#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: MIDWIFE BERNADETTE NOLASCO

Berns 1

 

Name: Bernadette Nolasco

Edad:  46 years old

Trabaho:  Midwife

Bilang ng taon sa trabaho:  27 yrs

Babies delivered:  (estimated) 4000

 

 

 

 

Q:  Matapos ang mahabang panahon ng pagiging komadrona, bakit mo naisipang mag-aral ulit?  

A:  Nakuha ko ang diploma para sa Midwifery noong 1990 para sa 2-year course.  Pero ngayon ay nagkaroon na ng BS Midwifery course kung saan apat na taon ang kailangan.  Kaya 2015 nag-enrol ako sa additional 2-year course para maging BS Midwifery graduate. Madalas kasi hindi years of service ang tinitignan, at mahalaga kung ano ang natapos.  Kung 2-year course ang natapos recognized ito na vocational.  Minsan rin kasi medyo minamaliit ang mga midwife.  Kaya naisip ko na mabuti ito para ma-upgrade ako bilang isang professional.

Berns 2

Bagamat mahigit 2 dekada na sa pagkokomadrona, pinili ni Midwife Berns ipagpatuloy ang pag-aaral.

Q: Naging mahirap ba ang pagbabalik pag-aaral sa’yo?  

A:  Mahirap talaga noong una.  Siyempre kapag matagal ka nang natigil sa pag-aaral malaki talaga ang adjustment.  Nahihirapan kang mag-memorize, at siyempre may mga exam.  Pero noong second sem nakapag-adjust na rin ako.  Bukod doon kailangan din ng adjustment sa schedule.  Siyempre may duty ako sa clinic tapos may pasok kinabukasan.  Malaki talaga ang sakripisyo sa oras.  Malaki ang tulong ng mga kaibigang midwife, dahil kailangan mo ng reliever.  Nangyari minsang nasa school ako nang tumawag ang pasyenteng manganganak.  Na-endorse ko agad siya sa ibang midwife.  Dapat talaga may back-up plan para sa ganitong cases.

Berns 3

Proud ang mga kaanak kay Midwife Berns

Q:  Paano nakakatulong sa’yo at sa mga pasyente mo ang bago mong mga natutunan?

A:  Nare-refresh talaga ang knowledge kapag nag-aral ulit.  Dahil lahat kami sa classroom ay may experience na bilang komadrona nagkakaroon ng sharing at natututo kami mula sa ginagawa ng iba.  Iba kasi talaga ang actual experience kaysa sa matututunan lang sa libro.

Isa sa mga pinapahalagahan sa BS Midwifery ang scope at limitations ng isang midwife.  Katulad ngayon na kapag may ma-detect na high risk condition, nararapat nang irefer ang buntis sa isang OB.  Pumapasok yan sa legalities ng aming practice.   Mas mainam at ligtas na sumunod sa batas.

Q:  Ano ang maipapayo mo sa ibang midwife na nais ring mag-aral?

A:  Nasa preference naman iyan ng midwife kung gusto niyang ipagpatuloy ang pag-aaral para maging graduate ng BS Midwifery.  Hindi lang tayo sigurado kung sa hinaharap ba ay magiging requirement na ito para makapagpa-renew ng lisensya.  Pero maganda ito para ma-refresh at maglevel up tayo bilang komadrona at mas gumanda rin ang alaga na maiibibigay natin sa mga pasyente.

Higit sa lahat, hindi hindrance ang edad sa pag-aaral.  Dalawa nga sa kaklase ko ay senior na.  Kung gugustuhing matuto at mag-improve hindi talaga hadlang kung anuman ang edad mo.

Berns 4

Graduation kasama ang mga kaklase sa BS Midwifery

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s