#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: GIANA ENCINA

Giana 7

 

Mother:  Giana Carla Encina

Edad: 27 yo

Bilang ng Anak:  Dalawa (2)

Baby:  Seth Irvin Encina

Birthday:  September 5, 2016

 

 

 

 

Q: Bakit niyo mas gustong manganak sa sa private lying in kaysa sa ibang pasilidad?

A:   Gusto ko talaga sa private lying in manganak.  Parang nakakalula kasi sa ospital.  Gusto ko konti lang ang nakikita kong tao, lalo kapag nanganak ako.  Sa una kong baby sa lying in rin sa Novaliches ako nanganak.  Parang mas personalized at tutok talaga ang pag-aalaga.  Kaso lang sa pangalawa kong baby, nagulat ako na sarado na yung lying in na pinag-anakan ko dati.

Giana 5

Paghahanda para kay Baby Seth Irvin

Q:  Paano kayo napunta sa SafeBirth at bakit niyo naapagdesisyunan na dito manganak?

A:  Two months pa lang ako noon noong nalaman kong buntis ako kaya nag-ikot ako sa bayan ng Novaliches para maghanap.  Pang-apat ang Safebirth sa nabisita ko, tapos naging magaan agad ang loob ko.  Malinis, maganda ang ambiance, pati ang kulay .  Napaka-accomodating ng nurses, nasasagot nila ng maayos lahat ng tanong ko, hindi ako nahihiya na magtanong pa.  Gusto ko ‘yon. Minsan kasi hindi ka na makapagtanonong kapag sobrang busy na sa mga ospital o mga center.

Inexplain nila sa akin ‘yung process ng PhilHealth, at sila na ang nag-asikaso.  Pati presyo, sistema, at kung gusto ko ba ay midwife o doktor.  Nasa akin talaga ang choice.

Q:  Bilang working mom paano niyo inayos ang inyong oras para regular na makapagpa-check up?

A:  Ginagawan ko talaga ng paraan para masunod ang regular na check-up. Nagtuturo kasi ako noon ng English sa mga Japanese sa Quezon City. Araw-araw may pasok ako pero minsan ay sa umaga o sa hapon. Minsan na-aadjust ko ang schedule ko.  Pero nakatulong rin na puwede kong i-text ang midwife o nurse para makapag-adjust ng schedule.  Madali silang kausap at flexible. Kaya hindi rin naging mahirap sa akin na sundin lahat ng payo at gawin lahat ng tests.  Gusto ko kasi namo-monitor ko lahat, kung anong itsura ng baby ko, ano ang weight.  Gusto ko magawa lahat ng parte ko bilang isang ina.  Para hindi ako magsisi at walang mangyaring hindi maganda sa baby ko.

Q:  Paano nakatulong ang regular na prenatal check-up sa inyo?

A:  May panahon kasi na umaakyat ang blood pressure ko.  Kaya sa tulong ng midwife na-monitor ko ang BP ko at pati timbang.  Pinayuhan rin ako na magbawas ng sugar, kaya nagbawas talaga ako ng sweets.  Sinunod ko lahat.  Ayaw ko na kung kailan ako manganganak doon magkaka-kumplikasyon at bigla pa akong ma-transfer sa ospital.  Gusto ko maging maayos lahat.  Dahil sa mga paghahandang ito, naging maayos ang panganaganak ko.

Giana 2

Kulitan kasama ang panganay at bunso

Q: Ano ang tips mo sa ibang wais nanay na katulad mo? 

A:  Number 1, huwag silang tatamarin sa check-up. Maghanda ng budget para mapagawa lahat ng laboratory tests.  Pangalawa alamin kung ano ang tamang paanakan para sa kanila.  May internet na ngayon kaya mas madaling mag-search.  Kahit ospital o lying in, basta ‘yung para sa kanila ay maayos.  Para siguradong okay si mommy at baby.

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s