Pregnancy Stories

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Rio Grace Velez

Mother:  Rio Grace Velez 

Age: 36 years old

Bilang ng Anak: Apat (4)

Baby:  Safe Zeus Luka Manansala

Birthday:  April 17, 2021

 

Q: Bakit mo napiling manganak sa SafeBirth?

A:  Sa ospital ako nanganak para sa tatlo kong baby, kaya mas sanay talaga ako doon.  Bago magka-pandemya nakasanayan ko na sa charity ward sa ospital, at nasa less than Php 20,000 lang ang Normal Delivery.  Nitong nagka-Covid nawala na ang charity ward at nasa Php 90,000 to Php 100,000 na manganak sa ospital na ‘yon. Nag-canvass rin ako sa ibang ospital, halos ganun rin, at dahil mas strict na ang protocols kasama rin sa babayaran ang pagpapa-test sa companion o kasama. Triple talaga ang gastos kumpara sa dati. Kaya nag-consider na akong manganak sa SafeBirth. Buti na lang sa check-up ko mula first hanggang second trimester, naging normal naman lahat kaya sa assessment ng OB-Gyne safe akong manganak sa lying in. Napili kong manganak sa SafeBirth dahil alam kong safety ng mother at baby ang kanilang misyon.

Q: Bilang nurse, bakit ka panatag sa Alagang SafeBirth sa gitna ng banta ng Covid-19?

A:  Sa panahon ngayon mahirap talagang manganak sa ospital dahil sa dami ng Covid cases. Dahil sa SafeBirth ako nagtratrabaho, alam ko talaga kung gaano ka-strict sa health protocols, mula sa pagsusuot ng tamang PPE hanggang sa clinic disinfection.  Bukod doon, naniniwala rin talaga ako ng ang virus ay nasa tao, sila kasi ang carrier.  Kaya mas maraming taong nakakasalamuha, mas mataas talaga ang exposure. Sa ospital, labas-masok ang staff – iba ang med tech na kukuha ng labs, iba ang nurse sa vital signs, iba ang mag-I.E..  Sa SafeBirth kung sino ang nag-admit sa iyo siya na rin ang gagawa lahat, kasama ang magpapaanak sa iyo. Talagang limitado lang ang nakakasama mong tao.  Personal at one-on-one ang pagbibigay ng pagkalinga. Muntik pa akong ma-CS dahil 2 weeks akong 3 cm, at hindi pa rin humihilab. Pero hanggang sa huli, tinulungan talaga ako ng doctor at midwife para magkaroon ng safe normal delivery.

Q:  Mairerekomeda mo ba ang SafeBirth sa ibang buntis?

A:  Ramdam mo talaga ang pag-aalaga ng mga nurses, midwives, at mga doktor sa SafeBirth.  Kung sino ang mga nag-alaga sa iyo simula prenatal check-up, sila pa rin hanggang sa pagluwal kay baby, pati sa pagbalik mo sa post-partum check-up, hanggang sa pagbalik sa Pedia para sa vaccines at pag-aalaga kay baby.  Sila’t sila pa rin ang makakasama at makakatuwang mo. Pakiramdam mo hindi ka lang pasyente, pamilya ang pakikitungo sa iyo.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

Leave a Reply