#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Janine Joy Batajoy  

Janine Joy 6

 

Mother:  Janine Joy C. Batajoy

Age: 25 years old

Bilang ng Anak:  Isa (1)

Baby:  Kawhi Genine B. Gonzales

Birthday:  September 28, 2017

 

 

 

Q:  Ano ang naging karanasan mo sa ibang pasilidad?

A:  Noong first seven months ng pagbubuntis ko sa health center sa amin ako nagpa-check up.  Okay naman pero sabi ng mother-in-law ko kailangan ko na magkaroon ng record sa ospital kung saan ako manganganak.  Pumunta ako sa isang pampublikong ospital na sikat sa pagpapaanak.  Pero hindi ko inasahan na ganun pala doon.

Nagulat ako na mismong ang doktor na ang nagsabi na kung hindi naman kumplikado ang panganganak ko, ay maghanap at lumipat na lang ako sa ibang ospital o lying in.  Hindi na raw kasi talaga kaya ng ospital ang dami ng nanganganak sa kanila.  Ang mga first-time mommies raw na katulad ko, madalas nagpapa-transfer dahil sobrang crowded at nagtatabi-tabi sa kama.  Nakatanggap na raw kasi ng maraming concerns mula sa pasyente ang ospital kaya iniiwasan na nila ang mga reklamo.

Bukod doon, sa mismong check-up pa lang ay sobrang haba rin ng pila.  Dumating ako ng 5 am at nakauwi ng tanghali na.  Yung iba nga raw hapon na nakakauwi.  Kaya naisip kong hindi malayong mangyari ang nasabi ng doktor. Kung sa check-up pa lang ay ganun na, paano pa kaya kapag manganak na ako? Bilang first time mommy, nag-alala talaga ako.

PhilHealth Janine

August 2017 noong nag-message si Mommy Janine sa Safebirth Facebook page

 

Q: Paano mo nalaman ang tungkol sa SafeBirth at bakit mo napiling dito manganak? 

A:  Dahil normal naman ang resulta ng lahat ng laboratory tests ko, naisip kong maghanap ng lying in kung saan ako magiging kumportable.  Nakausap ko ang kapitbahay ko na nanganak sa SafeBirth.  Nirekomenda nila ito dahil okay raw ang serbisyo at isang sakay lang mula sa amin.  Hinanap ko ito sa Facebook.  Magaganda ang reviews at mga kuwento ng mga nanay tungkol sa experience nila.  Isa pa, nag-a-update sila ng page, kaya parang dun pa lang naramdaman ko na okay itong SafeBirth. Nag-message ako sa page at mabilis naman ang response.  Nakipag-coordinate rin ang nurse ng SafeBirth Congressional at agad akong na-schedule.

Janine Joy 2

Midwife Myrna and Baby Kawhi Genine

 

 

Q:  Paano niyo naramdaman ang Alagang SafeBirth?

A:  Simula sa pakikipag-usap ko sa SafeBirth sa Facebook, kinausap ako ni Nurse Jen, at hanggang sa ibinigay niya ako kay Midwife Myrna – napanatag ako sa lahat ng nakasalamuha ko.  Si Nurse Jen binigay agad sa akin lahat ng impormasyon at detalye na kailangan ko lalo na tungkol sa PhilHealth, indigency at proseso ng check-up.  Nang ibinigay niya ako kay Midwife Myrna, agad rin akong naging kumportable kasi parang nanay o lola ko ang kausap ko.  Hindi intimidating ang staff, hindi masungit, at friendly. Sa ospital kasi ramdam mo ang pagod at stress ng mga staff at doktor, kahit sa pagbungad pa lang nila sa akin noon.

Na-amaze rin talaga ako noong nagpunta ako kasi hindi hassle.  May schedule ako at pagdating ko ay walang pila at hindi crowded.  Naramdaman ko talaga ang tutok na alaga sa akin ni Midwife Myrna.  Hindi katulad sa ospital na ang dami-dami  niyo talaga.  Iba kasi ang pakiramdam na may naka-assign talaga sa’yo na alam ang kondisyon mo. Kahit hindi si Midwife Myrna ang nag-alaga sa akin sa first 7 months, feeling ko matagal ko na siyang kakilala.  Lahat sila sa SafeBirth pakiramdam ko parang tropa kumbaga.  Dahil hindi naman kumplikado ang pregnancy ko, naging maayos at matiwasay rin ang panganganak ko.

Dahil maganda ang naging karanasan ko, hanggang ngayon patuloy pa rin kami nagpapa-check up sa SafeBirth for Pedia ni baby.

Janine Joy 4

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s