#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Joanne Calara

Mother:  Joanne S. Calara

Age: 29 years old

Bilang ng Anak:  Tatlo (3)

Baby:  Allanyze Acekiel Mirasol

Birthday:  November 12, 2019

Q: Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBirth at bakit mo dito napiling manganak?

A:  Nalaman ko ang tungkol sa SafeBirth dahil sa midwife kong si Jenny Earl.  Tinulungan ako ni Jenny Earl sa dalawang beses kong panganganak.  Sa una, siya ang nag-assist sa OB Gyne na nagpaanak sa akin.  Pagdating sa pangalawa, siya na mismo ang nagpaanak sa akin.  Kaya malaki talaga ang tiwala ko sa kaniya. Noong nabuntis ako sa pangatlong pagkakataon nalaman kong nasa SafeBirth na siya, kaya doon na rin ako nagpa-check up.  

Gusto ko talaga ang naging pag-aalaga niya sa akin.  Kahit na high blood ako noong pangalawa kong baby, na-manage niya at matiwasay akong nakapanganak ng normal delivery.

Q: Paano nakatulong sa iyo ang Alagang SafeBirth?

A:  Sobrang ganda ng alaga sa SafeBirth. Lahat ng nireseta ni Jenny Earl na prenatal vitamins ay talagang kalidad dahil galing sa Unilab, katulad ng Calciumade, Obimin at Hemarate FA.  Naramdaman kong nakatulong talaga ang vitamins sa pagbubuntis ko. 

Noong una gusto kong magtipid at hindi ko sana planong gumastos masyado para sa gamot. Pero dahil malaki ang tiwala ko kay Jenny Earl sinunod ko ang payo niya, at masaya ako na nagbunga naman. Palagay ko ito rin ang dahilan kung bakit lumabas ng malusog si baby.  Dahil inalagaan ko ang sarili ko sa vitamins, naging healthy rin si baby. Talagang ang taba ng pisngi niya paglabas!

Hindi rin nagkulang sa medical advice si Jenny Earl.  Kahit ang mga OB at Pedia ng SafeBirth ay nahingan ko rin ng payo.  Nakatulong silang lahat sa pag-manage ng high blood ko simula sa pagbubuntis hanggang sa breastfeeding.

Q: Mairerekomenda mo ba ang Alagang SafeBirth sa ibang mga buntis?

Nirerekomenda ko ang Safebirth sa ibang nanay dahil sobrang okay talaga ang naging experience ko.  Madaling magpa-schedule ng check-up sa SafeBirth.  Habang naghihintay sa clinic ay may mga libro ring makakatulong kay Mommy na maaaring basahin.

Mabait at talagang maasikaso ang mga nurse. Mula check-up hanggang sa panganganak ko ay hindi nila ako pinabayaan.  Sa delivery, sila ang nag-assist sa midwife at simula labor hanggang discharge ay tinutukan nila ako.

Malinis ang clinic at ang mga kuwarto. Sulit pa dahil nagamit ko ang PhilHealth maternity benefits ko bilang indigent, kaya maliit lang ang ibinayad ko para sa miscellaneous. Talagang naramdaman ko na sa Safebirth, alaga ka.

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

Leave a Reply