Mother: Kristina Mara Lucero
Age: 22 years old
Bilang ng Anak: Isa (1)
Baby: Kirxein Liarael Mari Sanchez
Birthday: March 28, 2020
Q: Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBIrth at bakit mo napili dito manganak?
May mga katrabaho akong nagsabi na subukan ko raw maghanap ng lying in dahil mas maaalagaan raw ako kumpara sa ospital. Kaya sinubukan kong maghanap ng lying in. Nadadaanan ko ang SafeBirth papunta at pauwi sa trabaho, kaya sinubukan kong mag-walk in. Nag-inquire ako at napaka accommodating ng staff! Na-tour ako sa clinic, at napansin kong kahit hindi kalakihan ang facility ay malinis, maayos, at talagang well-prepared ang mga gamit. Naisip ko okay dito, kaya nagsimula ako magpa check-up sa kanilang OBGyne.
Mula first hanggang second trimester ay sa OBGyne sa ospital ako nagpa-pacheck up. Okay naman ang naging karanasan ko sa ospital, pero napansin ko na mas engaged at tutok talaga ang alaga ng midwives, OBGynes at nurses sa Safebirth. Kung ikukumpara rin ang presyo, malaki ang matitipid. Pagdating sa proximity, ay mas malapit siya sa tirahan ko. Kaya talagang mas maraming pros o benepisyo kung sa SafeBirth ako manganganak.
Q: Paano nakatulong sa iyo ang Alagang SafeBirth sa iyong pagbubuntis?
A: Nag-alala ako dahil mababa ang dugo ko ayon sa mga laboratory results. Hindi rin nagkulang sa payo ang OBGyne ng SafeBirth at niresetahan niya ako ng mga makapagpapataas ng aking dugo. Pero nagbigay na sila ng paalaala na kapag hindi naging okay ang dugo ko kapag manganganak na ako, ay kailangan akong dalhin sa ospital kasi mataas ang risk kung ipagpapatuloy sa lying in ang panganganak ko. Talagang ginawa ko ang lahat ng payo, kasi gustong gusto ko sa SafeBirth manganak.
Q: Sa gitna ng banta ng Covid-19, ano ang naramdaman mo at sumabay ito sa panahon ng iyong panganganak?
A: Lalo akong nag-alala dahil tumindi ang banta ng Covid-19. Lalo kong ayaw manganak sa ospital. Bukod sa ang hirap maghanap ng masasakyan, baka sa ospital pa kami mahawa ni baby ng Covid-19. Natatakot ako dahil alam kong sa ospital naka-admit ang mga PUI (Persons Under Investigation), hindi tulad sa Safebirth na limitado lang ang pumapasok. Nakita ko ang kanilang pagresponde sa tumataas na banta ng Covid-19. Tuwing may check-up ako maya’t maya ang pag-sanitize nila, at ang bisita ay limitado lang sa isa. Nasaksihan ko ang kanilang mga protocol, kaya mas napanatag akong sa SafeBirth manganak.
Sa awa ng Diyos naging normal ang dugo ko noong kabuwanan ko. Hindi ko pa inaasahan noong una na magle-labor na pala ako, pero buti na lang at ina-update ko sila kaya nagtulong-tulong ang staff para tumawag ng OBGyne na magpapaanak sa akin. Sobrang galing nila at naging smooth ang delivery ko! Wala akong kahit anong naramdaman pagkatapos. May kasabayan akong nanganak pero nakita ko na kung ano ang alaga nila sa akin at kay baby, ay ganun rin ang alaga nila sa kasabayan kong nanganak.
Sobrang thankful ko sa SafeBirth at sa kabila ng hindi kasiguraduhan at banta ng Covid-19 ay safe kami ni baby!
May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?
Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.