Pregnancy Stories

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Lorriane Tabon

 

Mother:  Lorriane Tabon

Age: 23 years old

Bilang ng Anak:  Isa (1)

Baby:  Lam LJ De Jesus

Birthday:  December 20, 2020

 

 

Q: Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBirth at bakit mo napili dito manganak?

Three months na noong nalaman kong buntis ako.  Naisip ko talaga sa simula pa lang gusto kong umiwas sa ospital, kasi ‘pag punta doon marami kang makakasalamuha. Nakakatakot na mahawa, hindi mo alam kung sino ang may sakit sa panahon ng pandemya. Dapat safe kaming dalawa ni baby.

Nirekomenda ang SafeBirth ng kapitbahay ko dahil doon rin siya nanganak dati.  Pumunta ako sa Facebook page nila, at mukhang malinis at maayos sa pictures, kaya tinext ko sila  at nag-set ako agad ng appointment.  Sa unang punta ko pa lang ay nakagaanan ko na agad sila ng loob, super bait at maayos ang pakikitungo.  Dahil first baby ko ay OBGyne ang tumingin sa akin, si Dr. Genevieve Gualberto, at binigyan niya ako ng advice sa pangangalaga at pag-iingat na kailangan gawin ng isang first time mom na tulad ko.  Niresetahan niya ako ng vitamins at gatas para healthy kami ni baby.

Q: Sa gitna ng banta ng Covid-19, paano nakatulong ang Alagang SafeBirth sa iyong pagbubuntis?

A: Naging panatag talaga ako sa SafeBirth dahil sa safety protocols. May social distancing, ite-text ka pa nila para sa reminder ng appointment dahil talagang limitado ang tao sa loob, may temperature check, sanitizing maya’t maya, naka-PPE silang lahat, priority ang safety ng lahat.  Every 2 weeks ang naging check-up ko at naramdaman ko talaga na safe ako every visit. Mino-monitor akong mabuti, pati ang pagkain ko at vitamins, lalo na dahil medyo bumaba ang dugo ko.  Talagang hinanda nila ako hanggang sa dumating ang kabuwanan ko.  Noong nagle-labor ako napaka supportive ng midwife na si Ms. Bernadette, dahil sobrang sakit talaga.  Tinuturuan niya ako kung paano huminga at kailan puwede tumayo-tayo para maibsan ang sakit.  Naisip ko kung sa ospital kaya matututukan ako ng tulad sa SafeBirth, sa dami ng pasyente at may sakit? Maayos kong nairaos ang una kong panganganak.

Q:  Mairerekomeda mo ba ang SafeBirth sa ibang buntis?

A:  Para sa mga first time mom na katulad ko, maganda talaga sa SafeBirth.  Hindi ko pa alam noon kung ano ang dapat gawin, lagi akong humihing ng advice sa kanila at ginagabayan nila ako kung ano ang gagawin, kakainin, at iba pa. Isang buwan bago ako manganak isang malaking pagsubok ang dinaanan ko at para ba akong na-depress.  Pero naroon sila para suportahan ako, at ramdam ko talaga ang kanilang pag-alalay para hanggang sa huli healthy ako at mapanganak ko si baby ng maayos.  Nagpapasalamat talaga ako sa kanila.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

Leave a Reply