Mother: Maria Monica Pocaan
Age: 25 years old
Bilang ng Anak: Tatlo (3)
Baby: Maria Antonia Jacob
Birthday: June 2, 2021
Q: Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBirth?
A: Para sa una at pangalawa kong baby, sa ospital ako nanganak. Pero dahil may pandemya, naghahanap talaga ako ng lying in para sa pangatlong baby ko. Nakita ko ang post sa Facebook page ng barangay namin na nakaka-enganyo dahil maganda raw pong manganak sa SafeBirth. Naisip kong subukan dahil taga barangay ko naman ang nagrerekomenda. Nakita ko agad ang SafeBirth Facebook page at nagpa-appointment na agad ako sa OB Gyne. Madali lang magpa-appointment sa link na nasa SafeBirth page. Nagtext din agad sila ng confirmation ng appointment ko para sa Thursday na iyon. Simula November 2020 hanggang panganganak ko nagtuloy-tuloy na ako sa SafeBirth.
Q: Bakit ka napanatag sa Alagang SafeBirth at dito mo napiling manganak?
A: Magaling at mabait ang aking SafeBirth OB na si Dr. San Diego. Panay ang advise at remind niya sa akin kung ano ang dapat kainin at mga vitamins na makakabuti sa pagbubuntis ko. Sumasagot rin siya kapag mayroon akong mga tanong. Nagulat ako na ganon pala ang alaga sa SafeBirth. Naramdaman ko na tutok at priority ako simula check-up hanggang panganganak. Alam at nasubaybayan ni Doc ang record ko sa simula pa lang. Sa ospital, wala kang sariling OB, hindi mo ramdam na may isa kang tagapag-alaga.
Noong manganganak na ako dati sa ospital, ang dami naming nagle-labor at tabi-tabi. Sa kama ka lang at nakahiga, hindi ka puwede maglakad-lakad at umalis. Ibibigay ka lang sa OB kapag manganganak ka na, pero bago ‘yon resident doctor ang nag-aattend sa iyo. Hati ang atensyon nila sa dami ng patients. Sa SafeBirth, binigyan pa ako ng option ni Doc kung gusto ko mag-stay sa delivery room o kung gusto kong makasama ang asawa ko sa labor room at maglakad muna. Sa ospital dati sa baba lang ng ospital naghihintay ang asawa ko at hindi niya ako mabantayan ng maayos. Malaking bagay na nakasama ko ang asawa ko at nakatulong ito sa pagle-labor ko. Pinag- Covid Antigen Screening rin siya bago ako maadmit sa SafeBirth, kaya napanatag ako lalo.
Q: Mairerekomeda mo ba ang SafeBirth sa ibang buntis?
A: Natuwa at nagulat talaga ako sa Alagang SafeBirth kaya recommended ko ito sa iba. Bukod sa tutok na pag-aalaga, sulit ang presyo dahil maayos at malinis ang facility. Magagaling at mabait ang mga nurse, midwives at doctors nila. Mapapanatag ka sa health protocols dahil hindi siksikan at limitado ang tao, laging pinapapirma ang lahat ng health declaration form, at kumpleto ng Covid Screening, maging ang mga bantay ay required.
May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?
Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.