Kailangan ng dedikasyon sa breastfeeding, lalo na sa First 1000 Days ni baby kung saan tanging ang gatas ng ina ang pinakamasustansiya at angkop na pagkain niya. Malaking bagay sa tagumpay ng breastfeeding ang malusog na pangangatawan ng ina.
Narito ang apat sa mga simple at madaling makuhang pagkain na makakatulong sa pagpapasuso:
- Malunggay
Ito na marahil ang pinakasikat at epektibong pagkain para sa nagpapasuso. Meron itong capsule form pero mas mairerekomenda na isahog ang gulay sa araw-araw na pagkain. Bukod sa pagpaparami ng gatas, napakarami rin nitong benepisyo para sa bagong panganak: 1. Para sa pagpapatibay ng immune system, 2. Nakakatulong sa pamamaga ng joints para sa nakaranas ng arthritis sa pagbubuntis, 3. Nakakababa ng sugar levels para sa nagkaroon ng gestational diabetes, 4. Sa pagre-regulate ng blood pressure para sa nagkaroon ng pregnancy-induced hypertension, 5. Pagpapagaling ng hika, ulcer, migraine na maaaring nararanasan ng mga bagong panganak, atbp.
- Green Papaya
Hindi lang dami kung hindi pati ang kalidad ng breastmilk ay napapabuti ng green papaya. Ito ay natural na sedative, na nakakatulong na makakalma at relax habang nagpapasuso. Ang hormone na oxytocin ay nakakatulong sa breastmilk production. Ang pagkain ng green papaya ay nakakapagparami ng oxytocin sa katawan, na nagreresulta sa mas magandang daloy ng gatas ng ina.
- Luya
Ang luya ngayon ay kasama na sa mga tinatawag na lactogenic na pagkain – mga pagkain na sinasabing nakakatulong sa pagpaparami ng breast milk. Sinasabing may therapeutic effects ang luya at nakakatulong ito sa immunity, paglaban sa mga tumor, pagbabawas ng inflammation o pamamaga, pagbaba ng blood sugar, atbp. Sa pangkalahatan ay ligtas ito, pero kailangan pa ring konsultahin ang iyong OB o medical provider para sigurado. Ang mga babaeng nawalan ng maraming dugo sa panganganak ay sinasabing hindi dapat kumain ng luya agad agad.
- Tubig
Bagamat hindi ito pagkain, ang pag-inom ng tubig ang isa sa mga pinakaimportante para masigurado na sapat ang supply ng breastmilk. Nababawasan ang tubig sa katawan kapag nagpapasuso, kaya malaking bagay ang tubig para manatiling hydrated at magkaroon ng breastmilk. Madalas ay nakakaranas rin ng pagkauhaw ang ina habang nagpapasuso kaya magandang may baso ng tubig habang ginagawa ito.
Hindi kailangan maging mahirap at mahal ang breastfeeding. May mga simple at murang pagkain na makakatulong sa mga ina. Iwasan rin ang asukal, kape, tsokolate, alcohol at mga processed food. Tandaan na kung mas madalas ang pagpapasuso, mas dadami ang gatas ng ina.
Happy breastfeeding, Mommies!
Sources:
http://www.momjunction.com/articles/best-foods-to-increse-breast-milk_0076100/#gref
http://www.justmommies.com/babies/top-ten-lactogenic-foods-foods-that-improve-your-milk-supply#water
http://www.mom365.com/baby/breastfeeding/10-foods-to-increase-lactation/
http://www.livestrong.com/article/265204-fresh-ginger-breast-feeding/
http://www.momjunction.com/articles/papaya-while-breastfeeding_00367111/#gref
https://ph.theasianparent.com/malunggay-really-improve-breastmilk-supply/