#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Dr. Desiree Torre-Paat

Paat 9a

 

Name: Dr. Desiree Torre-Paat

Trabaho: OBGYN (obstetrician-gynecologist)

Bilang ng taon sa trabaho:  3 years

Edad:  33 years old

Bilang ng anak: Expecting mother (almost 6 months pregnant)

Babies delivered:  est. 350 babies

 

Q:  Paano niyo nababalanse ang pagiging OB at ang kasalukuyang pagbubuntis?

A:    Wala gaanong problema sa una kong pagbubuntis.  Kumbaga normal ko pa ring nagagawa lahat at nagagampanan ang pagiging OB ko. Nagkaroon ako ng konting spotting o pagdurugo noong unang buwan ko. Pero matapos ang pagpapahinga ng 2 weeks, naging okay naman lahat.

Paat collage2

Malaki ang pasasalamat ng mga pasyente ni Dr. Desiree sa kaniyang alaga at malasakit

Bukod sa SafeBirth, nagki-clinic ako sa iba’t ibang ospital.  Nagbawas ako ng tatlong clinic schedule para makapagpahinga at para magkaroon ng panahon sa check-up, at matutukan ang pagbubuntis. Dahil dito naaalagaan ko pa rin ang mga inang pasyente habang inaalagan rin ang sarili ko bilang buntis.

Kapag malapit na ang kabuwanan ko, maayos kong ililipat ang pangangalaga sa kanila sa kapwa OB o sa midwife, depende na rin sa gusto ng pasyente.

Q: Nagkaroon ba ng mabuting epekto sa pag-aalaga niyo sa ibang ina ang halos anim na buwan niyong pagbubuntis?

Paat 10

Walang pinipiling panahon ang pagiging OB.  Walang holiday o Pasko kapag may emergency

A:  Dati kasi compassionate na akong OB sa mga pasyente.  Pero ngayong nararanasan ko na ang pagbubuntis mas naging compassionate, empathic at loving akong doktor sa kanila, kasi alam ko na kung ano ang nararamdaman nila.  Dati kapag nagkukuwento ako ng karanasan sa pagbubuntis, kuwento ng ibang nanay yang naibabahagi ko.  Ngayon, nagkukuwento  na ako ng sarili kong experience lalo na yung mga tungkol sa symptoms o mga nangyayari sa katawan ng isang buntis at tungkol sa paggalaw ng baby sa loob ng tiyan, dahil ‘yun ang mga nararanasan ko.

Normally dati kapag nagpaliwanag ako sasabihin ko na based sa ibang bagay, study o sa ibang karanasan.  Ngayon nasasabi ko na na, “Ganito Mommy, ganito rin ang nangyayari sa akin…”  Kahit sobrang tagal ipaliwanag at ikuwento, okay lang na bigyan ko ng mas maraming oras.

Paat 8

Tumutulong rin si Dr. Desiree sa training ng ibang OB

Q: Nakakatulong ba sa inyong trabaho bilang OB ang pagiging ina?

A:  Palagay ko nakatulong talaga ang pagbubuntis ko sa pagiging OB ko.  Pakiramdam ko parang mas nagiging kumpletong OB ako dahil sa experience ko.  Sa opinyon ko, to be a complete OB, you also have to be a mom yourself.

 

 

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s