Pregnancy Stories

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: ROSE LYN CLEMENTE

IMG_0525

 

Mother:  Rose Lyn Clemente

Edad: 29 yo

Bilang ng Anak:  Isa;  ngayon ay 5 buwan na buntis sa pangalawang anak

 

 

 

 

 

Q: Ano ang naging karanasan mo sa pampublikong ospital sa una mong panganganak?

A:   Noong una kong pagbubuntis 22 years old pa lang ako.  Wala pa akong masyadong alam, at siyempre mas nagtitipid rin.  Sa check-up pa lang kailangan 4 am gising na kasi dapat 6 am dapat nakapila ka na.  Sobrang haba ng pila, kahit 7 am pa sila magpapapasok.  May cut-off pa ‘yon, kaya kapag hindi ka umabot babalik ka pa sa ibang araw. Matatapos ka sa check-up before lunch o tanghali na.

Noong manganganak na ako, hindi ko rin nagustuhan kung paano makitungo ang mga doktor at nurse sa amin.  Hindi sila maingat sa pagsasalita nila, kumbaga, harsh. May nagtanong na, “O ano, manganganak ka pa ba?” sa tonong hindi ko nagustuhan.  Sabi ng iba nagpapalakas lang raw ng loob pero siyempre kapag bago kang ina at nahihirapan ka hindi mo magugustuhan ‘yon.

Expected ko na alam na nila ang history ko dahil doon naman ako nagpapacheck up. From normal na pagbubuntis naging high risk kasi ang kondisyon ko.  Nagulat ako nilagay pa rin nila ako sa normal na public ward, at hindi kasama ng mga high risk.  Mas marami kami doon, mga 3 to 4 kaming sharing sa isang kama.  Sandali lang puwede pumunta ang mga bisita at tagapag-alaga.  Ang asawa ko sa parking lot natutulog kasama ang ibang mga asawa ng mga nanganak.  Mahalaga sana sa akin noon na may makatuwang, pero hindi puwede.

Naiiyak na lang ako noon.  Gusto ko na lang talaga umuwi pero hindi naman puwede.  Sabi nila kapag sa public (hospital) ka raw nanganak wala kang karapatan magreklamo.  Sobrang traumatic talaga.  Sabi ko sa sarili ko magpupursige ako magtrabaho para sa susunod kaya ko nang magbayad.

Lhen 2
Si Mommy Lhen at ang kaniyang panganay

Q:  Paano ka napunta sa private lying in at bakit mo napagdesisyunan na dito manganak?

A:  Noong una medyo natakot akong mag-lying in dahil akala ko walang OB.  Dahil sa lifestyle ko na may ilang bisyo, alam kong mas magiging kampante ako sa doktor.  Pero dahil na rin sa mga kuwento ng nanay ko at ilang kakilala, naghanap ako ng maayos na lying in.  Binaybay ko ang Congressional Avenue sa Quezon City at itinuro ako sa SafeBirth.

Sobrang thankful ko na napunta ako sa SafeBirth.  Ngayon may isang OB na nakatutok sa pag-aalaga sa akin.  May bleeding akong nararanasan pero kahit 10 pm na ako magtext o tumawag sumasagot pa rin siya.  Napakabait ng mga nag-aalaga.  Ibang-iba talaga.  Napakahirap magbuntis, at malaking ginhawa kapag magaling mag-aalaga ang lying-in mo.

Halos pareho ang presyo nito sa ibang private facilities pero iba talaga ang alaga at malasakit ng OB dito.  Sa iba, kung anu-anong laboratory tests ang pinapagawa na parang hindi naman kailangan.  Sa SafeBirth kung ano lang talaga ang kailangan at hindi kami inoobliga kung saan kukuha ng laboratory.  May choice ka.

Lhen collage
Happy ang buong family sa SafeBirth check up ni Mommy

Q:  Mairerekomenda mo ba ito sa ibang nanay na katulad mo?

A:  Kahit hindi pa ako nanganganak, kinukumbinse ko na ang mga kakilala kong buntis at mga kapitbahay na subukan ang SafeBirth.  Plano nilang magpunta sa public hospital pero kung gastusin ang iniisip nila, sinasabihan ko silang magagamit dito ang PhilHealth.  Mababait ang mga doktor at nurse, at maayos at malinis ang lugar.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

Leave a Reply