Mother: Jacqueline Egot
Age: 38 years old
Bilang ng Anak: Tatlo (3)
Baby: Elijah Levi Egot
Birthday: August 20, 2021
Q: Bakit mo napiling manganak sa SafeBirth?
A: Yung first two babies ko ay sa ospital ko ipinanganak noong 2013 and 2015. God is preparing me for this gift since binigyan niya ko ng opportunity makapagtrabaho sa SafeBirth. Dahil dito nakita ko ang kalinga, malasakit at suporta ng mga medical providers sa ating mga pasyente. Lalo na nitong pandemic, mas nagdoble sila ng paggabay sa ating mga pasyente para maging kalmado at kampante sila sa kanilang pagbubuntis hanggang sa kanilang panganganak.
Napagpasyahan kong magpaaalaga sa midwife since maayos niyang naipapaliwanag sa akin lahat ng mga medical concerns ko. Kaagapay niya ang OB na nagpapayo rin sa kaniya para ma-address ng tama ang medical issues ng pasyente.
Q: Bakit ka panatag sa Alagang SafeBirth sa gitna ng banta ng Covid-19?
A: Kahit wala pang pandemic ay ipinaiiral na nila ang kahalagahan ng kalinisan para sa kaligtasan ng mga pasyente. Inemphasize nila lalo ito nung nagpandemic at nagdagdag pa ng mga IPC (infection control and prevention) measures para sa seguridad ng lahat.
Nung na-admit ako, during delivery at pagkapanganak ko, constant communication ang midwife ko at partner OB sa phone para i-check ang condition ko. From labor to childbirth can be a terrifying experience for women, the combination of physical pain and emotional distress is overwhelming. For me as a mom, the support and care during these crucial times is truly important. It’s the quality of care, professionalism, the good sense of humor plus the teamwork kaya mabilis din ako nakapanganak ng maayos noong araw na yun.
Q: Mairerekomeda mo ba ang SafeBirth sa ibang buntis?
A: Yes, recommended ko ang SafeBirth. Dito, nakita ko ang mga SafeBirth staff at medical providers ay laging handang tumugon sa abot ng kanilang makakaya para sa kanilang mga pasyente. Panatag ako dahil hindi rin sila humihinto sa paghanap o paggawa ng paraan para makapagbigay ng tamang impormasyon at tamang alaga sa ating mga pasyente sa kabila ng kanilang mga pagod sa trabaho. Sinisiguro nilang uuwi ng nakangiti ang kanilang mga pasyente dahil sa magandang serbisyo ng SafeBirth. Sa buong SafeBirth family, salamat sa encouragement at malasakit!
May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?
Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.