#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Leslie G. Esteban

Leslie 1

Mother:  Leslie G. Esteban

Age: 21 years old

Bilang ng Anak:  Dalawa (2)

Baby:  Keslie Kyle Watanabe

Birthday:  June 3, 2019

Q:  Kamusta ang naging karanasan mo sa iyong pagbubuntis at bakit mo napili ang SafeBirth?

A:  Sa isang private lying-in sa Pampanga ako nanganak noong April 2015, pero sa barangay health center ako nagpapacheck-up noon.  Naging masipag ako sa prenatal check-up dahil natatakot ako magkaroon ng komplikasyon sa unang baby ko.  Buti naman at naging maayos ang lahat.  Ngayong 2019 nasa Quezon City na kami at tulad ng dati sa barangay health center ako nagsimulang magpacheck up. Takot talaga ako sa ospital at parang mas kampante ako sa lying-in. Pagdating ng 3rd trimester ko ay nagpunta na ako sa SafeBirth para magpacheck-up.  Sa una pa lang, panatag na ako sa SafeBirth dahil nirekomenda ito ng kaibigan ko, at maging ang isa kong kamag-anak na 5 years old na ang anak ngayon ay dito nanganak.  Sabi nila safe talaga, at talagang andiyan ang mga staff para gabayan ka.  Kaya sa simula pa lang may tiwala na ako sa SafeBirth.

Leslie collage

Q: Paano mo naramdaman ang Alagang SafeBirth?

A:  Napanatag agad ang loob ko kay Midwife Malou kasi talagang maasikaso siya.  Ginabayan niya ako sa pagkumpleto ng mga kulang ko pang laboratory para maging maayos ang panganganak ko.  Mabait rin ang SafeBirth staff at maasikaso.  Sa pagbisita ko hindi ako pumila ng matagal, maayos, malinis at may sistema ang clinic.  Higit sa lahat tinulungan nila ako sa PhilHealth ko.  Kaya ako sa center nagpapacheck up siyempre para kahit papaano ay makatipid.  Dahil sa PhilHealth, malaki ang namenos ko sa gastos.  Wala kasi akong PhilHealth dati kaya nasa Php 6,000 ang nagastos ko sa Pampanga.  Dahil sa tulong  ng SafeBirth sa pagkuha ng PhilHealth, nasa Php 1400 lang ang kabuuan kong gastos ngayon! Maganda talaga ang karanasan ko sa SafeBirth. Sana masubukan rin ng ibang ina.

REACH OUT AND READ (ROR)

Hi Mommies! Alam niyo ba na ang pagbabasa ng mga kuwento sa inyong sanggol ay makakabuti sa kaniya?  Tama ang inyong nabasa, kahit hindi pa nakakapagsalita ang inyong anak ay maaari niyo na siyang basahan ng libro.

Kaugnay ng adbokasiya ng SafeBirth sa First 1000 Days (Batang 1000 Program), ang lahat ng pangayari sa unang yugto ng buhay ng isang bata ay may malaking epekto sa pangkabuuang kalusugan niya habang buhay.  Narito ang mga benepisyo ng pagbabasa sa inyong sanggol:

  • Maganda ang epekto sa brain development, na crucial at irreversible sa unang yugto ng buhay. Ibig sabihin ay hindi na maibabalik ang pagkakataong ito kapag lumipas.
  • Napagbubuti ang bonding ni baby at mommy o daddy. Kahit maliliit na sanggol ay natutuwang marinig ang boses ng mga magulang.
  • Nakakatulong sa language development at early literacy skills. Kapag binasahan si baby mas mapapadali ang pagkatuto ng mga tunog at letra, ang pagkakaroon ng malawak na bokabularyo, at nahahasa ang pakikinig.
  • Napapainam ang kakayahang magbasa na mahalaga sa pagsisimula sa pre-school.

Simulang basahan si baby habang maaga! Para sa karagdagang impormasyon i-click ang link tungkol sa Reach Out and Read Philippines: https://papainc.org/programs.do?id=9950.

Source:  http://www.reachoutandread.org/our-story/importance-of-reading-aloud/

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

Leave a Reply