Pregnancy Stories, Uncategorized

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Gretchen Serrano

 

 

Mother: Gretchen Serrano

Age: 28 years old

Bilang ng Anak: Isa (1)

Baby: Aliah Gabriela S. David

Birthday: October 30, 2020

 

 

 

Q: Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBIrth at bakit mo napili dito manganak?

Nalaman ko ang tungkol sa SafeBirth dahil sa mga kamag-anak ko.  Ang Ate Kim ko na pinsan ko, ay manganganak rin dapat sa SafeBirth nitong lockdown kaso lang ay na-stuck siya sa Valenzuela.  Naghahanap talaga ko ng lying in kasi less toxic kaysa sa ospital, at less rin ang exposure hindi lang sa Covid-19, kung hindi pati na rin sa ibang diseases.  Kahit bago pa nangyari ang pandemic, bilang nurse alam ko rin ang posibilidad ng exposure sa ospital, kaya gusto ko rin talaga umiwas sa hospital delivery.

Gusto ko talaga sa SafeBirth kasi mas specialized ang care, kumbaga expert talaga sila sa pagpapa-anak.  Alam kong sumusunod sila sa DOH at sa protocols tulad ng Unang Yakap o skin-to-skin.  Mahalaga sa akin ito dahil first baby ko.

 

Q: Paano nakatulong  ang Alagang SafeBirth sa iyong pagbubuntis ngayong pandemya?

A:  Sa simula pa lang ng pagbubuntis ko sa SafeBirth na ako nagpa-check up noong February pa.  Na-tyambahan pa na may medical mission noong unang check up ko, kaya libre ang mga laboratories katulad ng CBC at Urinalysis. Tuwang tuwa ako kasi ngayon lang ako nakakita ng lying in na may free laboratories. Kahit nung huling check-ups ko noong October, meron ding freebies from Smart Steps kaya natuwa talaga ako.

Walang halong biro mababait at approachable ang nurses, midwives at doctors.  Kahit limited ang space, napakalinis at equipped, parang mini-hospital.  May protocols silang sinusunod para maiwasan ang pagkalat ng disease:  strict sila sa visitors, temperature check, may masks at alcohol dapat, at pinagscri-screening test rin for Covid ang manganganak.  Bilang nurse at nanay, mapapanatag ka talaga kapag makita mo na may mga ganitong pag-iingat ang lying in. Ang galing kasi gumagamit sila ng Sanosil panglinis, akala ko sa ospital lang ‘yon!

 

Q:  Mairerekomenda mo ba ang SafeBirth sa ibang mommies, sa kabila ng banta ng Covid-19?

A:  Kahit mga ka-work ko sa ospital, nagulat rin na sa lying in ako manganganak. Nagre-recommend sila ng ibang facilities.  Pero sinasabi ko talaga na mas preferred ko ang SafeBirth dahil mas tutok ang alaga at specialized for maternity and newborn care.  Nire-recommend ko ang SafeBirth as a nurse and a mother.  Bilang isang buntis hahanapin mo talaga ang isang facility na may standards and protocols lalo na sa panahon ng Covid. Kumpleto ang SafeBirth sa safety protocols, at hindi sila basta-basta, makikita mong nag-iinvest talaga sila para sa safety ng mommies and babies.

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

Leave a Reply