#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: CRIZELLE CONSTANTINO

Cheng tummy 2

 

Mother:  Crizelle Constantino

Edad: 30 yo

Bilang ng Anak:  Dalawa (2)

Baby:  Caden Radney Martinez

Birthday:  March 9, 2017

 

 

Q: Ano ang naging karanasan mo sa iyong unang panganganak?

A:   Sa isang pribadong ospital sa Pampanga ako nanganak kay Freya.  Maliit lang siya kaya naging madali at normal ang aking panganganak.  Inabot ng mahigit Php 20,000 sa kabuuan ang binayaran ko sa ospital.

Binuhos ko ang alaga kay Freya at sinigurado ang breastfeeding sa loob ng unang taon. Dahil sa breastfeeding, hindi siya sakitin.  Nilalagnat lang siya kapag nagpapabakuna.  Hindi siya nagkakasakit dulot ng anumang impeksiyon.  Maaga rin siyang natutong maglakad.  Accelerated pa siya sa school, mula Kinder 1 ay Grade 1 na siya agad!

Cheng Freya

Ang panganay na si Freya Allure excited rin sa pagdating ni baby Caden Radney

Q:  Ano ang kaibahan ng pangalawa mong pagbubuntis?  Ano ang mga natutunan mo sa unang pagbubuntis?

A:  Galing sa Pampanga, taong 2011 lumipat kami ng Quezon City. Naghintay talaga ako ng limang taon para matutukan ng alaga si Freya.  Noong ipinagbuntis ko na ang pangalawang baby ko na si Caden Radney, siguristang ina pa rin ako.  Lagi akong nagva-vitamins at nagpapa-check up.  Kahit hindi iutos ng doktor lahat ng diagnostic at laboratory tests ginawa ko.  Dalawang beses pa ako nagpa- Biophysical Profile test para lang siguradong sigurado na okay ang development ni baby sa loob, kumpleto ang mga bahagi ng katawan niya hanggang sa kaniyang puso, internal organs, atbp.

Q:  Bakit ka lumipat sa private lying in at ano ang naging karanasan mo dito?

A:  Sabi-sabi ng mga kaibigan ko mas maalaga raw sa mga lying-in.  Nag-search ako sa internet at napunta ako sa SafeBirth website.  Nakita ko na parang ospital rin ito, maayos at malinis.   Tumawag ako at saka tumuloy sa SafeBirth Tatalon.

Natuwa naman ako dahil napaka-friendly, maalaga at maasikaso ng lahat ng staff.  Parang naging kaibigan ko na nga sila hanggang sa nanganak ako.  Tinetext ako ni midwife Chen at nurse Nette ng mga paalaala.  Kahit kalian puwede ko silang i-text o tawagan kung may kailangan akong ikonsulta at lagi silang available at mabilis magreply.

Kahit PhilHealth ay sila ang nag-asikaso.  Dahil gusto ko kumpleto, lahat ng bakuna at maging expanded New Born Screening ay kinuha ko, para lahat ng posibleng sakit na sakop nito ay masuri si Caden Radney.  Kumpara sa Php 20,000 sa ospital, umabot lang ng Php13,000 ang binayaran ko kasama na doon ang midwife at OB Gyne na nagpaanak sa akin, mga bakuna, Newborn Hearing at Expanded Newborn Screening.  Pati Birth Certificate sila na ang nag-asikaso! Kumpleto na.  Plano ko sa SafeBirth rin ipa-check sa Pedia ang anak ko.

Cheng collage

Si baby Caden Radney ang bagong blessing sa kanilang buhay

Q:  Ano ang tips ng isang siguristang nanay tulad mo sa ibang ina?

A:  Kung alam ko lang na maayos at walang hassle sa SafeBirth dun na ako dati pa.  Mas sulit at talagang alaga ka. Siguraduhin lang rin ng mga ina na kumpleto ang kanilang check-up, kumakain sila ng tamang pagkain tulad ng prutas at gulay, uminom ng vitamins, at okay ang kanilang midwife o doktor at siyempre ang lying in na pag-aanakan.  Tulad sa una kong anak, plano ko rin i-breastfeed si Caden Radney.  Ini-rerekomenda ko rin ito sa ibang ina.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s