Pregnancy Stories

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Irene Mae Angeles-Villavieja

 

Mother:  Irene Mae Angeles Villavieja

Age: 25 years old

Bilang ng Anak: Dalawa (2)

Baby:  Nyze Angeles Villavieja

Birthday:  February 25, 2022

 

Q: Bakit mo napiling manganak sa SafeBirth?

A:  Inisip ko po talaga yung safety namin ni baby. Sa ospital kasi halo-halo ang pasyente may Covid man o wala.  Sa SafeBirth dahil mostly buntis at babies lang, iniingatan talaga na hindi makapasok ang Covid. Kung ikukumpara ko rin sa una kong experience sa first baby ko sa ospital ay mas mahal ang bayad doon, pero less ang naramdaman kong alaga.  Hindi ko naramdaman na tutok sila sa akin, at pagdating ng gabi makikita mo na lang lahat ng staff tulog.  Sa Safebirth talagang buong labor ko, from time to time may nagtse-check sa akin. Yung midwife ko nakabantay sa buong duration ng labor ko.

Noong una takot ako sa lying in, sa totoo lang hindi pa ako ganun katiwala. I heard good feedback galing sa kapitbahay ko. Una siyang nagpa-check up at nanganak sa Safebirth. Malinis, mababait ‘yung staff at alaga raw po talaga ang mga buntis sa SafeBirth.  Hindi raw sabay-sabay ang nanganganak kaya naumbinsi ako subukan. At napatunayan ko naman ito.

 

Q: Bakit ka panatag sa Alagang SafeBirth sa gitna ng banta ng Covid-19?

A:  Sa SafeBirth hindi ganun karami ang pasyente at nakakapasok sa clinic. Sa katunayan sa check-up bawal ang kasama, para limitado lang ang tao sa loob, mas safe at iwas hawaan.  Pagpasok pa lang may temperature check at pinag-a-alcohol.  Bawat pasyente pinagpapalit rin ng tsinelas, para maiwasan na madala sa loob ang mikrobyo na nasa sapatos.  Bago manganak kailangan mo rin mag-swab. Sa una iisipin mo hassle pero maiisip mo rin na para na rin ito sa safety mo, ng staff, ng lahat ng pasyente at babies. Kaya mararamdaman mo na mas ligtas talaga.

 

Q:  Mairerekomeda mo ba ang SafeBirth sa ibang buntis?

A:  Sobrang mairerekomenda ko ito at maipagmamalaki ko talaga ang Alagang Safebirth! Napakaalaga nila at hands on. Maya’t maya nireremind ka tungkol sa follow up check up mo, sa vitamins — sa lahat.  Hindi rin katulad na iba na masusungit ang staff at mga doktor, lahat sila mababait at soft-spoken.  Kapag ganito ang alaga, talaga namang sulit at cost-efficient, mas mahal pa nga sa ospital.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

 

Leave a Reply