Pregnancy Stories

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Merryrose Cardenas

 

Mother:  Merryrose Cardenas

Age: 27 years old

Bilang ng Anak: Isa (1)

Baby:  Jacobe Kane Valdez

Birthday:  September 28, 2021

 

Q: Bakit mo napiling manganak sa SafeBirth?

A:  Kasi po alam kong hindi nila ako pababayaan. Wala pa po akong na-witness na pinabayaan nilang pasyente. Not just because staff po ako but because I have seen how dedicated sa work ang mga doctors at midwives. Monitored and mga pasyente lalo na ‘yung may mga posibleng risk, mula check-up hanggang manganak. Kumpleto ang alaga, hindi lang paanak – mula sa OBs at midwives. Hanggang sa maipanganak si baby may Pedia rin. Kaya nothing to worry po talaga. Kahit na first baby ko, napagpasyahan kong magpaaalaga sa midwife since maayos niyang naipapaliwanag sa akin lahat ng mga medical concerns ko. Kaagapay niya ang OB na nagpapayo rin sa kaniya para ma-address ng tama ang medical issues ng pasyente.

Q: Bakit ka panatag sa Alagang SafeBirth sa gitna ng banta ng Covid-19?

A:  SafeBirth is strictly implementing safety protocols inside the facility. Hospital grade ang Sanosil na gamit pang-disinfect against viruses. May hepa filters na tumutulong sa air flow na mahalaga ngayong may Covid.  Masinop ang paglilinis, every after delivery, after consultations, at gabi-gabi may terminal cleaning, na ginagamitan rin ng UV light. Pagbukas sa umaga, naglilinis ulit.  Pagdating sa Covid screening, RT-PCR talaga ang recommended bago ma-admit ang patients. At lagi ring may nakaantabay na Antigen tests, just in case.

Q:  Mairerekomeda mo ba ang SafeBirth sa ibang buntis?

A:  Yes, recommended ko ang SafeBirth. I am sure na maaalagaan sila ng tama at kagaya ko din na hindi mapapabayaan.  Mabibigyan sila ng tamang serbisyo. Kumpleto talaga ang alaga kung ikukumpara sa ibang paanakan.  Dito, bago manganak, at kahit nanganak na si Mommy, continuous ang monitoring sa kanila ni baby.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

Leave a Reply