Wala nang mas hihigit pa sa pagmamahal at pag-aaaruga ng isang mommy para sa kanyang baby. Walang ‘di gagawin para sa ikabubuti ng kanyang anak. Pati sariling kalusugan, handang i-sakripisyo maligtas lang si baby sa kapahamakan.
Pero ang ‘di alam ng ilan sa ating mga mommies ay kaagaw natin si baby sa sustansya habang siya’y nasa sinapupunan. Ayon sa mga doktor, natural ang pangyayaring ito. Halimbawa, kapag kulang si baby sa Calcium, aagawin niya ito mula sa katawan natin. At dahil diyan, may totoong panganib sa kalusugan ni mommy at ni baby.
BAKIT MAHALAGA ANG CALCIUM SA PAGBUBUNTIS?
- ‘Pag kulang ng Calcium, maaaring maging sanhi ito ng osteoporosis sa isang nagbubuntis na Mommy kung saan nagiging marupok ang buto niya.
- Mahalaga ang Calcium sa pag-develop ng buto ni baby
- Tumutulong ang Calcium sa wastong kalusugan ng dugo, masel, puso at nervous system ni mommy at ni baby
- Mula 50mg ng Calcium (20 weeks ng pagbubuntis) hanggang sa halos 330mg ng Calcium (35 weeks ng pagbubuntis) ang nalilipat kay baby mula kay mommy sa araw-araw.
ANU-ANONG PAGKAIN ANG SAGANA SA CALCIUM PARA SA NAGBUBUNTIS?
- Ayon sa mga eksperto, kinakailangan natin ng 1,000mg ng Calcium araw-araw para sapat ang sustansyang nakukuha natin sa ating pagbubuntis.
- Gatas ang pinaka-karaniwang source ng calcium sa buong mundo. Ugaliin nating uminom ng isang 8-ounce na baso ng gatas araw-araw. Mas mainam kung calcium-fortified ang gatas na iinumin.
- Sagana rin sa Calcium ang keso. Maswerte tayo’t maraming mapagpipiliang keso sa supermarket. Pwede nating ipalaman ito sa pandesal bilang cheese sandwich o ihalo sa mga lutuin tulad ng spaghetti, macaroni at kaldereta.
- Maganda ring source of Calcium ang yogurt.
- Marami pang ibang sagana sa Calcium tulad ng orange juice, sardinas, tokwa, salmon, hipon, oatmeals at cereals.
KAILANGAN BA NATIN NG CALCIUM SUPPLEMENTS?
Siguro ‘di natin kaya o afford maghanda ng Calcium-rich na pagkain araw-araw. O siguro lactose-intolerant tayo’t hindi makainom ng gatas o makakain ng keso. Baka kailangan nating uminom ng Calcium supplement tulad ng Calcium Lactate (United Home CALACTATE).
Ang United Home CALACTATE ay tumutulong sa pagpapatibay ng buto at ngipin nating mga mommies at ng ating dinadalang babies (with proper diet and exercise). Kapag araw-araw ang pag-inom natin nito, mas makakampante tayo sa Calcium na matatanggap ni baby habang nabubuo ang kaniyang katawan sa ating sinapupunan. At nakatutuwang malaman na available ang United Home CALACTATE na gawa ng Unilab sa mga kilalalang tindahan at mga drugstores nationwide. Ang UNILAB ay isa sa ilang mga manufacturer na kilalang pinagkakatiwalaan sa paggawa ng mga gamot at bitamina sa buong Pilipinas.
Kaya Mommies, iwasan natin ang Calcium deficiency at ang mga dala nitong panganib sa kalusugan natin at ng ating babies. Kumonsulta na sa doktor tungkol sa United Home CALACTATE.
Ang United Home CALACTATE ay P1.60/tablet SRP. Available ito sa SafeBirth clinics o bili na sa mga drugstores nationwide o online sa Shopee at Lazada