwang karamdaman, narito ang mga generic na gamot na maaari para sa buntis:

Karamdaman Gamot
Allergy Antihistamines tulad ng mga sumusunod:  Chlorpheniramine (maaaring maging sanhi ng pagkaantok), Diphenhydramine (maaaring maging sanhi ng pagkaantok), Loratadine
Ubo at Trangkaso Guaifenesin (expectorant), Dextromethorphan (suppressant), Guaifenesin plus dextromethorphan, Cough drops, Vicks VapoRub

Warm salt/water gargle

Hindi ligtas ang mga sumusunod:

Mga gamot na may alcohol

Mga gamot na may decongestant na pseudoephedrine and phenylephrine, na maaaring makaapekto ng daloy ng dugo sa placenta.

Huwag rin uminom ng “SA” (sustained action) forms o “Multi-Symptom” forms ng mga gamot na ito.

Constipation Psyllium , Polycarbophil, Methylcellulose

Mga laxatives at pampalambot ng dumi (milk of magnesia)

Diarrhea Sa loob ng 24 oras, pagkatapos lang ng ika-12 na linggo ng pagbubuntis:
Loperamide, antidiarrheal medication
First Aid Oint­ment Bacitracin, Neosporin
Headache Acetaminophen / Paracetamol
Heartburn Antacids para sa heartburn

Simethicone para sa gas pains

Rashes Diphenhydramine

Hydrocortisone cream or ointment

Oatmeal bath

Yeast Infection at  Fungal Infection Clotrimazole, Miconazole, Terbinafine, Tioconazole, Butoconazole, Butenafine, Tolnaftate

TANDAAN:  Komunsulta muna sa iyong doktor o OB Gyne bago uminom ng anumang gamot.  Maging ang mga natural na gamot o supplements ay may mga nilalaman na maaaring makaapekto sa iyong baby, lalo na kapag sobra ang dami.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring magtanong sa mga doktor ng SafeBirth.

 

SOURCES:

http://www.webmd.com/women/pregnancy-medicine#1

https://www.babycenter.com/0_safe-medications-during-pregnancy_1486462.bc

BATANG 1000 (First 1000 Days), Breastfeeding Stories

4 na Pagkain Para sa Breastfeeding

breastfeeding food

Kailangan ng dedikasyon sa breastfeeding, lalo na sa First 1000 Days ni baby kung saan tanging ang gatas ng ina ang pinakamasustansiya at angkop na pagkain niya.  Malaking bagay sa tagumpay ng breastfeeding ang malusog na pangangatawan ng ina.

Narito ang apat sa mga simple at madaling makuhang pagkain na makakatulong sa pagpapasuso:

  1. Malunggay

Ito na marahil ang pinakasikat at epektibong pagkain para sa nagpapasuso.  Meron itong capsule form pero mas mairerekomenda na isahog ang gulay sa araw-araw na pagkain.  Bukod sa pagpaparami ng gatas, napakarami rin nitong benepisyo para sa bagong panganak:  1. Para sa pagpapatibay ng immune system, 2. Nakakatulong sa pamamaga ng joints para sa nakaranas ng arthritis sa pagbubuntis, 3. Nakakababa ng sugar levels para sa nagkaroon ng gestational diabetes, 4.  Sa pagre-regulate ng blood pressure para sa nagkaroon ng pregnancy-induced hypertension, 5.  Pagpapagaling ng hika, ulcer, migraine na maaaring nararanasan ng mga bagong panganak, atbp.

  1. Green Papaya

Hindi lang dami kung hindi pati ang kalidad ng breastmilk ay napapabuti ng green papaya.  Ito ay natural na sedative, na nakakatulong na makakalma at relax habang nagpapasuso.  Ang hormone na oxytocin ay nakakatulong sa breastmilk production.  Ang pagkain ng green papaya ay nakakapagparami ng oxytocin sa katawan, na nagreresulta sa mas magandang daloy ng gatas ng ina.

  1. Luya

Ang luya ngayon ay kasama na sa mga tinatawag na lactogenic na pagkain – mga pagkain na sinasabing nakakatulong sa pagpaparami ng breast milk.  Sinasabing may therapeutic effects ang luya at nakakatulong ito sa immunity, paglaban sa mga tumor, pagbabawas ng inflammation o pamamaga, pagbaba ng blood sugar, atbp.  Sa pangkalahatan ay ligtas ito, pero kailangan pa ring konsultahin ang iyong OB o medical provider para sigurado.  Ang mga babaeng nawalan ng maraming dugo sa panganganak ay sinasabing hindi dapat kumain ng luya agad agad.

  1. Tubig

Bagamat hindi ito pagkain, ang pag-inom ng tubig ang isa sa mga pinakaimportante para masigurado na sapat ang supply ng breastmilk.  Nababawasan ang tubig sa katawan kapag nagpapasuso, kaya malaking bagay ang tubig para manatiling hydrated at magkaroon ng breastmilk.  Madalas ay nakakaranas rin ng pagkauhaw ang ina habang nagpapasuso kaya magandang may baso ng tubig habang ginagawa ito.

Hindi kailangan maging mahirap at mahal ang breastfeeding. May mga simple at murang pagkain na makakatulong sa mga ina.  Iwasan rin ang asukal, kape, tsokolate, alcohol at mga processed food.  Tandaan na kung mas madalas ang pagpapasuso, mas dadami ang gatas ng ina.

Happy breastfeeding, Mommies!

 

Sources:

http://www.momjunction.com/articles/best-foods-to-increse-breast-milk_0076100/#gref

http://www.justmommies.com/babies/top-ten-lactogenic-foods-foods-that-improve-your-milk-supply#water

http://www.mom365.com/baby/breastfeeding/10-foods-to-increase-lactation/

http://www.livestrong.com/article/265204-fresh-ginger-breast-feeding/

http://www.momjunction.com/articles/papaya-while-breastfeeding_00367111/#gref

https://ph.theasianparent.com/malunggay-really-improve-breastmilk-supply/

 

 

 

 

BATANG 1000 (First 1000 Days)

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: KRISTINE MORAN

3

 

 

Mother:  Kristine Joy Moran

Edad: 36 years old

Bilang ng Anak:  2

Baby:  Markie Althea Fadrilan (7 months)

 

 

 

 

Q: Bakit ka sumali ng Batang 1000 Program at ano ang natutunan mo dito?

A:   Noong una naisip ko sasali na lang ako para may mapaglibangan.  Pero isa ako sa mga unang nanganak, at nahirapan na akong mag-attend ng mga Nutrition Class, dahil nag-aalaga ng baby at may trabaho ang asawa ko.  Pero pinilit at kinumbinsi talaga ako ng Batang 1000 coordinator na si Leah na mag-attend.

Nang lumipas ang ilang linggo na-realize ko parang ang saya-saya na ng sessions.  Natututo ako ng tamang nutrisyon sa mga lectures, pero natututo rin kami ng mga nanay sa experience ng isa’t isa.  Nadadala rin namin ang mga baby namin sa mga klase.  Sobrang pursigido ko mag-attend, tatlong beses pa akong naging perfect attendance!

Batang 1000 food
 

MURA, MASARAP AT MASUSTANSYA ANG PUTAHE SA BATANG 1000 NANAY CLUB

 

Q:  Sa paanong paraan nakatulong ang programa sa’yo at paano ito nakatulong sa breastfeeding mo?

A:  Bago pa man ako nabuntis, cook na ako dati sa isang restaurant.  Pero dito natuto ako magluto ng walang preservatives, MSG o kahit anong pampalasa na artificial. Puro gulay at masusustansiyang pagkain kami.  Talagang palaging ubos!

Kaso lang noong una, nahirapan talaga ako magpasuso.  Walang lumalabas sa akin na gatas mahina talaga. Hindi rin maka-hakab ang baby ko.  Pero dahil sa pag-attend ko ng Nutrition class, at bawal ang bote sa health center napilitan talaga akong padedehen siya. Kung hindi ko ito gawin, ay iiyak lang siya sa gutom. Panay rin ang udyok at suporta ni Leah para magpa-breastfeed ako.  Kalaunan, kakasubok at practice ay lumabas na ang gatas ko.  Ngayon, exclusively breastfeeding na ako!

Kristine collage
DAHIL SA SUPORTA NG BATANG 1000, SUCCESS NA ANG BREASTFEEDING NI MOMMY KRISTINE

 

Q:  Sa kabila ng paglipat mo ng tirahan, bakit patuloy pa rin ang iyong pagdalo sa Batang 1000?

A:  Ngayon patuloy pa rin akong nagsisikap na dumalo sa mga Batang 1000 Nutrition class.  Lumipat na kami ng tirahan sa Philcoa pero dinadayo ko pa rin ang health center sa Old Balara.  Kahit na mas maraming sakay at mas mahal ang pamasahe, isinasama ko pa rin ang baby ko at doon sinusuportahan naming mga nanay ang isa’t isa para mag-breastfeed.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan

 

BATANG 1000 (First 1000 Days)

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: JUDY LANE PENILLA

IMG_1163

 

Mother:  Judy Lane Penilla

Edad: 27 years old

Bilang ng Anak:  Isa, 5 months old

Anak:  Rouie Lein Penilla

Birthday:  February 13, 2017

 

 

 

 

Q: Bakit ka sumali ng Batang 1000 Program at ano ang naging karanasan mo dito?

A:   Natutuwa talaga ako sa mga Nutrition Class namin.  Kasi ang mga first time nanay na katulad ko, natututong magluto.  Hindi lang basta-basta, dapat masustansya.  Bawal sa amin yung mga pampalasa na maraming preservatives.  Kasi hindi lang para sa amin iyon, para rin sa baby sa loob ng sinapupunan namin.

Bukod doon ang dami naming benefits, may libreng Obimin, may freebies pa minsan na magagamit namin – tulad ng gamit ng baby, higaan, bag.  Menos gastos na rin.  Masaya rin kasi nakakasalamuha kami ng ibang nanay.

Judy Lane 1

Si Mommy Judy Lane tuloy ang pagluluto sa Nutrition Class kasama si Baby Rouie

 

Q:  Ano ang naging epekto o resulta sa iyo ng pagsali sa programa?

A:  Para sa akin nakatulong talaga.  Hindi naman talaga ako pihikan sa pagkain pero palagay ko dahil masustansya ang mga niluluto namin, wala naman akong naramdamang mga sakit-sakit.  Paglabas rin ng baby ko, healthy siya.

Sa biyenan ko unang nalaman ang tungkol sa Exclusive Breastfeeding pero nung sinabi sa Batang 1000 ang mga benepisyo talagang nakumbinsi na akong gawin ito.  Ngayon ang tawag nila sa anak ko ay ‘Bochog’ tapos tinatanong nila kung ano ang gatas niya kasi ang lusog lusog talaga.  Sabi ko gatas ko lang talaga.  Kung ikukumpara rin siya sa ibang bata, hindi siya sakitin o sipunin.  Hindi rin ako nahihirapang alagaan siya.

 

Judy Lane collage

Ang Batang 1000 Nanay Club sama-samang nagluluto, kumakain at natututo ng tamang nutrisyon para kay baby

 

Q: Paano kayo nagtutulungan ng Batang 1000 Nanay Club?

A:  Isang beses kasi may isang bata na iyak ng iyak.  Inverted kasi ang utong ng nanay niya kaya nagpa-pump lang siya o bottle feeding.  E kaso bawal ang bote sa Health Center.  So nagkatanungan na kung sino ang puwede magbigay ng gatas.  Simula noon nagbabahagi ng kami ng gatas sa ibang nanay sa grupo, lalo na yung mga nahihirapang magkagatas.  Minsan busy yung ibang nanay, nagluluto, kaya yung anak nila papadedehin muna sa ibang nanay.  Talagang kumportable na kami sa isa’t isa at talagang  may tulungan.  Kapag may breastmilk donation sa Health Center kaming mga Batang 1000 Nanay Club ang tinatawag nila.  Sabi nga nila panalo ang gatas namin, kasi ang dami-dami naming naido-donate.  Flattered kami at natutuwa na nakakatulong kami sa ibang nanay lalo na ‘yung walang gatas, kasi mas healthy talaga para sa bata ang breastmilk

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

BATANG 1000 (First 1000 Days)

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Ruby Ann Panlilio

Ruby Ann 3

 Mother:  Ruby Ann Panlilio

Edad: 30 years old

Bilang ng Anak:  8 na buwang buntis

 

Q: Bakit ka sumali ng Batang 1000 Program at ano ang natututunan mo rito?

A:   Noong Pebrero 2017 sumali ako sa Batang 1000 Program ng SafeBirth.  Doon ko nalaman na kami ay gagabayan sa kung ano ang tamang nutrition ng ina at baby mula sa sinapupunan hanggang siya ay mag-2 years old.  Bilang first time mommy natutuwa ako sa mga natututunan ko dahil nalaman ko na kailangan pala pati si mommy binabantayan ang nutrisyon dahil nakukuha rin ni baby ang nutrients na kinakain ko.

IMG_1123
Pagluluto ng masustansiyang putahe sa Batang 1000 Nanay Club

Doon ko nalaman na kapag hindi natutukan puwede palang epekto nito ang hindi tamang height at timbang ng bata at pagkakaroon ng mga sakit.  At kapag lumagpas ng 2 years old, mas mahihirapan nang ibalik ang nutrisyon na nawala para maging malusog ang anak mo.

Minsan kasi akala ng mga nanay kailangan lang bantayan ang kinakain kapag nakalabas na si baby.  At least natututo ako, at hindi lang ako buntis na naghihintay manganak sa bahay.

Q:  Sa paanong paraan nakatulong ang programa sa’yo?

A:  Masaya kasi nagkaroon na kami ng grupo ng mga nanay at may suporta sa isa’t isa.  May group chat na rin kami na kahit kailan puwede mag-message.  Malaking tulong kasi kapag may nararamdaman nakakahingi kami ng tips, lalo na sa mga nanganak na dati.

Ruby food
Prutas, Gulay, Isda: Ilan sa mga hinahanda sa Nutrition Class

Siyempre nakabantay rin sa nutrisyon naming mga ina. May mga libreng prenatal vitamins katulad ng Obimin kaya nakakatipid rin kami.  May Nutrition Class rin kung saan meron kaming iba-ibang menu for the day.  Lahat ng niluluo namin masustansya —  madalas isda o manok na may gulay, tapos may dessert kami na prutas.  Minsan ang ibang buntis naglilihi o naglalaway para sa ibang pagkain, pero dito nagkakaroon ng control at disiplina sa pagkain.  Iwas kami sa mga pampalasa na hindi maganda sa katawan at natutunan ko ang tungkol sa Sigla Pack na punong puno ng sustansya pero nagpapalasa rin sa pagkain.

Q:  Paano mo isinasabuhay ang mga natututunan mo?

A:  Inuulit ko sa bahay ang mga putahe.  Matagal na akong nagluluto pero nagkaroon ako ng mas maraming idea kung paano lulutuin ang pagkain kaya sa sunod ng araw pagkatapos ng klase, excited ako laging subukan!  Minsan dinadagdagan ko pa ng ibang gulay tulad ng amplaya, munggo, kalabasa, pechay.  Ngayon wala akong problema sa pagbubuntis, normal lahat kahit laki ng tiyan ko at development ni baby sa loob.  Kahit pamamanas, wala. Epekto siguro ito ng masustansyang pagkain dahil may posibilidad na may ibang maramdaman kung hindi tutok sa nutrisyon.

Natutuwa rin ako na nababahagi ko sa ibang nanay, lalo ‘yung mga first time, ang kaalaman ko.  Marami kasing nagugulat na ganun pala kahalaga na matutukan ang First 1000 Days.  Madalas ay hindi nila alam na mula sa sinapupunan hanggang paglabas ay importante ang kinakain ng ina at ng baby.

Ruby Ann group
Ruby Ann kasama ang ibang nanay sa Batang 1000 Novaliches

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.