#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: JUDY LANE PENILLA

IMG_1163

 

Mother:  Judy Lane Penilla

Edad: 27 years old

Bilang ng Anak:  Isa, 5 months old

Anak:  Rouie Lein Penilla

Birthday:  February 13, 2017

 

 

 

 

Q: Bakit ka sumali ng Batang 1000 Program at ano ang naging karanasan mo dito?

A:   Natutuwa talaga ako sa mga Nutrition Class namin.  Kasi ang mga first time nanay na katulad ko, natututong magluto.  Hindi lang basta-basta, dapat masustansya.  Bawal sa amin yung mga pampalasa na maraming preservatives.  Kasi hindi lang para sa amin iyon, para rin sa baby sa loob ng sinapupunan namin.

Bukod doon ang dami naming benefits, may libreng Obimin, may freebies pa minsan na magagamit namin – tulad ng gamit ng baby, higaan, bag.  Menos gastos na rin.  Masaya rin kasi nakakasalamuha kami ng ibang nanay.

Judy Lane 1

Si Mommy Judy Lane tuloy ang pagluluto sa Nutrition Class kasama si Baby Rouie

 

Q:  Ano ang naging epekto o resulta sa iyo ng pagsali sa programa?

A:  Para sa akin nakatulong talaga.  Hindi naman talaga ako pihikan sa pagkain pero palagay ko dahil masustansya ang mga niluluto namin, wala naman akong naramdamang mga sakit-sakit.  Paglabas rin ng baby ko, healthy siya.

Sa biyenan ko unang nalaman ang tungkol sa Exclusive Breastfeeding pero nung sinabi sa Batang 1000 ang mga benepisyo talagang nakumbinsi na akong gawin ito.  Ngayon ang tawag nila sa anak ko ay ‘Bochog’ tapos tinatanong nila kung ano ang gatas niya kasi ang lusog lusog talaga.  Sabi ko gatas ko lang talaga.  Kung ikukumpara rin siya sa ibang bata, hindi siya sakitin o sipunin.  Hindi rin ako nahihirapang alagaan siya.

 

Judy Lane collage

Ang Batang 1000 Nanay Club sama-samang nagluluto, kumakain at natututo ng tamang nutrisyon para kay baby

 

Q: Paano kayo nagtutulungan ng Batang 1000 Nanay Club?

A:  Isang beses kasi may isang bata na iyak ng iyak.  Inverted kasi ang utong ng nanay niya kaya nagpa-pump lang siya o bottle feeding.  E kaso bawal ang bote sa Health Center.  So nagkatanungan na kung sino ang puwede magbigay ng gatas.  Simula noon nagbabahagi ng kami ng gatas sa ibang nanay sa grupo, lalo na yung mga nahihirapang magkagatas.  Minsan busy yung ibang nanay, nagluluto, kaya yung anak nila papadedehin muna sa ibang nanay.  Talagang kumportable na kami sa isa’’t isa at talagang  may tulungan.  Kapag may breastmilk donation sa Health Center kaming mga Batang 1000 Nanay Club ang tinatawag nila.  Sabi nga nila panalo ang gatas namin, kasi ang dami-dami naming naido-donate.  Flattered kami at natutuwa na nakakatulong kami sa ibang nanay lalo na ‘yung walang gatas, kasi mas healthy talaga para sa bata ang breastmilk

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s