Mother: Jemarian Vergara Tagavilla
Age: 35 years old
Bilang ng Anak: Tatlo (3)
Baby: Vianney Jesse Tagavilla
Birthday: December 3, 2020
Q: Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBirth at bakit mo napili dito manganak?
Nirekomenda ng brother-in-law ko na isang nurse ang SafeBirth. Para sa first two babies ko sa ospital ako nanganak. Dahil sa Covid, natigil ang consultations sa ospital ng OB ko, at pinapalipat niya ako sa isa niya pang ospital na malayo sa akin for check-up. From Valenzuela to Cubao ay hassle at inconvenient for a pregnant mommy like me. Natatakot rin ako sa Covid exposure sa big hospitals. Parehong nurses ang sister ko at asawa niya, at sabi nila dahil third baby ko na ay puwede ko nang subukan sa lying in. Kasama ng brother-in-law ko sa ospital si Dr. Gualberto, kaya pinuntahan ko siya sa SafeBirth.
Dito ko napiling manganak dahil una, safe at less exposure sa Covid. Pangalawa, proximity at convenience, mas malapit talaga sa amin. Pangatlo, cost-efficient, lalo na compared to private hospitals.
Q: Sa gitna ng banta ng Covid-19, paano nakatulong ang Alagang SafeBirth sa iyong pagbubuntis?
A: Mga 24 weeks ako noon at sa simula pa lang ng check-up ko sa SafeBirth magaan na ang loob ko. Sa pagpasok pa lang smiling at accommodating na ang staff. Tama ang mga nabasa kong comments sa Facebook na malinis ang facility at mababait sila. Panatag rin ako sa aking OB na maasikaso at hands on, at sa simula pa lang ay nilalatag na at na-clarify sa akin ang options ko kung saan ko gusto manganak.
Kahit may Covid, safe ang pakiramdam ko. Maingat sila at sinusunod ang standards na na-set ng health department. Simula sa footwear, limited na tao sa loob ng clinic, napra-practice talaga nila at nagre-remind sila sa paraang hindi offensive. Sabi nga ng husband ko, okay lang sa kaniyang hindi pumasok, kasi nakikita niya ang pag-iingat ng SafeBirth.
Q: Mairerekomeda mo ba ang SafeBirth sa ibang buntis?
A: Bilib ako sa SafeBirth lalo na sa kanilang response sa nangyari sa akin. Maayos kong napanganak si baby, but unfortunately after delivery, nagkaroon ako ng kumplikasyon kaya kinailangan nila akong i-transfer sa ospital. Pero naging malinaw ang explanation nila sa akin kung bakit kailangan itong gawin para sa case ko. Meron silang partner hospitals, at talagang makikita mo ang pag-aasikaso at malasakit sa buong proseso hanggang sa bago ako ilipat. Sinamahan pa ako ni Dr. Gualberto hanggang sa ospital. Hindi nila ako pinabayaan. Na-touch at natuwa rin ako kasi kimamusta nila ako even after my operation. Malaki ang tiwala ko sa kanila, at pagkatapos ay bumalik pa rin ako sa SafeBirth para sa postnatal check-up ko.
Safe, convenient, cost-efficient, at maasikaso at maalaga ang staff, midwives and OBGynes. Talagang mare-recommend ko ang SafeBirth.
May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?
Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.