#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: ARLENE TAÑEGA

IMG_0305

Name: Arlene Tañega

Trabaho: Nurse

Bilang ng taon sa trabaho:  1 year

Edad:  27 years old

Bilang ng anak: Isa (1)

 

 

 

 

Q:  Ano ang naging karanasan mo bilang first time nanay at bakit ka nag-exclusive breastfeeding?

IMG_0301

Healthy si Baby Zander dahil sa Exclusive Breastfeeding

A:  2013 noong nag-graduate ako ng Nursing.  Pero ipinagpaliban ko ang pagkuha ng Board Exam dahil nabuntis ako.  Naisip ko bilang first time nanay na tutukan ang pagbubuntis ko.  May 2014 nang nanganak ako.  Noong una hinihikayat ako ng nanay ko na gumamit ng formula milk.  Pero dahil sa mga natutunan ko sa Nursing alam kong mas makakabuti sa baby ko ang exclusive breastfeeding.  Pinadede ko lang talaga si Baby Zander ng 6 months, ni walang tubig.

Naging maganda ang epekto nito, una matipid at anytime puwede ko siyang pakainin, hindi na kailangan magtimpla.  Hindi siya naging sakitin at kahit diarrhea hindi siya nagkaroon.  Mabilis ang naging paglaki at pagbigat niya.  Advanced siya kasi 4 months dumadapa na, at 7 months naakyat niya na yung hagdan namin!  Hindi na siya masyado gumapang noon, umuupo agad.  Pati pagsabi ng mama at papa maaga niyang nagawa.  Ang bilis talaga!

Q: Paano mo nagamit ang kaalaman mo sa pagiging nurse sa SafeBirth at paano ka nakatulong sa ibang ina? 

A:  Noong 1 and a half years old na siya nag-Board Exam na ako at pumasa ako noong January 2016.  February 2016 napasok na ako sa SafeBirth.  Dahil sa karanasan ko sa breastfeeding, hinihikayat ko talaga lahat ng nanay na mag-Exclusive Breastfeeding.  Binabahagi ko ang experience ko sa kanila.

Arlene collage 2

Bukod sa paggawa ng nurse duties, ibinahagi rin ni Nurse Arlene ang kaniyang gatas sa ibang SafeBirth babies

Noong mga panahong iyon nagpapadede pa rin ako sa anak ko pero siyempre kapag duty napupuno ng gatas ang dibdib ko. Umaabot na sa paninigas dahil punong puno na ito ng gatas.  Naisip ko bakit hindi ko i-offer sa mga nanay na nanganganak sa SafeBirth na padedehen ang mga anak nila, lalo na yung mga nahihirapan mag-breastfeed.  Ayun na nga at ilang mga SafeBirth babies ang nakinabang sa gatas ko, bukod sa aking anak.  Minsan kasi yung baby iyak ng iyak dahil gutom na.  Kaya sa akin muna sususo, hanggang magkagatas na ang nanay nila at ililipat na ang pagpapadede.

Q: Ano ang nararamdaman mo at nakakatulong ka sa mga nanay sa pagpapadede ng kanilang mga anak?

A:  Natutuwa ako kasi minsan babalik ang mga nanay sa SafeBirth tapos itatanong nila kung naaalala ko pa ba ang baby nila.  Minsan malalaki na sila, mga 8 months pataas makikita ko yung baby nila na malusog.  Masayang masaya ako kasi nakakatulong ako sa mga nanay at mg baby.  Malaking bagay sa akin na naiimplwensyahan ko sila na mag-breastfeed dahil minsan hindi talaga madali.  Bukod sa naibabahagi ko ang personal na experience, naibabahagi ko rin ang gatas ko.  Kahit na sabihing may pambili ng formula na gatas, iba pa rin kasi talaga kapag laking gatas ng ina ang isang bata.

Arlene collage 1

Walang tatalo sa bonding na dulot ng breastfeeding

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s