Pregnancy Stories, Uncategorized

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Nathalie De Ocampo

 

Mother:  Nathalie De Ocampo

Age: 25 years old

Bilang ng Anak: Dalawa (2)

Baby:  Enilo Jace Biason

Birthday:  July 31, 2021

 

Q: Bakit mo napiling manganak sa SafeBirth sa pangalawang pagkakataon?

A:  Sa totoo lang, na-try ko na ring magpa check-up sa ibang OB-Gyne, sa ibang clinic na malapit sa amin.  Gusto ko lang i-try.  Pero hindi ako nakampante at saka masungit sila.  Sabi ko sa sarili ko bakit hindi na lang ako bumalik sa unang nagpaanak sa akin.  Iba pa rin kasi kapag kakilala mo na at kampante ka.  Bukod sa ka-vibes ko na sila sa Safebirth, preferred ko na hindi sa ospital manganak para sa safety ni baby. Natatakot kasi ako sa exposure sa Covid patients.

Q: Bakit ka panatag sa Alagang SafeBirth sa gitna ng banta ng Covid-19?

A:  Sa pagbabalik ko sa SafeBirth, nagulat ako at napaka-ayos pa rin.  Malaki ang pagbabago ng protocols dahil sa Covid, kumpara sa una kong pagbubuntis.  Mas maayos ang scheduling at pila kasi by appointment lang talaga para mas kaunti at kontrolado ang dami ng tao.  Mas strict na sila, talagang magtatanggal ka ng sapatos, provided ang clean slippers.  Mayroon na ring Covid screening kaya pakiramdam ko protektado lahat, pati kaming mga mommies.

Sa experience ko, okay pa rin sila mag-alaga.  Sa lahat ng check-up ko hanggang ultrasound, naging normal naman lahat.  Pero one week ako nag-labor, at talagang active monitoring ang midwife ko.  Siya ang nagkukusang mangamusta hanggang sa nairaos ang panganganak ko.

 

Q:  Mairerekomeda mo ba ang SafeBirth sa ibang buntis?

A:  I still recommend Safebirth. Pagdating sa sanitation at cleanliness talagang okay, lalo na para sa nagtitipid sa budget.  Affordable pa rin siya, kasi sulit ang serbisyo at maganda ang facilities.  Yung kaunting pagtaas, alam mo naman na nag-iba kasi ang panahon, at kailangan nila ng mas strict na protocols para sa Covid.  Same faces, same asikaso.  Maganda yung feeling na lahat kakilala at hindi ka nila nakakalimutan.

 

 

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

Leave a Reply