#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Jennifer Sandoval

Jenn 3

Mother:  Jennifer Sandoval

Edad:  25

Bilang ng Anak:  2 (dalawa)

Baby:  Renaissance Vidal

Birthday:  August 17, 2017

 

 

 

Q:  Bakit mo napiling sa private lying-in manganak? 

Jenn 8a

 

Si Mommy Jennifer at ang panganay na si Baby Rhythm

 

A:   Sa panganay ko, wala talaga akong ideya kung saan maganda manganak. Nagresearch at nagtanong tanong ako. Naisipan kong maghanap ng lying in na malapit sa Luzon Avenue, Quezon City. Safebirth ung una kong nakita. Chineck ko ang Facebook page ng Safebirth at nakita ko ang magagandang feedback ng mga mommies. Sa SafeBirth OB ako nung una nagpapacheck-up. Unfortunately, nagkaroon ng emergency ang panganay ko kaya sa pampublikong ospital ako nanganak. Nagka-trauma ako manganak dahil sa nangyari sa amin ng panganay ko sa ospital. Hirap na hirap kami. Mainit, wala akong ibang kasama, ‘yung lab gown na pinasuot sa akin hindi pinapalitan ng tatlong araw, masusungit ang mga tao. Kaya nung nagbuntis ako sa pangalawa, hindi ako nag dalawang isip, pinili ko pa rin ang Safebirth.

Q:  Ano ang naging karanasan mo dito na nakatulong sa malusog at ligtas na panganganak?

A:  Sa second baby ko ang nag-alaga sa akin ay si midwife Malou. Sa una pa lang, tiniyak niyang ligtas kami ni baby sa kahit anong infection kaya kinumbinsi niya akong magpa-laboratory. Nalaman namin na may UTI ako, at sinigurado niyang magagamot ‘yon bago ako manganak. Pinaalalahanan niya ako kung ano ang bawal at mga dapat kong kainin. Siya rin mismo ang nagte-text sa akin kung naiinom ko ang gamot at nagpapaalala ng schedule ng check-up ko.

Jenn collage

 

Happy at healthy si Baby Renaissance dahil sa gatas ng ina

 

Hindi ako iniwan ni Ms. Malou nung nagle-labor ako. Minamasahe niya ang balakang at tiyan ko para kahit papano ay maibsan ang sakit. Mahinahon lang siya habang nasa delivery room kami at di ako na-pressure kasi tinuturuan nya ko kung anong dapat gawin. Tiniyak niyang malinis ako bago ilipat sa ward. Yung trauma ko sa unang panganganak ay nawala.

Jenn 7

 

Si Kuya Rhythm at Baby Renaissance

 

Q:  Kamusta naman ang iyong breastfeeding journey at paano nakatulong ang SafeBirth?

A:  Nagta-trabaho ako kaya hanggang 2 months lang ako nakapagpa-breastfeed sa panganay ko. Kahit anong pilit ko noon, walang lumalabas na gatas. Nung nanganak ako kay Renaissance, nakatulong ang electric pump sa loob ng Safebirth na ma-stimulate ung gatas para may maipadede kay baby sa first few days.  Tinuruan ako ng nurse at ng pedia ng mga technique para mas lumakas pa ung gatas. Sa ngayon,  nagka-allergy ako kaya nag-a-antibiotic pa ako, kaya tigil muna. Hindi man ako makapagpa-exclusive breastfeed, magagawa ko pang makapag-mixed feeding hanggang sa pagbalik ko sa work.

I highly recommend Safebirth sa mga soon-to-be mommies and daddies. Especially if they are looking for affordable yet wonderful service.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s