#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Irene Bambao  

1

Mother:  Irene Bambao

Edad: 19 years old

Bilang ng Anak:  Dalawa (2)

Baby:  Jason Jr. Macalitong

Birthday:  November 10, 2018

 

Q:  Ano ang naging karanasan mo sa unang anak mo sa ibang pasilidad?

3

 

Pinagdasal ni Mommy Irene na hindi maging suhi ang 2nd baby niya.

 

A:  Sa isang private hospital sa Mindanao ko ipinanganak ang una kong baby. Mas gusto ko talaga normal delivery.  Takot akong ma-CS (Cesarean Section delivery).  Sabi kasi nila one year bago makakilos ng maayos.  Ayoko ‘yung hihiwain ako at magkakaroon ng malalim na sugat.  Takot talaga ako.  Sinabi ko rin iyon sa doktor.  Pero sa kasamaang palad breech o suhi ang posisyon ni baby sa unang ultrasound.  Kaya sabi ng doktor kailangan raw talaga ay CS.  Hindi na niya ako pina-ultrasound sa kabuwanan ko at siguradong CS na raw.

Noong manganganak na ako, grabe ang paghilab at sakit ng tiyan ko.  Naroon sa ospital ang mg OJT pero wala ang OB ko.  Hindi nila ako inililipat sa delivery room, kahit sabi ko na ang sakit sakit na at gusto ko nang umire.  Sabi nila huwag raw akong umire at kailangan hintayin ang doktor dahil CS.  Pero limang oras na akong nagle-labor at hindi pa rin dumadating ang doktor ko! Sobrang sakit na talaga kaya napa-ire na lang ako.  At doon lumabas na ang baby ko, kahit wala pa ang doktor ko.

Sobrang disappointed ko talaga!  6 PM ako dumating at halos 1 o 2 AM na ata nakarating ang doktor.  Nilinisan niya na lang kami ng baby ko.  Pero hindi ko akalain na parang ako na lang pala  mag-isa ang magpapaanak sa sarili ko!  Tapos hindi naman pala suhi at kaya ng normal na panganganak.  Kung pina-ultrasound niya sana muna ako.  Nasa Php 60,000 ang CS fee at pinag-down payment na nila kami ng Php 30,000.  Hindi ganoong serbisyo ang inaasahan ko para sa binayaran ko.  Buti na lang naging malusog ang baby ko.

Q: Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBirth at bakit mo napiling dito manganak? 

2

 

Labor at SafeBirth Congressional

 

A:  Nagsimulang magtrabaho ang asawa ko sa Maynila noong 2015.  Dahil sa naranasan ko sa ospital, naghanap ako ng ibang paanakan.  Sabi ko sa hipag kong kakapanganak lang baka may mairekomenda siya.  Ayoko na sa ospital dahil baka pabayaan ako ulit.  Inirekomenda niya si Ma’am Aline, midwife ng SafeBirth.  Sabi niya tutok raw ang alaga at hindi kailangan mangamba.

Nagsimula akong magpa-check up kay Ma’am Aline nitong Oktubre lang pero talagang napanatag ako sa kaniya.  Kaso suhi pa rin ang bata sa mga ultrasound ko.  Naging positibo naman si Ma’am Aline na may posibilidad pa ring umikot ang ulo ng bata hanggang sa huling buwan.  Pero sinabihan nila ako sa SafeBirth na kapag suhi talaga ay kailangan akong i-refer sa ospital dahil hindi puwede ang CS sa lying in clinic.  Umasa talaga ako hanggang huli na iikot ang ulo, para puwede akong manganak ng normal.

 

 

Q:  Paano mo naramdaman ang Alagang SafeBirth?

Irene prize

 

Congratulations Mommy Irene! Si Baby Jason ang 2500th baby ng SafeBirth 🙂

 

A:  Natuwa ako kasi noong kabuwanan ko na may OB rin na nagcheck up sa akin bukod kay Ma’am Aline.  Nakampante talaga ako at lalo kong ginustong maging normal ang panganganak ko para puwede sa SafeBirth.  Noong 5 cm na ako pinayuhan ako ni Ma’am Aline na magpa-ultrasound ulit.  Laking pasasalamat ko nang sabihin sa akin na tama na ang posisyon ng ulo ni baby sa tiyan!  Pagkatapos ng tatlong araw, nanganak na ako sa SafeBirth sa tulong ni Ma’am Aline, isang OB at isa pang nurse. Malaki ang bata pero dahil sa pagtutulong-tulong nila ay nanganak ako ng maayos.  Nasa mahigit Php 9000 lang ang bayarin ko dahil sa Philhealth.  Talagang malaking tipid sa Safebirth kumpara sa dati. Laking pasalamat ko na tinutukan nila ako at hindi pinabayaan hanggang huli.

 
May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s