#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Michelle Carandang

Michelle collage

Mother:  Michelle Carandang

Edad:  24 years old

Bilang ng Anak:  Tatlo (3)

Baby:  Jillian Raine 

Birthday:  October 21, 2016

 

 

 

Q:  Ano ang naging karanasan mo sa una mong pagbubuntis at bakit mo sa bahay napiling manganak?

A:   Sa una kong baby noong 2012, wala talaga akong permanenteng midwife kung kanino ako nagpapa-check up.  Noong sinubukan ko magpa-check sa health center na may public lying in, naabutan ko ‘yung nanganganak.  Siyempre madugo, tapos iyak ng iyak ‘yung buntis.  Parang natakot ako, kasi parang binabalewala  siya.  Ayoko ng ganun.  Nagpa-check up ako sa iba-ibang lying in clinic, at wala pa ring permanenteng midwife.

Michelle collage 2

 

Ang panganay na si Jaden na pinanganak sa bahay ay 5 taong gulang na ngayon.

 

Biglaan ang pagle-labor ko, sumakit ang tiyan ko.  Kaya ayun sa bahay na ako inabutan.  Naisip ng nanay ko si Nanay Mryna (midwife).  Mahigit 30 na taon na ang pamilya ko sa Brgy. Culiat at siya ang nagpaanak sa nanay ko – lahat kaming apat na magkakapatid.  Kaya pinatawag naming siya sa bahay.  Nahirapan akong ilabas ang una kong baby, pero naging maayos naman.

Q:  Bakit ka lumipat sa SafeBirth Lying In Clinic para sa dalawa mong sumunod na anak?

A:  Dahil kampante na ako kay Nanay Myrna, sabi ko sa asawa ko gusto ko talaga sa kaniya manganak.  Nasa SafeBirth na pala siya, at doon ko nalaman na bawal na palang managanak sa bahay.  Buti na lang malapit ang SafeBirth sa bahay ng magulang ko, doon kasi ako nagste-stay kapag buntis ako.  Naging regular ang check up ko.  Kapag sobrang sakit ng tiyan ko madali lang tumawag ng OB.  Puwedeng pumunta doon, at madali lang ring makontak at matext si Nanay Myrna at ang staff.  Naaalagaan ako ng mabuti doon.

Nitong huli sa pangatlo kong anak, unang buwan pa lang dinugo na ako.  OB agad ang nag-alaga sa akin. Pinainom ako ng gamot hanggang sa naging okay na.  Hindi na ako dinudugo at okay na ang kapit ni baby matapos ang ilang buwan. Nagkaroon nan g clearance para sa normal na panganganak at okay nang si Nanay Myrna ang magpaanak sa akin.

Michelle 1

 

Ang 2 years old na si Jourdan habang nasa sinapupunan pa si Baby Jillian Raine

 

Q:  Paano mo makukumpara ang alaga sa SafeBirth kaysa noong sa bahay ka lang nanganak?

A:  Mas mabuti talaga kapag may lying in na nag-aalaga sa’yo.  Mahirap ang sitwayson kapag walang matatakbuhan na lying in.  Kahit nga sa iba na walang bayad, mahirap rin ang sitwasyon – mahaba ang pila, at parang hindi ka natututukan.  Siyempre kapag buntis ka gusto mo naaasikaso ka at natutukan.  Dito kumportable, at kahit maghintay ay naka-aircon ka.

Malaking bagay rin na tumatanggap sila ng PhilHealth.  Malaki ang bawas sa gastusin.  Nasa Php 500 lang ang binayad ko sa huling baby ko.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s