BATANG 1000 (First 1000 Days), Pregnancy Stories

#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: DIANNE COYOCA

Dianne 1

 

Mother:  Dianne Coyoca

Edad: 24 years old

Bilang ng Anak:  Isa  

Baby:  Ken Caleb Coyoca

Birthday:  March 9, 2017

 

 

 

Q: Paano ka napasok sa Batang 1000 Program at bakit ka sumali dito?

A:   3 months akong buntis nang sabihan ako ni midwife Beng ng SafeBirth na magpa-member sa Batang 1000.  Nang araw din na ‘yon, binigyan ako ng orientation ng Batang 1000 Site Coordinator na si Becca.  Ito pala ay programa ng Quezon City Health Department kung saan aalagan ang unang 1000 na araw ni baby.  Simula sinapupunan hanggang 2 years old si baby ay aalagaan kami.

Mahalaga raw kasi ang unang 1000 na araw ng buhay ni baby.  Crucial raw sa development ni baby ang panahon na ito.  Kung magkukulang ng nutrisyon si baby sa panahong ito ay hindi na maihahabol.  Mahalaga raw ito para lumaki siyang malusog.

Batang 1000 collage
 

Batang 1000 Nanay Club:  Binabasa ni Dianne ang kaniyang sulat para sa anak na nasa sinapupunan pa.

 

Q:  Ano-ano ang mga benepisyo at natutunan mo sa Programang Batang 1000?

A:  Mayroon kaming libreng vitamins para sa buntis.  Pati ni vitamins ni baby ay kasama.  Nagkakaroon rin kami ng Nutritional Class kung saan nalalaman namin kung ano ang dapat kainin ng buntis, pati ni baby kapag 6 months pataas na siya.  Doon ko rin nalaman na magandang breastmilk lang ang dapat ipakain kay baby hanggang 6 months.  Walang tubig, walang ibang pagkain.  Exclusive breastfeeding lang, dahil kumpleto na ito.

Nalaman ko rin na ang ilang kasabihan ng matatanda ay hindi dapat gawin, tulad ng pagbibigkis na puwede palang makasama kay baby.  Hindi rin pala dapat naglalagay ng kung anu-ano sa balat ni baby tulad ng aceite de manzanilla dahil baka masunog ang balat nito.

Kamote
 

Healthy eating si Mommy Dianne

 

Q:  Bukod sa libreng vitamins at edukasyon, sa paanong paraan nakatulong ang Batang 1000 sa iyong pangananak?

A:  Nakabawas talaga ako sa gastusin.  Sa check-up pa lang, binigyan na kami ng malalaking discounts pagkatapos maubos ang Php 1,500 na benepisyo ng PhilHealth.  Pero nagulat kami sa baba ng binayaran namin sa panganganak ko.  Akala ko aabutin ng Php 4,000 hanggang Php 5,000 ang babayaran sa dami ng ginamit namin at sa serbisyo.  Dahil unang panganganak ko kinailangan magkaroon ng OB assistance.  Ang buong bill ko ay nasa Php 1,790 lang, kasama na ang midwife at assistance ng OB, lahat ng miscellaneous, mga gamot na kinailangan, hanggang sa Newborn Screening, Hepa B vaccine at Vitamin K ni baby.  Pati post-partum check-up ko ay libre, at ang Pedia check-up kay baby ay may discount.  Sulit na sulit talaga.

Ken 1
 

Batang 1000 Baby Ken Caleb

 

Q:  Ano ang iyong plano para patuloy na pangalagaan si baby Ken?

A:  Kahit bagong ina ako, hindi na ako takot alagaan si baby kahit mag-isa dahil nasa trabaho ang asawa ko.  Natuto ako ng practical tips tulad ng kung paano siya papaliguan.  Kailangan raw pala ay takpan ang tenga ni baby at magandang tip ito sa first time nanay tulad ko. Binigyan rin kami ng  booklet na guide sa pag-aalaga kay baby at naroon rin ang tamang schedule ng bakuna.  Dadalo ako sa mga Nutritional Class ng Batang 1000 linggo-linggo, at susundin ko ang pagpapa-check up kay baby hanggang mag-2 years old siya.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

Leave a Reply