Pregnancy Stories, Uncategorized

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Pamela Tongol

 

Mother:  Pamela Tongol

Age: 21 years old

Bilang ng Anak: Isa (1)

Baby:  Elizabeth Ivan T. Sambahon

Birthday:  June 23, 2022

 

Q: Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBirth at bakit dito mo napiling manganak?

A:  Nag-consider ako tumingin sa mga private at public hospitals. Nag-inquire kami sa mga ospital kaso strict pala sila pagdating sa bantay.  Importante kasi sa amin ng partner ko na maging shared ang experience sa panganganak. Nakasubok rin akong magpa-check up sa tatlong iba-ibang lying in clinic. Na-search ko sa Facebook ang SafeBirth at sakto mayroon silang Free Check-up Promo.  Sa unang check-up ko pa lang nagkaroon ako agad ang peace of mind. Ramdam ko ang sincerity at malasakit ni Midwife Jenny Earl. Nagbigay siya ng advice at halata ang kaniyang experience, at talagang alam niya ang ginagawa niya.

Q: Bakit ka napanatag sa Alagang SafeBirth sa kabila ng banta ng Covid-19?

A:  Mula pa lang sa booking experience, alam mong exclusive siya to patients only kasi may schedule.  Dahil dito less interaction, less exposure rin. Yung clinic mismo well-sanitized.  Iniiwan ang slippers sa labas, may personnel na maya’t maya naglilinis kahit walang paanak, at lahat ng staff na nag-attend sa akin ay naka-PPE.  Okay ang procedures, kasi pina-swab kami.  Okay lang na ma-prolong ng konti yung process, basta nakikita mong well-prepared.  Lalo na para sa proteksyon ng isang newborn baby na baka mahina pa ang depensa pagkapanganak.

Q:  Mairerekomeda mo ba ang SafeBirth sa ibang buntis?

A:  Reliable ang brand na SafeBirth. Transparent sila sa transactions. Lahat ng kailangan kahit ng isang first-time mom nasa Facebook page nila. Kung may iba pang concerns ay nasasagot ng kanilang staff, midwife o OB.  Pati appointment system efficient. Ang midwife maalaga. Pati mga papeles na kailangan, hanggang sa post-partum care kumpleto sila.

Feeling ko nakatipid ako. Considering yung budget na nahanda namin, nakuha ko yung peace of mind, yung serbisyo at level of care na makukumpara ko sa ospital.  In fact, na-exceed pa ang aking expectations.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

Pregnancy Stories

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Irene Mae Angeles-Villavieja

 

Mother:  Irene Mae Angeles Villavieja

Age: 25 years old

Bilang ng Anak: Dalawa (2)

Baby:  Nyze Angeles Villavieja

Birthday:  February 25, 2022

 

Q: Bakit mo napiling manganak sa SafeBirth?

A:  Inisip ko po talaga yung safety namin ni baby. Sa ospital kasi halo-halo ang pasyente may Covid man o wala.  Sa SafeBirth dahil mostly buntis at babies lang, iniingatan talaga na hindi makapasok ang Covid. Kung ikukumpara ko rin sa una kong experience sa first baby ko sa ospital ay mas mahal ang bayad doon, pero less ang naramdaman kong alaga.  Hindi ko naramdaman na tutok sila sa akin, at pagdating ng gabi makikita mo na lang lahat ng staff tulog.  Sa Safebirth talagang buong labor ko, from time to time may nagtse-check sa akin. Yung midwife ko nakabantay sa buong duration ng labor ko.

Noong una takot ako sa lying in, sa totoo lang hindi pa ako ganun katiwala. I heard good feedback galing sa kapitbahay ko. Una siyang nagpa-check up at nanganak sa Safebirth. Malinis, mababait ‘yung staff at alaga raw po talaga ang mga buntis sa SafeBirth.  Hindi raw sabay-sabay ang nanganganak kaya naumbinsi ako subukan. At napatunayan ko naman ito.

 

Q: Bakit ka panatag sa Alagang SafeBirth sa gitna ng banta ng Covid-19?

A:  Sa SafeBirth hindi ganun karami ang pasyente at nakakapasok sa clinic. Sa katunayan sa check-up bawal ang kasama, para limitado lang ang tao sa loob, mas safe at iwas hawaan.  Pagpasok pa lang may temperature check at pinag-a-alcohol.  Bawat pasyente pinagpapalit rin ng tsinelas, para maiwasan na madala sa loob ang mikrobyo na nasa sapatos.  Bago manganak kailangan mo rin mag-swab. Sa una iisipin mo hassle pero maiisip mo rin na para na rin ito sa safety mo, ng staff, ng lahat ng pasyente at babies. Kaya mararamdaman mo na mas ligtas talaga.

 

Q:  Mairerekomeda mo ba ang SafeBirth sa ibang buntis?

A:  Sobrang mairerekomenda ko ito at maipagmamalaki ko talaga ang Alagang Safebirth! Napakaalaga nila at hands on. Maya’t maya nireremind ka tungkol sa follow up check up mo, sa vitamins — sa lahat.  Hindi rin katulad na iba na masusungit ang staff at mga doktor, lahat sila mababait at soft-spoken.  Kapag ganito ang alaga, talaga namang sulit at cost-efficient, mas mahal pa nga sa ospital.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

 

Pregnancy Stories

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Merryrose Cardenas

 

Mother:  Merryrose Cardenas

Age: 27 years old

Bilang ng Anak: Isa (1)

Baby:  Jacobe Kane Valdez

Birthday:  September 28, 2021

 

Q: Bakit mo napiling manganak sa SafeBirth?

A:  Kasi po alam kong hindi nila ako pababayaan. Wala pa po akong na-witness na pinabayaan nilang pasyente. Not just because staff po ako but because I have seen how dedicated sa work ang mga doctors at midwives. Monitored and mga pasyente lalo na ‘yung may mga posibleng risk, mula check-up hanggang manganak. Kumpleto ang alaga, hindi lang paanak – mula sa OBs at midwives. Hanggang sa maipanganak si baby may Pedia rin. Kaya nothing to worry po talaga. Kahit na first baby ko, napagpasyahan kong magpaaalaga sa midwife since maayos niyang naipapaliwanag sa akin lahat ng mga medical concerns ko. Kaagapay niya ang OB na nagpapayo rin sa kaniya para ma-address ng tama ang medical issues ng pasyente.

Q: Bakit ka panatag sa Alagang SafeBirth sa gitna ng banta ng Covid-19?

A:  SafeBirth is strictly implementing safety protocols inside the facility. Hospital grade ang Sanosil na gamit pang-disinfect against viruses. May hepa filters na tumutulong sa air flow na mahalaga ngayong may Covid.  Masinop ang paglilinis, every after delivery, after consultations, at gabi-gabi may terminal cleaning, na ginagamitan rin ng UV light. Pagbukas sa umaga, naglilinis ulit.  Pagdating sa Covid screening, RT-PCR talaga ang recommended bago ma-admit ang patients. At lagi ring may nakaantabay na Antigen tests, just in case.

Q:  Mairerekomeda mo ba ang SafeBirth sa ibang buntis?

A:  Yes, recommended ko ang SafeBirth. I am sure na maaalagaan sila ng tama at kagaya ko din na hindi mapapabayaan.  Mabibigyan sila ng tamang serbisyo. Kumpleto talaga ang alaga kung ikukumpara sa ibang paanakan.  Dito, bago manganak, at kahit nanganak na si Mommy, continuous ang monitoring sa kanila ni baby.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

BATANG 1000 (First 1000 Days)

‘PAG BITIN SA CALCIUM SI MOMMY, BAKA MABITIN DIN ANG KALUSUGAN NI BABY.

Wala nang mas hihigit pa sa pagmamahal at pag-aaaruga ng isang mommy para sa kanyang baby. Walang ‘di gagawin para sa ikabubuti ng kanyang anak. Pati sariling kalusugan, handang i-sakripisyo maligtas lang si baby sa kapahamakan.

Pero ang ‘di alam ng ilan sa ating mga mommies ay kaagaw natin si baby sa sustansya habang siya’y nasa sinapupunan. Ayon sa mga doktor, natural ang pangyayaring ito. Halimbawa, kapag kulang si baby sa Calcium, aagawin niya ito mula sa katawan natin. At dahil diyan, may totoong panganib sa kalusugan ni mommy at ni baby.

BAKIT MAHALAGA ANG CALCIUM SA PAGBUBUNTIS?

  • ‘Pag kulang ng Calcium, maaaring maging sanhi ito ng osteoporosis sa isang nagbubuntis na Mommy kung saan nagiging marupok ang buto niya.
  • Mahalaga ang Calcium sa pag-develop ng buto ni baby
  • Tumutulong ang Calcium sa wastong kalusugan ng dugo, masel, puso at nervous system ni mommy at ni baby
  • Mula 50mg ng Calcium (20 weeks ng pagbubuntis) hanggang sa halos 330mg ng Calcium (35 weeks ng pagbubuntis) ang nalilipat kay baby mula kay mommy sa araw-araw.

ANU-ANONG PAGKAIN ANG SAGANA SA CALCIUM PARA SA NAGBUBUNTIS?

  • Ayon sa mga eksperto, kinakailangan natin ng 1,000mg ng Calcium araw-araw para sapat ang sustansyang nakukuha natin sa ating pagbubuntis.
  • Gatas ang pinaka-karaniwang source ng calcium sa buong mundo. Ugaliin nating uminom ng isang 8-ounce na baso ng gatas araw-araw. Mas mainam kung calcium-fortified ang gatas na iinumin.
  • Sagana rin sa Calcium ang keso. Maswerte tayo’t maraming mapagpipiliang keso sa supermarket. Pwede nating ipalaman ito sa pandesal bilang cheese sandwich o ihalo sa mga lutuin tulad ng spaghetti, macaroni at kaldereta.
  • Maganda ring source of Calcium ang yogurt.
  • Marami pang ibang sagana sa Calcium tulad ng orange juice, sardinas, tokwa, salmon, hipon, oatmeals at cereals.

KAILANGAN BA NATIN NG CALCIUM SUPPLEMENTS?

Siguro ‘di natin kaya o afford maghanda ng Calcium-rich na pagkain araw-araw. O siguro lactose-intolerant tayo’t hindi makainom ng gatas o makakain ng keso. Baka kailangan nating uminom ng Calcium supplement tulad ng Calcium Lactate (United Home CALACTATE).

Ang United Home CALACTATE ay tumutulong sa pagpapatibay ng buto at ngipin nating mga mommies at ng ating dinadalang babies (with proper diet and exercise). Kapag araw-araw ang pag-inom natin nito, mas makakampante tayo sa Calcium na matatanggap ni baby habang nabubuo ang kaniyang katawan sa ating sinapupunan. At nakatutuwang malaman na available ang United Home CALACTATE na gawa ng Unilab sa mga kilalalang tindahan at mga drugstores nationwide. Ang UNILAB ay isa sa ilang mga manufacturer na kilalang pinagkakatiwalaan sa paggawa ng mga gamot at bitamina sa buong Pilipinas.

Kaya Mommies, iwasan natin ang Calcium deficiency at ang mga dala nitong panganib sa kalusugan natin at ng ating babies. Kumonsulta na sa doktor tungkol sa United Home CALACTATE.

Ang United Home CALACTATE ay P1.60/tablet SRP. Available ito sa SafeBirth clinics o bili na sa mga drugstores nationwide o online sa Shopee at Lazada

 

BATANG 1000 (First 1000 Days)

SAPAT BA ANG FOLIC ACID MO, MOMMY? KUNG HINDI, BAKA MAGKA-DIPRENSYA SI BABY.

“MOMMY, PARANG MAY DIPRENSYA PO ANG BABY N’YO.” Kinakatakutang matanggap ng bagong panganak na mommy ang balitang ‘yan. Pero ang katotohanan ay may mga sanggol sa Pilipinas ang pinapanganak na may diprensya. At may kinalaman dito ang kakulangan ng Folic Acid sa katawan nila at ng kanilang mommies.

ANO ANG FOLIC ACID?

Ang Folic Acid ay isang essential nutrient na tumutulong sa paglikha ng bagong cells sa katawan. Ang katawan ng tao ay binubuo ng halos 30 trillion cells. At araw-araw may bagong cells na nalilikha. Buhok, balat – iba’t ibang bahagi ng katawan – may kinalaman ang Folic Acid diyan.

BAKIT MAHALAGA ANG FOLIC ACID?

Isa sa pinaka-kritikal na papel ng Folic Acid ay ang pag-develop ng neural tube ni baby. Ang neural tube ay ang bahagi ng katawan na magiging utak at gulugod (spinal cord) niya. Nabubuo ang neural tube sa gitna ng ika-apat hanggang ika-anim na linggo ni baby sa sinapupunan ng isang ina. Kaya sa mga sumusubok o nagpaplano pa lamang mabuntis, siguraduhing sapat na ang Folic Acid natin.

ANO ANG PWEDENG MANGYARI ‘PAG KULANG ANG FOLIC ACID?

Kapag kulang sa Folic Acid si baby, maaaring maging sanhi ito ng problema sa utak katulad ng Anencephaly o ‘di kaya’y magkaroon ng Spina Bifida, isang kondisyong nakakaapekto sa gulugod.

Ang Anencephaly ay ang ‘di tamang pagbuo ng utak at bungo. Kapag nangyari ito, maaapektuhan ang pag-develop ng cerebrum na siyang nagkokontrol ng pagkilos ni baby tulad ng paggapang at paglakad.

Ang Spina Bifida naman ay ang ‘di tamang pagbuo at pagsara ng gulugod. Sa mga karaniwang kaso ng spina bifida, malubha ang pagkasira ng nerves na nagreresulta sa kapansanan sa pag-ihi o pagdumi, at pamamanhid ng kamay at paa.

PAANO MASISIGURONG SAPAT ANG FOLIC ACID?

Recommended ng doktor na uminom tayo ng 400mcg (0.4mg) ng Folic Acid araw-araw as early as isang buwan bago magbuntis. Dahil hindi nakakalikha ng Folic Acid ang ating katawan, kinakailangan nating umasa sa pagkaing meron nito tulad ng berdeng gulay (spinach, broccoli) at prutas (papaya, banana}.

Pero para makasigurado uminom tayo ng supplements tulad ng Iron + Folic Acid (United Home FERSULFATE PLUS+) at Folic Acid (United Home NATAFOL).

Ang United Home FERSULFATE PLUS+ ay may 60mg ng Iron na tumutulong para iwas-anemia tayong mga mommies at 250mcg (0.25mg) Folic Acid na tumutulong naman para sa iwas-diprensya ang ating mga babies. Maaring uminom ng isang tableta kada araw ayon sa reseta o payo ng inyong doktor.

Ang United Home NATAFOL naman ay may 5mg ng Folic Acid. Mainam ito para matulungan ang wastong pagbuo ng neural tube ni baby. Maaaring uminom ng isang tableta araw-araw hanggang sa unang trimester ng inyong pagbubuntis ayon sa magiging payo ng inyong doktor.

Kaya Mommies, sagana dapat tayo sa Folic Acid para ligtas at wasto ang pagbuo ni baby sa ating sinapupunan.

Ang United Home FERSULFATE PLUS+ ay P3.50/tablet SRP at ang United Home NATAFOL naman ay P4.75/tablet SRP. Available ang mga ito sa SafeBirth clinics at mabibili rin sa leading drugstores nationwide tulad ng Mercury Drug, South Star Drug, Watsons, at online sa Shopee at Lazada.

Pregnancy Stories, Uncategorized

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Nathalie De Ocampo

 

Mother:  Nathalie De Ocampo

Age: 25 years old

Bilang ng Anak: Dalawa (2)

Baby:  Enilo Jace Biason

Birthday:  July 31, 2021

 

Q: Bakit mo napiling manganak sa SafeBirth sa pangalawang pagkakataon?

A:  Sa totoo lang, na-try ko na ring magpa check-up sa ibang OB-Gyne, sa ibang clinic na malapit sa amin.  Gusto ko lang i-try.  Pero hindi ako nakampante at saka masungit sila.  Sabi ko sa sarili ko bakit hindi na lang ako bumalik sa unang nagpaanak sa akin.  Iba pa rin kasi kapag kakilala mo na at kampante ka.  Bukod sa ka-vibes ko na sila sa Safebirth, preferred ko na hindi sa ospital manganak para sa safety ni baby. Natatakot kasi ako sa exposure sa Covid patients.

Q: Bakit ka panatag sa Alagang SafeBirth sa gitna ng banta ng Covid-19?

A:  Sa pagbabalik ko sa SafeBirth, nagulat ako at napaka-ayos pa rin.  Malaki ang pagbabago ng protocols dahil sa Covid, kumpara sa una kong pagbubuntis.  Mas maayos ang scheduling at pila kasi by appointment lang talaga para mas kaunti at kontrolado ang dami ng tao.  Mas strict na sila, talagang magtatanggal ka ng sapatos, provided ang clean slippers.  Mayroon na ring Covid screening kaya pakiramdam ko protektado lahat, pati kaming mga mommies.

Sa experience ko, okay pa rin sila mag-alaga.  Sa lahat ng check-up ko hanggang ultrasound, naging normal naman lahat.  Pero one week ako nag-labor, at talagang active monitoring ang midwife ko.  Siya ang nagkukusang mangamusta hanggang sa nairaos ang panganganak ko.

 

Q:  Mairerekomeda mo ba ang SafeBirth sa ibang buntis?

A:  I still recommend Safebirth. Pagdating sa sanitation at cleanliness talagang okay, lalo na para sa nagtitipid sa budget.  Affordable pa rin siya, kasi sulit ang serbisyo at maganda ang facilities.  Yung kaunting pagtaas, alam mo naman na nag-iba kasi ang panahon, at kailangan nila ng mas strict na protocols para sa Covid.  Same faces, same asikaso.  Maganda yung feeling na lahat kakilala at hindi ka nila nakakalimutan.

 

 

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

Pregnancy Stories, Uncategorized

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Jacqueline Egot

Mother:  Jacqueline Egot

Age: 38 years old

Bilang ng Anak: Tatlo (3)

Baby:  Elijah Levi Egot

Birthday:  August 20, 2021

 

Q: Bakit mo napiling manganak sa SafeBirth?

A:  Yung first two babies ko ay sa ospital ko ipinanganak noong 2013 and 2015.  God is preparing me for this gift since binigyan niya ko ng opportunity makapagtrabaho sa SafeBirth. Dahil dito nakita ko ang kalinga, malasakit at suporta ng mga medical providers sa ating mga pasyente. Lalo na nitong pandemic, mas nagdoble sila ng paggabay sa ating mga pasyente para maging kalmado at kampante sila sa kanilang pagbubuntis hanggang sa kanilang panganganak.

Napagpasyahan kong magpaaalaga sa midwife since maayos niyang naipapaliwanag sa akin lahat ng mga medical concerns ko. Kaagapay niya ang OB na nagpapayo rin sa kaniya para ma-address ng tama ang medical issues ng pasyente.

 

 

Q: Bakit ka panatag sa Alagang SafeBirth sa gitna ng banta ng Covid-19?

A:  Kahit wala pang pandemic ay ipinaiiral na nila ang kahalagahan ng kalinisan para sa kaligtasan ng mga pasyente. Inemphasize nila lalo ito nung nagpandemic at nagdagdag pa ng mga IPC (infection control and prevention) measures para sa seguridad ng lahat.

Nung na-admit ako, during delivery at pagkapanganak ko, constant communication ang midwife ko at partner OB sa phone para i-check ang condition ko.  From labor to childbirth can be a terrifying experience for women, the combination of physical pain and emotional distress is overwhelming. For me as a mom, the support and care during these crucial times is truly important. It’s the quality of care, professionalism, the good sense of humor plus the teamwork kaya mabilis din ako nakapanganak ng maayos noong araw na yun.

 

Q:  Mairerekomeda mo ba ang SafeBirth sa ibang buntis?

A:  Yes, recommended ko ang SafeBirth. Dito, nakita ko ang mga SafeBirth staff at medical providers ay laging handang tumugon sa abot ng kanilang makakaya para sa kanilang mga pasyente. Panatag ako dahil hindi rin sila humihinto sa paghanap o paggawa ng paraan para makapagbigay ng tamang impormasyon at tamang alaga sa ating mga pasyente sa kabila ng kanilang mga pagod sa trabaho. Sinisiguro nilang uuwi ng nakangiti ang kanilang mga pasyente dahil sa magandang serbisyo ng SafeBirth. Sa buong SafeBirth family, salamat sa encouragement at malasakit!

 

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

Pregnancy Stories, Uncategorized

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Maria Monica Pocaan  

Mother:  Maria Monica Pocaan

Age: 25 years old

Bilang ng Anak: Tatlo (3)

Baby:  Maria Antonia Jacob

Birthday:  June 2, 2021

 

Q: Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBirth?

A:  Para sa una at pangalawa kong baby, sa ospital ako nanganak.  Pero dahil may pandemya, naghahanap talaga ako ng lying in para sa pangatlong baby ko.  Nakita ko ang post sa Facebook page ng barangay namin na nakaka-enganyo dahil maganda raw pong manganak sa SafeBirth.  Naisip kong subukan dahil taga barangay ko naman ang nagrerekomenda.  Nakita ko agad ang SafeBirth Facebook page at nagpa-appointment na agad ako sa OB Gyne.  Madali lang magpa-appointment sa link na nasa SafeBirth page.  Nagtext din agad sila ng confirmation ng appointment ko para sa Thursday na iyon. Simula November 2020 hanggang panganganak ko nagtuloy-tuloy na ako sa SafeBirth.

 

Q: Bakit ka napanatag sa Alagang SafeBirth at dito mo napiling manganak?

A:  Magaling at mabait ang aking SafeBirth OB na si Dr. San Diego. Panay ang advise at remind niya sa akin kung ano ang dapat kainin at mga vitamins na makakabuti sa pagbubuntis ko.  Sumasagot rin siya kapag mayroon akong mga tanong. Nagulat ako na ganon pala ang alaga sa SafeBirth. Naramdaman ko na tutok at priority ako simula check-up hanggang panganganak. Alam at nasubaybayan ni Doc ang record ko sa simula pa lang.  Sa ospital, wala kang sariling OB, hindi mo ramdam na may isa kang tagapag-alaga.

Noong manganganak na ako dati sa ospital, ang dami naming nagle-labor at tabi-tabi.  Sa kama ka lang at nakahiga, hindi ka puwede maglakad-lakad at umalis.  Ibibigay ka lang sa OB kapag manganganak ka na, pero bago ‘yon resident doctor ang nag-aattend sa iyo.  Hati ang atensyon nila sa dami ng patients.  Sa SafeBirth, binigyan pa ako ng option ni Doc kung gusto ko mag-stay sa delivery room o kung gusto kong makasama ang asawa ko sa labor room at maglakad muna.   Sa ospital dati sa baba lang ng ospital naghihintay ang asawa ko at hindi niya ako mabantayan ng maayos.  Malaking bagay na nakasama ko ang asawa ko at nakatulong ito sa pagle-labor ko. Pinag- Covid Antigen Screening rin siya bago ako maadmit sa SafeBirth, kaya napanatag ako lalo.

 

Q:  Mairerekomeda mo ba ang SafeBirth sa ibang buntis?

A:  Natuwa at nagulat talaga ako sa Alagang SafeBirth kaya recommended ko ito sa iba. Bukod sa tutok na pag-aalaga, sulit ang presyo dahil maayos at malinis ang facility.  Magagaling at mabait ang mga nurse, midwives at doctors nila.  Mapapanatag ka sa health protocols dahil hindi siksikan at limitado ang tao, laging pinapapirma ang lahat ng health declaration form, at kumpleto ng Covid Screening, maging ang mga bantay ay required.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.