#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Sharmaine Garcia

Shar 1

Mother:  Sharmaine Garcia

Age: 25 years old

Bilang ng Anak:  Dalawa (2)

Baby:  Safirah Trixie Diño

Birthday:  Feb 20, 2019

 

Q:  Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBirth?

A:  Noong nalaman ko na buntis ako sa pangalawa kong baby naghanap na ako kung saan ako puweeng manganak.  Nirekomenda ang SafeBirth ng kumare ko, doon kasi siya nanganak.  Sabi niya maayos, maganda at mabait ang mga nurse.  Saktong malapit lang rin ang SafeBirth Novaliches sa amin dahil taga Doña Rosario lang naman kami.

Shar 3

 

Q: Kamusta ang unang pag-bisita mo sa SafeBirth? 

A:  Two months na ako noong unang check-up ko sa SafeBirth.  Inasikaso naman agad ako at ipinaliwanag lahat ng mga mababait na nurse.  Pinapili ako kung OB o midwife, at dahil second baby ko na naman nag-midwife ako.  Mabait naman si Midwife Elvie.  Noong una wala akong Philhealth.  Pinayuhan nila akong kumuha ng indigency para makapag-apply ako ng PhilHealth. Magagamit ko pala ito sa laboratories, check-up hanggang panganganak.  Malaking bagay ito sa akin, dahil makakatulong talaga kung makakamenos sa bill.

 

 

Q: Paano niyo naramdaman ang Alagang SafeBirth at dito mo napiling manganak?

Shar 2A:  Sobrang maayos talaga lahat sa SafeBirth, simula check-up hanggang panganganak.  Malinis rin talaga.  Sa unang baby ko kasi sa public hospital ako.  Iba-iba ang nagche-check up at talagang napakahaba ng pila.  Sa SafeBirth iisa lang ang nag-alaga sa akin simula check-up hanggang panganganak.  Kapag isa lang ang tumitingin, mas tiwala na ako dahil alam na niya ang kalagayan naming ni baby sa simula pa lang.

Pag dating naman sa presyo, napakasulit rin.  Medyo maging kumplikado kasi ang una kong panganganak dahil may UTI akoat nagong premature. Kahit public hospital umabot ng Php 8,000 ang bill naming. Sa SafeBirth masuwerteng normal ang delivery ko, dahil natutukan naman ako ng alaga. Nasa Php 2,500 lang kinailangan kong bayaran para sa gastos na hindi sakop ng PhilHealth.  Malaking diperensya kaysa sa una, at mas maganda pa ang serbisyo.

Para sa ibang buntis, irerekomenda kong sa SafeBirth na sila, kasi siguradong maayos silang maaasikaso.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

Leave a Reply