#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Maria Cassandra Valdevieso

Cassandra 1

Mother:  Maria Cassandra Valdevieso

Age: 26 years old

Bilang ng Anak:  Isa (1)

Baby:  Kyra Zhane Valdevieso

Birthday:  Feb 20, 2019

 

Q:  Kamusta ang naging karanasan mo sa iyong unang pagbubuntis?

A:  Sa isang public hospital ako unang nagpa-check up.  Kinailangan ko mag-absent at talagang mahaba ang pila.  Nagkataong may bagong panganak na nakausap ko at nagulat ako na pinayuhan niya ako.  Ang sabi niya maghanap na lang ako ng ibang paanakan o lying in.  Sobrang dami raw ng pasyente sa ospital at halos hindi na sila maasikaso. Pagkatapos noon, sumubok ako magpa-check up sa ibang lying in.  Kaso hindi ako nakuntento sa kanilang check up. Parang kinuha lang nila ang BP ko, sinukat ang tiyan, tapos pababalikin lang ako sa sunod na schedule.  Walang detalye kung kamusta ang pagbubuntis ko, kamusta ang baby ko, may heartbeat ba siya o kung ano pa mang payo.  Nakukulangan ako.  Kaya sinubukan ko pa ring maghanap ng iba.

Cassandra collage

Q: Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBirth at bakit mo dito napiling manganak?

A:  Nag-search ako sa internet ng lying na malapit sa Commonwealth. Nakita ko ang SafeBirth Lying In sa Google tapos nagpunta na ako sa Facebook page nila.  Nagbasa ako ng reviews at parang okay naman kaya sinubukan ko magpa-prenatal check up noong January. Malinis at maayos ang clinic. Nagustuhan ko ang check up kasi masinsin.  Nagbigay ang OB ng detalye kung kamusta na ang lagay ni baby.  Approachable rin ang midwife at lahat ng staff.  Nagbibigay sila ng advice kung ano ba dapat ang gawin ng buntis.

Para sa akin na first time mommy importante ‘yung binibigyan ka ng guidance.  Kasi sabi nga nila sa panganganak ay inilalagay mo na ang isang paa mo sa hukay, kumbaga parang 50-50.  Isa ito sa mga delikadong stage ng buhay ng babae, at gusto mong maging sigurado na inaalagan ka at ang baby mo ng mabuti.

Cassandra collage 2

Q: Paano nakatulong sa iyo ang Alagang SafeBirth?

A:  Nag-decide ako na ituloy-tuloy na sa SafeBirth ang check up, hanggang sa nanganak ako kay Midwife Bernadette. Bilang working mom naging convenient sa akin ang schedule kasi nagtetext lang ako para magpa-appointment.  Hindi ko kailangan mag-absent sa trabaho dahil puwede kong isakto sa off ko ang check-up.  Bukod sa walang absent sa trabaho, nagamit ko pa ang Philhealth ko.  Nakakatuwa ang laki ng natipid ko.

Ngayon nagtatanong ang mga ka-opisina ko kung saan ako nanganak kasi ang mura raw at maayos.  Inirerekomenda ko ang SafeBirth sa kanila.  Kahit na lying in clinic ‘lang’ ito at hindi kasing laki ng ospital, kumpleto sila sa gamit, may midwife, may OB.  Panatag ka at walang kailangan ikatakot.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

Leave a Reply